watch now

Author Topic: ABS-CBN: Honesto  (Read 14145 times)

kutingpie

  • Guest
ABS-CBN: Honesto
« on: October 31, 2013, 09:20:08 pm »
just watched it kanina, so far maski hindi ko nasimulan, i like it ;)

huwag lang maging dragging yung story.

Marin

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #1 on: November 01, 2013, 07:01:26 pm »
count me in!

Likes
1) versatility nina Joel Torre, Nonie and  Angel. Kontrabida na may pagka-comedy.
2) kid-friendly/ values ed themed. Siguro tulad sa May Bukas Pa & 100 Days na magkakaroon ng guests or mini episodes

Dislikes
1)  patay na si Fina, guest role lang pala si Maricar
2) oo magaling si Janice de Belen pero nanay na naman siya, this time mahirap lang

pandalicious

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #2 on: November 01, 2013, 08:05:01 pm »
Napaka-cute ni honesto! :) gusto ko din na may pagka-comedy yung mga kontrabida, refreshing change from their previous kontrabida roles.

homefinder.ph

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #3 on: November 05, 2013, 07:05:25 am »
like ko itong Honesto ang cute nya at gusto ko pinapanood din ito ng mga anak ko kasi nga since mabait at maganda ang role ni honesto pwede sya role model sa mga bata yung kanyang pagiging mabait at hindi sinungaling : )

BabyZ

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #4 on: December 09, 2013, 03:28:30 pm »
Maganda honesto kid friendly naman, may mga values, laughtrip din ako sa mga Layers :)) kaso kainis namatay agad yung character ni Maricar Reyes dito.. (sana ibalik siya, hahahaha!)

Purple_Power

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #5 on: December 10, 2013, 09:54:05 am »
count me in!

Likes
1) versatility nina Joel Torre, Nonie and  Angel. Kontrabida na may pagka-comedy.
2) kid-friendly/ values ed themed. Siguro tulad sa May Bukas Pa & 100 Days na magkakaroon ng guests or mini episodes

Super LIKE  ;) Hindi nakakainit ng ulo pagiging kontrabida nila kundi matatawa ka na lang sa mga kalokohan nila. Kung si Angel Aquino nga sa Magkaribal effective ang pagiging kontrabidang seryoso hindi ko akalain na dito kaya niyang carry yung comedy factor kontrabida.

Si Joel Torre nasanay ako sa kanya na seryosong bida na tipong marangal tapos dito biglang comedy na kontrabida rin as in nadala niya.
 

count me in!
Dislikes
1) patay na si Fina, guest role lang pala si Maricar
2) oo magaling si Janice de Belen pero nanay na naman siya, this time mahirap lang

Oo nga parang sa May Bukas Pa kung sino pa yung sobrang ganda like Chin Chin Gutierrez yun pa yung guest role lang. Okay sana na magstay si Maricar doon sana siya na lang si Marie tapos si Cristine Reyes na lang yung ina ni Honesto para guest role lang.  ;D Hindi ko talaga feel yung pagiging care giver ni Cristine tapos naghuhumaling siya kay Diego. Kasi parang puro pa-cute lang ang ginagawa ni Cristine eh! pero sa tingin ko naman special participation lang siya rito kaya hindi rin magtatagal saka sana huwag naman silang magkatuluyan ni Diego.  ;D Hindi bagay eh! Siya lang naman may feelings pero si Diego matabang sa kanya.

Buti na lang rito Honesto is longing for his father rather than Nanay. Which is posible pa na magkasama tapos alive pa. Unlike in May Bukas Pa Santino is longing for mother kaso patay na.

marssie

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #6 on: December 11, 2013, 07:24:49 pm »
^Yun din dislike ko sa palabas na to, si Cristine  ;D

Ewan ko ba kung matatawa ba ako or maiinis dun sa "kuya" ni Honesto, the way he acts, parang hindi normal na kilos ng isang binata,tapos parang ang bata nya para i-pair kay melissa.

Purple_Power

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #7 on: December 11, 2013, 11:50:33 pm »
^I think Joseph Marco's role is ganun talaga na babata bata inosente yung tipong sunud sunuran lang rin.  ;D honestly isa rin yan sa reason kung bakit ako nanonood ng Honesto kasi andyan si Joseph. Nakitaan kong versatile siya kasi dati sa kontrabida na seductive siya tapos ngayon sobrang bata akala mo teenager pa.

akosibulinggay

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #8 on: December 12, 2013, 06:43:34 am »
Scene nung monday eve:
Si cleto nasa bintana ng bahay nila honesto na patagong nagmamanman, naka soot ng black leather jacket at bonnet.
Honesto: mang cleto!?
Cleto: hindi ako ito..
Honesto: ikaw si mang cleto e, nagjojoke po kayo!

Laughtrip asawa ko dito e  ;D .. Sana nga guest lang si christine dito!

