Author Topic: irritated wife >:-|  (Read 3608 times)

donzski_doinks

  • Guest
irritated wife >:-|
« on: September 27, 2013, 10:38:58 am »
hi there GT's.
naiirita ako sa hubby ko. he has this cork screw na pwede din can opener. i asked him to open the can of corned beef since i am cooking lunch na. i gave him a knife to open the can but he insisted na yung cork screw yung gagamitin nya. it was given by his sister and i know how excited he is na magamit yun. kaya lang, yung can opener nung cork screw nya, may stain na parang kalawang. so sabi ko wag na yun ang gamitin nya kasi nga baka kalawang yun. db delikado yun GTs? so yun, sumunod nga sya sa akin and yung knife nga ang ginamit nya pero nagdadabog naman. and i heard him say na masyado daw ako maselan. so i answered na hindi pagiging maselan ang tawag dun. i'm just concern about our health.pagkain yung laman ng lata e, at yun ang kakainin namin.. pano kung ma-tetano kami db? tapos sabi nya ang arte ko daw.

sorry GTs kung masyadong petty yung post ko. gusto ko lang mailabas yung inis ko kay hubby. ang sa akin lang naman, i know gustong-gusto nya gamitin yung opener nya. e kaso may kalawang nga. ano un, worth it b i-risk yung kalusugan namin para lang masunod gusto nya!?
nakakairita talaga! napaka illogical! hmp!

popi

  • Guest
Re: irritated wife >:-|
« Reply #1 on: September 27, 2013, 02:45:58 pm »
^ilang taon na kayo married sis?

ako kasi as much as possible, I let the small things go.  Parang hindi worth yung energy and possible na tampuhan para sa mga maliliit na bagay.

Sabi nga nung isang ninang naming sa wedding : "Do you want to be right or do you want to be happy?"

But then again, bagong kasal pa lang kami so medyo mahaba pa pasensya ko  ;)

gharz412

  • Guest
Re: irritated wife >:-|
« Reply #2 on: September 27, 2013, 03:10:38 pm »
seems like bagong kasal lang kayo sis medyo hindi naman ganun katindi yung hehe parang away bata lang. Better ignore it total tapos nrin naman and by the way sis, yan na yung pinili mong pakasalan kasama na talaga. Well atleast nasunod naman yung tama...:) (kalma lang sis)

chicafabulosa

  • Guest
Re: irritated wife >:-|
« Reply #3 on: September 27, 2013, 03:36:26 pm »
You're  right sis petty thing. Just let is slide. Not worth of your time and energy. Mas maarte sa akin naman si hubby sis. Ayaw nun bumili ng canned goods na may yupi because yung paint daw baka nahalo na sa food sa loob but i let it slide. Para walang argument, i let him. Then ako naman weird daw ako kasi di ko gagamitin yung straw unless nasilip nya yung loob so he let it slide naman. Just learn tog give and take. Di yan worth ng away sis. Pick the right battle. Tsaka maiistress ka lang then magiging chaka ka.like mo ba yun? For sure no... So wag na mastress, smile and relax... :)


quinone

  • Guest
Re: irritated wife >:-|
« Reply #4 on: September 27, 2013, 03:45:48 pm »
i think kung isa sa mag-asawa ang maselan, dapat yung hindi maselan ang makisama or tumanggap sa ugali na yun, kasi sa ibang bagay mauulit rin yan.

ako, medyo maarte ako kaya si hubby ang naga-adjust sa akin.

donzski_doinks

  • Guest
Re: irritated wife >:-|
« Reply #5 on: September 27, 2013, 06:06:03 pm »
tnx sa reply mga sis. ok na kami ni hubby. he said sorry na. he said he realized i was right. kaya sweet-sweetan na ulit kami.

yup po, bagong kasal pa lang kami. 1 year and one month pa lang kaya nag-a-adjust pa sa ugali ng isa't isa. ^^,

gracita13

  • Guest
Re: irritated wife >:-|
« Reply #6 on: September 28, 2013, 03:54:41 pm »
hehe ganyan din kame nung una sis ultimo pag squeeze ng toothpaste sabe ko lage nya squeeze from bottom to top.2years na syang ganyan hindi pa din nagbabago hinayaan ko na lang ang importante naman makapag toothbrush kame  :P hahaha!

