Author Topic: Are you going back to the One who loves you or are you Gonna Stay to the One you  (Read 2127 times)

WhichisWhich

  • Guest
I am in a illegal relationship for almost 3 years Childhood friend ko siya, illegal kase both sides hindi boto sa amin family niya and family ko. illegal kase third party siya sa Relationship namin ng 9 years ko na boyfriend and yet i choose him pero yung boyfriend ko for almost 9 years na legal both sides hangang ngayon willing ako na tangapin and magstart ulit kami. Start meaning getting married na.

Hindi naman si 3 years yung totally naging reason kung bakit kami nagkalabuan ni 9 years maybe kase sa tagal dumating ako sa point na nagasawa na kase wala siyang work and i think walang mangyayari sa buhay ko sa kanya unlike kay 3 years na galing abroad pero bilog ang mundo ngayon gumawa ng paraan si 9 years ginawa niya lahat ng gusto ko naghanap siya ng work mas naging sweet siya pero siguro nagsawa na ako kaya hindi ko masyado nakikita lahat ng effort niya. Nakikita ko lagi ang effort ni 3 years pero laging kulang or sablay. Like pag may gusto ako puntahan or drinking buddy or hang out buddy ayaw ni 3 years, ayaw niya kase sobra ako magselos na konting galaw lang niya may malisya na sakin sa 3 years nga namin once once or twice lang kami nag mall lagi "dun" kase illegal kami baka may makakita or siguro nasa stage pa ako na i am blindly inlove with him kaya ok lang sa akin.

Ngayon nasa stage kami na nainis na ako sa kanya kapag may gusto ako puntahan or magpapasama ako ayaw niya lagi ko siya nasasagot ng "ayaw mo ha! ed [textspeak!]" i know sa dulo may pagmamalaki yung pagsasalita ko kase alam ko andyan si 9 years na isasagot naman niya na ed sige kung gusto mo magpasama sa ex mo edi magpasama ka and masakit sakin sabi ko nga sa kanya hindi niya ako kelangan ipagtulakan sa iba. alam ko insensitive ako magsalita sa kanya kase insensitive din siya sa nararamdaman ko na gusto ko lang naman ng may kasama simple like that,

Si 9 years kahit saan kasama ko, Buddy Buddy Bestfriend and so on.. pero financially and sa future alam ko hindi ako makukuntento unlike kay 3 years na wala man work ngayon financially stable. I mean ka level namin yung mga "Assets" nila.

Yes, kinocompare ko silang dalawa dahil nasasaktan ako sa treatment sa akin ni 3 years. sabi nga sa quote "Habol ka ng habol sa taong mahal mo, Hindi mo namamalayan, palayo ka naman ng palayo sa tunay na nagmamahal sayo"

Which is Which? Hahayaan ko nalang ba na hindi kami nag uusap ni 3 years at hayaan ko nalang ba na mawala siya? or ayusin ko din kung paano ko siya itrato?

Or Bigyan ko ulit ng Chance si 9 years and pag tagal tagal naman babalik ulit yung nararamdaman ko sa kanya?

aquacharly

  • Guest
Masaya ka.

Hwag ka mag tiaga or consuelo de bobo (translation: consolation prize; really, --  hindi bobo, hehe)
kay  9 years.  If you are bored & sick & tired now with him --  ano sa tingin mo, magkaka-milagro at
ma-Boink! ka & wake up 1 day at makakita ka sangkaterbang estrella?  Mabigat ang buhay ng bored, tandaan mo.

Si 3 years --  eh hwag din don. Ngayon pa lang natimbang  mo na sya at "Kulang!"  "Asset to asset", yon metro mo di ba --  eh hindi kayo pantay (sinabi mo din yan).  At nakikita mo na ngayon hindi mo ma-uto or ma-pwersa (tulad ni 9 years) na gawin gusto mo.  Tsk tsk.  Pumapalag!  So yang spoiled mong ugali, if it is your main DNA component (no judgment! Spoiled din category ko) --  hindi yan matatagalan ni 3 years.

Sis, maghanap ka ng iba.  Do not settle ika nga ng madaming  mga Sis natin dito.  Makaka- hanap ka din ng katapat your Assets, "legal", buddy sa gimmick, and financially stable.  Mahirap kasi hanapin ang gusto mo na wala sa pinaghahanapan mo.  Que si 9 yrs o 3 yrs --  di mabibigay gusto mo.  Ma frustrate ka lang. Better to start over again with someone who meets your needs. 

When one falls in love, you don't need convincing.
 So, go... Socialize more.
1 day, you will fall in love & realize you don't have to rationalize why you are with this person. 

simang

  • Guest
Start fresh! :)

stunning_anne

  • Guest
Mag soul search ka muna sis. Alamin mo kung san ka talaga masaya.

baliwsayo

  • Guest
Bat kailangan mamili in the first place eh pareho naman sablay yan mga boylets mo? Kailangan ba hindi ka bakante at laging may bf? Paano pag dumating yung tamang lalake sa yo tapos kasal ka na sa isa sa mga yan?

shakeshake

  • Guest
tama, kung ako wala sa kanilang dalawa.. kasi kung love mo talaga sila walang rason rason, kesyo ganto sya ganto yung isa.. basta mahal mo matatanggap mo lahat.

miss_isla

  • Guest
hindi naman one way ang relationships. and i agree, pwede din maging single, if both of them don't make you feel good about yourself, don't settle.

stunning_anne

  • Guest
Sis whichiswhich, parang wala ka ng reaction sa mga sinabi namin?

alice_alice

  • Guest
leave them both, wag magpakaselfish, wag mo silang pagsabayin at magisip o magnilay nilay ka muna.

kailangan mo mafigure out kung ano ba talaga ang gusto mo, don't leave guy 1 for guy 2 because one of them is better. dapat when you make a choice it is because nararamdaman mong tama yung pipiliin mong tao for the right reasons as well, eh sa parehas na lalaki parang walang tama eh lage may "pero".




 

Latest Stories

Load More Stories
Close