Author Topic: Maid na mahilig mag reason out, maid na palasagot.  (Read 6972 times)

WandaWits

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 510
Maid na mahilig mag reason out, maid na palasagot.
« on: November 14, 2013, 05:23:08 pm »
Ang ganitong maid, nakaka high blood naman talaga. Minsan akala mo siya ang amo..sinusuwelduhan mo para tulungan ka at maging convenient hindi para magdagdag sa stress ng buhay. Kaya mo ba pagtiyagaan o sisante agad? Hindi ko ata kayang tiisin na magpa suweldo ng walang manners na maid.
Posting how I feel. Posting what I think.

marose17

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3940
Re: Maid na mahilig mag reason out, maid na palasagot.
« Reply #1 on: November 14, 2013, 06:09:50 pm »
Hindi ko kaya.  Paalisin ko na yan kahit ura-urada.

Noylabmay

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 175
Re: Maid na mahilig mag reason out, maid na palasagot.
« Reply #2 on: November 14, 2013, 07:46:03 pm »
Sis kahit gaano pa kagaling ang isang maid hindi worth para pagtagalin sa buhay mo kung nakakapag bigay ng stress sayo paalisin mo agad mayabang kase mga ganyan pag alam nilang need mo sila  >:(
*****Life is a Beautiful Struggle*****

bagaholic_chewy

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3145
  • *on shopping and travel rehab.. until 2014..*
Re: Maid na mahilig mag reason out, maid na palasagot.
« Reply #3 on: November 14, 2013, 09:39:43 pm »
Sa simula pa lang, dapat na putulan ng sungay ang mga ganyan. After pagsabihan at di pa din umayos, palayasin na. Sakit lang sa ulo ang mga ganyang ugali ng katulong. Instead na makatulong sila para ma-manage mo ang household mo e mas makakadagdag pa sila sa magpapa-stress sa yo.
"Travel is the only thing you buy that makes you rich"

"The only time to eat diet food is while waiting for the steak to cook"

poshgurl

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 111
  • I'm a lil bit of everything all rolled into one :)
Re: Maid na mahilig mag reason out, maid na palasagot.
« Reply #4 on: November 16, 2013, 05:44:06 pm »
nagkaron ako ng maid na ganyan. yung tipong di nya ginagawa task nya then kapag ni remind ko, sasagutin pa ako ng gagawin naman daw nya yun and other palusot. maangas pa sumagot. pinaalis ko.

sugardrop

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4471
  • Loving life's simple pleasures.
    • J'adore Rougit
Re: Maid na mahilig mag reason out, maid na palasagot.
« Reply #5 on: November 19, 2013, 02:58:23 pm »
Yung helper namin ngayon, ganto. Minsan pasimple ko binabara. Hindi muna namin pinapaalis until wala pa nahahanap na replacement. I never understood what my mom and aunt meant when they told me na adelantada until I saw everything with my own eyes. Naiinis na din ako. I hate how she makes faces pa nasabihan sya. Pag may pinagawa ka, lagi sinasabi "oo alam ko yun, ako pa". Tanungin ko nga ng ano capital ng brunei. Di nakasagot. Sabay humirit ako ng "oo alam ko yun, ako pa" to let her know na hindi lahat alam ng tao.
A little backreading won't hurt.

J'adore Rougit

Instagram: greenappletini

aquacharly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3568
Re: Maid na mahilig mag reason out, maid na palasagot.
« Reply #6 on: November 21, 2013, 12:13:42 am »
I used to fire out agad.  But with the KBill, I have a different tactic for showing the Exit Door.
I don't want to pay for not giving advance notice of termination.
Anyway, mayabang  sila di ba. Konting ayaw, lalayasan ka without due notice.

I re-assign her to do chores that signals a demotion. I become over  critical of everything she does.
So kusa yan aalis.  She loses face with the others eh.
But I have 1 now na I know will not leave kasi Xmas na.  My helpers get lots of cash & gifts from my extended family kasi we always host the Xmas lunch.   So como bwiseet na ko sa kanya (lies) --  I will just give her 1 month pay for no notice-termination, & her 13th month pay.  I am under no obligation to give her a bonus -- so I won't. 

I train well. Tapos,SOME  pag good performing na --  laki na ulo. Lalo na pag others say magaling ganito ganyan helper mo --  pag narinig akala they are sooo smart. Pa wise na mga sagot pag minsan.  Ayaw na pag correct mo errors. Tapos - they start to change the way things are done in your house --  magaling na mag pa lusot or bilib magaling way nya. Haynako.  I fire agad.  I don't wanna deal daily with big egos na small badudah brains naman. 

eekai

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 128
Re: Maid na mahilig mag reason out, maid na palasagot.
« Reply #7 on: November 30, 2013, 10:41:04 pm »
I had a helper na super mema - memasabi lang.  Nakakainis but since we needed her kami na lang nag tiis. One day in front of guests sinagot sagot ako. Nagalit si hubby and we fired her that very same day. Nakakastress!!!

twelvth_goddess

  • A certified ZOE-holic and a true blue
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 7254
Re: Maid na mahilig mag reason out, maid na palasagot.
« Reply #8 on: December 06, 2013, 07:49:25 am »
Wala pa naman akong maid na naging palasagot saken. Kahit simangutan ako hinde ko matolerate yan. It shows disrespect and I will not allow that to happen.
Whatever I want, I get. If I can't, I don't stop TRYING.

