Girltalker2 - mmm… feeling ko lang... di na ba kita kakampi?
Kakampi kita. Nagtataka lang ako bakit ang chismoso mo when it comes to mistresses. Pero totoo iyan nakakatulong talaga sa mga wife. Pero in recent years, natuto nako tumahimik minsan kasi kapag sila pinagsasabihan, kahit gf/bf palang na malaki ang potential na manloko ang partners nila, hindi sila nakikinig at sayo pa magagalit. Eventually, sila din ang iiyak.
Yup, been there, done that. I think maraming factors why these things happen. Of course di ko mabuntong ng sisi lahat sa ex ko, kahit 90% of the time sya ang may mali. Ang mali ko --- hindi ako pumili ng matinong asawa, hindi ako marunong manghuli, hindi ako marunong magmanage ng relationship, and hindi lang sa hindi mature yung ex ko that time, pati ako not mature enough to face this situation.
May isang thread nga nagtatanong ako - broken marriages - infidelities --- lahat ito ay signs lang na hindi pa talaga handa ang mga tao before sila humarap sa simbahan. Hindi nila naiintindihan 100% what marriage is all about, tapos sasabak na agad. Pero at that time, during my time when I got married, sinasabi nila - matututunan mo naman eventually iyan. Pero hindi eh. Iba na ang panahon ngayon. Nung time ng parents siguro natin, where both sides have stronger commitments to the marriage, mas mataas din ang patience nila at self control, puede pa. Pero these times? Kung kelan naglipana ang mga malalanding babae sa mundo, kung kelan mas brave na ang mga babae mag express ng feelings nila, kung kelan wala nang hiya ang mga babae ma associate sa mga may asawa, ... Parang impossible na magwork ang marriage if sasabihin natin na - eventually matututunan rin natin eventually.
Pero nahihiya naman ako sa yo sis, talagang binasa mo post ko ha? 
(dapat may “LIKE” features ang GT ala Fezbuk ano?) 
Oo nga, parang almost 99% of your posts nag aagree ata ako hehe.
Now, am I curious? NOoooo! Para que? Mistresses? Why? I don’t even entertain nor have thoughts of getting married. Pano mangyari yon?
That's good. I guess you're one of the few who has been enlightened that marriage is not a game, it is a lifetime commitment.
Actually, kung ilatag man ng mga mistresses (o former mistresses dito ang mga “generic” details na sinasabi ko, ang mas makinabang ay ang mga MARRIED sissies dito. Sa ganun, as I have said, kung wala man sila kamuwang-muwang, at least may INDICATORS na sila na pagtuunan ng pansin kung nagloloko nga ba ang mga esposo nila.
Nasa sa wifey naman iyan. Kung bukas ang loob nila, mag iisip sila ng tuwid. Kaso most of the time, dahil sa sobrang obsession to have a happy family, dahil sa pagportray narin ng media na dapat lagi happy ang family (kahit super babaero ang asawa), wives tend to have a coping mechanism - na puede na nila lokohin ang sarili nila at matinding magps-psych na mahal na mahal sila ng asawa nila kahit na hindi. Kasi kung hindi mo lolokohin ang sarili mo na mahal ka ng asawa mo, masisira ang ulo mo.
Mmm, How about you Girltaker2? Why not share your experience(s) instead with that manloloko… sinunggaling, philandering, babaero, hayok sa laman, no-good, Pinoy, EX-husband of yours? …(itinodo ko na ha? bitter ka naman sa kanya based on your previous posts eh).
What were the INDICATORS nung una mong naramdaman/pinaghinalaan na may kinalolokohan na sya?
You bet, malaking tulong sa mga wifeys dito ang i-share mong pointers.
(yan kung ok lang sa yo bilang nakakatandang, well-experienced, open-minded sister sa nakararami dito... dare?
)
Naku ikaw ang hindi nagbabasa haha
I have shared my experiences in other threads. Dito kasi kala ko mga mistress lang magshare. And I was never one, so malay ko ba.
But seriously, I think the main point I have shared here is yung mga lalaking may mga kabit ang dapat ibitin ng patiwarik. Sila ang mas malalandi. Never sila marunong magmahal ng iba na higit pa sa sarili nila. Sila ang dapat makulong or maputulan. Tingnan lang natin kung gusto pa nila magkaron ng kabit.
