watch now

Author Topic: tips on moving on...  (Read 59062 times)

purple.strawberry

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #80 on: February 10, 2015, 02:42:15 pm »
Nabasa ko lang, the best way daw to get over someone is to get under someone else. ;) Well, may or may not work for you. I agree after breakup you need time for healing, but it's also flattering to find that other people still find you attractive - even if you don't feel like it.

maria helga

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #81 on: February 10, 2015, 03:44:31 pm »
Nabasa ko lang, the best way daw to get over someone is to get under someone else. ;) Well, may or may not work for you. I agree after breakup you need time for healing, but it's also flattering to find that other people still find you attractive - even if you don't feel like it.

DISASTER yan kaya wag. In my opinion, mas okay sana kung hahanapin mo muna sarili mo bago ka makipagrelasyon ulit kasi for sure, mauulit at mauulit lang din yung nangyari sayo tsaka sa ex mo. Niloloko mo na sarili mo. Nandamay ka pa.

purple.strawberry

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #82 on: February 10, 2015, 05:02:15 pm »
^I meant it as a light answer naman sis. And like I said may or may not work for you, but admittedly merong mga tao na ganun ang way ng pagmove on nila and it's not always a fiasco. To each his own ba.

cry_mandy

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #83 on: February 12, 2015, 04:24:27 am »
What I did, I totally avoided the person. Bitter kasi ako. Kaya I treated him as if patay na sya. It was hard kasi magka officemate kami. Imagine seeing that person everyday. I blocked him sa messenger, told him not to talk to me unless it is work related, moved desk, changed my routine para lang maiwasan sya. Then I stopped talking about it/him. No emo posts sa social media. Then na surprise na lang ako I woke up one day, it didn't hurt anymore. Cant really say I have moved on pero at least it doesnt torture me anymore.

lester0927

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #84 on: February 16, 2015, 07:43:41 am »
The best way to move on is to read the Bible. Learn to forgive and realize that there is Someone who cares for you and will not leave you nor forsake you. 😊

heartfortress

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #85 on: February 16, 2015, 08:59:24 am »
^i super agree

lester0927

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #86 on: February 18, 2015, 12:02:08 pm »
Eh pano naman yung mga nabaliw na sa kakatawa sa stage na nagmomove on sila?

three8one

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #87 on: February 18, 2015, 04:26:44 pm »
realize
accept
forgive (kung kailangan)
move on...

sana makatulong... :)

muymuy

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #88 on: March 11, 2015, 07:32:42 pm »
Accept... after 2months, forgive. Haha

But seriously, you have to accept and you dont have a choice but to move on.

Alam natin kung ano ang nararapat gawin para maka move on, pero pag ipit tayo sa situation na yun, para bang clueless tayo kung ano dapat gawin..

Sa mga sisses na nasasaktan ngayon, sana maging ok na kayo ASAP.


11bernadette28

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #89 on: March 31, 2015, 03:26:02 am »
Super relate ako dito i need this thread ngayon lang ako ulet nag bukas GT account ko.. Yes super hirap mag move on process nga talaga siya. akala ko tanggap ko na akala ko masaya na ako pero once na nahihirapan ako tinatawag ko si God sasabihin ko yakapin ako bigyan ako ng peace of mind tapos alisin ang loneliness ko. minsan akala mo okay ka na masaya ka na wala siya tanggap mo na, na wala na talaga pero hindi pa din pala db.. kahit anong gawin mo umalis mag salon mag spa pero minsan yung isip mo bumabalik db. masakit sobrang sakit pero need naten maging strong para sa atin na din db.. pero isa lang ang ayaw ko mangyari wag n wag kami magkikita o mag krus landas namin..  ayaw ko..

pumpkin13

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #90 on: March 31, 2015, 03:30:13 am »
Share ko lang. Yun moving on ko bigla na lang nangyari. It's been 7 months since we broke up, and I remember posting on every heartache thread dito sa GT. Dito sa tips on moving on, brokenhearted club, etc. The first few months were the hardest for me. Alam ko naman na eventually I would be fine, pero that time, hindi ko maramdaman that I would get over it. Sobra kasi yung pain. Parang in every inhale and exhale, may kirot.

Di ko sya niremove sa fb as well as our common group. Every day nagstalk ako kung anong bago, may bago ba pics or may bago ba drama, may progress na ba sa bago nyang lovelife. And all of those, ginagawa ko kahit alam kong masasaktan ako if ever may makita ako. Minsan nagloload pa lang yun page, ang lakas na ng kaba ko pero hindi ko kinacancel. Minsan kinakausap ko na ang sarili ko ng malakas na, "Stop it! Stop it!" pero direcho pa din ako.

So what I did, since hindi ko naman sila niremove sa friends list ko, I unfollowed them all. Ayoko na makasagap ng mga updates about what they have been up to kasi nabibitter ako. I just didn't lose a lovelife, I lost a few friends din since they took sides. Anyway, hanggang sa nasanay na lang ako na wala ako nababalitaan about them.

