We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
I have the same story. Mine still fresh kase nagkaron ako ng gut feel nung end of December and naconfirm ko lang last month. Ang sakit para ako pinagsakluban ng langit at lupa.Back story:HS sweethearts kame ng husband ko. On and off din relationship namin before. Pero ako lang tlaga naging gf nya. Sa pagkakakilala ko sa kanya matino sya lalaki and dahil sa family background namin dalawa, na both dads ay womanizer, may kasunduan talaga kame na never namin lolokohin ang isat isa. Ang relationship namin mostly long distance na kase nasa nagbase na sya sa Japan nung 2006 right after college graduation namin. nung bf/gf kame wala ako naging problema sa babae sa kanya kahit LDR kame. umuuwi lang sya sa pinas twice a year pero matino talaga siya. Kaya ang tiwala ko sa kanya abot langit. then nagpaksal kame nung 2009, 1 year din kame ldr kase 2010 na ko nakasunod sa kanya sa japan. Kahit nun wala talagang bakas na mambabae sya. Kase bilang asawa mabait talaga, matino at alam ko na mahal na mahal ako. Nagstay ako sa japan with him ng 2 years. madami kame happy moments together dun pero nag decide kame uwi ng pinas nung 2012 kase nga may problema ng radiation sa fukushima. ayaw namin risk yung pag nagbuntis ako tapos ma expose sa radiation. after ilang months, ako na naiwan sa pinas tapos sya na ang bumalik sa japan for work. okay naman kame kahit magkalayo pero ramdam ko sa kanya na di sya sanay na wala na ko sa tabi nya. Hanggang sa nagdecide family ko na pag aralin ako sa australia kase andun kapatid ko. Sabi ng mama ko mas magiging ok buhay namin dito sa Australia kaysa wala ako ginagawa sa pinas sa bahay lang. Nagpaalam ako sa asawa ko. pumayag naman sya pero di ko alam di pala talga nya gusto. Pero umoo pa din sya. Hanggang nakadating na ko australia last year at nag-aral na. yung first months struggle un for us kase sya sobrang lungkot na lungkot. ako naman nilalabanan ko [textspeak!] lungkot at nag aadjust. nag aaway kame lagi hanggang sa naging busy ako sa uni at naging di okay communication namin. All the while akala ko okay lang kame. na kahit di namin nakikita isat isa or kahit nahihirapan na kame na magkalayo, di kame maghahanap ng iba.Pero nagkamali ako kase yung asawa ko nagkaron ng babae sa work nya. 20 y/o lang yung girl. Nung malungkot asawa ko hinahayaan ko sya lumabas kasama mga kawork kase ayoko madepress di ko naman alam na may babae pala dun na may gusto sa kanya. sabi sakin asawa ko normal text text lang daw nung una. [textspeak!] babae daw tinatanong sya kung nasan asawa nya hanggang nag open up sya na malungkot sya kase wala ako tapos busy ako sa studies. then from then on "daw" niyaya na sya nung girl sa mga lakad nila ng ibang ka work nila. sumasama din daw siya. then hanggang di daw nya namalayan naging seryoso na usapan nila hanggang naging tawagan nila "baby" at nag 'i love u" na sila sa isat isa. ang sabi nya sakin nung una pa daw na nangyayari [textspeak!] ganun, sinabihan na nya babae na mali ginagawa nila pero naging weak pa din daw sya at di nya nalaban. nagstart [textspeak!] ganun klase ng communication nila october hanggang november. umaalis daw sila group date.. nagkakaraoke. ganun. hanggang sa summer vacation dito sa australia umuwi ako ng pinas. ang usapan namin, uuwi din sya at mababakasyon dun at sabay kame punta japan bago ako bumalik sa australia. ang di ko alam nov. 30 nakipagdouble date sya dun sa girl. kasama nila [textspeak!] friend nya at yung gf nun na kapatid nung "babae" ng asawa ko. nung time na un nasa boracay ako with my sister, nagpaalam pa sya sakin. tinanong ko sya sino kasama nya sabi ka work kaya ok lang sakin kase wala naman talaga ko bahid ng pagdududa. kampante ako masyado. nagsend pa sya sakin ng picture nya. pero di ko alam ka date na pala nya yung babae hanggang december hinintay ko sya umuwi pero di sya umuwi sabi kulang budget. inintindi ko. lumabas pa sila na group date ulit nung christmas party nila. pero ang sabi sakin ng asawa ko, wala na lang daw [textspeak!] pag text text nila kase nga daw alam nya mali. pero nung christmas may gift sa kanya yung babae at pinost nya sa fb nya. wala akong alam na ganun un nilike ko pa. nagkaron lang ako ng duda nung bday/anniversary namin kase wala ni isa nag greet sa kanya sa fb. kaya ginawa ko bnuksan ko fb nya. di ko un ginawa ng matagal for months di ako nagbukas ng fb nya. and yun dun ko na nalaman na meron something.
