Author Topic: I need help! :( to WAHM or NOT?  (Read 2793 times)

ysanity

  • Guest
I need help! :( to WAHM or NOT?
« on: October 15, 2013, 03:26:04 am »
When I gave birth to our daughter, I stopped working. But, I try to do sidelines like selling stuffs, networking etc. Pero syempre, hindi stable income, tapos small lang yung business ko and dumating yung time na si hubby medyo nagka problem sa work nya so walang income, and ginamit namin for baby needs and expenses yung konting kita ko. kaya hindi na umikot ang pera. Fast forward, nagstart ulit ako mag sell ng shoes, small ulit muna since maliit lang capital but I have a plan on making it big. Tapos medyo hindi pa kalakasan yung sale kasi online palang, bago palang and konti palang nakakakilala. kung baga sa 2 weeks, hindi ko pa nga nababawi yung capital ko. hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. Si husband, may work sya na dapat, take note: "dapat" medyo stable ang income, na may allowance sila every 15 & 30. start palang sya, 2 months palang, pero ngayon, 10 days na delayed sweldo nya, tapos mukang medyo magulo yung company. kaya hindi rin kami sure kung magtutuloy paba yung company or what. pero kahit na may salary si hubby na yun from that company, kulang sa mga pangangailangan namin at ni baby. gusto pa nga namin bumukod na sana at magsimula ng sarili naming bahay, pero yun nga, wala. Ngayon, ang ilang araw na gumugulo sa isip ko, nagsearch pa nga ako pero hindi ko parin alam ang gagawin ko, kung maghanap at bumalik ako a "real job" or mag "work at home mom"  and business. Work at home mom, kasi yung baby namin is 16 month old palang, gusto ko lagi ko sya nakikita at nababantayan kahit may yaya sya, iba parin yung nasusubaybayan mo yung anak mo. Nung bago panganak ako sakanya nagwowork ako nun, 7-5 job, pero grabe hindi ko matiis hindi makasama anak ko, tapos ang hirap ng oras kasi aalis ako tulog pa sya tapos uuwi ako patulog na sya, bukod don, sa sarili ko hirap ako, ako kai nag-aalaga na kay baby pag gabi, gumigising ako ng 3-4x a night para feeding at magpalit diaper nya, tapos siguro a sobrang OC ko na nanay, konting ingit at galaw lang ng anak ko, hindi ako nakakatulog kasi binabantayan ko sya kung bakit iiyak, tapos maikot pa matulog. kaya ang scenario ko, parati ako puyat, i sleep late din, kaya bumabawi ako ng tulog pag gising na si baby sa umaga tapos nasa yaya na. kaya hindi ko kaya gumising ng maaga everyday kung gabi2 ganon routine ko. Bukod dun, sa sarili ko, ako yung tipo na hindi mo ako mapapagstay ng 8-10 hours sa office typing, writing, at yung mga usual na ginagawa ng ordinary employees, i like meeting new people, earning, exploring and more at masasabi ko na ang gusto ko talaga is business. i want to sell my products, i want my own store, tapos hawak ko oras ko. naisip ko, since hindi pa maganda ang takbo ng business ko, mag online job/homebased job ako at the same time. kaso yun hindi rin stable yun at hindi ko alam ano patutunguhan ko sa online job, kung magkano kikitain ko, or may makukuha ba akong work at kelan. hindi ko iniisip yung self progress kapag stay at home ka lang na work kasi para sa akin marami way, marami groups. Kapag naman nag apply ako ng work, which hindi ko rin alam kung ano basta not call center, im not against call center, like what i said, ako nagaalaga sa gabi, at hindi lang yun ang gusto ko. hindi ko alam saan ako makakahanap ng work at ano. At if i were to work in an office, dahil yun sa kaylangan lang namin ng stable income.Kung ako papipiliin, mas gusto ko talaga business, yun ang gusto ko gawin, pero hindi pa kaya lalo na mahina pa talaga yung business, tapos ngayon sobrang crisis kami, as in sa point na wala na kami pang gatas ni baby. Hingi lang sa parents. Tapos yung pangarap namin na magkaroon ng sariling bahay. Hindi ko na talaga alam gagawin ko. Kailangan namin talaga ng stable na income. Please help me decide. Thank You! Pasensya na sobrang haba.

princessrio

  • Guest
Re: I need help! :( to WAHM or NOT?
« Reply #1 on: October 15, 2013, 06:31:06 am »
have you talked to your husband about your family's status right now and your concern? the way i read your post, parang puro excuses/reasons.

