watch now

Author Topic: ABS-CBN: Honesto  (Read 14164 times)

castledoll

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #40 on: March 03, 2014, 11:19:13 am »
^ iiyak si lourdes ng bongga na aabutin ng 2 episodes. =))

BDJ

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #41 on: March 03, 2014, 12:15:56 pm »
^Mabubuking na nga siya dahil kay Honesto eh!  ;D Ang exciting part rito is kapag nalaman ito ni Gov saka yung character rin ni Rosita na apo niya sa tuhod si Honesto. Akalain mong related to each other pala sila.

castledoll

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #42 on: March 03, 2014, 12:18:43 pm »
oo nga. pero baka gamitin nya si Honesto para sa evil deeds nya.

BDJ

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #43 on: March 03, 2014, 09:34:05 pm »
So mauuna pa pala ang pagbaril kay Honesto part bago yung mabuking ni Honesto si Lourdes?  ;D Ano kaya gagawin nila kay Cleto? Tingin ko hindi maniniwala mga Galang sa intention ni Cleto ang iisipin na natatakot si Cleto makita ang katotohanan whereas he is only protecting Honesto.

castledoll

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #44 on: March 03, 2014, 09:51:57 pm »
watching Honesto right now. si Honesto nga yung nabaril??

BDJ

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #45 on: March 04, 2014, 01:49:33 pm »
^Naguguluhan nga ako sa teaser eh! kasi una pinigilan ni Cleto tapos pangalawa kung titingnan mo parang si Honesto yung nabaril. Ewan ko kung nabaril ba siya talaga.

castledoll

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #46 on: March 04, 2014, 02:16:45 pm »
^ Oo nga e tapos sinikmuraan siya ni Gov. sana maligaw yung bala tapos si Marie yung tamaan.  ;D ang sama haha hinde ko lang talaga feel si Marie ang makakatuluyan ni Diego sa huli.

pandalicious

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #47 on: March 04, 2014, 02:49:29 pm »
^Sis tawang-tawa naman ako sa sana maligaw ang bala at si marie ang tamaan :D

Si honesto ba talaga ang pinatarget ni gov? If so, grabe na talaga kasamaan ni gov na pati bata dinamay sa paghihiganti nya.

castledoll

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #48 on: March 04, 2014, 10:42:15 pm »
^ haha kainis kasi si Marie  ;D

and nope. inutos ni Gov na siya yung barilin the moment Honesto touches his hand. kaya yung iba nag protesta, naawa. si leah, balik loob sa daddy nya. pero si diego, alam nya yung totoo kasi na corner nya si cleto e.

before nung barilan, akala ni cleto si honesto ang target kaya lumabas siya pinapaalis yung mga tao.

BDJ

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #49 on: March 05, 2014, 08:50:53 am »
The scene was unpredictable, hindi ko man lang na isip agad na hindi nga pala magagawa ni Gov na ipabaril si Honesto kasi lalung lalo lang magagalit ang mga tao sa kanya at pag-iinitan siya. Parang The Boy Who Cried Wolf lang ang ginawa ni Gov. Pangalawang beses na niyang niloko ang pamilya niya sa kunwaring pag aaksidente sa kanya. Una dati yung hinampas siya ni Lourdes, ang OA lang na macomatose siya agad dahil lang run, sobrang arte na niya.  ;D Ang nakakatakot sa ginawa niya kapag totoong na siyang ma-ospital, o baka mapatay o mabaril pa eh! diskumpyado na mga tao pati pamilya niya baka maisip pa na nagpapatay patayan pa siya.  ;D Ewan ko lang pero sobra naman yun. Hay nako natatawa pa rin talaga ako sa mga kalokohan ni Hugo kahit ang sama na niya na sobra sobra I still find it with humor dahil ang galing galing ng pagsisinungaling niya. Very challenging talaga yung pagkuha ng sympathy. Palpak lang siya sa part na gusto kaagad agad hamunin si Lemuel eh! dapat nasa ospital pa siya, at that part nagkulang na siya sa common sense. So it means in reality talaga kapag sobra ang galit mo sa tao you will do everything hindi na baleng may masakripisyo o mapagastos ka ng malaki which is nangyayari talaga yun. Minsan pa nga kapag sobrang galit ka mas inuuna mo pa oras mo sa galit mo kaysa sa mas importanteng bagay na may katuturan.