While avoiding, I took time to get in touch with a few friends outside of our circle. I spent more time with family, and I realized that when I was still in the relationship, I hardly had the time for my family. So nagbabawi ako ngayon. I went back to blogging. I booked some out-of-town and out-of-the-country trips. Until I realized na wala na yun pain. One day, I tested myself. I tried to check ex's fb page. I felt the familiar pain and anxiousness, not because natatakot ako sa makikita ko, but because nasanay na lang ako na kelangan kabahan every time magchecheck ako. So kinacancel ko na. I thought it doesn't even matter.

So I think I've moved on, or if not, malapit na ko sa finish line. I didn't think I would feel this normal, but I do. :)

17glut

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #91 on: March 31, 2015, 11:39:14 pm »
^you'll know if you have truly moved on is when you have completely stopped giving a damn about the guy. As in anything and everything about him will just simply disappear from your head. Flatline emotions about the person - kahit pa sabihin mong he's on his deathbed, he's getting married or having his first kid, dapat complete dedma at all.

Pero everytime he crosses your mind regardless kung concern man or eagerness to be updated with his life just goes to show that you've never left the starting line at all.

Stop worrying about it, just keep running...you'll eventually get there.

ajang

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #92 on: April 01, 2015, 03:51:48 am »
go with the flow. nasaktan ka kaya natural na umiyak ka, ok lang mag mukmok and all at the end magugulat ka na lang naka move on ka na. wag pilitin kalimutan yung guy and yung pinagsamahan kasi the more na kinakalimutan mas naaalala at mas masasaktan ka pa. give time time coz time can only tell when. once naman na ok ka na wag nang magtanim ng sama ng loob sa ex, mas ok na ilagay na lang ang shared memories sa baul at isulat sa history ng buhay mo pinagsamahan nyo.

11bernadette28

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #93 on: April 02, 2015, 05:23:28 am »
Mga sis I need help please.

Db nasa process ako ng pag momove on. 7yrs kami ni bf 1month na kami break nag start na ako magpalit ng fb account deleted #'s na din as in lahat. last night isa sa mga bff ko nag pm sa akin sa fb pinakita yung screenshot na post ni x sa fb niya pinangalandakan nya na mahal n mahal n mahal daw nya yung girl wala daw siyang pakialam sa mga taong against sa kanila gusto lang daw nya makasama si girl habang buhay etc etc etc.  30mins ago tumatawag sa akin naka 10 misscall siya bago ko siya sinagot since nasa work ako. Gusto daw niya malaman kung kailan daw ako naka leave, kasi daw na iistress siya sa account niya ngayon, at lilipat na daw siya ng account, gusto niya sumama sa akin kung saan ako pupunta sa leave ko. Sagot ko sa kanya " db my girlfriend ka na? bakit ako db? " sabay sabi niya sa akin pwede wag na muna naten pag usapan yan sobrang stress ako. sabi ko " pero bakit ako?" sabi niya DB Friends tayo? sabi ko Wow ah! sabihin ko na lang daw kung ayaw ko na daw at siya na mismo ang lalayo sa akin... the fudge mga sis siya nga ang naiwan sa akin sabi niya gusto niya ng NEW LIFE NEW CHAPTER pero hindi niya ako maiwan. WHY MGA SIS??? I NEED HELP please... Ayaw ko na din naman....

11bernadette28

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #94 on: April 02, 2015, 05:40:46 am »
ginawa niya ulet sa akin yung dating break up namin yung tipong nandyan lang ako para sa kanya kahit anong mangyari nagiging options ako. yes oo nandito pa din naman yung love ko sa kanya bago pa lang db pero bakit ayaw niya ako maging masaya ayaw niya ako ipamigay sa iba. bakit? ako nga ito nag momove on tsaka pilit ko na siyang kinakalimutan. bakit ayaw niya akong maging masaya???? sakit naman....  :'( :'( :'(

momentum

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #95 on: April 02, 2015, 06:47:44 am »
^ since you said ayaw mo na sis, then huwag ka na magpadala sa kanya. obvious naman na ginagamit ka lang niya. and malay mo yang "sobrang stress" na sinasabi niya means nag-away sila ng gf niya kaya ikaw naman tinatakbuhan niya now for "good time" etong bakasyon. malamang matindi away nila kaya hindi sila magkakasama, or baka si gf iba ang plans with the family na hindi makakasama si ex mo. either way, GINAGAMIT KA LANG NIYA PANAKIP BUTAS. kapag ok na sila ni gf niya or kapag nakabalik na siya from her vacation, wala ka nanaman maririnig sa ex mo kasi masaya nanaman siya with her.  don't be an option, don't give him that privilege. it happened before (As you mentioned) and what did it get you? more heartaches diba? pilit mo na siyang kalimutan? then block mo na siya from calling you, or change your number. whatever happened before will just happen again, alam mo na yan. so tuloy tuloy mo nalang pag momove on mo. you need a new chapter in your life too, a new beginning and that shouldn't include him  :) God bless and enjoy your vacation!

ajang

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #96 on: April 02, 2015, 07:00:36 am »
^tama sabihin mo di ka mahilig sa basketball at di ka magaling sa rebound. ano yun taga-salo ka na lang palage?! ayaw nya maging masaya ka kasi alam nya na kapag naka-move on ka totally out of the picture sya sa buhay mo. naku sis kahit anong gawing lapit nya sayo wag mo na pansinin eventually magsasawa din sya.

oo andyan pa rin yung love mo sakanya pero dapat this time mangibabaw ang love mo sa sarili mo.

