habang nagbabasa ka ng mga payo dito,
maghanap ka na rin ng magaling na abogado.

hindi lang civil case ang napasukan mo, criminal case yang kinasadlakan mo sis.
alam mo ba kung bakit mas mabigat ang parusa ng ADULTERY (wifey ang nagloko) kesa sa CONCUBINAGE (hubby ang nagloko)?

hindi gender issue ang dahilan. kesyo mas marami ang lalaking mambabatas/hukom kesa babae.
(as explained by Atty Danny Concepcion, Dean, UP College of Law)
kasi, pag si hubby nagkaroon ng mga anak sa labas, kahit na isang batalyon pa yan, siguradong sa kanya yon. bahala ang nanay kung isunod nya ang apelyedo sa kanya o sa balahurang lalaking may asawa na pinatulan nya.
pero pag si wifey ang nagloko at nabuntis ng kalaguyo nya, tumambling man sya at magsisirko, apelyedo pa rin ng naiputang hubby ang dadalhin ng bata.
at napakasakit yon. mantakin mo, hindi mo kaanu-ano, pero pangalan mo ang dadalhin?

in your case, kahit na 50 years na kayong hindi nagsasama/magkahiwalay ni hubby, hindi nagkikita, at kahit na inakala mong patay na sya, that doesn't give you the right to assume. Saligang Batas lang ng Pilipinas ang makapagsabi na ikaw ay malaya na at pwede nang magpakasal sa iba.
kaya sis, kung hindi pa alam ng aggrieved party ang nangyari sa yo, wag mo nang muna ipilit na umuwi sa probinsya nyo.
kung kaya nyo mag abroad instead, go ahead! walang korte ng Pinas ang hahabol sa inyo dun.
yung FB account mo, i-delete mo na. marami nang nabuking dyan. iwas ka ng iwas i-post mga pix ni baby, baka may maligaw at mangumusta sa "new baby" mo at mabasa ng katulong ng byenan mo

basta, try to
consult a lawyer muna. tingnan nyo, malay mo, baka malusutan nya ang pagpakasal mo at 18... umuwi ba parents mo nun?
saan kayo ikinasal? ...sa simbahan, sa munisipyo, o sa Megamall?
malay mo, baka peke ang kasal mo.
