Author Topic: "Marriage Isn't For You"  (Read 6317 times)

det060403

  • Guest
"Marriage Isn't For You"
« on: November 05, 2013, 12:14:17 am »
Must read!!  ;)
To all --"married, almost married, single, or even the sworn bachelor or bachelorette—I want you to know that marriage isn’t for you. No true relationship of love is for you. Love is about the person you love."

http://sethadamsmith.com/2013/11/02/marriage-isnt-for-you/

justin3

  • Guest
Re: "Marriage Isn't For You"
« Reply #1 on: November 05, 2013, 12:55:05 am »
kaya nga ayaw ko mag asawa eh.
i may be a good father but will never be a good husband. ;D ;D ;D

ayami

  • Guest
Re: "Marriage Isn't For You"
« Reply #2 on: November 05, 2013, 08:25:38 pm »
Mahina na yata reading comprehension ko at di ko nagets yang article na yan lol.

nami_sun08

  • Guest
Re: "Marriage Isn't For You"
« Reply #3 on: November 05, 2013, 09:51:39 pm »
Truly, love and marriage isn’t for you. It’s for others.

pret_ty68

  • Guest
Re: "Marriage Isn't For You"
« Reply #4 on: November 05, 2013, 10:14:57 pm »
Nice Article  :)  The article means that you must not marry if you are self centered, since marriage is about making your husband/wife happy more than making yourself happy. Those who are planning to marry for convenience and those who have selfish reasons for marrying must read this article.

lisse

  • Guest
Re: "Marriage Isn't For You"
« Reply #5 on: November 05, 2013, 10:32:09 pm »
^I agree! (although hindi ko pa nababasa yung article hehe)

just because you got married doesn't mean you have to "lose yourself" in the process. you can still be you, provide for your own "reasonable selfishness" and at the same time, treat your better half with the same regard as you would to yourself. and of course, both of you should be in on this, together lagi. I hope I am right, since we're only married for 3 years. We'll see...

ystariray

  • Guest
Re: "Marriage Isn't For You"
« Reply #6 on: November 06, 2013, 10:55:49 am »
Shared this article to my husband to be. Sabi niya, nice article daw, pero pwede daw bang baguhin ang title to "Marriage isn't for me, it's for us." para daw everybody happy. hahaha.. ang kulet lang. Kidding aside, helpful ang article na to para sa mga katulad kong b2b. Thanks for sharing! :)

kaya nga ayaw ko mag asawa eh.
i may be a good father but will never be a good husband. ;D ;D ;D

3rd thread na ata to na napuntahan kong may nabasa akong post mo. At radical man ang mga comments mo, I must admit na interesting ang mga insights mo. though medyo into your face saming mga babae..nakakaaliw basahin. binibigyan mo kaming girls ng view sa male world. hahaha.. Pero ilook forward ko ang araw na makikita kita sa happily married thread. :) tee hee!

hsinnerac

  • Guest
Re: "Marriage Isn't For You"
« Reply #7 on: November 06, 2013, 11:35:18 am »
good article.

justin3

  • Guest
Re: "Marriage Isn't For You"
« Reply #8 on: November 06, 2013, 11:54:39 am »
^^nahiya naman ako sa yo sis.  :-[ ;D

yon naman talaga dapat sa mga forums like this eh. wala na yung nagbobolahan pa, nagpapa-pogi, at nagyayabangan pa... not unless may sinister motives ka.
para ano nga naman? hindi naman tayo personally magkakakilala dito.
kaya dapat lahat ng sini-share dito are based on your own personal experiences o from somebody na kilala mo o from a VERY reliable source. (hindi yung mga gossip mongers katulad ni Cristy at ni Jobert :D). hindi yung "sang-ayon sa katulong ng kapibahay ko na pinsan ni meyor na klasmeyt ng manugang..." ;D

kaya nga 2 accounts ko na ang na-banned dito at 5 times nang na-muted eh. radical eh. ang daming natatamaan, pati MODs natatamaan... pero last na yan.  >:(

i'd rather enter the priesthood than commit myself into a wedlock. ;)

happily married naman ako... sa job ko. ;D ;D ;D


kaya nga years ago, marami akong inupakan ako dito sa isang thread eh. mantakin mo, majority nagsabi na pag nasa 30s na daw ang lalaki at hindi pa nag-aasawa, either "bakla o irresponsible" daw agad? WTF!.  :o
eh, pano pag babae ang unmarried? ::)

o sige nga, kayo mga married na dito... bakit ang naka-ugaliang greetings sa newlyweds, pag sa groom, "CONGRATULATIONS", pero pag sa bride ay "GOODLUCK".  ;D
 
 

ystariray

  • Guest
Re: "Marriage Isn't For You"
« Reply #9 on: November 06, 2013, 12:59:24 pm »
^ Yun nga ang nagustuhan ko dito sa GT, dahil andun yung security of anonymity, mas madami ang mas honest ang sagot. mas nasasabi kasi yung mga bagay na you would not dare utter in person. So mas totoo siya, that's why i find your posts interesting.