AnJelatine

  • Guest
Re: irritated wife >:-|
« Reply #7 on: September 28, 2013, 06:43:19 pm »
ako kasi as much as possible, I let the small things go.  Parang hindi worth yung energy and possible na tampuhan para sa mga maliliit na bagay.

Sabi nga nung isang ninang naming sa wedding : "Do you want to be right or do you want to be happy?

Tama. Hehe! Pero kase, kapag sila yung tama narerealize naten agad na, "Yes, tama ka." Pero minsan kase aminin naten na TAYO TALAGA YUNG MAY POINT! ::) Parang ang hirap nila matanggap yun. Haha! ;D

Mas maarte sa akin naman si hubby sis. Ayaw nun bumili ng canned goods na may yupi because yung paint daw baka nahalo na sa food sa loob but i let it slide.

Buti Sis :) Kase hindi lang kaartehan yun eh. May scientific explanation talaga yung deformed cans, pwede ma-food poison.

---

Kame, pinagdiskusyunan namin dati yung pag pilit ko sakaniya mag slippers :o Haha! ;D Hindi kase ako sanay ng naka-paa, at hindi siya sanay ng naka-slippers sa room. At saka yung na-misplace niyang socks. Lol. Ang ginawa ko, binili ko ng bagong medyas! 3 pairs pa! ;D

fairywinkle79122

  • Guest
Re: irritated wife >:-|
« Reply #8 on: October 29, 2013, 02:06:17 pm »
nung binasa ko ang thread na ito,unang ginawa ko ay tumawa..kasi ganyan kami ng asawa ko.ako kasi OC wife/Mom..hygiene kung hygiene pati ko..hindi pwede ang basta-basta at ang pwede na..

ultimo maliit na bagay ituturo sa mister ko,simple lang yan eh,sabhin na natin na alam naman nila gawin yung isang bagay,pero kung mali ang application useless,worthless,sayang..madalas rin magtalo pero hindi naman as in away.lalo na pag kumilos siya sa kusina,madumi,clumsy,makalat at basta,madumi..sa c.r madumi rin siya..may katamaran pag nasa bahay,tamad maligo,mabagal kumilos,puro higa at games.matatawa ka pa sa kanya,akala mo bisita,lalagyan ng spoon and fork di alam kung saan pati seasoning,ayan ha,kung ahas yan tinuklaw na siya ;D pag tinuturuan ko kasi nangatwiran pa,aminin man o hindi talaga naman mas alam ng housewife ang pasikot sikot at kalakaran sa bahay dahil sila laging andun..ayaw niya patalo..

latte

  • Guest
Re: irritated wife >:-|
« Reply #9 on: November 11, 2013, 04:31:27 am »
Hi mga sis.  Pano ba masasabi yun mga bagay na dapat hayaan na lang sa mga bagay na dapat makipaglaban? My husband and i went through a lot.not on cheating but yun bang i lost myself before kaya nakipag hiwalaya ako. 8 mos na hindi ako nakipag usap, ldr kami. To the point na nakapag file na ko ng annulment. Tapos one day naisip ko makipag usap na to let go of my anger, para mag forgive na din. One conversation led to another, ang ending pinatwad at tinanggap ko na naman. May mga changes naman sa kanya like hindi nya na ko sinisigawan at hindi na din ako pinagsasalitaan ng hindi magandang salita. BUT andun pa din yun ugali na konting bagay naiirita sya. Tatahimik at di na makikipag-usap. For him feeling nya tama na ganun ang gawin nya kesa magtalo kami at makapagsalita na naman sya ng hindi ayos. Pero nakakairita kapag bigla na lang nya sasabihin na pahinga na ko. Di ba nakakainis yun ganun?

Any opinion mga sis?
« Last Edit: November 11, 2013, 04:33:10 am by latte »

danne

  • Guest
Re: irritated wife >:-|
« Reply #10 on: November 11, 2013, 10:43:28 am »
ang asawa ko sanay ng pinagsisilbihan.. okay lang sana pero madalas wala sa lugar. like ngayong preggy ako and nagdelikado pregnancy ko, ni hindi man lang niya iniintindi kung may kakainin na kami. ako parin ang uutusan magluto. nakabedrest ako for 2 weeks at madalas pupunta sa kanila at maghapon minsan hanggang alas dies sa kanila, namatay na ako sa gutom sa totoo lang. naawa lang ako sa baby ko kasi kahit ano na lang na nasa bahay kakainin ko na lang like salted egg, paulit ulit sky flakes para lang kay baby.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close