mommy,
vanilla cupcakes yun. hehe. o nagsawa na ata sa chocolate, yun ang bago niyang favorite.
nakakatawa nga kamo si jing. ganito kasi yun, last week nagmessage sakin yung isang barkada niya, nag oorder ng cake, isusurprise daw nila si jing. e magkano daw ba. sabi ko, ako na bahala, wag na nila bayaran, handa nalang ni jing. basta ipapadala ko kako, ang sasabihin ko order yun. hehe.
edi gumawa ako ng 2 cakes, yung isa happy birthday lang nilagay ko, yung isa happy birthday jing. tapos gumawa din ako ng cupcakes kasi maliit lang yung cake e baka hindi sila makakain lahat.
tapos kanina, nireready ko na yung cupcakes at cake, sabi ni jing, pati yung cake ba dadalin ko? sabi ko, order kako yan, eto yung cake mo sa ref mamaya natin kakainin. pinakita ko pa haha. kukunin nalang kako sa room mo yan mamaya. hahaha.
edi ok na. ngayon pag uwi ng berat, tinanong ko, o ano kako nakain niyo ba yung cake? hehe. natawa siya. tapos kinwento niya. nag cr daw sila, tapos pagbalik niya may sulat sulat na yung cake. nagalit pa ata sa mga kaklase. bakit ginanyan niyo yan sabi daw niya. haha. tapos ayun sinabi na ng mga classmate na surprise hahaha!
maya maya yung barkada naman ang nagmessage sakin, tita success po, sabi hahaha!
takot na takot daw si jing kasi bakit nila pinakelaman yung cake e order yun. tapos sabi daw nila, "kami nag order niyan". hehe. hindi daw makapaniwala si jing kung paano nakipag sabwatan sakin mga berat. hehe. pati teacher nakikain daw sa cake.
hay, next week birthday ni jade naman ang project ko.
ginagawa ko na ngayon ang invitations niya na my little pony. hehe. print nalang mga 3days before birthday niya para maipamigay ng teacher.
tapos cupcakes boxes na ibaibang color ang isusunod ko. kailangan masunod ang 6 colors ng my little pony. hahaha. jusme!
tapos bake nalang. cake at sandamakmak na cupcakes.

magluluto din ako sa birthday niya kasi gusto daw nila ng spag at hotdog. e magluluto na din ako ng chicken nuggets para hindi na oorder sa mcdo. wala nga lang silang makukuhang toys.
sana makapasyal sa dragonmart para makabili ng mga pencil pencil at mumurahin na notebooks at kung anoano para makunswelo man lang mga bata.
at talagang nagnobela nanaman ako e noh. hahaha.
EDIT:
at sa hinaba haba ng sinabi ko, nakalimutan ko pa ikwento ang handa ni jing kanina. hahaha.
nag carbonara ako, tsaka pritong baboy lang. hehe. tsaka yung cake niya. si f i l, muntik ng napangalahati yung cake. mga 1/4 ata nakain niya. masakit din ang ngipin.