IMHO, unfair na tawaging irresponsable ang isang guy in his 30's na di pa married. Seryosong desisyon ang pagpapakasal, at di hamak na mas irresponsible ang isang lalaki man or babae na nagpakasal lang dahil yun ang sinasabing "norm" ng society.

At para di OT. Siguro the biggest challenge din is how to motivate the other half to practice this "Marriage Isn't For Me Principle" as well. Aminin natin, it feels good to give love, kaso parang ang hirap naman kung yung heavy lifting eh nasa babae or lalake lang. Kaya ako, pinabasa ko talaga kay h2b to, para straight to the point. Haha!


pret_ty68

  • Guest
Re: "Marriage Isn't For You"
« Reply #10 on: November 06, 2013, 04:27:03 pm »

IMHO, unfair na tawaging irresponsable ang isang guy in his 30's na di pa married. Seryosong desisyon ang pagpapakasal, at di hamak na mas irresponsible ang isang lalaki man or babae na nagpakasal lang dahil yun ang sinasabing "norm" ng society.


Agree, it is stupid to marry just because it is what the society dictates. May mga kilala ako  na mas excited sa wedding but not actually about the marriage. Kaya nga madalas natin na marinig yung salitang "Dream Wedding" pakatapos nang wedding saka lang na re realize ang reality ng married life.
« Last Edit: November 06, 2013, 04:32:37 pm by pret_ty68 »

aquacharly

  • Guest
Re: "Marriage Isn't For You"
« Reply #11 on: November 09, 2013, 06:36:56 am »
Oo nga, YSTARIRAY:  MARRIAGE IS FOR US.

I don't think I can do it for just my spouse/kids.
After all, it's a Marriage CONTRACT, not a DEED of Donation... So mutual gain, mutual benefit, mutually advantageous dapat. Hahaha

I asked hubby just now: Is marriage "not for you"?
Sabi: I am married. I am happy. That's all I have to say.   I don't wanna incriminate myself. 
Ano uli tanong mo? 

Lol

Girltalker2

  • Guest
Re: "Marriage Isn't For You"
« Reply #12 on: November 09, 2013, 06:49:41 pm »

kaya nga years ago, marami akong inupakan ako dito sa isang thread eh. mantakin mo, majority nagsabi na pag nasa 30s na daw ang lalaki at hindi pa nag-aasawa, either "bakla o irresponsible" daw agad? WTF!.  :o
eh, pano pag babae ang unmarried? ::)


I remember my ex once told me, he is not a marriage material, dapat hindi nalang kami nagpakasal. And now na we are separated ang bukambibig nya eh he will stay single all his life. Ya right!  Single na maraming anak sa labas at maraming kabit siguro.

The problem with my ex is he is selfish.  He just wants to take care of his own interests, his own schedule and he expects everyone to comply.  So yun, hindi nga para sa kanya ang pag-aasawa. 

Pero really, justin3, ang mga 30s sa Pinas, bibihira na walang asawa.  Mga romantiko kasi ang mga Pinoy.  gradeschool palang crush crush na agad iniisip. Partner partner. Napansin mo sa kultura natin, hindi patok ang film kung walang kaloveteam?  Pinoy life has always circulated on romantic love. For some reason, di ko alam bakit. Na realize ko ito when my kids where in prep/grade 1 palang.  Aba mga maids ko eh nagtatanong sino daw crush nila at niloloko na sila sa potential partners nila. Ako naman, ano baaaah!  This is not how it is supposed to be.  Pero yun nga, only in the Philippines.

So going back to 30s na lalaki ang single, never been married before at wala paring anak sa labas,  at higit sa lahat Pinoy na lumaki sa Maynila, hmmmm.... yes, para sakin, either bakla or may malaki syang attitude problem. But I am not discounting the fact na puede naman talagang nag eenjoy lang sya sa pagka binata nya.  Kasi kung ako ay lalaki, I would also marry in my mid 30s, kahit nga late 30s pa.  Kasi naman everything is on your favor, bakit ka kelangan magmadali magpakatali only to be unfaithful later?   Which brings me to the next issue, that's why ang daming unfaithful na Pinoy saten.  This is precisely one of the reasons. Di pa mature ang lalaki, tapos kasal kasal na agad ang iniisip in his 20s (worse if early 20s or mid 20s pa).

