Author Topic: Selos sa Ex ni Hubby  (Read 4319 times)

popi

  • Jittery Mom-to-be
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 110
  • Hoping for the best for our baby :)
Selos sa Ex ni Hubby
« on: September 26, 2013, 01:38:11 pm »
Hi sa mga guys dito.  I posted this in the married thread already, but would like to hear from the male point of view. I need your advice, lalo na yung mga matagal nang kasal and late na nag asawa.

Im newly married, around 6 months pa lang. Before we got married, we were bf-gf for 1yr and 5months.  Hindi na naming pinatagal kasi we're both of age na, Im 32 and he's 39. Isip naming by this time we know what we want already and we believe we're found it.

Since late na nga kami nag-asawa, expected naman na may mga ex kami pareho, and we were both open about it back when we were dating pa lang.  Si hubby walang hesitations kapag tinatanong ko about his past, so feeling ko wala naman syang tinatago.

Medyo insecure lang talaga ako ditto sa last na ex nya (before me), kasi medyo recovering stage pa sya nung nagkakilala kami.  They broke up July 2010, we met April 2011 and became official November 2011. When we were dating, naikwento nya yung ex na yun, let's call her "A", in relation to a song about broken hearts. May CD kasi sya ng The Script sa car na lagging tumutugtog, and yung mga emo songs dun sabi nya yun daw pinapakinggan nya when he was emo about his ex.

Then when we were preparing for the wedding, siguro mga three times nabanggit yung ex nya na yun.  Long distance kasi sila, nasa Dubai si A, si hubby dito sa Manila, so hindi nya naipakilala sa ibang friends and acquaintances si "A".  So nung pinupuntahan na namin yung ibang friends to invite them to the wedding, may mga nag comment ng "Sya ba yung nasa Dubai?"

Sumama loob ko those times kasi una, hindi nya man lang nabanggit sa kanila na break na sila nun and may bago na sya na papakasalan nya.  Pangalawa, parang it means na lagi nya kinukwento si A sa kanila noon, samantalang ako hindi man lang nabanggit.  Though yung mga friends na yun hindi na nya masyado nakakasama recently, and yung mga close friends nya and relatives, nakilala ko before we decided to get married.

Kaso today, I was searching for pics in my computer kasi plano ko gumawa ng album.  I found several saved folders in the computer, all about A. May pics and videos na magkasama sila (kapag nagbabakasyon yung girl ditto), and during their LDR stage. 

Hindi ko mapigilan yung selos.  Bakit nakatabi pa yung memories nila?  Ibig ba sabihin importante pa yun sa kanya?

Btw, according to hubby, si A ang naki[ag break sa kanya.  May nakilala daw na iba dun sa Dubai, parang hindi nakayanan yung LDR set-up.

In fairness to hubby, Im free to use his computer and hindi naka password protect yung mga files nya. So I don't think may sinisikreto sya sa kin.  Bothered lang talaga ako na naka-save pa yung mga memories nila hanggang ngayon  :'(

Advice naman pls.

Praying for the safety and health of our baby :)

ern3st

  • GUYTalker
  • GirlTalker
  • *
  • Posts: 75
Re: Selos sa Ex ni Hubby
« Reply #1 on: September 27, 2013, 04:20:00 pm »

 Bakit nakatabi pa yung memories nila?  Ibig ba sabihin importante pa yun sa kanya?


Is this the question?

Sometimes its important.

"what you have right now are sometimes result of pasts"



Advice naman pls.


Advice regarding what? your jealous attitude?

I think its normal if your insecure otherwise non at all

popi

  • Jittery Mom-to-be
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 110
  • Hoping for the best for our baby :)
Re: Selos sa Ex ni Hubby
« Reply #2 on: September 27, 2013, 05:22:44 pm »
^so may feelings pa sya sa girl if nakatabi pa yung pics?
Praying for the safety and health of our baby :)

ern3st

  • GUYTalker
  • GirlTalker
  • *
  • Posts: 75
Re: Selos sa Ex ni Hubby
« Reply #3 on: September 27, 2013, 05:34:09 pm »
^ not necessarily...

At this moment, much better to think that pics are only tangible memories of past or just like a toy collection or even reminder for your hubby

But better watch out... Good Luck!



imyourangel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1340
Re: Selos sa Ex ni Hubby
« Reply #4 on: May 22, 2014, 07:42:29 pm »
Parang super late na reply na din to, but since andito na rin lang ako..

I don't think may feelings pa siya or something. Si bf ko din, nakatabi pa yung pics ng ex niya sa old wallet niya. I believe naman na wala na yun, reason lang bakit andun pa yung pics eh dahil sa hindi niya na nakikita at nabubuklat yung wallet na yun. But when I asked him to throw (and even tear) the ex pictures, he did not hesitate. So I guess same case lang din ng sa hubby mo. Baka hindi pa nakakapagdeclutter ng desktop files.