may i ask kung ano ginagawa mo ngayon? you said you have a yaya (crisis na kayo pero may yaya pa kayo). so basically, she takes care of your daughter. so, what do you do?

kung wala ng pang-gatas ang anak ko, no doubt that i'd get out and look for a real job. hindi magiging kabawasan sa pagiging mabuti kong ina ang magtrabaho ako at iwan ko sa bahay ang anak ko dahil para sa kanya ang gagawin ko. titiisin ko munang hindi ko sya makasama ng ilang oras sa isang araw kesa wala na akong maipakain sa kanya. kaya i give respect to working moms kasi hindi madali ang ginagawa nila.

pwede ka naman magwork from home e. but if you'll be starting from scratch, don't expect na malakihan ang kita agad or magandang employer agad. for most online jobs/employers, the more established you are, the higher you get paid.

as for your business, pwede naman i-sideline yan e. and when it's stable and husband gives you the go signal na magfull time sa bahay, then go. pero sa ngayon, ikaw na ang nagsabi, hindi nyo pa kaya.

rhomalicious

  • Guest
Re: I need help! :( to WAHM or NOT?
« Reply #2 on: October 15, 2013, 02:17:50 pm »
true sis you are in crisis but you manage to have a yaya (shala shala lang ang peg)

and i know how much do you want to be with you daugther all of the time like i do but sometimes we need to sacrifice..

ako hirap na hirap akong maghanap ng matinong mag aalaga sa mga anak ko who's 1year and 3mos (my eldest) and 3mos (my youngest) do you see the age gap?? na minsan i super duper wanted to stop working na para i can take care of them kasi [textspeak!] panganay ko sakitin but thinking of it palang ayy di na uubra kasi magsusuffer naman [textspeak!] budget namin..

try to find a stable job right now (yung may monthly income) while doing your online business paonti onti. pag kilala na ang business mo sa online industry tsaka ka mag resign..

also asked your husband to find a stable job.. :P

IloveMybabs

  • Guest
Re: I need help! :( to WAHM or NOT?
« Reply #3 on: October 16, 2013, 12:09:22 am »
I am soon to be Mom :) and here is may POV sorry kung you will find it medjo harsh.

sis ikaw na din nagsabi na hindi nyo pa talaga kaya na mag start ng business kahit gustuhin nyo so bakit hindi na lang ipag paliban at mag ipon muna ng sapat na pera para sa business bago carearin. if working in a corporate company and spending less time with your baby is the answer so be it.. kasi hindi naman pang matagalan yong pag tulong sa inyo ng parents nyo.. panu kung bukas wala na sila mabigay saan kayo ng kukuha ng pang gatas ni baby hindi ba mas kawawa sya na wala syang madede?

ako din naman mas gugustuhin kong ako mag aalaga sa baby ko pag labas nya kaso kung hindi naman talaga kaya financially bakit ipagpipilitan sabi ni sis princessrio hindi naman kabawasan sa pagiging mabuting ina ang pag wowork mo.. syempre isipin muna yong ipapakain kay baby bago ang lahat..

alam mo ba nag work pa ko as cashier dito sa ibang bansa for 3months while waiting to find something related sa work ko or sa course ko. kasi nag pplan na kami nuon mag baby, and ayaw ko masayang yong time na dapat kumikita na ko kesa naka tengga sa bahay at dahil alam naming na medjo mahal dito magbuntis and kailangan namin dagdagan yong ipon namin.. imagine yong ego mo na sa pinas paupo upo ka lang and send ng email then bigla uutusutusan ka na lang but I didn't mind kasi mas priority namin na makaipon to hell with my ego :)

cmax

  • Guest
Re: I need help! :( to WAHM or NOT?
« Reply #4 on: October 16, 2013, 09:56:55 pm »
After 11 years of working I am now a SAHM. Nagdecide kami ng asawa ko na magiging solong breadwinner na sya nung time na napundar na namin ang mga kelangan namin at kaya na nya kami tustusan. So nagtiis din ako ng 11 years na di nakakasama ang mga kids round the clock. I may have regrets over it but I'm glad nagsacrifice kami kasi ngayon, panatag na kami financially at I'm not too late to catch up with my kids' lives. If I will have the chance to turn back time, I will sacrifice again my time with them to provide for their needs and a little bit more. Kesa naman wala man lang silang panggatas at aasa sa iba kung kaya ko naman ibigay yun sa kanila at wala pa akong ibang inuutangan ng loob.

