watch now

Author Topic: Kapampangan GT Branch #20 :-)  (Read 31661 times)

j27

  • Guest
Kapampangan GT Branch #20 :-)
« on: November 25, 2013, 05:46:42 pm »

j27

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #20 :-)
« Reply #1 on: November 25, 2013, 06:03:53 pm »
mommy,
mukang desidido na talaga sa oven ah hehe.

ako naman ang hinahanapan ko ng lugar sa kitchen, yung kitchenaid ko. haha. alangan naman kakong ilalabas ko pag gagamitin ko tapos tago ko ulit pag tapos na ko magbake. edi kabigat! hahaha

hay, 2days na akong back to treadmill. sana ma straight ko this week at ng makabawi naman. haha.

agnes,
ay ako natuto na. hindi ako bumibili kung hindi naka sale. paano kaya e ilan beses na nangyari samin, lalo na nung bagong dating kami dito. siyempre shopping shopping. ay ba, magugulat ka nalang next month naka sale na. kaya simula nun, yung mga naka sale lang pinapansin ko. haha.

kamuka kanina sa almaya, tuwang tuwa ako. ang dami naka sale. napa grocery tuloy ako ng hindi oras. hahaha. 100 lang dala ko, sabi ko dun sa kabayan na cashier, "ate, babalik ako ah..." hehe. kinuha ko yung credit card ko at lugi ako, grocery e mababawas sa allowance ko. haha. pero siyempre, inapprove muna ni jay.  ;D tinakot ko e, ano kako mag gogrocery ba tayo sa carrefour o dito nalang sa almaya... sige dyan nalang, sabi niya. hahaha. paano alam niyang mas magastos pag nag carrefour kami. hehe

ay dito marami na nagtitinda ng baboy. may nakalagay lang na "for non-muslims".

tagal ko na dito pero hindi pa ako nakapag bar. hehe. sila hubby minsan lumalabas sila, umiinom sa mga beach hotel. mga once a year. hahaha. mas madalas kasi sa mga bahay bahay nalang umiinom ngayon.

kami palagi may stock ng beer para sa weekends, o kaya pag may occasions. red wine din palagi kami may stock. mahilig dun si jay tsaka f i l.

MrsNocom

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #20 :-)
« Reply #2 on: November 26, 2013, 12:56:59 pm »
Good Morning!!!

Mahilig din ako sa sale pero sa online iniiwasan ko  ::)
Kapag sale dito, hindi ako pwedeng mahuli hahaha... ;D

Occasionally drinker lang ako  :-*

Sis Joyce, nakapag-try ka na ba gumawa ng cheesecake (NO BAKE) at saka brownies na microwave ang ginamit hehe 8)

Happy Mom

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #20 :-)
« Reply #3 on: November 26, 2013, 03:27:42 pm »
joyce, gusto ko lang yung oven kasni pwede naman magamit pa sa ibang luto na hindi kailangan masyado ng oil. alam mo naman e semplang ako sa baking hehe.

agnes, yung cheesecake na ginagawa ko no bake yun. turo ni joyce sa kin yun. yun yung sinasabi ko na pag hindi recipe ni joyce ang sinusunod ko. asahan mo palpak sya. nagiging ice cream ;D

nakapag bar na rin ako dito siguro mga 2 o3 3x sa loob ng 8 years ;D sama lang ako ni hubby pag me xmas party sila ng mga ka officemates nya dati. pero ang drinks ko syempre juice lang. di ako umiinom ;D pero ngayon pag niyaya si hubby, di na rin sya sumasama.

di rin ako bumibili ng hindi sale. pati pag gamit ng card pinapaalam ko din ke hubby kasi extension nya lang ako. oras na kinaskas e tunog agad phone nya kaya dapat paalam muna at baka mapukpok ako sa ulo :P

j27

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #20 :-)
« Reply #4 on: November 26, 2013, 04:01:42 pm »
agnes,
natry ko na no-bake. pero mag bake sa microwave, hindi pa.

