Kung pumayag ka maging kabit, dapat ihanda mo na rin ang sarili mo sa panghuhusga ng mga tao. Hindi kasi mawawala yan. Kahit pa pamilya mo at mga kaibigan mo, huhusgahan ka. Only a minimal number of people will not. Mostly dito ay yung mga nakaranas na maging kabit or still a kabit. Kayo kayo magdadamayan kasi kayo2 nakakaintindi sa isat isa. Gaya din ng mga legal wives. Sila magkakampihan kasi nasa parehas na sitwasyon sila.
Ako, gf din ako. And i would really be devastated pag nag cheat ang bf ko pero since hindi pa naman, i will try to be fair.
IMO, hindi maganda na nanghuhusga tayo agad ng mga kabit. Hanggat hindi natin alam ang totoong kwento nila, hindi tayo pwedeng magsalita. Unless tayo yung orig wife/gf. Tsaka kung magagalit tayo sa mga kabit, dapat same level of galit din sa mga partner natin. Or dapat more pa nga. Kasi dalawa sila ang nagkasala. Mas malaki pa nga kasalanan ng partner kasi si kabit, hindi ka naman kilala nyan eh (unless otherwise), bakit ka nya iintindihin? Bakit niya poprotektahan ang feelings mo at the expense of her own? Harsh, pero ganito ang mga tao ngayon. Pag hindi kita kilala, wapakels ako sayo. Pero ibang usapan si husband/bf. Kilala ka nya. 'Mahal' ka nya. May pinag samahan kayo. May relasyon, anak, plano, everything. Kaya dapat concerned sya sayo. Dapat hindi ka nya gugustuhing masaktan. Dapat hindi sya gagawa ng bagay na ikasasakit ng damdamin mo. Hindi ko kinakampihan ang kabit ha, pero wag sana tayo magalit sa isang tao lang tapos mag bubulag bulagan sa kasalanan nung malapit sayo. Kaya may nanloloko ng pa ulit2 kasi alam nilang pag nagkabukingan, yung kabit lang ang mapapahamak. Sila, magsosory lang, mangangakong di mauulit, forgiven and accepted na.
At hindi lang sides ni guilty partner at kabit ang dapat tingnan. Wag natin kalimutan na may isang side pa. Ang side ni wife. Minsan, may kasalanan din ang wife/gf kung bakit nangabit si mister. Although very cowardly pa rin si mister dahil nangabit dahil nagkaproblema sila ni misis, still, pwedeng may pagkukulang talaga si wife. Try to assess din ang ugali ni misis. Baka bungangera o sobrang selosa, sinasaktan si husband (meron nito ha), sobrang maluho, o minamaliit si mister (emotional abuse) etc etc. Hindi porke orig ka ay perfect ka na. Hindi porke nangaliwa si mister ay wala ka ng pagkakamali. Im not saying sa lahat ng cases ganito, pero may nangyayari talaga. Pero it does not mean na tama si husband and mistress. Kahit anong pagbabaligtad pa ang gawin, mali pa rin sila. Wala lang talaga silang pakialam. Oo mali, ano ngayon? Dito ako masaya.-ganto peg nila
At agree din ako na hindi lahat ng kabit, makati o malandi o masamang tao. hindi rin lahat pera lang ang habol. Kamusta naman yung mga kabit ng mahihirap? At hindi lahat ng nangangabit, sex lang ang habol. Minsan, na iinlove din si mister sa iba, yung totoong love, at mas masakit yun kay misis kesa sa simpleng pa sex sex lang. Tingnan din ang background ng marriage. Talaga bang ginustong magpakasal? O napilitan lang in a way? Nabuntis si girl at yun ang naging sole reason to marry? Or na pressure lang dahil sa tagal ng relationship na nila? Or worse, pinilit ba ng babae, o friends o ibang tao? In short, hindi ba buo ang loob niya magpakasal? Factors din kasi ito. Pwedeng hindi niya ganun kamahal ang wife niya pero pinakasalan niya dahil sa isa sa mga reasons above (may mga stupido talaga minsan na hindi nag iisip muna). At talagang genuine na mahal niya yung kabit.
Pero eto lang. Para sa mga kabit, lalo na kung matagal na kayo, kung talagang mahal kayo nyan, iiwan at iiwan niya ang asawa niya at itatama ang relasyon nyo. Gagawing legal ang paghihiwalay nila (annulment). May kakilala ako, iniwan niya talaga ang wife niya at ngayon, on process na ang annulment nya for his 'true love' daw. Ewan ko lang, pero so far kasi napapatunayan niya naman talaga na seryoso sya sa girl. And take note, hindi mayaman si guy kaya pinaghihirapan nya talaga ang annulment. I know legal wives, na hindi makatarungan ito. At masakit. Sobra. Pero come on, it's a harsh world out there. Pag ganyan, better let him be, dont waste your time on them. Baka in the end magpasalamat pa kayo na hindi na kayo na stuck sa isang miserableng kasal.
Sa mga mag bf/gf palang, hindi ko alam kung bakit nyo pa pinapakumplika. Compared naman sa mga kasal na, madali nalang maghiwalay para sa inyo. Kung ikaw 3rd party dito, wag mo na patagalin. Kung talagang mahal ka nya hihiwalay sya sa gf niya. Kahit pa live in na sila o ikakasal na o me anak na. Kung ang may asawa nga nagagawang iwan ang asawa niya yung gf lang kaya? Again, it's a cruel world. Kung ikaw naman ang gf, be thankful nangyari ito bago pa kayo maitali sa isat isa. Kung malinaw naman na hindi ikaw ang mahal niya, pabayaan nyo na sya.
Sa mga legal wives, alagaan nyo ang mister nyo. Wag masyadong nang aaway at lalong wag aapihin si mister.kasi hindi porke nakatali sya sayo, hindi ka n nya pwedeng iwan. May annulment po tayo.
Sa mga lalake, make up your effin minds! Pumili ka. At panindigan mo ang pinili mo.
Just my stand on this. Not arguing with anybody.