I bought my Medela pump while preggy. In-instill ko kasi talaga sa mind ko na "I will and I can breastfeed". 8 months preggy, nag-start na ako take ng malunggay capsules as supplement, based na din sa reco ng isang friend ko na nauna nanganak sa akin. Naisip ko nga medyo risky, kasi pano pag wala ako milk, sayang ang pump. Buti naman at nagka-milk ako. Thank you, Lord!
Pagkapanganak, paglabas ni baby, pina-latch na agad sa akin sa OR/DR pa lang. Although, parang dinilaan lang ni baby yung nipple, LOL, di talaga sya nag-latch. Pero nung nasa recovery room na, ina-assist talaga ng nurse na magpa-latch kay baby every 2-3hrs. Kaya kahit medyo groggy pa ako sa anesthesia e go lang ng go, pina-latch talaga si baby. Kahit nung nasa room na, nagre-remind talaga ang nurses. And pag nag-rounds ang Doctors, nire-remind din nila yung importance ng pagla-latch. Important din daw kasi yung first days because of the colostrum, which is essential daw for baby to strengthen his/her immune system (or something like that, hehe).
Dinalhan din ako ng lapu-lapu soup sa hospital ng MIL ko, ok din daw yun for milk production. Then pagkauwi, me sabaw kami daily (tinola, sinigang, nilaga, etc). And tuloy-tuloy lang din malunggay capsules ko (2 capsules/day since 8mos preggy, then ginawa ko 4 capsules/day nung nag-5wks si baby kasi nag-start na din ako mag-pump).
I educated myself talaga about breastfeeding kasi desidido talaga ako (I read articles online, asked friends who are breastfeeding, etc). I also attended a Breastfeeding seminar sa Medela House. Now naman, I ordered some lactation snacks from Mommy Treats (cookies, muffins, etc). Hopefully makatulong din sa milk production ko para mapabilis pag-buildup ko ng stored breastmilk.
I introduced the bottle to baby on her 5th week. I used the Medela bottle and Calma teat kasi yung Calma teat para syang nips ng Mommy na kelangan effort-an ni baby para makakuha sya ng milk. Pag hindi sya nag-suck ng maayos, walang milk na lalabas (unlike the usual teats na tuloy-tuloy ang flow kahit hindi mag-suck si baby). Para kahit papano daw e makatulong to avoid nipple confusion. Ngayon, nagbo-bottle sya kung kelangan ko umalis at di ako makakabalik agad. Sa start nagre-resist daw si baby, umiiyak sabi ni yaya, pero eventually nagsa-suck din.
God-willing, I plan to give baby breastmilk exclusively for at least 6mos. Will stretch hanggang kaya, pero baka di ko kayanin mag-direct latch pag nag-ngipin na si baby so pump lang ako ng pump siguro then bottle sya drink.