Author Topic: Textmate  (Read 22001 times)

green-aholic

  • Guest
Textmate
« on: October 09, 2013, 09:35:52 am »
Naranasan nyo na bang makipagtextmate nung mga taong 2000? Tama ba? Bast high school ako nun, 2nd year hs, kung kelan bago pa lang ang cellphone dito sa pilipinas. yun yung mga panahong ang P300 load mo ay umaabot ng 1 buwan at wala pa masyado ang meron nito kaya ang iba ang option ay maghanap ng makakausap sa text.

Isa nako sa mga nakipagtextmate nun at andami din nun. hehe. di ko nameet lahat. naalala ko lang sila. naisip ko asan na kaya sila. haha. wala pang manloloko nun eh kaya yung ibang nakatext ko nun eh sinasabi sakin ang full name nila kaso sa dami di ko na maalala.

Napaka nonsense nito. hahaha. pasensya naman. hihi. kayo ba minsan naisip nyo yung what if kung nameet nyo ang mga taong nakilala nyo lang sa text? nun di pa uso ang mga friendster kaya wala pang lalake ang nagtatanong na "me fb ka?" "may pic ka ba?" na nakakainis ngayon. di sila choosy sa kausap nun. hahaha.

simang

  • Guest
Re: Textmate
« Reply #1 on: October 09, 2013, 01:25:41 pm »
Hahaha my ex for 7 yrs started as a textmate (although my number was given to him by a friend). It was year 2000, i was 12.

Nung naging kami after 4 yrs, yung 300 na load ko nauubos in 2 days haha

chinablue

  • Guest
Re: Textmate
« Reply #2 on: October 09, 2013, 09:02:41 pm »
may naging textmate din ako mga year 2006. binigay lang na textmate ng kaboardmate ko. constant ang communication namin hanggang sa dumating sa point na i felt that i was falling for him. to make the long story short, naging kami. i was 18 that time while he was 23. pero hindi rin nagworkout. not that i have regrets anyway. ngayon, hindi na masyadong uso ito. at saka hindi na din naman ako mahilig magtext, hehe

lisse

  • Guest
Re: Textmate
« Reply #3 on: October 10, 2013, 12:28:16 am »
Oh yes, naalala ko pa yan hahaha! Tapos nauso din niyan yung chatrooms thru text. Dami ko naka-MU jan pero since HS-early college palang ako nun and perpetually broke, hindi ko naman sila lahat na-meet. when able lang. and nakakatuwa lang kasi yung naka-MU ko before na the longest and nagpaiyak sakin, FB friends kami ngayon hahaha! I forgot who added who pero may kanya-kanya na kaming lovelife now - I'm married and engaged naman na siya. natatawa na nga lang kami nung napag-usapan namin mga pinagagagawa namin noon. talagang mga isip-bata. ansarap non 'no? yung halos wala pang mga scammer and manloloko kasi hindi lahat carry magka-cp at load non, no pangmamaliit intended. ngayon kasi pag sinabing textmate medyo nakakatakot na pakinggan. before kinikilig pa kami hahaha! sayang 'no, yung mga teens now hindi na nila maranasan yung simpleng kaligayahan na yon.

muahmuahmuah

  • Guest
Re: Textmate
« Reply #4 on: October 10, 2013, 02:35:52 am »
Naranasan nyo na bang makipagtextmate nung mga taong 2000? Tama ba? Bast high school ako nun, 2nd year hs, kung kelan bago pa lang ang cellphone dito sa pilipinas.

Ummmmm clarify ko lang, may cellphones na sa Pinas circa 90's, text messaging became available mid or late that time and by 2000 cellphones were common commodities na.

Ireneeeeee

  • Guest
Re: Textmate
« Reply #5 on: October 10, 2013, 10:07:43 am »
yes! and grabe looking back, i can't imagine super text ako nang text dati every minute of everyday.lol. I miss the feeling of clicking buttons on my Nokia 3310 haha!

sacred cow

  • Guest
Re: Textmate
« Reply #6 on: October 10, 2013, 01:23:25 pm »
yup, umaabot pa 3k bill ko nun dati kasi bawal na tawagan sa landline yung first love ko after 10pm
kaya tinatawagan ko sa cellphone. good times! :)

green-aholic

  • Guest
Re: Textmate
« Reply #7 on: October 10, 2013, 11:13:29 pm »
Thanks for the correction, sis muah  :)

sis irene, nako, ganyan na ganyan din ako. papalit palit pa ng housing and keypad sa aking first ever phone na 5110! hehe!