Mlabable

  • Guest
Re: I need help! :( to WAHM or NOT?
« Reply #5 on: October 17, 2013, 01:58:15 am »
I've been working for almost 8 years, as much as I wanted na maging fulltime mom e di pa namin kaya. So sacrifice talaga kami ng asawa ko. Night shift pa ko then flexi ang sked ng husband ko. Pero mas ok sa akin ang night shift kasi mas may oras ako alagaan ang anak. No yaya eversince pero yung parents ko naman support sa pagbabantay sa anak namin pag di ko na talaga kaya. Yun nga lang sobrang puyat ako. Now, manganganak na ko sa December for our second baby.

Sa ngayon, nagtatrabaho pa rin ko sa ayaw at gusto ko. Wala na talaga ang puso ko sa corporate world mas gusto ko na maging full time mom. Sinabi ko sa asawa ako na after 5 years e magreretire na ko since nakapagpundar naman na kami ng bahay at lupa so by that time bayad na rin naman namin lahat ng loans. At sinigurado ko naman sa asawa ko na before ako resign gusto ko may small business kami or mag online work ako at least sa bahay pa rin ako.

Think yung pang long term na benefits yung pagtatrabaho ko ngayon. May oras pa rin naman ako sa mga anak ko. At masaya ako na naibibigay ko sa kanila lahat ng gusto nila. Konting panahon na lang naman titiisin namin at kasama ko na lagi mga anak ko.

girl24

  • Guest
Re: I need help! :( to WAHM or NOT?
« Reply #6 on: October 17, 2013, 01:36:52 pm »
sis, ako kahit me 8-5 job, actually pareho kami ng husband ko na me stable jobs. i still take care of my kids at night - meaning get up 3 to 4 times to prepare the milk and all. kahit nung babies pa sila not until mag one year old halos di ako matulog kakabantay dahil takot ako sa SID (sudden infant death). all this while working because i want to give my children not only their needs but their wants also. para sa mga anak din. motherhood comes with a LOT of sacrifices. hindi dahil gusto mo, yun ang makukuha mo. you have to work hard AND still take care of the kids. that is the financial reality of life.

tsaka sis, kung wala nang pambili ng gatas ni baby at since nasa bahay ka naman and as you said OC ka, why not take care of your baby by yourself? yung pambayad sa yaya, pambili mo na lang ng gatas. tip lang naman ito. buhay mo pa rin naman yan...

ysanity

  • Guest
Re: I need help! :( to WAHM or NOT?
« Reply #7 on: October 18, 2013, 07:36:31 am »
Hello sissies! Thank you po sa replies, sa mga nagtyagang magbasa ng mahaba. Sa mga nagbigay ng advices, suggestions and comments.Na-aapreciate ko lahat. :) Thank you sa pagmumulat. :)

As what I wrote, I'm doing a small business, kung ano-anong raket sinusubukan ko, I sell clothes, okay naman sya kasi na-stop kasi nga yung money na kinita ko we used for baby nung walang income si hubby non. Tapos nagtry ako mag networking, ngayon, im selling shoes. mahina ang kita.
Im still planning to continue my business, retail, kahit small lang kasi ito talaga gusto ko gawin and I have bigger plans for this. Ang pinoporoblema ko lang, is while doing business, If I we're to work at home, or work in a corporate world, yun po yung pinag-iisipan ko. Work at home, bago lang sa akin to, pero I'm willing to try, mas less expense kasi walang fare, clothing etc. Tapos mas makikita ko baby ko. Corporate world, mas may expense, mas hindi ko makakasama anak ko, pero ma malaki ang possibility for me to get hired, mas marami pa ako makikilala to help me out with my small business.
Yan yung pinag-iisipan ko ng mabuti. But Im trying to apply both sa ngayon.

Hindi pwede mawala si yaya kasi nga minsan umaalis ako, to deliver orders, pay to banks and lalo ngayon Im thinking of working.

Priceless

  • Guest
Re: I need help! :( to WAHM or NOT?
« Reply #8 on: October 18, 2013, 02:03:24 pm »
Hindi mo nabanggit kung ano naman ang comment ng hubby mo tungkol sa WAHM or corporate. Ano naman ang ginagawa nya para makahanap ng trabaho na steady ang income sa isang matinong company at hindi puro allowance lang? Before kayo nagpakasal at nagkababy, napagplanuhan nyo ba ang mga bagay bagay sa buhay nyo, like yung pagkakaroon ng baby, or pagbubukod sa bahay? Baka naman kailangan nyong i-review ang plan and to make changes to what is not working.