17glut

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #97 on: April 02, 2015, 11:02:28 am »
Mga sis I need help please.

Db nasa process ako ng pag momove on. 7yrs kami ni bf 1month na kami break nag start na ako magpalit ng fb account deleted #'s na din as in lahat. last night isa sa mga bff ko nag pm sa akin sa fb pinakita yung screenshot na post ni x sa fb niya pinangalandakan nya na mahal n mahal n mahal daw nya yung girl wala daw siyang pakialam sa mga taong against sa kanila gusto lang daw nya makasama si girl habang buhay etc etc etc.  30mins ago tumatawag sa akin naka 10 misscall siya bago ko siya sinagot since nasa work ako. Gusto daw niya malaman kung kailan daw ako naka leave, kasi daw na iistress siya sa account niya ngayon, at lilipat na daw siya ng account, gusto niya sumama sa akin kung saan ako pupunta sa leave ko. Sagot ko sa kanya " db my girlfriend ka na? bakit ako db? " sabay sabi niya sa akin pwede wag na muna naten pag usapan yan sobrang stress ako. sabi ko " pero bakit ako?" sabi niya DB Friends tayo? sabi ko Wow ah! sabihin ko na lang daw kung ayaw ko na daw at siya na mismo ang lalayo sa akin... the fudge mga sis siya nga ang naiwan sa akin sabi niya gusto niya ng NEW LIFE NEW CHAPTER pero hindi niya ako maiwan. WHY MGA SIS??? I NEED HELP please... Ayaw ko na din naman....

gusto nya lang ipa-mukha syo na masaya na sya at ang masaktan ka lalo - gantihan lang yan eh  :-X

11bernadette28

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #98 on: April 02, 2015, 08:34:09 pm »
Mga sis yung stress na sinasabi niya is work niya like super nababanas na siya sa account niya. Kaya gusto malaman kung kelan VL ko para makapag file na siya ng VL kasi lilipat na naman daw siya ng new account (BPO kasi) gusto niya sumama sa pag travel alone ko. he keeps on calling me hanggang pag uwi ko pero hindi ko na sinagot tapos nag text pa siya na "Nasan ka na?" Ano jowa ulet PEG niya..?? tapos tumatawag na naman siya mga 1PM pero syempre tulog pa ako nun. Feeling ko din kasi nakita niya post ko sa IG my suitor ako na Engr kagabi pinuntahan ako dito sa office tapos binilan niya ako ng Hot and Cold na Matcha Latte yung IG ko kasi hindi siya naka private kaya bigla siyang napatawag sa akin ng ganon.. Yes oo malaki na ako matanda na ako (29 yrs old) alam ko na dapat gawin ko ngayon. a week ago nag text ako sa kanya kasi  sabi ko panindigan na namin o niya yung desisyon niya kasi ang awkward magkasama kami sa wake ng dad ng tropa niya tapos nag uusap naman kami pero parang pareho lang kaming nasasaktan e. nakita niya na my tumawag sa phone ko tapos siya puro text sa harapan ko yung tipong ipinamukha sa akin na my iba na talaga siya. pero yung tumawag sa akon friend ko na nag aask ng way papunta ng ortigas. but right now im asking GOD na tulungan ako sa mga bibitawan ko na salita at sa mga magiging desisyon ko. sa mga advice niyo sa akin ikekeep ko yan mga sis hindi ko pa alam kung anong mangyayari ulit pag gising niya mamaya kung tatawag  ba siya ulet pero ayaw ko na dahil siya na mismo ang nag sabi na gusto niya bagong buhay db ng bagong siya. at siya na din mismo ang nagturo sa akin na layuan ko na siya.. mga sis thank you. as in THANK YOU!!!! keep you posted girls. enjoy your vacation enjoy ko na lang yung double pay ahahaha..

btw sabi pa nga ng ibang friends ko siya ang hindi maka get over sa akin. pero ayaw ko na umasa yes masakit pero everything will be worth it naman db.
« Last Edit: April 02, 2015, 08:37:41 pm by 11bernadette28 »

zelda

  • Guest
Re: tips on moving on...
« Reply #99 on: April 05, 2015, 06:38:39 pm »
Ikwento mo lang nang ikwento hanggang mapagod ka. Mamamalayan mo na lang wala na palang epekto. Di na masakit. Pero it really takes time. And wag na wag kang titingin sa Facebook nya o nung ipinalit nya sayo (if meron agad). Di makakatulong pag updated ka pa rin sa buhay nya.

LOL this is sooo true! Ikuwento mo lang ng ikuwento. Kahit sa taxi driver nakwento ko rin nun. Pati si kuya napraning na baka lokohin din sya ng wife nya na nasa singapore. Haha Have a support group na you know na di mapapagod kausapin ka, kahit you keep on tellin the same drama. Eventually you'll get tired of it.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close