diann28

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 56
Re: Selos sa Ex ni Hubby
« Reply #5 on: June 05, 2014, 12:32:07 pm »
Ganyan din ako. Hangang ngayon 4yrs na kami kasal ng asawa ko. May pinag seselosan ako ex gf ng asawa ko. Sa dami ng naging babae ng asawa ko nun mag bf/gf kami 3yrs. ( pero 4yrs na kasal eh wala pa naman ako na huhuli ) may iisa ex nya ako pinag seselosan. Kasi pakiramdam ko sya yun matinding karibal ko noon sa asawa ko non mag bf/gf kami. Nun nahuli ko na may relasyon pala sila na nakipag break sya sa gurl. Pero kahit gf nya ako at ako pinili nya nakikipag text at friendster pa din sya sa ex nya yun. Ang rason nya may maganda pondasyon na sila na buo nun ex nya yun at ayaw nya itapon kahit nakipag break sya gusto nya makipag kaibigan pa din. Nasaktan ako noon at dun naramdaman ko may space yun gurl sa puso at isip ng asawa ko noon ( bf/gf pa lang kami ). Hangang ngayon 4yrs na kami kasal at may isa anak. Wala na sya communication sa ex nya yun. Wala sya facebook ( asawa ko ) pero recently lang nag iba na kasi ang facebook sa andriod cellpone. Pag sa search makikita mo recently search mo. Yun facebook ko ang ginagamit nya samin dalawa yun facebook ko since wala sya facebook. Ang ka log in sa mobile fb nya account ko. Tinidnan ko fb ko sa cp nya at nakita ko sa recently search eh name nun gurl na pinag seselosan ko. Nagalit talaga ako ng bongang bonga sa asawa ko. Rason nya naman 4yrs ago na daw sya wala balita sa gurl na yun gusto nya lang malaman kung married na ba. Eiisshh. Kakainis lang

MayVerona

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 85
Re: Selos sa Ex ni Hubby
« Reply #6 on: December 01, 2017, 04:12:02 pm »
normal lang magselos sa ganyang situation kasi ikaw n nga nag sabe na nasa 1yr up pa lang kayo then nagpakasal na nung nakilala mo sya kaka break nya lang sa ex nya kahit ako mag seselos nun unang una baket nandoon pa yung picture sa pc nya hindi nya kayang burahin?? diba pero kausapin mo na lang bakit ganun

plumpolka

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 605
    • Love Marionne
Re: Selos sa Ex ni Hubby
« Reply #7 on: December 06, 2017, 12:31:17 pm »
ako din super selos sa ex ni bf kasi naanakan nya. to the point na dinelete na nya yung mga pictures ng anak nya na kasama yung nanay. sabi niya d rin naman daw importante yun kasi anak lang naman nya ang gusto nyang makita. pati mga pictures sa bahay nila na andun yung ex, pinatapon na din nya. di ko alam kung selos ba yung nararamdaman ko or feeling ko ang competitive ko kasi naanakan sya e. kaso ayaw din naman ni bf na magka anak na kami kasi sabi nya gusto nya after kasal na lang daw kasi natuto na daw sya. ewan ko kung matutuwa ba ako o hindi. na parang minsan iniisip ko baka naman iniisip nya d ako mommy-material kaya ganon. medyo competitive din ako sa anak nya kasi syempre 1st son nya, apelido pa nya.
Happiness is a choice.
www.instagram.com/love.marionne

samtorini

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 86
Re: Selos sa Ex ni Hubby
« Reply #8 on: December 06, 2017, 02:21:47 pm »
Same tayo sis. Lagi ko inaaway si hubby noon about sa ex. Pina-unfriend ko sa kanya sa FB ang ex nya. Ayun, tumahimik na ako at hindi ko na siya inaaway about ex.

Happy wife. Happy life.
« Last Edit: December 06, 2017, 02:23:51 pm by samtorini »

plumpolka

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 605
    • Love Marionne
Re: Selos sa Ex ni Hubby
« Reply #9 on: December 06, 2017, 02:25:56 pm »
^haha! ako pati mga kapatid nyang mas bata. di ko naman pinadelete pero lagi ko iniissue. sya na lang nagpa-delete. although na-guilty ako kasi sabi ng sis nya na d na daw nya makikita yung pamangkin nya. e sakin kasi, bat pa may sariling account yung anak nya sa fb kung sa account din naman nya pala ipopost lahat. iglesia kasi sya at alam ko bawal naanakan sa inc, kaya sya may ibang account sa anak nya and laging may takip ng sticker yung mukha ng anak nya sa pics sa account nya. di ko lang alam ngayon. pero ok naman na din sakin ngayon, noon kasi feel ko mas gusto nila yung babae. e ngayon ok naman relationship ko sa siblings nya.
Happiness is a choice.
www.instagram.com/love.marionne

shinies

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 717
Re: Selos sa Ex ni Hubby
« Reply #10 on: December 06, 2017, 06:35:08 pm »
TS, pag nagtagal na kayo at nakabuo ng mas madaming memories kesa sa ex, maibsan din siguro yang selos.
Saka, sinabi mo ba yan kay mister? Ano sinabi at ginawa niya?
Kung isyu para sayo, dapat madali lang para kay mister burahin lahat yan for your peace of mind.

Shadow Angel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2102
Re: Selos sa Ex ni Hubby
« Reply #11 on: December 06, 2017, 06:55:58 pm »
Natawa ako kasi ako naman recently ko lang nabura ang mga files/photos/videos namin ng ex ko sa mga usb hindi ko alam na or hindi ko na natandaan na may saved files pala ako sa usb nakita ko lang while I save new file dun sa usb kaya ginawa ko lahag ng usb ko I checked and deleted lahat ng photos namin ni ex. That time katabi ko si hubby after makita na nagdedelete ako tumayo nagpakabusy kunwari pero feel ko nagseselos. Hindi na ako nag explain niyakap ko na lang sya. Wala naman talaga kasi sa akin un. Baka ganyan lang din si hubby mo TS hindi na naisip pa na may saved photos sila.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close