watch now

Author Topic: Paano pag si Girl/GF gumagastos palagi kay Boy/Bf?  (Read 30832 times)

redhead69

  • Guest
Paano pag si Girl/GF gumagastos palagi kay Boy/Bf?
« on: October 11, 2013, 03:54:46 am »
Hi Girltalkers! Well to start of, What if si gf ang gumagastos palagi sa dates (Food,Movie,somewhere cold..dark..cuddle time *pang check in*) niyo? Ano dapat gawin para fair kayo?

Situation 1 : Pag wala pera si bf, palagi ikaw may sagot. Kasi nga gusto mo siya palagi makita. Ikaw na gagastos sa food niyo kasi once a week lang siya may pang treat sayo. Ano dapat mong gawin?

Situation 2 : humihingi pa siya pamasahe niya pauwi kasi naubos na pera niya sa date niyo kasi di niya minanage yung pera niya.Tama ba ito?

Situation 3 : Yung 3 Cuddle time check in na ikaw na sumasagot. Tama ba ito? Ano dapat mong gawin if ganito?

Paano ba sabihin kay Bf na, "ikaw naman gumastos sa atin naubos na pera ko sa wallet ako pa rin gumagastos" ng di siya  naooffend kahit required naman talaga gastusan ang GF?

I know that always give and take. Pag wala si bf sometimes cover up some date niyo, pero what if napapadalas na? Nagiging sugar mommy ka na ba?(kahit in a small way na di ka naman nagbibigay ng pera/luxury stuff?)

So many questions sorry :((

redhead69

  • Guest
Re: Paano pag si Girl/GF gumagastos palagi kay Boy/Bf?
« Reply #1 on: October 11, 2013, 03:57:06 am »
yung situation 3 sa ex ko yun. Naalala ko lang :))

aquacharly

  • Guest
Re: Paano pag si Girl/GF gumagastos palagi kay Boy/Bf?
« Reply #2 on: October 11, 2013, 08:27:16 am »
Naging  sugar mommy ka na? 
IMO, not yet.
Pero once you are asked for a loan, or some kind of allowance or asked to cover a regular personal expense of his  --  oo, SM ka na.

Why don't you simplify your dates, yung hindi masyado magastos? 
Or, you spend for the movie so he spends for the motel fee? 

zarazan

  • Guest
Re: Paano pag si Girl/GF gumagastos palagi kay Boy/Bf?
« Reply #3 on: October 11, 2013, 01:06:46 pm »
Question sis, sa mga date sniyo na required talaga gumastos like dinner outs, check in blahblah sino madalas mag-aya?

Kung siya nag-aya pero in the end he expect you to pay for it, medyo deal breaker yun. For one, if a guy is not capable of bringing out cash, then wag muna siya mag-aya ng magagastos nadates.

Tsaka gano na ba kayo katagal? Nung simula ba lagi naman siya? Kasi pwede rin nakakampante na rin masyado na may pera ka.

For me kasi, a guy should be able to pay MORE. I know mature couples suggest na dapat half ang bill, pero in the end, the guy should be capable of spending MORE for you guys.

17arci

  • Guest
Re: Paano pag si Girl/GF gumagastos palagi kay Boy/Bf?
« Reply #4 on: October 11, 2013, 01:09:50 pm »
Situation 1: For me this is ok. It's not as if he's keeping money from you naman. Wala lang talagang pera. I suggest you spend time with him at his house na lang para di masyado magastos. Have a movie/series marathon or something.

Situation 2: This is sablay naman. Maybe ask him what his budget is before the date, tapos ikaw na lang magmanage ng pera. Still, he has to learn how to manage his own money. My situation is actually similar with this. Pag hinahatid ako ni boyfriend sa bahay (we ride a cab), I give him the amount dun sa taxi meter kasi gagamitin nya pa yung taxi pabalik naman sa pinanggalingan namin. He shoulders the additional charge na lang.

