Author Topic: Di ko feel ang family nia  (Read 16323 times)

KVsWahmmy

  • Guest
Re: Di ko feel ang family nia
« Reply #20 on: December 06, 2013, 07:08:29 pm »
sis miss resilient, to answer your question: "Normal ba ito o mashado lang akong maarte. Please give your piece of advise...thanks."

Normal hindi magustuhan ang ilang aspeto ng pagkatao ng in-laws.
Kaartehan ang mag-nitpick ng personalidad at buhay nila. :)

My advise:

Someday, you may become a mother-in-law too. Your own family will become another person's set of in-laws - isipin mo kung paano mo gustong itrato ka ng magiging future in-laws mo with your anak. Ganoon na lang. :) Kung di mo sila bet, e di hindi - pero be civil to them, and be open-minded pa din.



imbisibol_

  • Guest
Re: Di ko feel ang family nia
« Reply #21 on: December 07, 2013, 04:23:07 am »
I mean, hinde naman parang sakit na nakakahawa ang paghihiwalay.

THIS!!!  ;)

...dapat iconsider rin nila na makakasundo ang family ng magiging asawa nila..kasi ito ang bagay na di ko napag isipan before sa sobrang pagmamahal ko sa husband ko.

if your love is indeed overflowing, then you freely and graciously take what your husband comes with, no ifs or buts- in a nanosecond. 

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Di ko feel ang family nia
« Reply #22 on: December 07, 2013, 09:26:36 am »
At the end of the day sis, you don't really need to be friends with them just RESPECT them. And it seems on your post that they lack GMRC so that means ikaw ang may GMRC so show and let them feel that.

miss resilient

  • Guest
Re: Di ko feel ang family nia
« Reply #23 on: December 14, 2013, 02:13:51 pm »
Pag major holiday laging dun sa family nya. Are your parents still alive? Baka pwede pag-usapan na minsan dun naman kayo sa family mo.

And sabi mo kapag may issue automatic sila ang kinakampihan ng asawa mo. Does that make you feel like an outsider? That you're not as important as his family? Na kung kailangan mamili for sure hindi ikaw ang pipiliin? And trending sa family nila ang hiwalayan. Worried ka ba na if magkaron kayong mag-asawa ng malalang away instead na tumulong to patch things up eh kampihan pa nila asawa mo and encourage na umuwi na lang sa kanila and makipaghiwalay na sayo?

You don't feel so secure in this marriage kaya may namumuong resentment.

father ko na lang ang alive..kaya nga minsan gusto ko kanya2 kame pag holidays..dun ako sa min dun sha sa kanila..parang di niya gano feel magtagal sa house namin...i think tama ang pagkakaanalyze mo..para kasi sa kanya ang family niya hindi nagkakamali. nun ngang naterminate ang kapatid niya sa work tinawagan niya yung boss inaway away nia. kasi nga daw kilala niya mga kapatid niya...at oo ..sa tingin ko kakampihan siya ng mga kapatid at nanay niya at di rin makakatulong dahil kung talagang nakakatulong sila e di sana tumulong ang nanay niya para pag balikin ang mga asa asawa ng anak niya. hindi ko na ididetail ang complaints ng mga bilas ko sa kapatid ng asawa ko...pero may kanya kanya silang rason kaya pinipiling humiwalay sa kanila...ako na nga lang ang naghohold on at nagttyaga sa asawa ko..sabi nga ng ptra namen..do not give up on him.

and sa tuwing sinasabi ang salitang pamilya..mas naiisip niya ang mga kapatid at nanay niya kaysa sa aming dalawa..hindi niya ba ko pamilya? this holiday nga sabi ko ibibigay ko kung ano gusto mong gift wag mo lang akong pasamahin sa lakad ninyo. I am actually praying to God bakit ganito ang nararamdaman ko towards his family  :(

sa lahat ng nagbigay ng kani kanilang opinion..maraming salamat po
« Last Edit: December 14, 2013, 02:28:58 pm by miss resilient »

angelparvian

  • Guest
Re: Di ko feel ang family nia
« Reply #24 on: December 18, 2013, 08:00:05 pm »
di ko rin feel ang mga kapatid na lalake ng hubby ko. nakakainis kasi yun umaasa sila sa hubby ko puro sila walang trabaho. sinasabi ko na lang sa sa hubby ko yun sama ng loob ko. ayun kinausap niya. nasa side ko naman ang hubby ko. he thinks im right hahahaha

bluegintonic

  • Guest
Re: Di ko feel ang family nia
« Reply #25 on: December 22, 2013, 09:31:53 pm »
Mrs TS-kung mapipili lang natin ang magiging kamag-anak natin ;D