JayLan

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #9 on: December 12, 2013, 09:38:25 am »
^ laughtrip sis... this made my day =)))))))))))))))

Purple_Power

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #10 on: December 12, 2013, 09:53:53 am »
Nakalagay naman sa list na special participation lang naman si Cristine so temporary lang. Hindi ko talaga siya feel, sana siya na lang totoong Nanay ni Honesto at sa kanya galing yung bata. At least hindi mo na siya makikita sa mga susunod na scenes.

Hindi bagay kay Cristine role niya mas okay pa kung sa Eva Fonda na lang siya.

Mukha naman hindi sila magkakatuluyan dyan ni Diego. Saka gusto ko nga yung sinusungitan siya ni Diego eh!  ;D Sinabihan lang siyang maganda pero hindi naman sa lahat ng oras ang ibig sabihin nun ay may gusto rin sa kanya yung tao.

Marin

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #11 on: December 13, 2013, 05:16:57 pm »
nabuhay yung thread para umapela ah! oo nga medyo off si Cristine to be a possible love interest.

ako naman tawa ako lagi sa mga hiritan nina Nonie at Janice! I really like na hindi dark kontrabida yung dating ni Cleto at Hugo - may chance to repent at maging likeable afterwards

Purple_Power

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #12 on: January 02, 2014, 01:40:31 am »
Hindi ko gusto ugali ni Lourdes compare to Layers. Parang self righteous siya or even selfish and her teachings to Honesto are at times contradicting pa.

Si Cristine Reyes akala mo nanonood ka ng Got To Believe In Magic sa totoo lang in terms of facial expression mas may maturity pa yung kay Kathryn Bernardo. Siya parang siyang teenager na pakipot at kinikilig samantalang Diego is so serious to him na pang mature yung role. Tanggap ko pa kung kay Jewel Mische napunta ang role na ito.


There are scene sins na medyo napansin ko.

Nung nag coma comahan si Hugo bakit hindi nakabukas yung life support na machine tapos the fact andun ang nurse na si Marie bakit hindi niya ito napansin agad? Walang nagtaka kung bakit hindi ito bukas.

In fairness yung script ng about sa pagsisinungaling ni Hugo makes sense, as in bentang benta.  ;D

hun_nie08

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #13 on: January 18, 2014, 04:25:33 am »
Naadik na ako dito. Panalo kasi talaga si Cleto at Hugo e. Sana saglit lang dito si Cristine - di ko sya bet e.

May development na ngaun si Honesto - after nyang mahospital at magkaroon ng near death experience, pag hinawakan nya ang kamay ng isang tao nakikita nya yung mga nangyayari...

azrael

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #14 on: January 28, 2014, 01:56:00 pm »
he he oo nga kakaiba si cleto.
grabe na nga yung addiction din ni Hugo sa Gold.

exciting na soon i saw sa trailer na makikilala ni Janice si Maricar sa photo.

=)

fluffycupcake

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #15 on: February 07, 2014, 01:03:25 am »
nakakainis na si hugo. ipagpapalit niya pamilya niya para sa yaman. pero love ko pa rin ang show na ito. ang cute kasi ni Honesto.  :D

castledoll

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #16 on: February 07, 2014, 11:23:06 pm »
nagiging heavy na yung show! ang sama na ni Hugo!

sana magkaroon sila ng award yung mga artista dito. dko inaakala na ang galing ni Angel Aquino maging social climber. benta nung mga hirit nya e. si Cleto, ang galing galing galing sobra! yung mga artista na ang forte e nakaka bwiset na kontrabida, hinde mo aakalain mapu- pull off nila yung ganitong role.

galing din ng nag isip ng mga names nila, hango sa bible. tpos si Hugo Layer = Huge Liar. Haha naisip ko lang.

fluffycupcake

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #17 on: February 10, 2014, 02:16:29 am »
dito ko lang napansin na magaling na actress si Angel Aquino. magaling siya umiyak at hindi siya pumapangit kapag umiiyak ah.

ayoko din kay cristine para kay diego. kaso mukhang sila talaga ang magkakatuluyan. sana nga palit na lang sila cristine and maricar ng role.

BDJ

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #18 on: February 12, 2014, 07:09:02 pm »
^Nasabi ko rin yan sana si Cristine na lang si Fina eh!  ;D Kala ko makakapunta na ng States, sayang naman. Saka kung mapapatay man siya ni Gov pabor sa akin yun  ;D but of course you know the twist of teleserye parang malabo naman yun. So magiging step mother pa siya ni Honesto?

Kung naging masama ang loob ni Honesto kay Diego na tunay niyang ama I think magiging masama rin ang loob niya kay Lourdes kapag hinawakan niya na ito. Kasi sa malamang malalaman rin ni Honesto na kilala ni Lourdes si Fina.

MisCalculus

  • Guest
Re: ABS-CBN: Honesto
« Reply #19 on: February 15, 2014, 11:25:10 am »
I agree re: Angel Aquino, ang galing nya dito as Lena. Panalo sa kin yung mga mali maling english na hirit nya...casual lang ang pagkadeliver. :)
Too bad, her character died na last night (may new teleserye na kasi sya).
Ang galing galing nila ni joel torre sa eksena kagabi, nakakaiyak.



 

Latest Stories

Load More Stories
Close