and sis lisse, its true na usung uso nun ang chat rooms pero walang mga bastos non unlike these days, grabe ang difference nang noon at ngayon. saya non. sarap balik-balikan, sarap ng feeling teenager! those times nga kakilig na may textmate, pero ngayon hindi na. nakakatakot na baka maging mitsa pa ng buhay mo, right? ang bata ko pa nga nun, just like all those who commented here, tanungan ng name, ng location, ng age, ng school then magiging friends. its safe to trust people noon kahit sa text mo lang nakilala, yung tamang trust lang naman. hehe..

sis china, well its true na minsan you end up liking that person you meet through it, and minsan kahit di mo pa sila nakita eh gustong gusto mo na kaya magtatanong ka na lang na posible kaya ang love sa taong di pa naman nagkikita pero palagi naman magkausap, etc.

sa ngayon, di na din ako mahilig at sa tingin ko nalipasana na lang ako. tumatanda na eh noh? hahahaha.. yung mga teens na ngayon ang me time for that kaso kakatakot na lang. :(

rannastillero

  • Guest
Re: Textmate
« Reply #8 on: November 25, 2013, 05:29:29 pm »
Yes natatandaan ko to.
high school ako and ang  dami dami ko talagang ka text.
dito ako nagkaron ng first boyfriend  pero ldr kame  and yung bill nung pldt ,uso pa nun yung smart-pldt aba umabot ng 4k kaloka, every hour me katext . halos napapagalitan na ako ni mother kasi kakain na nga lang text text pa, matutulog na nga lang rinig na rinig pa si keypad, at liligo na nga lang kelangan bitbit si cp na nakabalot sa plastic ng yelo ahhahah.
ngayon iba na eh, fb insta, at twitter na.
wala na akong katext kundi si hubby.  ::)

|:AyemZia:|

  • Guest
Re: Textmate
« Reply #9 on: November 25, 2013, 06:03:16 pm »
ainako. eto nga lang ata inatupag ko noon. d ko nga sure kung HS ba o college ako nagka-cp.
tatay ko tlaga pineste ko sa kakapaload ng 300 na saglit lang palagi ang itinatagal. hahaha!
sobrang dami ko nakatext but not all naman nameet ko. takot nga ako sa meet-ups kase. kahit pa sabihin mong matino naman.

katrinac

  • Guest
Re: Textmate
« Reply #10 on: December 03, 2013, 11:44:30 pm »
Oo naman :) May ka textmate ako, una ko ata naging puppy love. haha! tumagal kami ng 2 years ata. Nag eyeball kami. lol. ngayon naiisip ko, bakit ko ba nagawa yun. buti nalang di ko sa panahon ngayon nagawa yun, at baka kung ano pa nanyari sakin. hehe! hirap pa naman dati, boses palang sa phone in love ka na. tapos pagkita in person, iba pala yung itsura. akk!  ;D ;D ;D

pan.ian4ever

  • Guest
Re: Textmate
« Reply #11 on: December 29, 2013, 09:43:59 pm »
Naku naexperience ko din 'to. Pinakanaaalala ko is yung naging textmate ko. I was 15 way back then and he was 21. Naging kami din, for 1 year and 10 days. Hindi ko makakalimutan yung taong 'to kasi sobrang thoughtful na minsan parang obsessed na ang dating. Wala akong problema sa load nun kasi araw araw sagot niya load ko dahil he understands naman daw na I am a student pa lang, ayaw nya mabawasan pa allowance ko para lang ipanload ko kaya ayun, for almost 2 years sagot nya load ko. Malaki laki ding bagay yun. Nakipaghiwalay lang ako kasi medyo natakot na ko dahil sobrang seryoso na sya, umabot kami sa puntong nag iisip na sya about sa magiging family namin. Hello!!!Sixteen pa lang ako tapos magpapamilya na?!  ;D He's too serious about me that time. We lived like we're together everyday.
gusto pa araw araw kami mag uusap, pag hindi ko masagot tawag nya, magagalit o magtatampo agad. Nagsabi pa sya sa'kin nun na hindi na sya magcecellphone kapag mag asawa na kami ;D