Situation 3: Dapat ang magbayad yung nag-aaya. :) Or at least sagutin nya yung food.

simang

  • Guest
Re: Paano pag si Girl/GF gumagastos palagi kay Boy/BF
« Reply #5 on: October 11, 2013, 01:46:49 pm »
Situation 1: It's fine. Pero based on personal experience madalas pag nagyaya ako and wala talagang budget si partner, madalas he'd say no and babawi na lang next time pag may pera na. Di pa ko makaremember ng scenario na umoo sya tas he let me pay for everything. I get sad syempre kung di ko sya makikita pero ayaw ko din naman sya pilitin. Good thing is, pag 'bumabawi' sya, bawing bawi talaga. Kaya wala naman akong makocomplain doon.

Situation 2: Kapal ng mukha ni kuya. Dati i remember offering him ng pang taxi pauwi galing sa amin since it's already late. Hindi nya tinanggap.

Situation 3: Okay lang with me. I remember last time ako ang nagyaya na magcheck in kame, staycation over the weekend. I paid for the hotel when we checked in. Nung nagcheckout kame he treated me for lunch, and nagbigay din sya ng share sa hotel (it wasnt 50% pero still). Ayaw nya talaga na ako ang gumagastos.

He even mentioned to me once nung niyaya ko sya to go out na wala daw syang budget, and he explained na nahihiya na sya sa akin pag mas malaki ang gastos ko pag lumalabas kame. Alam nya kase na relatively i have higher income. Pero syempre i dont let him feel naman na im more financially able than him kaya kung sinasabi nyang wala syang budget, though i know na kaya ko naman gastusan, i let it go na lang. Kung gusto nya ko gastusan, i let him. Ego ng lalaki yan eh.

quinone

  • Guest
Re: Paano pag si Girl/GF gumagastos palagi kay Boy/Bf?
« Reply #6 on: October 11, 2013, 01:57:20 pm »
nasabi ko na ata ito sa kabilang thread pero sa experience ko ganito kasi ginawa namin... nag-agree kami sa amount na kaya naming i-alot para sa mga dates/labas namin. we agreed tig 250php each kami every week, so we had 500 na nasa isang wallet lang at yun ang panggastos namin pati sa pamasahe.

we stick with the budget. we normally go out once a week plus one night per week he eats dinner with us, then we watch tv. kahit na nagwork na ako after a while pero since he was still studying, nag stick kami sa 250 because that is what he can contribute. gusto ko equal kasi mag bf-gf lang kami at hindi mag-asawa.

para sa akin ang lalaking walang pera is a big red flag. part ng commitment e dapat may naka alot ka na certain amount for dates.

what happened to good old fashioned talking on the phone until the lines burn? magastos kapag you see each other everyday at nakaka inis para sa parents makita ang pagmu-mukha ng bf everyday nasa bahay nila LOL.

amethyst028

  • Guest
Re: Paano pag si Girl/GF gumagastos palagi kay Boy/Bf?
« Reply #7 on: October 11, 2013, 02:51:50 pm »
i agree na simplify yung date. like sa park na lang kayo and mag street foods para hindi maubos ang pera. student pa ba kayo? and gaano ba kadalas kayo magkita?

kung everyday e magastos nga. choose dates that will not require you to spend too much. kung alam mong wala talaga money bf mo kahit anong sabihin mo sa kanya o kahit anong ganda ng pagkaka sabi mo wala naman siya magagawa.

you can talk to him na mag set kayo pareho ng budget kasi kamo nauubos rin ang pera mo at hindi ka na maka ipon. if he loves you he will compromise.


redhead69

  • Guest
Re: Paano pag si Girl/GF gumagastos palagi kay Boy/Bf?
« Reply #8 on: October 11, 2013, 04:41:28 pm »
Actually, Parehas lang kami student.And i can earn money kasi nagppart time ako at iba pa yung allowance ko sa mom ko. Yun nga lang nasanay siya na mas malaki ginagastos ko. Minsan kasi if i crave something bibili talaga ako for us nakakahiya naman kasi if ako lang kumakain. Paano yun mga sis? Ano dapat kong gawin if nasanay siya na malaki gastos ko palagi. Titiisin ko bang di kami magkita if wala siya allowance since nasanay siya na ako palagi gumagastos?

alice_alice

  • Guest
Re: Paano pag si Girl/GF gumagastos palagi kay Boy/Bf?
« Reply #9 on: October 11, 2013, 05:56:59 pm »
With my exes ako lage mas malaki gastos kasi mas malaki ang kinikita ko. Hanggang sa naging habit na, ultimo panload saken na iaasa that's when natauhan na ako naging abusadong freeloader mga ex ko. This is based on my experience lang, malay mo pag nakaluwag si bf mo siya na mag treat.