Paano mo malaman, a wife knows. Kunwari lang hindi nya alam para nga maloko nya sarili nya na mahal sya ng asawa nya and life goes on happily as others can see it (kahit gulong gulo na ang utak mo at di ka makatulog).
Kasi naman mga sissies, bago nyo batuhin ang lahat ng mga kalaguyo, o paghingaan ng sama ng loob ang mga kapatid natin dito na umaming mistress o naging mistress… bakit hindi muna kayo magmuni-muni at tanungin ang mga sarili nyo? (tatlo lang yan)
Hinayaan ko ba mangabit ang asawa ko?
Alam ba ng asawa ko kung ano ang mawawala sa kanya pag niloko nya ako?
May kinikilalang Panginoon pa ba kami na namamagitan sa buhay namin bilang mag-asawa?
Ngayon, kung may nakaligtaan kayong isa sa tatlo at ngaw-ngaw pa rin kayo ng ngaw-ngaw. Eh, Ibang tao naman ang gusto nyong ipako sa krus… heh! Tumigil ka nga! Ikaw ang latigohin ko eh.

You have great questions there.
But as for me, when this happened to me, I did not have an incling where to start. I was young, immature, do not know how to address the problem. You see, my ex hubby was my one and only BF for more than 10 years (oo bata pa kami childhood sweethearts) before we got married. Noong araw (yes matagal na), hindi pa kasi uso ang pre-marital sex at bawal iyan. So I guess this was one of the factors that led him to propose to me again and again (3x) until it became an ultimatum na if you are not ready then it will never be "us", kaya we have to call it quits. Ako naman - at that time - not knowing what is happening around us, not even thinking or analyzing the relationship, Kako siguro "matututunan ko rin ang pag aasawa when I am there already". So pumayag din ako. Little did I know that this decision will eventually destroy more than 10 years of my life (essentially my late 20s to mid 30s).
Other advises? Mag isip 10x before getting married - aside from if you REALLY love each other, isipin, do you really KNOW and UNDERSTAND what marriage and lifetime commitment is all about?
Coping mechanism? So when my ex hubby had a mistress, I do not know where to go, what to do. I was never exposed. I do not know how to handle men. I was at the brink of my sanity. I committed suicide as well. I have done everything, went to witchcraft, arbularyo, you know the 3am prayers in latin? basta meron nyan, novenas, private investigators, assassins, whatever. Lahat. I tried. But nothing worked except one - it was me. It was me, my emotional and mental state that I have to fix. Hindi si mistress ang kelangan patayin. Hindi si hubby ang kelangan ipa-private investigator. It was me na kelangan lumayo, pick up the pieces and start a new life. It took me a lot of time to know what to do because late bloomer nga ako. I had to do my own research as my family was conservative. Both parents (in laws and mine) prefer me to stick it out with my philandering hubby kasi naman lahat happy, ako lang ang sad. As opposed to kapag hiniwalayan ko si hubby, magugulo ang mundo ng lahat. Pero after a lot of thinking and thinking and thinking, aba, maryosep, ayoko ata maging sacrifical lamb na tipong lifetime hell. Sila masaya ako hindi? So I had to let go, a lot of counseling. And I had to do it all by myself. Yes I have friends, just a few, but they can only do so much. Sarili ko yung kelangan ko ayusin. Being a latebloomer, then being psychologically, mentally and emotionally abused, mahirap bumangon unless humiwalay talaga ako. So here I am, never been happier, ever since I ditched that ex hubby of mine.
Pero one thing na hindi ko pinagsisihan - I never made any iskandalo or any pagsugod sa kabit. Hindi ko alam kung tama ito. Sadyang hindi kasi ako palaban, hindi din ako matapang. Pero looking back, I am glad I never did this thing. Pero sabi nga ng iba, kapag ikaw ang wife, matapang nga, it will at least somehow prevent your hubby from straying. Hindi ko alam.
Another thing din na hindi ko pinagsisihan - hindi ko pinapatay si mistress at si ex. haha I just let them be until sila narin nagsawa sa isa't isa. But too late for my ex, wala nakong natitirang respect sa kanya and therefore the marriage can never work na.