Seriously, We don't have to "love" them but they are a part of our family.We live abroad, away from our respective families and it's a blessing kasi we're not with them.The most I do, nagpapadala ng cake,flowers and a gift during special occasions.Gifts paminsan-minsan.Ang hirap ng sitwasyon mo pero don't judge his family, just be thankful together pa kayo ng asawa mo.And pray to God na hindi kayo matulad sa kanila.Iba iba lang sitwasyon natin sa buhay but just learn to accept the differences without having to feel remorse or guilt na you don't feel like you can love them.bakit pag ibang occasions i-try mo din sa family mo naman para patas kayo? I-suggest mo or if di mo feel, just beg off na lang tutal magkikita pa naman kayo ulit.Pero kung self-righteous ang tingin niya sa family niya (including himself) then kayong dalawa ang may issue, secondary na lang yung malayo ang loob mo sa relatives niya.

miss resilient

  • Guest
Re: Di ko feel ang family nia
« Reply #26 on: December 23, 2013, 12:46:19 pm »
^thanks bluegintonic...

ngayon nga ganito ang arrangement namin..Christmas eve sa house namin (own house)..25th with his family gusto niya maghapon kami dun! tapos 31st, sa house ng family ko then jan 1 sa bahay ng papa nia.may iba na rin kasing family ang papa niya..dami naming pinupuntahan pag ganitong okasyon.

hisana

  • Guest
Re: Di ko feel ang family nia
« Reply #27 on: December 23, 2013, 01:28:04 pm »

I can relate. I don't like most of his family either. I don't wanna go into too much detail, but I am a firm believer that love and respect have to be earned, and sadly there's not much that's lovable or respectable about some of them. This is after years of trying to get to know and observe them ha, not just something I felt in a span of a few meetings with them. Of course, civil pa rin ako sa kanila, but honestly I try to avoid any sort of contact with them as much as possible. Iba talaga when I'm around them eh. Kahit sila-sila magkakapamilya eh sometimes hindi magkaka-ayos, eh di lalo naman akong mas uncomfortable na makisama pa sa mga issues nila. I know they can sense I'm avoiding them and I'm sure napagchismisan na ako to death, but this is all I can offer for now. Also, there was one time that I was treated badly and it really put a crack on my relationship with that person (an older relative nya). Sa akin lang, yes kamag-anak ka nya and yes you are older than I am, but hindi ako inalagaan ng father ko para apihin lang ng iba, so know that I have lost respect for you.

Well, good luck to us na lang!  And Merry Christmas.  :)

miss resilient

  • Guest
Re: Di ko feel ang family nia
« Reply #28 on: December 26, 2013, 08:51:48 pm »
^exactly. respect must be earned.

but somehow na realized ko din na ang may problem ang husband ko with the way he treats me versus his family. one time nung nagpunta ako sa house nila..nakita ko yung isa naming gamit andun  na pala! ni hindi man lang niya ko kinunsulta kung ok na bang ibigay yun or something. although wala naman sanang problema kung sinabi man lang niya sa akin or pasintabi man lang kaya. >:(

marge070407

  • Guest
Re: Di ko feel ang family nia
« Reply #29 on: January 19, 2014, 05:14:40 pm »
I think we need to accept them for who they are. Pamilya mo na din sila and dala mo na din ang surname nila.  Siguro learn to love them na lang. Siguro naman may natitira pa din kabutihan sa puso nila.  Siguro naunahan ka lang ne negative. Isipin mo na lang mga positive sa kanila.

DianeShishio

  • Guest
Re: Di ko feel ang family nia
« Reply #30 on: January 19, 2014, 06:14:51 pm »
Tama na divided lahat ng major holidays between your families.

Just be civil, show up, give them all wide smiles, then nod and smile whenever they say something that's just absolutely bollocks to you. If it gets to the point na intolerable na sila, excuse yourself,  go the comfort room an play candy crush.