Yun lang, bata pa kasi talaga ako nun. Hindi ko pa kaya. Ayun, nasaktan din sya nung naghiwalay kami. medyo nagalit pa nga. Swerte talaga ako nun sa kanya kahit paano kasi never niya akong binastos at nafeel ko talaga na minahal at pinahalagahan nya ako. Wrong timing lang talaga.

winkypops

  • Guest
Re: Textmate
« Reply #12 on: February 25, 2014, 04:25:16 am »
na experience ko rin ito pero nakakatakot na kasi ang panahon ngaun,marami ng luko luko.akala mo matino un pala bibiktimahin ka lang,karamihan pa may pagka bastos.


mynameisxtine

  • Guest
Re: Textmate
« Reply #13 on: February 25, 2014, 07:19:21 am »
yes! hindi ako nagpahuli sa ganitong eksena, pero hindi ako nakikipag meet. nakakatakot kaya.. LOL

green-aholic

  • Guest
Re: Textmate
« Reply #14 on: March 08, 2014, 10:32:48 am »
Very safe ang texting noong panahon natin ano mga sis? Unlike today na wala na ata masyadong matinong tao. Dati naman parang wala kang makikita sa news na nababalita about textmates pero ngayun nako andami na. Di lang text. Pati mga nakilala mo online, chats, etc. Tapos mga bastos na mga karamihan ngayon. Dati seryosohan yan eh.

chedz.03

  • Guest
Re: Textmate
« Reply #15 on: March 17, 2014, 02:59:01 am »
Yes, naranasan ko ito. At kapag makikipag meet ako kailangan kasama buong barkada ko. Meron pa nga one time medyo mahangin yung guy, nakioag meet ako pero sinama namin yung cool ko na prof then after that sinabi ko kay [textspeak!] na bf ko si prof hahaha... pinaringgan pa ako ni prof sa class after that hahaha... hayyy nakaka miss ang pagiging teenager nuon. Ngayon, nakakatakot na talaga gawin ito.

BTW, thru texting ko din nakilala ang forever love ko. Pasalamat ko sa friend nya na pinagbigyan ni friend ko ng number ko without my knowledge. Binigay naman nya kay hubby my number dahil natarayan daw sakin nung tnry ako tawagan...hahaha...

nixiquita

  • Guest
Re: Textmate
« Reply #16 on: March 23, 2014, 01:21:49 am »
Andami ko nakatextmate noon.

but may isanh pinakamemorable. He was my firat real heartbreak. Ohwell. I cried like a baby for months and months. It was an emotional rollercoaster ride!

The funny thing is, my whole barkada was into the same fiasco. Kasi the guy i was texting, had friend din na pinakilala sa friends ko. and soon, we were on this little text community. and all of my friend including myself after a loooooong time of texting with these guys, we all ended up heartbroken. hahaha


nixiquita

  • Guest
Re: Textmate
« Reply #17 on: March 23, 2014, 01:25:03 am »
Andami ko nakatextmate noon.

but may isanh pinakamemorable. He was my firat real heartbreak. Ohwell. I cried like a baby for months and months. It was an emotional rollercoaster ride!

The funny thing is, my whole barkada was into the same fiasco. Kasi the guy i was texting, had friend din na pinakilala sa friends ko. and soon, we were on this little text community. and all of my friend including myself after a loooooong time of texting with these guys, we all ended up heartbroken. hahaha


t_r_i_s_h

  • Guest
Re: Textmate
« Reply #18 on: March 24, 2014, 01:24:50 am »
YUP! Hahaha I remember that time pa uso yung mga iba ibang characters yung spelling ng name sa phonebook hahaha though yung mga textmate friend of a friend palagi. Those were the days na wala pang UNLI kaloka! Pero fun sobra  :D

alice_alice

  • Guest
Re: Textmate
« Reply #19 on: March 24, 2014, 06:02:49 pm »
wow good times! ito yung di pa gaano uso yung unli unli eh so gagastusan mo talaga yung load mo ubos lage allowance ko dito, tapos yung mga text graphics i don't know if nareremember niyo yun uso pa nga yung mga books para makagawa ka ng text graphics haha.


madalas rin ako makipagtext noon kaso madalang lang makipagmeet, nakakatakot eh haha.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close