Purple_Power

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1713
Re: Maid na mahilig mag reason out, maid na palasagot.
« Reply #9 on: December 11, 2013, 02:59:50 am »
Naku noh! nagtimpi lang ako sa isang maid na bastos sumagot pero hindi ako nakapagpigil nakatikim na rin siya ng salita sa akin.

Tapos kapag may mga dala siyang hinanakit at nakasimangot damay ako.

Umaasta kasi sa bahay kala mo kung sino. Pinag aral lang ng bro at SIL ko at teacher na ngayon lumaki pa lalo ang ulo. Only to find out traidor pala sa family ko kasi nililibak niya pala kami sa province nila after niyang sabihin sa interview ng Kasambahay Bill sa Failon Ngayon na parang pamilya niya raw ang turing niya sa amo niya at family. Hay nako plastik pala. Delikado ito kaya I want her out na.

ritznmore

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 77
Re: Maid na mahilig mag reason out, maid na palasagot.
« Reply #10 on: December 20, 2013, 06:18:15 pm »
purple_power your former maid reported you on tv?

candy_tone

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 223
Re: Maid na mahilig mag reason out, maid na palasagot.
« Reply #11 on: April 13, 2014, 09:08:11 pm »
I have a former maid na tamad na lagi pa nakasimangot. She is supposed to work here sa 3rd floor and i noticed na lagi sya nawawala  sa morning i found out na andun lang siya sa ground floor nanonood ng TV and take note she always complains of stomach pains baka gusto lang humiga sa baba. Well sorry siya when i caught her sya pa mas matapang sa akin. Pa-dabog dabog pa siya and she is muttering something to herself.  I fired her immediately and she had the gall to say that she will wait for my husband becuase he is the one who hired her. I called my MIL and explained the situation that she shouted at me and i could no longer tolerate her attitude. She left on that same day nangyari yung incident sa morning ayaw pa lumayas agad nag antay pa around mga 5pm bago umalis. Buti na lang she did not wait for my MIL or husband to come home. I am thinking of calling our village guards if she's planning on harming me or my baby..... Humph! kapal muks talaga!!!
« Last Edit: April 13, 2014, 09:10:10 pm by candy_tone »

Celerina

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 81
Re: Maid na mahilig mag reason out, maid na palasagot.
« Reply #12 on: May 22, 2014, 08:02:56 am »
I cannot tolerate maid/s na palasagot.
So far maids that we had and our current maid are polite and not palasagot.

twelvth_goddess

  • A certified ZOE-holic and a true blue
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 7254
Re: Maid na mahilig mag reason out, maid na palasagot.
« Reply #13 on: May 23, 2014, 09:27:59 am »
My mom's maid (na originally eh dapat magiging yaya ng anak ko), ganyan makatwiran palibhasa matanda na. Pero sabe nga ng mama ko, matandang walang pinagkatandaan. Hinde marunong magtrabaho and ayun nga makatwiran, nakakainit ng ulo. Hinde naman sya bastos pero nakakainis lang na pag pagsasabihan mo lageng may defense. Malapit na deadline ng learning curve nya and wala syang progress. Sayang lang binabayad.
Whatever I want, I get. If I can't, I don't stop TRYING.

hazelbrown_eyes27

  • Miss NO pushover!
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 804
Re: Maid na mahilig mag reason out, maid na palasagot.
« Reply #14 on: June 18, 2014, 07:28:06 pm »
Usually ata pag may edad na yaya.. Mahirap pagsabihan. Tigas ng ulo. Parang na ooffend sila pag pinagsasabihan. Laging may nakahandang sagot. May depensa lagi. One time kasi na pinagsabihan siya na tumahimik siya kasi  may go -see na ongoing.. Ang inggay ng bunganga! Sumagot pa. "eh, syempre inaaliw ang bata para di ma bore!" Hello! Sumama ka lang kasi wLang tao sa bahay.. Kita mo ba na may kasing inggay mo?
« Last Edit: June 18, 2014, 07:53:47 pm by hazelbrown_eyes27 »
Dont even bother explaining! I cant believe you.

nicoletta

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1680
  • donna fenomenale
Re: Maid na mahilig mag reason out, maid na palasagot.
« Reply #15 on: August 07, 2014, 02:45:41 am »
I suffered for 2 months from a maid na ganito.  Finally, I've had enough and I let her go na kasi she won't even answer to my calls to bring me food. Take note, I don't eat breakfast, and my brunch is just hot water and nesvita while she eats whatever she prepares for herself.  We rarely eat at home kasi we go home late and we didn't want to bother her with the cooking and dish washing. Sa rare times that we do eat at home, I can feel that she is not happy.

