@champonzi: so envious of u, congrats sis! nadadagdagan na ang success stories ng endo. sunod sunod na tayo sa listahan, sana kami namin this year.
wag ka mainggit sis. dadating din yung sa inyo bi hubby mo.

chillax chillax hehe. ang hirap kalaban ng stress.. nung naka-BFP naman ako, haba ng pahinga ko saka walang gumugulo sa akin. saka tama, paalaga ka na sa RE.. ako ganun ginawa ko.. aggressive ako sa treatments. parang nagse-set ako ng time frame tapos kapag hindi gumana, jump na sa next option. sinabi ko talaga sa OB/RE ko na nagmamadali na ako. ayun, naintindihan naman niya siguro ang saloobin ko. haha.
Pero kamusta yun open surgery mo? Maayos naman? Hindi naman ba mas nakakatakot?
yes sis, open yung sa akin and bikini cut siya. actually, over over na yung 2 months na recovery period. pero i guess, depende din talaga sa katawan ng tao yun. kasi ako, days lang after ako ma-operahan nag-mall na ako e. hahaha. sa totoo lang, in less than 1 month fully recovered na ako pero pinasagad ko sa OB ko yung 2 months ilagay sa medical certificate. tapos, ako pa nga nangungulit kay hubby na mag-BD kami. haha. ayaw niya, akala niya siguro di ko pa kaya.
so para malinaw explanation ko hehe: day 1 = admission; day 2 = operation; day 3 = pahinga; day 4 = discharge
tungkol naman sa operation, hindi naman ako natakot. before operation (D1), kakausapin ka naman nung anes. sabi ko sa kanya, gusto ko tulog talaga ako kasi ayoko marinig yung sound ng mga medical instruments etc. kaya ayun, right after ako saksakan ng spinal anes wala na akong alam sa mga pangyayari (Day 2). naramdaman ko nalang na dinadala na ako sa recovery room.
nung nalipat na ako sa room ko (Day 2), syempre mejo may pain pa yan. pero di ka naman papabayaan ng doctor/nurses. continuous naman yung pagbigay ng pain reliever hanggang ma-discharge ka. hindi pa ako pinakain nitong araw na to. fluids lang pwede saka taas lagnat ko dahil daw hindi pa ako pinapakain.
D3 under observation pa din ako. syempre kasi kelangan mo mag-utot saka mag-poop and inaantay din yun nga mga nurse. haha. inadvise ako ng OB ko na maglakad-lakad.. para syempre ma-stretch yung mga muscles din. ang hirap kaya nakahiga buong araw. haha. D3, pinakain na nila ako. nung nakakain na ko, nawala na yung lagnat ko. D3, nag-fart na din ako.
D4 wini-wish ko na i-discharge na ako kasi pakiramdam ko antagal ko na sa ospital. haha. nakapag-poop na din ako with the help of dulcolax. haha. ayun, pinauwi na ako. tapos bago kami umuwi, dumaan pa ako ng grocery kasi wala kaming kakainin. kinaya ko naman basta dahan dahan lang ang paglakad.

tapos, mag-binder lang palagi para hindi mahirapan. syempre kasi ang hirap kapag uubo, mag-sneeze kasi gumagalaw yung puson.
so ayun, december-january pahinga kami sa TTC. nung february, ayan na! hahaha. alam na. pero ayaw pa nung OB/RE ko nun na mabuntis ako. gusto niya, march pa namin i-try. e atat ako e. kaya ayan.
para sa akin, di naman na ako nanghinayang na open surgery yung nangyari sa akin. kasi yun nga, di naman kita yung hiwa ko. pwede pa mag-bikini.

saka tama din siguro na mas makikita nila mabuti kung anong nangyayari sa reproductive system mo.
In terms of office, ibig bang sabihin non, hindi ako mababayaran ng 60 days? Kapag sasagarin kong 60 days?
ako sinagad ko ng 60 days. binayaran naman ako ng employer ko. kasi nakalagay naman sa medical certificate ko na yun yung required recovery period. pero depende din ata talaga sa employer e... yung iba kasi mahirap kausap, ayaw pumayag.
congrats sa mga sis natin na nag bfp na! na miss ko ang thread na to... :-)
sunod na sana lahat tayo magka baby!
that's the spirit! goodluck sa lahat and super sticky baby dust mga sis! <3<3<3