IMHO, sino ba naman ang ayaw maging kasundo ang family ng SO nila? Most of the women who have commented on this thread tried and probably are still trying. Ang problema lang kasi, not everyone is "user-friendly". It would be amazing if we could just as easily love our in-laws selflessly just as we love our own families, but that isn't the case kasi nga iba yung culture nila, iba yung values, iba yung way of thinking. Kung hindi talaga kayo magkawavelength ng in-laws mo, just try to be more tolerant, tapos paguwian na, give yourself a pat on the back for being patient. :D

khriseeee

  • Guest
Re: Di ko feel ang family nia
« Reply #31 on: January 20, 2014, 04:05:13 pm »
I think it's reasonable they would want the family to be together during holidays and hubby's birthday. I mean, wouldn't it be strange if they DIDN'T want to spend time with you or hubby during these special holidays?
What is your exact issue with the family? The fact that the other members of the family are separated isn't really an issue on how their treat you and hubby is it? I mean what if it was an abusive relationship dba? It doesn't have anything to do with your and your hubby or your marriage.

BDJ

  • Guest
Re: Di ko feel ang family nia
« Reply #32 on: February 24, 2014, 08:37:18 am »
Honestly in my case puro hiwalay rin ang family ng husband ko but we are positive and have strong faith regarding this matter that is why we are not worrying about it. Saka maayos ang pagkatao naman kasi ng husband ko in which pangarap niya talaga na magkaroon ng kumpletong family in which yun talaga naging goal niya kaya malabo rin na makakagawa ang isa sa amin ng paraan para hindi kami maging stable sa relationship.

I don't know yet kung bakit medyo negative or hindi mo feel ang family ng partner mo. Kasi in my case kapag ganyan ang feeling ko meaning there is something wrong na hindi mo kayang tanggapin ng ganun lang. But since family mo na rin sila wala ka nang magagawa but learn to accept them basta isipin mo na lang mas mahalaga na maayos ang trato nila sayo.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Di ko feel ang family nia
« Reply #33 on: February 25, 2014, 06:43:55 pm »
ay parang lam ko na kung anong tawag sa ganyang pangyayari binabanggit ni TS... one word, Selos!   ;D

Selos lang yan sis.  :) Tingin ko nagseselos ka lang sa extra atensyon na binibigay ng husband mo sa pamilya niya, kaya kahit ultimong GMRC ay nagging issue na sayo pati na rin ang trending na hiwalayan sa pamilya eh affected ka.

ganyan kasi ako dati sa pamilya ng hubby ko, at malamang ganun din pakiramdam nila nuon sakin kaya ayaw nila sakin kahit wala naman akong ginagawang mali sakanila. Una, Selos tapos ang kasunod niyan ay "Inggit".


kasi kung hindi selos ang nararamdaman mo, ano mang issues meron ang pamilya ni husband mo like yung mga hiwalayan-- wala ka na dapat pakialam dun.  ;) kahit wala din sila breeding na pamilya or kulang sa GMRC,, ang masasabi ko diyan --- again, wala ka na ring dapat pakialam dun.  ;D

ang pakialam mo lang ay maging maayos ay ang sariling mong pamilya. ikaw, asawa mo at anak niyo. pamilya mo sila by law pero it doesn't give you the right panghimasukan kung ano man ang meron na sila.

talk with your husband about what's bothering you so he can give you the attention that you need. para hindi ka mainis kung nakukulangan ka sa atensyon na binibigay niya sayo compared sa original family niya.

again, Selos lang yan sis. actually ang problem ay nasa sayo,, wala sa kanila. (sensya na honest lang!)  ;)

miss resilient

  • Guest
Re: Di ko feel ang family nia
« Reply #34 on: March 05, 2014, 01:42:22 am »
siguro nga may nakita or nalaman akong di kagandahan kaya ganito ang view ko sa kanila although wala silang maling ginagawa sa akin. minsan na sabi ko na "i should not have married you.." kaya katakot takot na away yun. sabi niya para makaganti..ano bang impierno tong napasukan ko...

momlory

  • Guest
Re: Di ko feel ang family nia
« Reply #35 on: October 12, 2015, 02:31:28 pm »
Ganito  rin ang feeling ko sa hubby ko. 3 years na kaming kasal at nangguggulo pa rin ang family niya samin. May monthly allowance na sila at kami na nga nagbabayad ng ibang utang nila. Puro hingi pa rin.
Yung mga kapatid naman niya may mga anak nagsasama walang trabaho asa samin lahat. Pano naman kami ng hubby ko.