mommy.
korek ka dyan. pag masipag ako, prito ko konti sa kawali yung chicken. tsaka ko itutuloy iluto sa oven. less mantika nga, lalabas pa yung taba ng manok. kaya lang nakakatamad. hehe. dami ko huhugasan. may kawali na, may roasting pan pa.

ako naman nagpapaalam sa pag gamit ng card para alam niya. ayoko naman yung basta nalang ako swipe ng swipe, lalo na kung shopping yung kinard ko, kasi tutunog din agad sa phone niya. baka sabihin ng kapitbahay e...  hehe.

minsan kaya din ako nagtatanong, kasi hindi ko alam kung ano prefer niya, kung cash o card. hahaha.

MrsNocom

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #20 :-)
« Reply #5 on: November 26, 2013, 04:03:42 pm »
tee hee! un ba yun :) kagabi gumawa ako ng crema de fruta, gusto ko kasi mag-try ng brownies or un nga no bake cheesecake decided na kasi ako na labor of love ang ibibigay ko sa friend ko sa Christmas. Iniisip ko un cheesecake kailangan ko ng madaming mold. unlike sa brownies kahit isa-isa ang square ang lagayan hehe

Mommy good for you, pero try mo minsan ang red wine good for the heart ;)

Never kami kumuha ng CC, si hubby nga pinipilit ng bank nya na kumuha nag-apply sya then after 30minutes naalala nya na sinabi ko na wga kukuha ng CC binalikan nya un agent pina-cancel nya, sabi ng agent bakit sabi nya wala lang daw hahaha...meron din prepaid CC so incase of emergency un ang ginagamit namin.

Sis Joyce bgyan mo ako ng receipe ng no bake mo please :) thanks

Happy Mom

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #20 :-)
« Reply #6 on: November 26, 2013, 05:07:03 pm »
joyce, ako ayoko ng nag pi prito kasi madami akong lilinisin na mantika. parang newa year pag nag piprito eh ;D
yung card ko madalas gumagamit si fle. pag me gustong bilhin sabi ko paalam muna ke kuya nya. ayaw kasi namin pa kuhanan ng sarili nyang card. e galit din sa pagbili yun hehe..

agnes, oo misan naman pinapa inom ako ng red wine ni hubby kaya lang di ko rin talaga gusto. meron nga sya sa bahay, silang 2 nung bayaw ko umiinom.

kaye27

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #20 :-)
« Reply #7 on: November 26, 2013, 09:18:06 pm »
pa attendance ;)

joyce, itry ko uli yang no bake cheesecake mo.. try ko sa pasko uli..

mommy, ustu ya i joyce try sipping red wine.. good for the heart.. ali memu gigisanan ing metung bottle hahaha..

agnes, ako nagbebake ako ng cookies using yung turbo hehe! ok naman sya so far.. kesa kasi para lang sa chicken ang turbo sayang naman..

j27

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #20 :-)
« Reply #8 on: November 27, 2013, 12:30:35 am »
agnes,
pm kita.
nag umpisa din ako nun sa mga ganyan, crema de fruta, tiramisu, leche flan, cheesecake. kaya pag gusto nila kumain ng mga ganyan, nakakakain sila agad. parang naglilihi lang ang peg nila nun, pag gusto nila, gawa agad ako. haha.

maganda rin pang regalo ang brownies, isang lutuan, marami ka mabibigyan. hehe. pag may birthday, christmas, new year, or any occasion, palagi ako may ganyan nakahapag. dagdag sa kutkutin din kasi. tsaka maganda tingnan sa table maraming choices. para kang nasa buffet ng hotel.

sa christmas nga naka book na ako, sakin ang dessert station. hahaha. sa kitchen nanaman ako matutulog nun. hahaha. pagagalitan nanaman ako ni ate joyz. parang nadidinig ko na siya, "eka matudtud keng kusina!" hahaha.

