^ try going clubbing to work on your flirting skills, kapag comfortable ka na magflirt...do it elsewhere. hindi 'yon kasalanan lol, mas malaking kasalanan kung sasayangin mo ang kabataan mo and not to experience these things 
kapag may nakilala ka at gusto mong guy, don't take the friends route kung iba naman talaga ang agenda mo. an honest guy-girl dating stage that failed because they were honest that they're not compatible is better than two friends pretending to be just friends but really want more from each other.
saludo ako sa last sentence mo, sacred cow. hehe. sobrang agree ako.
anyway, ikwento ko lang ang situation ko sa mga guytalkers. pwede din syempre sumagot mga girltalkers.
may friend ako na guy na laging inaasar sa akin ng mga friends namin. we belong to one barkada. matagal na sila magfriends. ako yung newcomer sa barkada namin. bagay daw kami. nagsimula kami as friends lang talaga. eh napansin ng mga friends namin na may chemistry daw kami so inasar na kaming 2.
sinasakyan at tinatawanan lang namin yung asaran sa amin.
itong si guy naman di ko alam kung type ako o hindi. as much as possible ayaw ko mag assume hanggat wala siyang sinasabi. pero kasi minsan nagpapakita siya ng mga vague signals.
hiningi niya number ko sa harap ng mga friends namin. syempre asaran na naman sila
nung nagkasakit siya, sa akin siya nagpasama sa clinic. nagtaka lang ako bakit ako. eh ang dami-dami niyang friends. yung mga friends namin since 1st yr niya pa naging close. samantalang ako eh naging friend niya lang last semester.
nung nag inuman kaming magbabarkada, nalasing ako. pinipigilan na niya ako that time dahil lasing na ako pero di ako nakinig. nung nalasing ako, siya pa ang naghatid sa akin sa dorm. yung mga friends namin as usual inasar kami. hindi daw gentleman yung guy na yun sa kanila. 1st time daw naging gentleman sa akin. although ayaw ko naman isipin na may meaning yun. iniisip ko na lang na kaya niya ako hinatid kasi magkalapit lang dorms namin.
may ball sa school namin. siya, ako at yung mga friends ko nasa iisang table lang. may isa pa akong barkada na puro boys at ako yung girl na nasa malayong table. tinext ako nung isa kong guy friend from the other barkada na magpicture taking daw kami sa isang photobooth. so umalis ako sa table ko ng di nagpapaalam sa mga friends ko including itong si guy na love team ko. hahaha.
pagbalik ko sa table namin, itong si love team tinanong ako kung saan ako galing. sabi ko nag picture taking lang with my guy friends. tapos sabi niya kung saan-saan na lang daw ako pumupunta. nagseselos na daw siya. di ko alam kung joke ba yun o seryoso. kung joke man, di ko alam kung joke lang talaga o half-meant joke.
later on, sumayaw kaming magbabarkada. itong mga friends namin tinutulak siya papunta sa akin. magsayaw daw kami. ayun kinuha niya kamay ko at sinayaw ako. sinayaw niya ako 3 times. wala na siya ibang sinayaw kundi ako. pero yung 3 times na yun puro pilit lang from our friends. di siya yung kusang nagyaya sa akin.
twice na niya din ako niyaya sa canteen ng school namin para kumain. pero di niya libre. KKB kami. hehe.
it makes me wonder. gusto niya kaya ako o hindi? o baka sobrang matured lang niya kaya nasasakyan niya yung mga pang-aasar sa amin? tulad nga ng sabi ko kanina, ayaw ko mag assume. saka agree ako sa mga posts nyo dito na pag gusto daw ng lalaki ang isang babae, gagawa siya ng way para umamin dun sa babae.
minsan gusto ko na siya layuan. nahihiya na kasi ako. 1st time niya kasi maranasan ang asarin siya sa babae. itong si guy single since birth at never pa nanligaw ng girl. pero kasi ok kami as friends. sobrang magkasundo. ayaw ko naman mastop friendship namin dahil lang sa asaran ng iba naming friends.
sana lang tumigil na yung asaran ng mga friends namin sa aming 2. nagkakaroon na kasi kami ng awkwardness.
