ala nanaman tao keni??? haha
last day of exam ngayon ni jade. si jing hanggang bukas pa. hehe. tapos bakasyon na ni inday, yehey! ayy, semi bakasyon lang pala. haha.
nakalimutan ko pala kwento, diba nung friday nagdeliver ako sa birthday, edi hindi kami nakapag mall. nung saturday may pasok si jay, edi umalis na, wala talaga ako balak sumama kasi magbebake ako ng order para sunday. e mayamaya tumawag, gusto daw ba namin sumama sa mall. sino ba naman ako para humindi. hahahaha. siyempre gusto din ng mga bata kaya gora kami. madalang nalang mag aya mag mall si jay kaya hindi ko talaga pinalampas. sige daw magbihis na kami at mga 9-930am kami alis. maghihintay lang daw siya sa parking.
sabi ko, nakabake naman na yung chocolate cupcakes, bale carrot cupcakes nalang ang kailangan ko gawin, mga 3hours matatapos ko ibake yun. plus, icing nung chocolate, mga 30min. plus icing naman ng carrot mga 30min din. kaya ko tapusin lahat in 4hours pag uwi namin. kaya sige, hahaha. talagang kinumbinsi ko pa sarili ko noh. haha.
945 nasa dubai mall na kami. hahaha. ikot ikot sige, wala pang masyado tao.
bumili ng candy ang berat sa hamleys.
tapos punta kami bath&body, may naka sale pero buy2get1 tsaka buy3get2. plus may ni like ako sa fb na free shower gel with any purchase. edi ayun, bumili kami ng 3pabango, may free na 2pabango, plus yung free shower gel na malaki. hehe. kaya tuwang tuwa naman ako. haha.
tapos nadaan kami sanrio wala naka sale. sa claire's, nakakita ng necklace na my little pony ang berat, pinkie pie pamo, kaya ayun, naisahan nanaman ako.
tapos kumain na kami sa food court, mcdo.
tapos naghiwalay na kami ni jing kasi dadating yung friend niya manonood sila sine, kaya nagpunta kami ni jade sa daiso. nakabili kami kung anoano. haha.
napagod na kami kalalakad, kaya umakyat na kami naghanap kami upuan. jusme, 3pm na kami umupo. sila jing nanonood na ng sine. hindi na kami lumayas ni jade sa kinauupuan namin. nakatulog pa ang berat. mga 1hr. ginising ko lang kasi baka maihi. ayun, mga 4pm lakad nanaman kami.
6pm na kami sinundo ni jay. hahaha. tapos dumaan pa kami dfc, claim namin sa wendys yung voucher na binili namin. 8 na kami nakadating, kaya pag uwi namin nagmamadali ako mag ready ng ibebake ko.
9pm ako nag start makapag bake. mga 130am na ako nakahiga. hahaha.
5am bangon nanaman ako at gagayak almusal at baon, tapos sumama pa ako sa school kasi deliver ko order. ayun hilo nanaman ako pag uwi. hahaha.