Author Topic: STRESS SA KA-OFFICEMATE  (Read 9039 times)

j_in_tokyo

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 429
  • You are the worst thing that ever happened to me!
STRESS SA KA-OFFICEMATE
« on: November 28, 2013, 05:37:08 pm »
Ano gagawin nyo kung may ka-officemate kayo na ang tingin sa inyo competitor?
As if lagi sya nakikipagcompete sa akin when it comes to work.
Ako naman I just want to do my things sa office.
Parang ang dami nya pang insecurities sa katawan.

Nasa mid 50's na sya while ako naman nasa early 30's
nauna lang sya sa akin ng 3  buwan sa office.
dami sya behavior na parang hindi na akma sa edad nya.
Ginagaya pa nya minsan yung mga ginagawa ko na parang dati hindi naman nya ginagawa
like paghumming while working, stretching etc.

Nasa japanese working envrionment ako.
and yes Japanese sya.

rannastillero

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 83
  • "If HE is with me, WHO can be against me?"
Re: STRESS SA KA-OFFICEMATE
« Reply #1 on: November 28, 2013, 06:26:01 pm »
Sis j_in_tokyo,
Halos sa lahat naman ata ng company merong ganyang employee.
Advice ko lang sayo, wag kang paapekto hayaan mo lang sya.
kung ka kompetensya tingin nya sayo let him/her be.
basta enjoy your work and do your job well.
katulad ng palage kong sinasabi sa sarili ko Nandito ako sa company na to para magtrabaho at kumita ng pera para sa pamilya ko, kung anong goal ko yun ang gagawin ko. kung meron mang ayaw/galit/ insecure o kahit ano pa man yan hahayaan ko na lang sila. buhay ko to buhay nya yan, walang pakealamanan trabaho lang po walang personalan ahhaha.
"If HE is with me, WHO can be against me?"

aquacharly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3568
Re: STRESS SA KA-OFFICEMATE
« Reply #2 on: November 28, 2013, 10:01:45 pm »
Everybody in the workplace competes, IMO.
You just have to accept that fact.

Just be sure to watch your back. Always

winkypops

  • Live Boldly
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 324
    • My Simple Joy
Re: STRESS SA KA-OFFICEMATE
« Reply #3 on: December 03, 2013, 06:29:22 am »
deadma mo na lang sya sis,do your job well and wag ka paapekto sa kanya,magsasawa din yan

j_in_tokyo

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 429
  • You are the worst thing that ever happened to me!
Re: STRESS SA KA-OFFICEMATE
« Reply #4 on: December 03, 2013, 09:05:58 am »
yes Im learning the art of deadmatology..
minsan  lang di ko maiwasan na mapansin talaga kasi magkaharap kami ng table.
Lagi nya pinapakita sa akin yung ginagawa  nya.
Pero tama naman talaga na di magpaapekto..
at the end  of the day alam ko naman na masaya ang buhay ko..
sya ewan ko na hehe

GMGravity

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 193
Re: STRESS SA KA-OFFICEMATE
« Reply #5 on: December 03, 2013, 02:40:41 pm »
Nakapagtry din ako magwork for months sa isang company na grabe ang competition. And one of the employees, a team leader, sobrang dirty magcompete. Siraan kung siraan. Gumagawa siya ng kwento and binibili niya ang mga tao. Magbibigay ng expensive gifts pero kapag hindi ka nakuha sa ganon, humanda ka na. Dalawang friends ko both na lalaki sobrang ang init ng dugo sa kaniya. Sabi nga ng isa sa kanila, nagiging tao lang siya pag labas ng office. Kapag nasa loob siya, nagpapakarobot na lang siya. Pero ako hindi ko natagalan. As in may times ayoko na talagang pumasok, pero sayang kasi first break ko iyon and ganda ng compensation. Hindi ako sanay ng ganon kaya napapanaginipan ko pa talaga siya. Natakot talaga ako sa pwedeng gawin ng bruhang iyon haha kasi parang sa mga soap opera ko lang napapanuod ang ganon. Buti na lang I was accepted sa ibang office, okay narin kaya tinanggap ko na. Then few years after, nalaman ko namatay na daw iyon at age 30+. Very young. Sa sobrang bad ng pagkakakilala ko sa kaniya, inisip ko pa na baka gawa gawa lang niya iyon sa FB parang kumuha ng attention kasi parang capable talaga siyang gumawa ng ganon. Pero confirmed na dead na nga siya.

goddessjem

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 354
Re: STRESS SA KA-OFFICEMATE
« Reply #6 on: December 31, 2013, 02:07:00 pm »
Mahirap talaga kapag may ganyan..minsan gusto man nating deadmahin, mahirap lalo na kung ka transacton mo siya, kainis lang..minsan, yan angb tanda na kinaiingitan tayo kaya may bumuburaot sa paligid naten..haha

happie

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 585
Re: STRESS SA KA-OFFICEMATE
« Reply #7 on: January 01, 2014, 08:34:03 pm »
It's common Lang naman mimick some of the things your officemate is frequently doing. It does not mean she plans to do you harm. If she's competitive just consider that your boss probably expect a lot from her kasi may edad narin siya.

cheezecake

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1029
Re: STRESS SA KA-OFFICEMATE
« Reply #8 on: January 01, 2014, 08:43:33 pm »
Well, All I can say don't trust anyone pagdating sa work. Mas maganda don't anything na work related dahil natural talaga sa mga pinoy ang pagiging inggitera.  Grabe!  Pati makeup kinaiinggitan nakakabaliw!