castledoll

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #50 on: March 05, 2014, 11:23:28 pm »
^yung episode nga kanina e dumudugo talaga yung sugat nya at tumatagos sa tshirt, keribels lang siya. Naawa naman ako kay Cleto, sana hinde siya ipapatay ni Gov.

IPATUTUMBA NA BA NI GOV SI MARIE???? dito lang ata agree kay Gov!

BDJ

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #51 on: March 06, 2014, 07:44:16 am »
^Useless na kasi isang linggo na lang  ;D unlike kung siya na lang sana pinatay imbis na si Lena, it makes sense pa.  ;D Although tama patayin na rin siya para hindi sila magkatuluya ni Diego at para hindi maging step mother ni Honesto.  :D

Ang galing naman ni Gov makarinig kay Cleto kung ano kinalaman niya  ;D saka yung pagbaligtad sa kanya, though obvious na rin kasi si Cleto noon pa tapos hindi pa man din siya ganun ka smart unlike Gov. Yung mga hinala talaga ni Gov puro tama eh!
« Last Edit: March 06, 2014, 07:55:09 am by BDJ »

castledoll

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #52 on: March 06, 2014, 11:42:03 am »
^ baka hinde nga nya ipapatay si Cleto kasi si Cleto lang naman ang nakaka alam ng lahat baka maging key witness siya eventually. or baka pag nagtuos ulet si Gov & Rollie, sacrifice ni Cleto yung buhay since nabanggit naman nya before na wala siya pamilya unlike Hugo na meron at meron uuwian na mga anak.

Sana magkita na si Rosita and Hugo. ilang episodes na lang e hinde pa sila nagsusumbatan.  ;D

BDJ

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #53 on: March 06, 2014, 08:54:07 pm »
Ano ba naman itong tauhan ni Gov hindi marunong mag assassinate kay Marie,  ;D duda ko pa kung mamatay itong si Marie eh! Ganda na sana yung sa may terrace that is the perfect spot na ihulog si Marie. Hindi ko alam kung mamatay ba si Marie o coma coma lang. Kung patay nga siya yan siguro ang nakikita kong dahilan na bakit halos masaksak na ni Diego tatay niya. Imposible naman mamatay si Gov noh! kung mangyari man sa huling huli na. Si Diego mabaril na naman, don't tell me siya pa mamamatay  :( parang yung kay Santino na naman ito longing for parents tapos nung nalaman totoo saka pinatay. Hay nako parang sa huli na mangyayari yung makikita ni Honesto ang sikreto kay Lourdes.  ;D

castledoll

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #54 on: March 06, 2014, 11:00:26 pm »
naawa ako kay lourdes kasi oo nga naman, mawawalan na naman siya ng anak. pero baka sa huli e magkatuluyan talaga sila ni cleto and mabuntis siya ulet.  :D

tsaka ang bopols nga ng tauhan ni Hugo! hahaha sabi mukhang aksidente daw e binugbog bugbog na nya e hinde na magmumukhang aksidente yun. sana tinuluyan nya na ihulog si Marie. Pero baka nga hinde nila patayin ang character ni Marie ng ganun na lang. and tama, mababaril na naman si Diego. pero baka hinde naman delikado siguro kasi mukhang sa may shoulder area lang e. pero just to make it a little bit more dramatic, dahil malalaman na ni Honesto yung totoo, may chance na ma coma si Diego.

Hinde ko na matandaan yung kay Santino. How did Enrique found out na anak nya si Santino?and how did Santino learn that Enrique is his father? ang natatandaan ko na lang kasi, nung na coma si Santino, dun nya nakasama yung magulang nya.