mommy,
sa christmas magset na tayo ha. punta kayo dito, kahit hindi christmas day. sabihan mo na si daddy para hindi na makapalag.  ;D

yun lang nakakainis pag nagpiprito, puro talsik  ng mantika pati sahig. kaya napipilitan pa ako mag mop sa kusina. haha. pag naglongsleeves na ako, alam na nila kung ano ginagawa ko sa kusina haha.

kaye,
oo pwede nga pambake ang turbo. pwede rin cake dyan na maliit, mga 8 or 9 inches round siguro.

MrsNocom

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #20 :-)
« Reply #9 on: November 27, 2013, 01:19:32 pm »
Morning :)

Mommy, meron talagang di nagugutuhan ang mga drinks na ganyan. Try mo un cocktail drinks masarap din un.

Hi Kaye, pwede mo i-share ang brownies recipe mo  ;) Thank you

Joyce thanks wait ko na lang. :)

Mabuti pa kayo nagpa-plan na sa Chirstmas Event, kami wala pa busy pa ang peg ng mga ka-friendshipan ko dito merong tatakbo ng 10K, meron mag-eexam, meron championship ng badminton. Kaya di pa nakakapag-plan. Ako naman busy kay shine, sinisipon na naman kasi sya :(

Ingat tayo kasi lumalamig na talaga.

Happy Mom

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #20 :-)
« Reply #10 on: November 27, 2013, 02:03:45 pm »
joyce, wa sabyanan ku la. delikadu mu kanini kang daddy yo, ne talaga kasakit agkat. map pin kening pinsan mi keni international apipilit miya, malapit mu kasi hehe...atin naka order for xmas kanyan. basta  isingit me sansrival mi ne hehe... sa cheesecake ako na gagawa nun, leche flan marunong din ako. una ko inaalam lutuin yung gustung gudto kong kainin hehe..

lechon paksiw kami kagabi. buti na lang slight lang ang talsik nung nag prito ng baboy si hubby.

kaye, ali ke agyung gisanan ing metung bottle. pota mapatudtud ku. xmas na ing gising ku ;D sayang ya pin turbo kung king chicken me mu gamitan. aku medyu mimisip ku pa nung saliwan ke ining akakit ku online.

agnes, hanggang tubig at juice lang talaga ako hehe... dati softdrinks din kaya lang pilit ko talaga tinatanggal soft drinks.

MrsNocom

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #20 :-)
« Reply #11 on: November 27, 2013, 02:50:19 pm »
Mommy Lechon kawali kami kagabi magkapatid ang ulam natin hehe...un frnd ko din hindi sya umiinom ng kahit ano :)

Happy Mom

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #20 :-)
« Reply #12 on: November 27, 2013, 05:50:35 pm »
agnes, magkapatid nga  ;D lechon kawali din lang dapat yun kaya lang konti lang kaya ginawang lechon paksiw para me sabaw at dumami ng konti ;D

MrsNocom

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #20 :-)
« Reply #13 on: November 27, 2013, 06:20:00 pm »
tee hee!, NAKA-ORDER AKO NG BABOY DUN SA FRIEND KO. THEN NAGLUTO DIN AKO NG TOGUE PARA MAY PARTNER NA GULAY :)

j27

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #20 :-)
« Reply #14 on: November 27, 2013, 08:25:55 pm »
agnes,
hehe late ang pm ko sayo. haha. pero eto na ipipiem na kita.

mommy,
kung nanghihinayang ka sa oven, try mo muna sa turbo kaya. atleast mas mura yan kesa convection oven. pwede pa maglechon dyan. gusto ko nga din bili niyan e. hehe. problema nga lang sa turbo, pag nahilig ka magbake, obligado ka naman bumili ng oven. haha.

sabihan mo na sila agad sa christmas ha. hehe. oo sige igagawa kita sans rival. wala pa naman nag oorder pero may mga nagtatanong na kung magpapaorder daw ako ulit. sabi ko oo kako, kung may mag oorder. hahaha.

ulam namin kagabi, torta. haha. ngayon chicken fillet, steam ko lang.

bukas nasa school ako. may program sila para sa uae national day.