I tried to be civil with them. Nagbibigay ako at kausap pero very little info lang. Parang mabuti po. Thanks po. Ganun lang ka simple. Hindi rin ako pumupunta sa house nila ayoko. As much as possible hindi ako nagsasalita or bilang lang na words. Mahirap na.

Diane

  • Guest
Re: Di ko feel ang family nia
« Reply #36 on: October 12, 2015, 03:14:04 pm »
feel the same too. Good thing we never had gatherings that I am obliged to attend kasi di sila sociable (#1) and they're not typical family that let you go to house kasi magulo at maraming aso sa kanila (#2) and they're the one visiting our house.

ahmone

  • Guest
Re: Di ko feel ang family nia
« Reply #37 on: October 12, 2015, 04:06:52 pm »
I think if hindi mo gusto ang family ng bf mo, iyong tipong hindi mo sila ma-take kasama, mas mabuting habang maaga pa, habang di pa kayo kasal, pag isipan mo ng mabuti kung itutuloy mong relasyon mo sa kaniya. Kasi if ganyang hindi pa kayo kasal, ganyan na ang nakikita mo sa family ng bf mo, paano pa kapag kasal na kayo.

momlory

  • Guest
Re: Di ko feel ang family nia
« Reply #38 on: October 13, 2015, 03:53:54 pm »
^mahal ko yung husband ko kahit nung mag bf and gf palang kmi. Kaya naiwas nalang ako not worth the fight ang mastress sa kamag anak. Deadma nalang.

Maldita_Princess_Bebe

  • Guest
Re: Di ko feel ang family nia
« Reply #39 on: October 14, 2015, 04:45:53 pm »
Relate ako dito at gusto ko rin makarinig ng harsh na advise para naman marealize ko kung ano ang mali ko. Situation is baligtad naman. Si hubby ko ang ang hate ang family ko. Yes, hate. My bad because I shared him the deepest - darkest secret that led him to hate my family(father & stepfather).
Well, nadamay ang mama ko & all of my relative just because of that. (Considered as accessories of the crime) He hate it so much because despite of that I am still intact with my family. I'm still talking to them. Na ang tingin ni hubby nauuto uto na ako. I support my family financially. I am the breadwinner. And isa yan sa reason bakit nagagalit ang hubby ko sa family ko is because since I started working nagssupport na ako, now na may anak na kami nagssupport pa rin ako kaya he feels like hindi sya at si baby ang priority namin. Pero ineexplain ko naman sa kanya na ang amount na nappunta sa kanila ay 25% only of my salary, 25% for myself & 50% for the my own family. My concern is ayaw nya umuwi kami sa province namin. Ayaw nya padalawin mga kapatid ko sa bahay namin. Pag dumalaw, hindi nya kinakausap. Nagbbless lang sya kay Mama and that's it. We have car, yet hindi man lang namin mapick up from the terminal or mahatid using the car. But, pag family nya willing sya ipagdrive. Sa loob ng isang taon 1 to 2 times kami umuuwi sa kanila. SUmasama ako, kase gusto ko rin naman mabisita yung family nya. Kaso pagdating saken. Ayaw nya. Sa loob ng 4 years, once pa lang at halfday lang ata yun na sumama sya papunta samen. Ni hindi man lang nag cr. sa sobrang uncomfortable nya ata. HIndi sya nakikipag usap sa mga tao.


Ayaw nya dalawin ko Ate ko at mga pamangkin, kanya lang daw attention ko.
Pero pag may reunion sila sa side nila, gora kami!
Naglielow sya kase alam nya pag ginawa nya dapat may bayad na bisita rin sa family ko.

Ang hirap lang. Kase ganun daw talaga sya. Hindi daw sya marunong makisama.
Kaya sabi ko kesa naman ipilit ko, hayaan na lang kesa pag awayan pa namin. Kaso ako nga nahihirapan. Hindi pumunta brother ko sa bday ng anak namin. :( Kase his wife is a sister of my ex.)
Pag nakita nya ako nakikipag text sa kapatid ko or chat, he get jealous.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close