If you're really pressed financially, isantabi mo muna ang wants mo in terms of taking care of baby and seeing the baby all the time. I suggest maghanap ka ng work na kahit busy, you will still have enough time to pursue your sideline (sa gabi or sa weekends) and at the same time, may steady income na pumapasok sa household ninyo. To make money, you have to spend money. Pero wag kang tatanggap ng trabaho na mas maliit pa ang sweldo kesa sa expenses mo - it doesn't make business sense. At kung hindi ka naman magtratrabaho, magiintay ka lang na makabenta, habang umaandar ang metro ng kuryente, tubig, at kung ano ano pang expenses, not to mention ang needs ng anak mo. The trick is to find a job that you'll enjoy doing, earn more than enough to cover your expenses (arising from working), and save like a madwoman para mapalaki mo ang negosyo mo so you can focus on it later on pag mas stable na sya.

Then you need to sit down with your husband at magmasinsinan kayo na usap para either maghanap sya ng ibang kumpanya or maghanap ng steady na racket.


aquacharly

  • Guest
Re: I need help! :( to WAHM or NOT?
« Reply #9 on: October 22, 2013, 08:21:04 pm »
The priority now is to build up your savings.
So, do what will give you the biggest return on your time & efforts now.
Sacrifice the present for a better future. You must choose  to delay gratification (want this, want that, like to do this better etc etc) for a better future.

Sit down with your husband and set down your priorities.
Hindi nyo pa kaya sabay-sabayin your wants now.  For Now.  But in the near future, if you 2 play your cards well --  kaya nyo sabaysabay yan all.

Once you have set up enough savings, you can start to build up a serious business you can make grow in the long run.  Hindi yung para kang guerrilla -- hit anywhere, hit all the time, tapos something comes up -- retreat.  The road to success will be much much longer if you are just a guerrilla. Dapat mount a multi year campaign to conquer --  yung hindi ka na pa tigil tigil sa business efforts mo. 
You can start small, but you must give it your all to make it grow big.  Hindi yung lagi start -ups lang, hindi yung puro umpisa lang. 

Strategize, sacrifice more than most people do --  the top belongs to those who give more of themselves.
Darating  ka din don, Sis.  Just focus on what must be done, not on your wants/preferences.  That's the price paid for success. 


sistah!

  • Guest
Re: I need help! :( to WAHM or NOT?
« Reply #10 on: October 23, 2013, 02:15:24 pm »
I understand your plight sis. Ako rin, I struggle financially. In fact, I just had a conversation with my husband about what I think the next steps should be for us. I have a job, 8-5 din. It takes a lot of time away from my baby. On good days, I am gone a solid 12 hours from home because of work and travel time. On busier days, I am gone for more hours which means paguwi ko, tulog na sya and it makes me sad to miss playtime, or bedtime. But life goes on kasi I know my family needs this job. I have also toyed with the idea of being a stay at home mom na may business, pero hindi talaga namin kaya. Ok lang sa akin kasi honestly, masaya ako sa work ko. Ang husband ko, ayaw talaga ng 8-5 job. Nag business din sya pero nag-fail at na-drain ang savings namin kaya ngayon may work na sya. Even with both of us working, minsan feeling ko kulang pa rin. Hindi naman kami humihingi sa parents namin, pero if may emergency kami, wala kami malalabas. Kaya medyo kinakabahan ako. I really talked to my husband na. He used to work abroad kasi. Ayaw na nya bumalik pero mukhang kailangan namin. I told him na magtiis muna. One or two contracts, makaipon lang tapos mag-negosyo ng maayos. Pag walang pang puhunan, wala kayong pwede I-negosyo ng maayos. Isipin mo yan.

I agree with the other sisses here. Consider letting the yaya go if you are home. There's online banking, and couriers do pick ups so you can minimize the times you have to go out. At least yung sweldo ng yaya, pangbili ng gatas. Get your husband out the door for a job. Isipin mo kung gano kabilis ang panahon. Sandali lang, mag-aaral na ang anak mo. That's easily 100K+ a year already. There's nothing wrong with wanting to stay home with your child. I struggle with that everyday. But a mom's gotta do what a mom's gotta do. So either you both work, or one of you gets a more stable source of income which will allow you to live. Ganyan talaga ang buhay.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close