Happy Mom

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #20 :-)
« Reply #15 on: November 28, 2013, 03:33:33 pm »
joyce, yun convection oven na sinasabi ko yun turbo din yun. ang sabi dito sa nakikita ko sa groupon, digital convection turbo oven. lahat na nilagay hehe ;D 185 ang pinaka mura na nakita ko. kagabi nakakita din ako sa dragon mart pero di ko tinanong magkano.

di ba holiday na school ngayon kasi nanalo sa expo 2020? 6 days ata off ng school ano?

magkano sansrival para masabi ko sa nag papa order tapos kung meron ka uli tulad nung mga binake mo last year. pahingi uli ng prize ;D

agnes, sa kuwait ka nga ba?

j27

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #20 :-)
« Reply #16 on: November 28, 2013, 03:47:40 pm »
mommy,
yung sinasabi ko turbo broiler, yung pabilog ang shape tapos transparent siya. parang rice cooker na malaki.

ang sinasabi ko naman na convection oven, para siya microwave na malaki. tapos transparent din siya para nakikita sa loob.

iba ba sinasabi mo? hehe.

e bwisit nga yung school na yan e. kaaga ko gumising at nauna ako naligo dahil sasama nga ako sa school. abay nung nakaligo na ko, hindi pa rin tumatayo yung berat na jing ilan beses ko na ginising. sabi, wala kaming pasok. ang intindi ko pa nung una, yung mga high school baka walang pasok. buti tiningnan ko phone ko kasi bibihisan ko na si jade. nagtext sakin dalawang mommy, wala daw pasok. ay bwisit kako. hahaha. nakapagluto nako at lahat. wala man lang text yung teacher na magaling. dec3 resume ng class.

sige sendan kita ng pricelist.  ;D

MrsNocom

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #20 :-)
« Reply #17 on: November 28, 2013, 04:15:24 pm »
Morning :)

Hi Mommy, yes kuwait kami. mag-10 years na kami dito s far nagustuhan namin pero lately parang nanawa na ako dito hahaha, nothing special in this place kahit mga pasyalan hindi nakaka-excite.

Joyce, hindi ko nga alam paano malalaman kung may message ako pero kahapon chineck ko pa din kung may pumasok na message wala naman hehe. Sana ay madali lang ang pag-gawa tee hee!

Parang gusto ko tuloy magcheck ng convection oven. Sa tingin ko kung konti lang ang difference ng turbo sa convection oven siguro un oven na bilihin mo kasi di ba mas maraming syang used??? Tama ba ako Joyce? :)

Mag-hoholiday pala dyan sarap naman...kami tapos na ang holiday dito, next year na ulit hehe...

Gusto ko mag-try gumawa ng yema hahaha...

j27

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #20 :-)
« Reply #18 on: November 28, 2013, 05:18:56 pm »
oo kung konti lang naman difference, convection oven ka na... lahat ng magagawa mo sa turbo, doble mo magagawa sa convection oven.

Happy Mom

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #20 :-)
« Reply #19 on: November 28, 2013, 07:09:40 pm »
joyce, ganun yung convection oven na nakita ko. pabilog sya na transparent. ang description nga nya, turbo na convection oven. nakikita ko rin yun convection oven na parang microwave, sa carrefour yata.

yung mga mommy na me work ayaw ang mahabng holiday ng mga school kasi namu mroblema sila kung sino ang mag aalaga sa mga anak nila kasi sila me pasok ;D

agnes, matagal na pala kayo dyan. ako magna 9 years pa lang dito. si hubby mag ti 10 naman.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close