simang

  • Guest
Re: Paano pag si Girl/GF gumagastos palagi kay Boy/Bf?
« Reply #10 on: October 11, 2013, 06:35:04 pm »
Sis @redhead69, yes i'd suggest na wag pilitin if wala talaga budget, siguro naman he'll find a way na magkita kayo one way or another kung talagang gusto nya. You can open it up to him para alam nya. I know sabihin natin na wala lang sayo na ikaw gumastos since ikaw ang may pera, pero dapat marealize nya na it's a two way street. And masasanay at masasanay talaga syA na ikaw lagi ang sumasagot ng gastos.

simang

  • Guest
Re: Paano pag si Girl/GF gumagastos palagi kay Boy/Bf?
« Reply #11 on: October 11, 2013, 06:37:10 pm »
When i started earning my own money dun ko narealize na hindi pala talaga ideal na makipagdate ka pag student ka pa. Ako personally nahiya ako sa mom ko na nagbibigay ng allowance ko since dun ko lang naman kinukuha yung pera ko. Ang kaibahan lang siguro is my ex then was already working so madalas sya ang gumagastos. Pero syempre yung mga gifts and all galing sa pera ng nanay ko

bliss15

  • Guest
Re: Paano pag si Girl/GF gumagastos palagi kay Boy/Bf?
« Reply #12 on: October 11, 2013, 08:25:41 pm »
Situation 1 : Pag wala pera si bf, palagi ikaw may sagot. Kasi nga gusto mo siya palagi makita. Ikaw na gagastos sa food niyo kasi once a week lang siya may pang treat sayo. Ano dapat mong gawin?

my ex was jobless for the whole duration na kami.  For 5 years, I spent for everything, dates, concerts, restaurants etc.  Although older siya, delayed siya sa studies kasi nagstop and lipat siya ng mga schools.  Then, he couldn't decide on what he wants to do after.  Sagot niya pamasahe lang kasi yun lang allowance niya.  Bago kami nagbreak we went on an out of town sa baguio and ilocos.  Even with this set up we had disagreements about money >.< Plus, niloloko ako ng famiy ko na sugar mommy so napuno na rin ako hehe.  Nung nagbreak kami he was finally motivated to find a job which is good.

Situation 2 : humihingi pa siya pamasahe niya pauwi kasi naubos na pera niya sa date niyo kasi di niya minanage yung pera niya.Tama ba ito?

Minsan wala siya barya humihingi siya. 

Situation 3 : Yung 3 Cuddle time check in na ikaw na sumasagot. Tama ba ito? Ano dapat mong gawin if ganito?

no idea about this

Paano ba sabihin kay Bf na, "ikaw naman gumastos sa atin naubos na pera ko sa wallet ako pa rin gumagastos" ng di siya  naooffend kahit required naman talaga gastusan ang GF?

not applicable for me baka sa future ko pa maencounter =D
« Last Edit: October 11, 2013, 08:27:39 pm by bliss15 »

aquacharly

  • Guest
Re: Paano pag si Girl/GF gumagastos palagi kay Boy/Bf?
« Reply #13 on: October 11, 2013, 08:45:06 pm »
nasabi ko na ata ito sa kabilang thread pero sa experience ko ganito kasi ginawa namin... nag-agree kami sa amount na kaya naming i-alot para sa mga dates/labas namin. we agreed tig 250php each kami every week, so we had 500 na nasa isang wallet lang at yun ang panggastos namin pati sa pamasahe.

we stick with the budget. we normally go out once a week plus one night per week he eats dinner with us, then we watch tv. kahit na nagwork na ako after a while pero since he was still studying, nag stick kami sa 250 because that is what he can contribute. gusto ko equal kasi mag bf-gf lang kami at hindi mag-asawa.

para sa akin ang lalaking walang pera is a big red flag. part ng commitment e dapat may naka alot ka na certain amount for dates.

what happened to good old fashioned talking on the phone until the lines burn? magastos kapag you see each other everyday at nakaka inis para sa parents makita ang pagmu-mukha ng bf everyday nasa bahay nila LOL.

