RANT:
SOBRANG SOBRANG SOBRANG panget ng BPI redemption promo ngayon. Sorry sa all caps I just want to express somehow my disappointment sa promo nila. I used to love the BPI redemption pero ngayon hindi na talaga.
I had a total of 8 charge slips. isang 2,500, tatlong 6k at 4 na 12k. nung una, pinagsabay sabay kong itext yung 5 approval codes. tatlong 12k at dalawang 6k.
Out of 5, dalawang automated texts lang yung dumating. wait for 2 banking days daw. So that's 12.50. After almost 3 days, dumating yung 2 coupons (6k & 12k). So nagtaka ako di dumating yung iba. so niresend ko yung 3. Another 7.50. Then out of 3, 2 lang ang dumating na automated text. So after half a day na wala pa rin yung pangatlo, niresend ko yung huli. another 2.50. Thank God this time may reply na.
Eto sample ng coupon: BPI: Here is your coupon to redeem 1 Jolibbee reward for a min P12,000 spend. Present at participating Jollibee stores til 4/1/15 DTI#4233 S2014 REF xxxx-xxxxxxx. Kindly present the bCODE below: *codes codes codes
The next day, out of 3, may dumating dalawang coupons (another 6k &12k). So nawawala yung isang 12k ko. Tumawag ako sa hotline. 25 minutes akong nasa queue bago may nakausap na agent. So tinanong ko bakit out of 5 eh 4 lang ang dumating at di pa dumadating ang isang 12k ko. Unang sabi pa nya 5 banking days daw yun. Sabe ko, ha? Eh 2 banking days lang nakalagay sa text nyo. Tinanong ba naman ako kung para sa aling approval codes na yung dumating. Sabi ko, hindi ko alam. Ilang beses kong nireview and text nyo walang nakalagay kung para saang approval code ba yun. Ni hindi nakalagay yung exact amount, so paano ko malalaman? Binigay ko lahat ng approval codes. Ayun may isa daw na hindi pa nila narereceive. So niresend ko ulit. Another 2.50.
On the same day na dumating yung coupons, gumamit ulit ako ng card worth 3k, so nag send ulit ako. 2.50. Dumating agad yung automated text.
The next day, gumamit na naman ako 19k. So nagtext ako ulit. Another 2.50. Dumating din ulit agad yung automated text.
The next day, dumating ang dalawang coupons ko for 12k and 2,500. So NAWAWALA PA RIN ANG ISANG 12K KO. Tumawag na naman ako. Again, on queue for more than 20 mins. Tapos nung may nakausap nako na agent, binigay ko ulit lahat ng approval codes for min 12k(kasi hindi ko naman alam kung alin dun ang hindi ko pa narereceive). Sabe sakin, nasend na daw lahat ng coupon. Sabi ko kulang ng isa ang na receive ko. Pa resend na lang. I was giving the reference numbers nung mga nareceive ko na, when she butt in: anong reference to mam yung hindi nyo pa na receive? Duh! pano naman ako magkaka reference kung di ko pa na receive? Nung sinabi ko, hindi, yan na yung na receive ko, nagkagulo na kami di na magka intindihan. Sabe ko, ganito na lang, i resend nyo lahat ng 12k na coupons sakin.
Nag email na din ako sa kanila complaining. Nag reply sakin sa email, pinapa forward na daw nung agent. Pero wala pa daw feedback. Since then, merong 3 dumating na coupons pero same reference sa isang dumating na before. Na redeem ko na nga yung coupon na yun eh. Ayun hanggang ngayon di pa ko nakakatawag ulit sa kanila. Nakakatamad makipag usap wala din naman sila magagawang immediate. Maybe next time manager na kakausapin ko.
Yung pinaka recent ko na 6k walang naging problema dumating agad yung coupon the next day. Yung isang 12k ko na nawawala, october 31 ko pa sinend yun anong petsa na.
BUT WAIT.. THERE'S MORE
Yung redemption process nila, equal headache. As in konti lang sa mga counters nila ang nakaka alam kung pano mag redeem. May isa dun hinahanap pa ang charge slip ko! Kasi iveverify pa daw nila. Ininsist ko na kaya nga may mobile coupon kasi yun na lang ang ipapakita. Kahit sino nga pwede mag redeem eh. Ini insist nya din na kelangan daw nila. So binigay ko sa kanya ang sandamukal na charge slips ko. Tinanong nya alin daw dun ang i redeem ko. Sabe ko hindi ko alam walang nakalagay sa coupon. Nung time na yun fed up na talaga ko sa BPI na hindi nako nakipag talo at naghanap nako agad ng manager. Ayun sya na nag assist sakin. Tinanong ko sya, kelangan nyo pa ang charge slip? Sabi nya, hindi na. Sabi ko sa counter, sabi sayo eh hindi na hinahanap. So itetext pa nila, rereplyan sila, saka ma process yung iredeem. Hay nako ang hassle! Andami kong galit at sakit ng ulo. Although thankful naman ako sa mga ganitong perks, ayoko naman ng sakit ng ulo. Had I known, sana ibang cards na lang ginamit ko. Hay! Sayang pa sa load. Tapos sasabihin pa nila (phone banker at email support) na wala daw bawas sa load kung walang reply. Eh naubos ang load ko kakaresend! At asan ang logic nun? Hindi naman sa pagreceive ng text babawas ang load kundi sa pagsend. Hay nako.
Although mas gusto ko yung options nila ngayon at least para sa 12k hindi ako mapipilitan sa isang bucket ng jollibee. Imagine anong umay ko na chicken pag nagkataon. Happy plus kinukuha ko para I can use it sa iba. Medyo stupid lang din kasi everytime mag redeem ka ng happy plus panibagong card ibibigay sayo. I have, like, 5 cards ngayon kasi meron naman ako card before. Sayang ang points kung hindi consolidated. Sana pwede ang option na paloadan na lang ang existing card.
Sorry ha sobrang haba. Sa mga BPI CC users lang na makakarelate

RCBC ko naman wala akong ma redeem. parang wala namang masyadong promo? PNB ewan hindi ako aware.