BDJ

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #55 on: March 07, 2014, 03:42:22 am »
^Long story yung kay Enrique basta umabot sa point na pina DNA kasi niya si Santino tapos nagmatch. Duda kasi siya dun sa lalakeng nagpapanggap na father ni Santino. Kinidnap yung mga anak ni Enrique, ang nagkidnap yung kapatid niya. Kasama yung anak ni Enrique na chubby bukod kay Santino. Tapos nung huhulihin na yung kapatid as kidnapper, nagkaroon ng barilan. Inamin ni Enrique na siya ang totoong ama ni Santino then nung nagkaalaman na nataon na bigla siyang nabaril nung sarili niyang kapatid. Yung kapatid namatay rin though bago nga yun nagawa pa rin niyang patayin sarili niyang kapatid.

Mabuti na lang may hindi magawa ni Gov na patayin si Cleto. Abah! ang laki ng nacontribute ni Cleto sa show ah kahit supporting lang siya. Isa siya sa dahilan kung bakit nabubuhay ang show aside sa kanila ni Gov.

Yung mukhang aksidente kung hinulog niya sana si Marie, yun na dapat yun.  ;D

castledoll

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #56 on: March 07, 2014, 10:53:18 pm »
^ Si Rico yung batang chubby. hehe paano na nga ulet namatay si Santino dun?

SAYANG HINDE NAMATAY SI MARIE!  ;D ;D ;D ;D nanunuod pa naman ako ng Annaliza before Honesto tapos nasabi ko na lang sana nagkapalit ng pinatay na character, binuhay yung bata sa Annaliza tapos si Marie yung pinatay.  ;D ;D

ang evil ni Hugo talaga! plano nya yung CCTV! pero hinde ba even with CCTV na walang audio, makikita naman dapat dun na dapat itutulak mo palayo yung attacker mo?hahaha ewan. last 5 days na lang e let's see kung paano twist ni Hugo ang pangyayari.

BDJ

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #57 on: March 08, 2014, 12:43:40 am »
^Pinatay ni Tilde si Santino something like binagok niya pero siya rin mismo ang nagdala kay Santino sa hospital.

Nirescue pala ni Diego si Marie!

Galing talaga ni Gov magsinungaling, kaya pala niyang saksakin ang sarili niya ng ganun lang.  ;D Dapat sa kanya kumuha ng idea si Cedric Lee kung papaano maging isang magaling na sinungaling.

Ilang araw naman kaya bago malaman ni Diego na siya ama ni Honesto?  :-\

Tapos grabe alam na nga katotohanan sabay itong Lourdes na ito paghihinalaan na naman niya na tinago ni Diego si Honesto? Karapatan na ni Diego yun kasi siya ang totoong ama eh!

castledoll

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #58 on: March 08, 2014, 06:26:17 am »
^ aahh pa skip skip kasi ako nung sa May Bukas Pa kasi ang heavy e haha

oo nga! hahaha do  you watch Annaliza? nakakatawa dun yung Cedric na character parang somehow Vhong Navarro story yung ginawa nila dun.  ;D

At malamang malaman ni Diego yun pag Thursday na.  ;D ;D pero hinde malayo na may barilan (for the nth time) at kidnapan scenarios pa muna bago matapos ito sa Friday. Naiinip ako! 5 araw na lang hinde pa nagsusumbatan si Rosita at Hugo. mukhang sa Monday pa lang malalaman ni Diego na lola nya si Rosita e.

BDJ

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #59 on: March 08, 2014, 09:24:27 am »
Hindi malabong ma-jail si Diego kasi in real life kapag hawak ang isang kutsilyo tapos yun ang nakasaksak kay force o hindi technically sa investigation yun pa rin ang mananagot. Kahit sa self defense kapag yung suspect na gusto mong isaksak natulak mo pabalik sa kanya kahit ikaw victim ang nakasaksak basta dapat hawak ni suspect ang kutsilyo hindi pa rin ma-jail yung victim. Ang lalabas nun yung suspect sinaksak ang sarili.  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close