Best Advice.  Feasible, practical, realistic to most circumstances.

redhead69

  • Guest
Re: Paano pag si Girl/GF gumagastos palagi kay Boy/Bf?
« Reply #14 on: October 12, 2013, 04:20:38 am »
Yeah. Siguro ittry ko muna na magiwan ng money everytime aalis kami para iwas temptation. Actually, everytime na ako gumagastos naiisip ko na all this time wala siyang sinasabi na " sorry kung ikaw palagi gumagastos ha" Pero nakakarinig naman ako ng "babawi ako wait mo lang" Right now ang sinasabi ko sakanya "kung gusto mo mag check in, Mag ipon ka. Pero wag palagi ha!" pabiro ko sinabi pero i mean it. Di ako makikipag kita sakanya palagi para may time sa family and friends ko. Ako kasi type ng tao na cncherish talaga every moment. Update ko kayo mga sis kung anong susunod na kabanatang mangyayari. Problem na kasi namin to since nung una. we broke up last year dec. and nagkabalikan lang this oct. thinking na nagbago siya dahil sa reason ko noon na "wala yung self worth niya kasi di siya wwork at stop sa school" what good thing ive did now kaya nagkabalikan kami? kasi namotivate ko siya tuloy college. And im happy naman para don.

Share rin kayo sis ng mga practical and gastos friendly na dates. haha

nixmusic

  • Guest
Re: Paano pag si Girl/GF gumagastos palagi kay Boy/Bf?
« Reply #15 on: October 12, 2013, 02:45:46 pm »
Situation 1: Nung mag bf/gf pa lang kami ni hubby, he asks me if ok lang mag kkb kami pag wala sya enough money. It happened mga twice siguro. I didn't mind since I was a working student back then so may sarili akong pera and I'm not asking my parents for allowance naman na that time so ok lang kahit ilibre ko pa sya, hehe.

Situation 2: Never happened to me with hubby but I had a bf nung 3rd-4th year college na ganyan who asked me for 'pamasahe pauwi' after ako ihatid sa office. Syempre at that time wala kong pakialam so I just give him money as long as meron naman akong mabibigay but now I thought how stupid the idea is, sana hindi na lang ako nagpahatid! Hahaha

Situation 3: I did pay once nung bf/gf pa lang kami ni hubby then sya nagbayad ng dinner after. Eventually (mga after 3 years na sigurong kami nun) we just do it in my room at my parents' house until I moved to my own apartment :)

justin3

  • Guest
Re: Paano pag si Girl/GF gumagastos palagi kay Boy/Bf?
« Reply #16 on: October 17, 2013, 09:27:47 am »
yung situation 3 sa ex ko yun. Naalala ko lang :))
hindi ka pa nadadala sa lagay na yan?

ako nga hindi bumababa sa 3k ang ginagasto pag gusto kong chumurva eh. kahit na discounted pa ang mot-mot. eh, yung pamasahe, yung pang "in-between rounds" snacks, at mga pasalubong pa.

hindi ka naman naghahabol sa lalaki? :o
at 21, napakabata mo pa para maging azucarera de mama ah. may monthly PDAF ka ba?
you're "K". ayt? pretty ka naman ah.
yung ginagawa mong yan, gawain lang ng mga baklang magnanakaw ng lakas ng kalalakihan eh.  ;D


kung pinost mo to sa "male thread", pustahan tayo, putaktihin ka ng PMs sa mga guytalkers na gustong "makalibre lahat" sa yo.

at pustahan tayo, hindi aabutin ng 5yrs maghihiwalay rin kayo nyan pag "pinagsawaan" ka na.
may nangyari na yan dito, "CJ" ang initials nya. almost your age rin. noong una, kala mo lindol at tsunami lang ang makapaghiwalay sa kanila. pero ayun, nauntog, natauhan, naghiwalay rin.
(maraming similar cases rin yan dito sa GT. merong pati pampagamot nya, ipinagkatiwala nya sa lalaki nya)

ito'y payong nakakatandang kuya lang.
tigilan mo na yan kapatid.
nagiging "cheap" ka lang nyan. good thing na na-share mo yan dito. kahit na ikaw mismo aminado na "hindi appropriate" yang pinaggagawa mo di ba? ;)


redhead69

  • Guest
Re: Paano pag si Girl/GF gumagastos palagi kay Boy/Bf?
« Reply #17 on: October 17, 2013, 11:51:17 pm »
^
Maybe not. Im a kind of person kasi na gusto mag motivate ng mag motivate. Minsan nakakapagod and minsan di mo naman responsible mag motivate ng taong ayaw ipursue ang kakabuti nila.(about my ex thing na nagstop ng school and im motivate him to go to school para sa future niya)