rics

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1177
Re: STRESS SA KA-OFFICEMATE
« Reply #9 on: January 02, 2014, 05:00:46 am »
I work in a multicultural environment, I learned the art of dead once i enter the office. basta nagtratrabaho lang ako. iniiwasan ko masyado makipagkwentuhan kung maari. just a simple hi/hello/goodbye will do. meron nga pinay sa office, nung una mabait, napapansin suot ko, bag ko, daming tanong. lately hindi na rin ako pinapansin, ok lang, no biggie. its better that shes not on my radar anymore. its ideal naman na maging friends ka with your colleagues, pero ako, i go there to work and not to be chummy-chummy with my co-workers. I deal with you professionally and thats it. I dont trust any anyone of them.
-- If the only prayer you say in your life is "Thank you Lord," that would suffice. --

j_in_tokyo

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 429
  • You are the worst thing that ever happened to me!
Re: STRESS SA KA-OFFICEMATE
« Reply #10 on: January 09, 2014, 01:10:46 pm »
^^ yes sis i am learning the art of deadma! as in deadmatology!
I wonder nga kung ano naman yung nararamdaman nya towards me..
siguro mas doble ng nararamdaman kong inis sa hehe

rheinfall18

  • living♀..laughing♫..loving..♥
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 557
  • God's in His heaven, all is right with the world
Re: STRESS SA KA-OFFICEMATE
« Reply #11 on: April 25, 2014, 05:31:19 pm »
mid-50's ba kamo sis? baka pwede ka na magparaya tanders na eh sign of ageing lang yan ;) imho lang po :)
"Be mentally stronger than what you physically/emotionally feel."

sima

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3495
  • ❤️❤️❤️❤️❤️
Re: STRESS SA KA-OFFICEMATE
« Reply #12 on: May 02, 2014, 01:18:37 am »
Konti lang kami sa office pero naman!  Halos more than half sa mga kasama ko eh mega-stressor sa akin.  Mga tamad, sinungaling, walang initiative, mamaru...

j_in_tokyo

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 429
  • You are the worst thing that ever happened to me!
Re: STRESS SA KA-OFFICEMATE
« Reply #13 on: May 02, 2014, 11:27:01 am »
New job na ako since april 1 kaya wala na yung nagpapastress sa akin..
glowing na ulit ako..hahaha

lizzete

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 204
  • www.laineb12.multiply.com
Re: STRESS SA KA-OFFICEMATE
« Reply #14 on: May 07, 2014, 08:00:35 am »
 Wow..im happy for you sis..buti ka pa..sana ako din makapagresign na


New job na ako since april 1 kaya wala na yung nagpapastress sa akin..
glowing na ulit ako..hahaha

goddessjem

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 354
Re: STRESS SA KA-OFFICEMATE
« Reply #15 on: May 20, 2014, 10:36:55 am »
yes, na stress ako lately..kahirap hirap turuan ng bago namen..3 weeks na, wala pang natatandaan, laging nganga lang sagot kapag nagtanong ka..kapikon!

monamie02

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 112
Re: STRESS SA KA-OFFICEMATE
« Reply #16 on: August 07, 2014, 01:48:37 pm »
naiistress ako sa kadaldalan ng officamate ko. Laging may kwento. PAti reply nya sa katext o kachat nya kelangan sabihin sakin. pag najejebs sya kelangan banggitin pa.. kapag masakit kuko nya kelangan sabihin. lahat na lang !!!!grrrr!!!! di makahalata na gusto ko ng katahimakan sa office. dadalawa na nga lang kmai nakahigh pitch ka pa!

juni

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 535
Re: STRESS SA KA-OFFICEMATE
« Reply #17 on: August 12, 2014, 01:02:41 pm »
Try mo sis na pag super daldal pa rin siya ng daldal while may hinahabol kang report or something, wag ka magreply and wag mo siyang tignan, just concentrate on your work, tuloy-tuloy ka lang magwork sa computer or asikasuhin yung papers sa desk mo.  Most likely titigil siya pag napansin niya na daldal siya ng daldal and hindi ka nagrereact.  If tapikin ka niya and tanungin ng tipong "Hey, narinig mo ba yung sinabi ko?  Bakit hindi ka nagrereply?" look startled and say something like "Huh?  Kinakausap mo pala ako?  Nagzone out kasi ako, nagcoconcentrate ako dahil marami akong trabahong hinahabol tapusin."

Wag mo siya bigyan ng attention, and kung malapit siya sa this side of normal e eventually mapapagod din yan magkwento.  Mga taong ganyan kasi usually e constant attention lang ang hanap.

monamie02

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 112
Re: STRESS SA KA-OFFICEMATE
« Reply #18 on: August 12, 2014, 01:13:35 pm »
will try your advice sis. sabi nga din ni hubby ko nung nakwento ko about sa officemate ko hayaan ko lang magsalita ng magsalita pero wag na ko magreact mapapagod din yan.. at yun mukhang napagod nga kasi walang natatanggap na attention o baka nakahalata din.. hehe

juni

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 535
Re: STRESS SA KA-OFFICEMATE
« Reply #19 on: August 12, 2014, 02:23:14 pm »
hehe, I hope she's learned her lesson na and hindi ka na niya kukulitin :)   Too much info na yung sharing niya, and nakakasagabal sa pagiging productive mo.  If gusto niya mapagalitan dahil wala siyang na-accomplish na work dahil sa kakadaldal niya, let her be, basta wag ka lang madamay.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close