It takes maturity to get into marriage.  One should not be selfish. I think that is the essence of the article.











ystariray

  • Guest
Re: "Marriage Isn't For You"
« Reply #13 on: November 13, 2013, 05:32:48 pm »
sis aquacharly! hahaha! Hubby's safe answer = End of discussion = everybody happy. hahaha! Kung pinahaba pa nga naman ang sagot baka magkamali pa. hehe

justin3

  • Guest
Re: "Marriage Isn't For You"
« Reply #14 on: December 25, 2013, 05:46:28 am »
^^yaaay! pano yan? i spent my entire adult life in the jungles of Metro Manila, at wala naman ako "malaking" attitude problem?
proof? may regular sessions ako with a shrink. kailangan dahil sa nature at sensitivity ng work ko. lahat ng possible issue lumalabas yan. sexual preference, being happy-go-lucky, immaturity, responsibility, gamophobia, etc... lahat pasado ako. kahit na halungkatin pa ang records ko, consistent ang mga sagot ko dyan.

romantikong Pinoy kamo?... uso na ang email nun pero gumawa pa ako ng 10-page love letter. yung maka-tanggap ka ng 25 hand -made cards in 1-day. yung pagising mo may kakatok at iaabot ang 2-dozen white long-stemmed roses.

loveteam?... kinder pa lang ako nun. first kiss... i still remember pati middle name nya. buti na lang hindi nagkatuluyan. nakita ko sa Facebook. ayaw ko ngang i-add. ;D :D ;D



eto, true story to. makinig kayo mga sis at baka may mapulot kayong idea at leksyon. lalo na si TS, na ikakasal pa lang next year... sa ex-bf ng isang sister rin natin dito, who is also getting married na rin. ;D ;D ;D 

"Why Marriage Isn't For Me"

Ages ago, (wala kaming break sa office eh, basta pag walang work, basta na lang magkumpulan sa isang kubo para mag yosi, magkape, magbolahan) minsan, ginawa ba naman akong "pulutan" ng mga letsugas. >:( nasa 15-20 kami nun, halo-halo, may married, single. age ranges from 25 to early 40s.
may ung4s ba naman na, although hindi naman diretsahang sinabi na alanganin daw ang kasarian ko, pero alam ng lahat ang gusto nyang palabasin na bakla ako kesyo wala pa nga daw akong asawa at my age. sige, tawanan ang lahat. ok lang. bawal ang pikon. kahit na sobrang below the belt ang banat. ang iba, they were expecting nga na i would react violently... or magladlad na. ;D
(ang iba naman deadma lang kasi they know of my sexcapades with the opposite sex)

sa tagal na naming magkasama, halos alam ko na lahat ng mga personal info ng mga kasamahan ko.
yung ung4s, my idea na ko how long he's been married, and he has 3 kids.

sa madali't sabi, i boosted his ego. "tunay" na lalaki nga daw sya eh.
i asked him kung ilang babae ang naka-churva nya after nyang ikinasal. at kung nahuli sya ng asawa nya. aba, ang haba ng litanya ng loquo. nagyabang nga. kung sino at kung ilang katulong pa nga daw napaligaya nya, at kung ilang asawa ng OFW ang nadiligan nya. at proud na proud pa ang ogagz na kahit kelan hindi man lang daw sya nahuli o napagdudahan ng misis nya.

so, ako naman ang bumanat (naka ngisi ako all the time to ha?... my exact lines: wow pare, isa kang Alamat! ikaw Liz, Bebs (married female colleagues present), ano ang tawag nyo dun? panloloko yon di ba? at ano ang tawag mo sa tao na paulit-ulit na lang niloloko at hindi man lang nagre-react o walang kamuwang-muwang? T4NG4 di ba? at ano naman ang tawag nyo sa taong nag-asawa nga, T4NG4 naman ang napangasawa? NAPAKA-T4NG4 di ba? at ilan ang anak nyo? tatlo? nagparami pa kayo ng lahi? anak naman ng dilis oh! kaya pala talagang hindi umaasenso ang Pinas eh, ang dami talaga T4NG4 kasi.

i tell you mga sis, parang may dumaang sampung anghel that time. biglang tahimik. you could hear a pin drop. halos lahat tinamaan eh. natauhan at nahiya sa sarili siguro. yung ung4s could not react violently, sakit ng katawan makukuha nya sa akin pag pumalag sya. sya nag umpisa eh. medyo na-guilty lang ako kasi nadamay ko ang mga kids.
ako na mismo nagbasag ng katahimikan. sinabi ko, oh tama na yang bolahan, bumalik na tayo at mag harvest na ng mga mais natin (uso pa ang Farmville nun eh). ayon, tawanan uli.