Di ko gawain manghabol ng lalaki :)
And True na napakabata ko pa para maging sugar mommy. Ang malas ko lang siguro sa lovelife.
And yes alaga ko naman sarili ko masasabi ko na im not ugly kasi alaga ko talaga sarili ko.

Sa allowance ko naman. My mom give me money and sometimes pinapaikot ko money ko thru my own small business (dog supplies/accessories related) ayoko kasi nakatunganga lang. Kahit student pa ko as much as possible na may time para paikutin at padamihin ko ginagawa ko.

yes, maybe gawain to ng mga baklang magnanakaw ng lakas ng kalalakihan pero i dont know minamalas lang talaga kasi ako sa love life na yan. Alam ko di naman required na magkabf all the time pero gusto ko talaga kasi tumatagal relationship kahit na medyo mahirap, Kasi di naman all the time puro kasiyahan and kasarapan ang love. Sometimes you need to be hurt to learn your mistakes or whatsoever.

I dont know why may lalaking Loyal sayo pero tamad. Or babaero pero maeffort din at he's willing to gastos for you. Di ko masink in sa utak ko why may ibang guys need to flirt with other girls kaya siguro its hard for me to take a babaero. Maybe babaero during our relationship and ayaw ko pero yung babaero na nagsawa na kakababae ok lang keri naman.

Minsan nga iniisip ko na lang na mag asawa ng bakla in time e. I mean, We can be successful together. Kahit na manglalaki siya okay lang sa akin. As long as okay family namin. Maybe ganon kasi yun problem ko e. Natrauma ata ako sa last ex ko.

Thanks for being honest and straight foward. Actually i posted this to seek for advices talaga. Kasi alam ko mas may mga may exp about situation like this.

quinone

  • Guest
Re: Paano pag si Girl/GF gumagastos palagi kay Boy/Bf?
« Reply #18 on: October 18, 2013, 12:23:09 am »
... pero gusto ko talaga kasi tumatagal relationship kahit na medyo mahirap...

sis, in my opinion lang ha... being in a relationship is about finding someone na compatible sa iyo. it should not be about putting up with bad behavior or settling for someone na napag-invest-an mo na ng emotions. compatible means yung mga bagay na hindi maganda about sa kanya e kaya mong sakyan pero hindi yung tipo na "pagti-tiisan." halimbawa, hindi siya mahilig maligo, e for you mabango siya, e di oks lang, compatible kayo.

normally nagsisimula naman ang relationship sa pagiging mag-MU. kung may panget na ugali kang nakita, (babaero, kuripot, etc.) iwasan mo na kagad. i don't know ha kasi my first boyfriend is my husband pero i've had flings before him at yan ang ginawa ko.

chaka mag-reflect ka rin mabuti sa pino-project mong image, it seems kase you are attracting the wrong kind of guys.

redhead69

  • Guest
Re: Paano pag si Girl/GF gumagastos palagi kay Boy/Bf?
« Reply #19 on: October 18, 2013, 01:39:53 am »
Yeah mukha nga na nakatambay ang puso ko sa "wrong guys section" kaya siguro nagiging bf ko ganito.. Sis normal ba talaga sa ibang guys maging babaero?  its really hard for me now.. Now na both of them is nakikipagbalikan sa akin. And ako ngayon takot na takot na. My bottomline now sa situation ko is ive decided na siguro i should focus on my family and friends plus pets and mini business ko.. And yeah im still young. Dadating din guy na who will treat me well and i will treat him well also.. Damn, Nadedepress lang ako. *sorry sa kadramahan ko. I dont usually open up to my friends kaya medyo ako mismo nagccomfort sa sarili ko*

 

Latest Stories

Load More Stories
Close