nalungkot naman ako sa story mo sis, at the same time naka relate na din ganyan din kami ni partner, ldr. halos 10 yrs na din kami together. we have a son but we're not married yet. actually, preggy ako sa 2nd namin nung umalis sya to work abroad. ganyan ganyan din never ko sya pinagdudahan. never din kami nagka issue about sa ibang babae, kala ko di sya babaero, only to find out na hindi pala. grabe lang yung nangyari samin. imagine kakapanganak ko pa lang sa 2nd namin nung nalaman ko na may karelasyon na pala sya dun. imagine din na ilang beses nya kong niloko, na wala na sila nung babae nya, only to find out na di naman pala totoo. imagine din na halos 1 year nya kaming natiis ng mga anak nya na hindi nakipag video call. magmemessage lang sya pag nagpadala na sya ng monthly remmitance nya samin. fast forward, after 1 year nabuntis nya yung babae. grabe di ko maexplain yung sakit na naramdaman ko. tapos biglang 1 day, bigla syang nakipag communicate samin. as if nothing happens, as in parang wala lang. biglang napag usapan na yung mga plano nya pag umuwi sya. tapos yun ok na ulit kami. di na namin pinag usapan yung ginawa nya. di ko na tinanong ano na nangyari sa babaeng yun (although alam ko dahil stalk ko fb nun ) alam kong nakapanganak na si girl, nakita ko na din yung baby. kung pano natapos ang relasyon nila, di ko na din inalam. ngayon, nangako naman na sya na di na daw mauulit yun. ok na kami at dami na kami plano pag umuwi sya. pero until now, kahit di sya humingi ng tawad sa ginawa nya, pinatawad ko naman na sya. yun lang ang hirap makalimot, lalo na may anak sila, habang buhay na ata akong may tinik sa dibdib. habang buhay ko na syang dadalhin.
^no.not at all reasonable request na yan.ang tanong e kaya ba ng puso mo?malamang din ang kasama sa mall e si ex kabit.baka pwede ihirit mo din na lola ng bata or iba kaanak ang magdala sa mall.and if makita mo bata and alangan ka kung anak nga ng asawa mo, gawan mo ng paraan na mapa dna asap.kaya mo yan sis.
For the 1st time inopen ko sa kanya about their lovechild. This time, di na sya nag deny. Sa fb lang daw nya nakita yung bata. Di din naman daw sya hinihingan ng sustento. Ang sakit sa dibdib ask ko din sya about sa last name ng bata, di daw sya sure kung kanino ang ginamit. Tinanong ko din si kabitch nya and inamin nya na nandun na nga daw uli pero di na daw sila nagpapansinan. Wala na daw at di na daw yun mauulit. Niyaya na din nya ko magpakasal pag uwi nya. Sabi nya nagkamali daw sya and I think sincere naman sya sa pag sosorry nya. Dami ko pa sana gusto itanong pero di ko na tinuloy dahil di ko mapigilang maiyak. Ayoko na din magtanong dahil lalo lang sasakit ang dibdib ko. Okay na sakin yung inamin nya. Basta ang sabi nya tapos na yun, nagkamali sya at di na daw mauulit.
At pag dumating yung panahon na buo na ulit yung pamilya mo, ipagpapasalamat mo yan sa Diyos na kung ano ang para sayo ay babalik din.. And one more thing may anak kang ipagmamalaki ka na pinaglaban mo ang mayron kayo...
Kung nasa stage ka pa ng fighting.. Eto ginawa ko: iparamdam mo sa kanya nkung ano ang mawawala sa knya kung sakaling magkamali siya ulit... Like: srapan mo yung luto (khit minsan naiisip mo na siyang lasunin!!! LOL!) masahe, kwento and many things na gustong gusto niyang ginagawa mo.. Sana makatulong to.. Kasi ako, nanalo sa laban eh! Hahaha GBU..
...Nagsisi na si hubby...humingi ng tawad at sabi itatama ang lahat...give hime another chance. move on...wag na pag-usapan yun maling ginawa....walang sumbatan, para walang away.
ask lang po mga sisies,ginantihan nyo ba si "kabit"?