watch now

Author Topic: Torn :( where to celebrate new year? With my parents or with my husband's family  (Read 2855 times)

pomelo06

  • Guest
Hello, I want to share my problem and hoping for your advice,

My mother asked me to be with them in New Year's Eve, ako lang Kasi dito sa Pinas to be with them. Parents ko lang Kasi dito sa house. Lungkot naman talaga Kung sila lang mag celebrate. Kung Wala rin naman daw silang kasama, di na lang daw sila maghahanda, itutulog na lang daw nila. Naawa naman ako sa parents ko but my husband cannot understand. He insisted na sa parents Niya daw kami mag new year, mas masaya daw Kasi dun at marami pa siyang dahilan, or dun daw siya at dito ako. Ayaw ko rin naman na di kami magkasamang mag celebrate. Hay, di ko tuloy alam. Masaya akong nagcecelebrate habang ang parents ko malungkot ng new year.

kayesl

  • Guest
when we were in Pinas, we celebrated christmas eve with hubby's family in Manila.  christmas lunch with his relatives in Bulacan then we'll go to my parents in Laguna for christmas dinner.    since christmas sa kanila, sa parents ko sa Laguna naman kami ng new years eve.  pede nyo din baliktarin every year kung both family may tradition. nakagawian na lang namin na ganitong arrangement.  at saka ayaw din ni hubby mag-new year sa manila kasi masyadong mausok.  mas masaya din mag-fireworks sa probinsya   :D

budzwhiz

  • Guest
Pwede siguro gawa kayo ng arrangement, halimbawa New Year's eve sa parents mo tapos sa day punta kayo sa parents nya. If masyadong malayo ang distance, pwede namang Christmas sa kanila sainyo yung New year. Isa sa inyo dapat mag compromise. And he should understand. Hello parents nya na rin yun. Di rin naman tama yung sinasabi nya na dun sya sa kanila ikaw sa inyo. Ipaintindi mo sa kanya, kung halimbawa sa parents nya marami naman makakapunta, pero sa parents mo sila lang yung magcecelebrate. Goodluck sis. :)

pomelo06

  • Guest
Last two years namin sa kanila kami nag celebrate new year, nun Kasi kasama pa ng parents ko un Tito ko, pero he died last march, Kaya talagang maninibago esp. My mother ngayong New Year's Eve.. Pero tuwng open ko Kay husband regarding dito, same answer lang nakuha ko. :(

budzwhiz

  • Guest
Hay nako sis. Pasaway yang hubby mo. haha. Basta make sure na maiintindihan nya yung gusto mo iparating. Be firm about it. O kaya takutin mo. :P Sabihin mong sige, dun na sya sa parents nya tas ikaw sa inyo. Pakita mong seryoso ka. Siguro naman kung hindi sya selfish e papayag din yan na sa inyo magcecelebrate. Explain mo lahat. Wag give up. :D

zarazan

  • Guest
Hindi ba pwedeng imerge? Like isama mo nalang parents mo sa house ng parents ng hubby mo?
 

rannastillero

  • Guest
Dapat Sis meron kayong schedule sa ganyan, unfair naman kung sa side lang nya pag holidays season.
Its either Christmas sa Family ni Hubby then New Year sa family mo.
Kame kasi palageng hati para mapagbigyan yung both sides.

pomelo06

  • Guest

Salamat sa inyo..

Sis di pwede merge eh, di na Kasi pwede mag travel ang Tatay ko. Malabo din naman na mga inlaws ko magpunta dito. Pag Chrismast Noche buena, dito rin kasi kami, di naman Kasi sila naghahanda, pero early morning ng Christmas Day nauwi kami sa kanila. I keep on trying na maconvince si husband. Takot ako I dare un na dito kami at dun siya, Kasi talagang gagawin niya un.

cmax

  • Guest
:( Sana wag ganun.

Dati, Christmas Eve, sa parents ko kami nagcecelebrate. Tas morning of Christmas, punta naman kami sa in-laws. Tapos new year sa amin ulit. Ngayon, New Year sa bahay na namin. Kung me gustong pumunta, welcome sila. Kung wala, kasama namin kapitbahay. We wanted to start our own tradition din sana. Kaya kahit medyo malungkot, I have to compromise.

brendzy

  • Guest
Same boat sis, maybe try to talk about it. kung malapit lang yung distance, why not the day of new year, lipat kayo sa in-laws? now naman, kung ok nman ang magbalae, maybe you can invite your parents to go and celebrate with your in-laws(?), I think that will be understandable since mag-isa lang naman parents mo dito sa Pinas.
kami kasi since halos malapit lang, after ng fireworks at kainan, uuwi kami sa inlaws ko. But I hope & pray for you sis, na mapapayag mo si hubby mo na samahan ang parents mo this coming New year celeb.

aquacharly

  • Guest
Sa cuento mo, POMELO, No Choice  ka but to leave your parents all by themselves on New Year's Eve.
Case Facts:   Hindi mo mapipigilan ang hubby mo to go to his masaya parents - kahit sya lang mag-isa go, at ayaw mo naman hiwalay kayo ng celebration.  Yun na yun, why stress yourself?  Accept your situation, and enjoy the holidays. Yan advice ko, Sis --  relax. 

"Parents ko lang kasi dito sa house".  So, you live with your parents. So, point out mo sa mommy mo na you are with them everyday --  so,  pag bigyan ang in-laws.   

j.adore

  • Guest
Ang sagot dito ay 1 event each. Mamili kayo sa isang side ang Christmas tapos sa kabila naman ang New Year. Hindi talaga pwede na pareho unless super lapit lang location-wise at ok naman magkasama mga in-laws niyo.

Also learn to accept that this is part of being married and everyone needs to compromise. Main family ay kayong mag-asawa plus kids if meron so buo dapat ito. Extended family yung parents mo at parents niya tapos equally as in 50-50 share of attention dapat.

I learned this from my parents and will be doing the same once married. Kinontrata ko na Fiance ko hehe we'll spend Christmas with his family then New Year with mine.


happie

  • Guest
Bakit Hindi niyo isama parents mo sa party nila?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close