Paano po pag may kids? Hindi po ba unfair sa kids na ilayo sila sa father nila?
I don't think so. It doesn't mean they cannot see each other. Kaso another issue ulit iyan visitation etc. Pero come to think of it, di ba mas makakabuti sa mga bata growing up not seeing a lying father or emotionally suffering/haggard mom? Kesa makita nila blatantly niloloko nanay nila at okay lang?
Gusto mo kalakihan nilang values ang di Pag respect sa kababaihan? Gusto mo ba na maraming kabit din ang anak mong lalaki or yung babae mong anak ok lang maging kabit or legal nga, ok lang may #2/3/4 ang asawa?
Sabi niyo nakipaghiwalay yong ex mo sa kabit niya and even asked you to stop the annulment which happens to be very long and expensive. Based po dito, i assumed he asked for 2nd chance?
Actually I don't know their story and I already didn't care at that point. Sabi nya wala na sila. But I don't know kung sino nang iwan kanino. Since mapride ang ex ko he didn't ask me to stop the annulment, tinanong lang nya if it is necessary.
Annulment was long and expensive but it is all worth it, compared sa paghihirap na pinagdaanan ko.
Tsaka Isa pa, sinungaling syang tao. Malay ko ba kung totoong hiwalay na sila? Wala na syang kahit katiting na credibiladad sakin, why would I want to be with that kind of person, I will only make his and my life more difficult kung ipilit kong makipagbalikan. Babantayan ko sya ng husto at mag ala detective, as if I have nothing better to do in life. Sya naman ewan ko patago at laging careful mambabae para di mabuking? Gosh, pathetic.
In your experience po, kailan mo masasabing tama ang magbigay ng another chance?
If BOTH of you still love each other. Take note di Ikaw lang ang nagmamahal, dapat sya din. In fact, sa ginawa nyang kasalanan, dapat mas mahalin ka pa nya.
Effort talaga for him to make the family intact. Truly sorry at Hindi isang sorry lang balik na naman sa dating gawi at pagsisinungaling.
Lastly, as the Wife, kelangan you won't feel any insecurity or paranoia of some sort to be with him again. Dapat wala yung fear na 'baka maulit ulit kaya bantay sarado asawa mo'. Para sakin Hindi healthy iyang relationship na iyan, one way or the other, the marriage will still breakdown, so para san pa na nag reconcile kayo kung away din kayo ng away at mauuwi pa sa hiwalayan. Parang pinahirapan nyo lang mga sarili nyo.
Regarding sa neighbor mo, maganda work ng lalaki - no wonder malapit din sa tukso.
Financial support is a major concern. Kaya as women, we should be financially independent. Para Kung nagloko asawa mo, you can still find happiness by leaving him.
Bata pa lang ako may cheating issues na sila pero hindi nagkipaghiwalay yong wife kasi paano na daw ang financial support. And at the same time sabi niya siya daw ang legal wife so kahit mamatay pa yong hubby niya sa kanya pa rin ang lahat ng benefits.
Im sure this has entered our minds. Bago makipaghiwalay what are the pros and cons. Ang question ko lang is paano mo masiguro na sya una mamamatay sa inyo, to think Ikaw ang tagasalo ng kunsumisyon at sya naman ang laging masaya? Secondly, natural na sinungaling yung lalaki, so paano mo din nasiguro na ang mga ari arian nya or cash eh di nya pinapangalan sa mga kabit nya or anak sa labas? In other words, anything with these types of people (philanderers) eh siguradong di mo din maaasahan.
Literal po nasa isang bahay sila pero they no longer treat each other as husband and wife. and Hypothetical question lang, would you allow this kind of setup?
No way. Not to me, to my Daughter or even to my parents. I always think we only have 1 life to live. It is best to make it worth living. Find yourself, find happiness and be at peace with God, yourself and others. Masyadong maikli ang buhay para i-subject mo ang sarili mo sa ganyang buhay na parang impyerno/purgatoryo. Have some life, have some dignity. Have some true happiness.
Edit: agree w lovemeagain, not worth sayangin mo buhay mo nang ganyan. Your parents hirap na hirap to bring you up well, loloko lokohin ka lang ng isang lalaki, at papayag ka naman?!
Sa kids naman nila ngayon lahat may sariling family tapos si husband sa bahay na lang kasi na stroke siya 2 years ago yata.
Isa pa Ito...
During his happy days, babae at inuman ang pinagkakagastusan nya. I think one of the stories ng GT na feature din when hubby came back to Wife, Pero nung nabaldado na. Ano tingin nila satin? Caregiver? Kung Kelan sila na-stroke tsaka magbabait-baitan para may mag alaga, as if they have a choice.
Swerte kamo ng neighbor mo at nastroke ang babaerong asawa nya. I bet mas nakakatulog na sya ngayon ng mahimbing. Though maybe not as lucky, she would have been luckier had the hubby died, mas mahimbing siguro tulog nya.