Nasigawan ko tuloy ng husto kasi sasagot sagot pa.  And the nerve because her son works for my dad pa nga.  If she has any delikadesa, she would be more respectful kasi his son depends on our kindness for work.  We don't exactly need him, extra helper lang siya sa office ng dad ko. 

Basta sobrang bastos niya talaga and hindi na siya nagpapautos the following day so pinaalis ko na.  Luckily may nakuha naman akong kapalit pero I have yet to see kung talagang maaasahan.  Hindi perfect pero mas nalilinis niya house namin.  Dami ngang alikabok by the curtains and parang nabawasan yung ants. 

candy_tone

I told her if she doesn't stop talking ipapakuha ko siya sa securit. Natakot siguro.  Hindi niya ko puwede sabihan na husband ko nag hire sakanya kasi referred siya by her son who works for my dad.  Gusto pa ihatid namin siya sa house ng dad ko, hello, hindi maayos pag alis niya, maghirap siya.
Abundance is not something we acquire. It is something we tune into. There's no scarcity of opportunity to make a living at what you love. There is only a scarcity of resolve to make it happen.

chubilita0290

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 47
Re: Maid na mahilig mag reason out, maid na palasagot.
« Reply #16 on: May 01, 2015, 06:23:43 pm »
Hay kadalasan nakakainis yung HH na ganito. Yung HH ng partner ko sa house nila, mahilig magbaling ng sisi sa iba. Minsan ang pangit ng lasa ng binagoongan kasi sobrang alat.sabi ba naman 'talagang maalat ang bagoong',sus sarap hampasin hahaha. basta hindi sya ang may kasalanan palagi.Minsan pag ayaw nyang gawin yung pinapakiusap mo, sasabihin wala nun kahit sinabi mo na na meron.sus.nakakatawang nakakainis talaga haha.pero infairness kahit lutang eh masipag naman sya di kailangan utusan Sa gawain sa bahay.

traxxex21

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 200
Re: Maid na mahilig mag reason out, maid na palasagot.
« Reply #17 on: May 04, 2015, 12:58:25 pm »
Ako, hindi ko itotolerate yan.. nag oon the spot ako ng maid.. mas gusto kong ako nalang kumilos sa bahay (except paglalaba) kesa makipagsagutan pako sa maid.
Talagang pinapakita ko na ako ang boss lalo na ako magpapasahod sa kanya. Pero d naman ako nangmamaltrato ng Helps

bagaholic_chewy

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3145
  • *on shopping and travel rehab.. until 2014..*
Re: Maid na mahilig mag reason out, maid na palasagot.
« Reply #18 on: May 04, 2015, 01:28:23 pm »
I also will not tolerate yung palasagot na maids. Ok lang na mag-explain ng side nila. Pero in the proper way. Hindi yung tataasan din ako ng boses o di kaya e magdadabog, no-no yun. I am patient with our HHs and pag nagtatanong ako e binibigyan ko sila ng chance na sumagot at mag-explain. Or kung me kasalanan sila (nakabasag, nakasira, etc), alam nila na mas gusto ko na magsabi sila agad kesa sa ako pa ang maka-discover ng nagawa nila.

So far wala pa ako major issues with our HHs. Sana magtuloy-tuloy lang. Kasi mahirap din maghanap ng kapalit e, though kakayanin naman namin kahit 1 lang kasama sa bahay, or kahit wala. Hindi kami overly-dependent sa kanila at alam nila na kaya namin mabuhay kahit walang katulong/yaya kaya wag sila masyadong makampante. Sure, it is more convenient na me household staff, pero di namin ikakapilay kung mawala sila.
"Travel is the only thing you buy that makes you rich"

"The only time to eat diet food is while waiting for the steak to cook"

miss resilient

  • Nagbabalik......
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 964
  • IloveJeremiah
Re: Maid na mahilig mag reason out, maid na palasagot.
« Reply #19 on: June 05, 2016, 02:58:41 pm »
same here palasagot din yung dating nagaalaga sa baby ko. worst kaanak ng husband ko yon so wala akong nagawa kundi pagtiisan ang topak niya ng mahigit isang taon.

one time na sukol na ako kase may usapan pala sila ng husband ko na aalis siya ng weekend at pupunta ng binyagan so kinukuha na pay nia. kako kayo ang may usapan diyan e di don ka sa husband ko humingi. nakipagmatigasan sa akin ayon nagdabog at umalis ng iniwang bukas ang gate. ginawa ko..di ko na pinabalik. kahit walang magaalaga sa baby ko that time mapagtitiyagaan ko kaysa mastress sa kanya. ingrata.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close