Hi everyone, kakabalik lang namin galing Bohol... as in, fresh from airport pa ako, pero di ko mapigilan na magkwento na dito.
Thanks sis mama squeak sa tulong mo, naging very smooth ang pagbyahe namin from airport to resort (panglao - white and greens). Nag tricycle kami from airport to Tagbilaran Cathedral. 20 per head ang singil sa amin... nagsimba lang kami kasi sunday kami dumating ng bohol, after that tumawid lang kami at kumain ng lunch sa golden cowrie. I dont know kung feeling ko lang or what pero para mas mura ang golden cowrie rates sa bohol than cebu. Naka tatlong order kami ng scallops at 4 pang ibang ulam plus dessert/fruit shakes, 6 pax kami, pero 1800+ lang binayaran namin. After lunch, tumawid kami sa park sa tapat g simbahan, dun na muna nagstay yung ibang kasama namin habang nag grocery muna kami sa BQ supermarket, walking distance lang din. Bumili kami ng water, juice, yakult at tinapay plus ibang supplies, then paglabas namin dun na kami kumuha ng taxi na maghahatid sa amin sa resort (dinaanan na lang namin sila sa park). 500 ang asking price ni kuya at hindi na ako nakipagtawaran. Ganun din naman ang offer ng resort kung sakaling papasundo kami. Feeling ko nga mura pa yun kasi may part na rough road sa dinaanan namin.
Pagdating namin ng white and greens, di na kami nakapahinga dahil gusto na namin i-explore agad ang beach... ang ganda! Boracay fan kami, pero mas nagustuhan namin ang panglao beach. mas fine ang sand (almost slurry texture), mas malawak ang white sand portion at higit sa lahat konting tao. Hehe
Sea tour c/o kuya tatsky's group was GREAT! Una, on time si kuya Ayon... kami ang nalate ng konti pero carry lang, dami namin nakita/nahabol na dolphins. Hehe! Sa Balicasag, ang daming fish at ang dami ding Koreans... Haha! makulit yung nag assist sa amin sa snorkeling, sya rin ang taga picture- mala director ang peg ni kuya, kailangan sumunod ka sa gusto nyang posing mo... kung hindi, ulit.... Hahaha! :-) Pero pinakanagustuhan ng anak ko yung virgn island, kasi mababaw lang ang water at nakaswim sya magisa kahit walang vest pinayagan namin kasi nga mababaw naman talaga. 1700 ang rate na bigay ni kuya tatsky - yan yung sa boat, tapos 200 per person para sa balicasag na environmental fee at pag assist, may pinaparent silang shoes dun kasi masakit sa paa yung mga corals - 150/pair at 1000 ang rent ng underwater camera. Yung food, inorder na namin pagdating pa lang namin dun, 1870 ang inabot, 1 kilo na grilled fish (samaral), 1 kilo calamares at sinigang na hipon, plus rice and drinks. Sinama namin sina kuya Ayon at yung assitant nya sa lunch, pero ayaw nila (shy daw), kaya pinagbukod na lang namin sila ng food at inuwi na lang nila. Before 6:30am na kami nakaalis ng resort tapos nakabalik kami passed 2pm na. Sobra enjoy! :-)