Just came back from Boracay.. sakto ang weather, hindi pa masyado mainit at hindi pa masyado madaming tao.. though i must say, super dami ng Koreans sa Boracay.. parang mas madami pa sila kesa sa mga pinoy..

on our first night, we stayed at Boracay Tropics, it's not beach front pero malapit lang naman ang nilalakad.. nagustuhan ko tong hotel na to, with breakfast, tapos 2 beds for 4 people, 5K ang binayad namin.. then the next 3 days namin, we stayed at Crown Regency at station 2, kasi doon talaga yung reservations namin..
Grabe! hindi na ako uulit sa Crown.. malamok yung room pinapak yung anak ko.. then, the housekeeping super tagal bago sila dumating, unlike sa Boracay Tropics.. tapos yung unang dating namin, yung bathroom sa room namin, ang stinky ng amoy parang kulang sa linis.. nakakainis! kasi Crown's rate is not cheapo naman, kaya we were expecting better services, kaya we were very disappointed.. tapos wala pa pala breakfast yung accommodation namin, and maingay sa labas dahil may nirerenovate na side ng hotel, kaya kahit nasa loob ng room, dinig pa rin yung pukpok ng pukpok..
And one nakakainis na experience, naligo sa bath tub ang anak ko, then habang naliligo, bumabaha yung loob ng room namin, tumatagas sa wall yung water! kaloka!

funny and disappointing at the same time.. imagine, ang tagal pa ng housekeeping sumaklolo! buti na lang nag-enjoy ako sa Boracay mismo, kaya deadma na lang sa hotel namin!

had we known, sana nag La Carmela na lang kami.. but La Carmela kasi masyado ma-tao and the open space is not that big, masyado crowded to think na hindi pa naman officially summer!

anyway, babalik pa rin ako sa Bora, way better than Pagudpud in my opinion.