blessing in disguise na rin siguro, from then on, hindi ko na narinig yung mga male colleagues ko na present that time, na nagkwekwento about their extra-marital affairs... baka tumigil na nga at ayaw tawaging T4NG4 ang sarili nila. ;D ;D ;D

at kung observant kayo sa mga old posts ko sa ibang threads, consistent ako sa mga payo ko na "pag-BF pa lang at nag cheat, sisante agad. but pag married na, please give hubby another chance". yung kay Councilor Jo lang ako lumihis nun alang-alang sa 4 daughters nya, kaso too late na rin eh. :(

so, "why marriage isn't for me"?... kasi wala pa akong nakitang babae na hindi T4NG4 na maging katapat ko. merong nag-iisang prospect sana, pero mas inuudyok ko pa nga sya na ituloy nya na ang pagpasok nya sa nunnery eh.

ano ba ang meron sa married guy na hindi ko magawa? sex? kids?... kaya naman ah. maliban sa pagpalit ng diapers siguro. ;D
company?... eh, sa ayaw ko eh. kaya ko manglibre nun sa concerts nina JLo, Rihanna and Alicia Keys, pero puchaa naman, ayaw kong makita ako ng iniirog ko singing-along with them. ;D ;D ;D

MALIGAYANG PASKO SA INYONG LAHAT! :D
 






 

Girltalker2

  • Guest
Re: "Marriage Isn't For You"
« Reply #15 on: March 08, 2014, 10:11:19 am »

If marriage is not for you, puedeng for NOW.  Pero later, it can still be. 

^ Anong response you want from me?  I couldn't agree more to your insights.  Kung alam mong you cannot stick to one, why marry?  Why commit? 

I believe na malaki ang role din ng simbahan dito. Di ba may seminar seminar ek ek sila?  Parang wala naman kwenta eh. Couples just go through the motions.  Kelangan mahaba habang seminar at self reflection talaga for couples.  At dapat may option din to postpone the wedding or cancel it. Ang hirap kasi satin, mag-s-schedule ng wedding date, tsaka mags-seminar.  So wala nang atrasan sa wedding date kasi nakapagdeposit na, ganun ba iyon? 

Hindi ba dapat magseminar muna ng maraming maraming sessions - all about money, infidelity, knowing your spouse, knowing yourself, handling relationships etc.  Bago magsign up ang couples if they have to get married na, or ilan years pa ang antayin nila before deciding to go to a seminar ulit kung magpapakasal nanga o hindi?  If there are issues na kelangan itackle ng engaged couples na hindi masettle, I don't think they should get married. Marriage is not for them YET, maybe it will never come, or maybe it will.




pret_ty68

  • Guest
Re: "Marriage Isn't For You"
« Reply #16 on: March 09, 2014, 01:35:23 pm »
^
Agree. Marami kasing nagpapakasal without knowing what they are getting into lalo na yong mga whirlwind romance. Minsan mas excited pa ang magpapakasal sa wedding than knowing the person they will be marrying.

Alam mo sa sacrament of confirmation usually mga one month nag se seminar ang mga bata bago payagan na ma confirm tapos sa kasal half day lang and usually the couples are half heartedly listening dahil masyadong excited sa wedding.

Bhabes_hots

  • Guest
Re: "Marriage Isn't For You"
« Reply #17 on: March 10, 2014, 12:21:32 am »
justine3 parang ang dami mo naman kilala dito  :o  You know the TS and sino sa councilor jo?  Nagpost din dito?

May mga tao din talaga na feeling ko hindi dapat kinasal na kakilala ko, pero who am I to judge?  Marami din talaga guy at girl na loko now adays, pero i still believe na it's good to give someone a chance baka nga naman hindi magloko.

Girltalker2

  • Guest
Re: "Marriage Isn't For You"
« Reply #18 on: March 10, 2014, 03:25:48 am »

^ sis, what do you mean by "it is good to give someone a chance baka nga naman hindi magloko"  Sige nalang pakasal once you love each other, at tsaka na isipin kung lolokohin ka ng partner mo?  I don't think one should make this marriage thing a trial and error.  Ang hirap, sa Pinas pa, walang divorce.  Kelangan sure kayo sa isa't isa na naiintindihan ninyo ang pinapasok ninyo, and hindi lang kayo mesmerized sa wedding preps.


mrsonthego

  • Guest
Re: "Marriage Isn't For You"
« Reply #19 on: September 13, 2014, 12:36:57 pm »
nakakatuwa naman tong thread na to, go go sana marami pang mag share ng insights nila  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close