Author Topic: Kailangan ba talagang i-account pera ko para maka-ipon kami pang-kasal..  (Read 5806 times)

aNgelofThEMorning

  • Guest
sad ako ngayon, wala kong makausap kaya dito na lang ako magpo-post ng saloobin ko. bf and I are planning to get married since last year. problem is hinde kami makaipon ng sapat. may ipon kami ngayon pero kulang pa sa budget namin. ngayon he told me nai-list lahat ng expenses ko every month. gumawa sya ng spreadsheet nilagay nya yung expenses nya then pinalagay nya yung expenses ko. yoko sana eh, I have this feeling kase since dati pa na hinde nya suportado ang pagbibigay ko sa family ko. yoko pag-usapan pa. tsaka pera ko naman yun from my sweldo, eversince kase nagka-work ako sumusuporta na talaga ko sa family ko kase gusto ko magbigay kahit papano. pero sinulat ko pa rin, kase pag hinde ko nilagay at kinompute nya, hahanapin nya san napupunta yung tira sa sahod ko. so eto na usap na naman kami ngayon, kinompute na nya yung matitira every month sa sweldo ko. sabi ko pano pag may bibilhin ako na wala naman sa budget or kulang, pagkasyahin ko daw kung ano yung naka-budget. sabi ko kung halimbawa bibili ko mother ko ng ticket sa pa-province san ko kukunin yun? pano yung hinihulugan kong insurance eh once a year lang payment nun, pano ko gagawin yun? ang sagot nya lang talaga pagkasyahin ko :( :( :( nalulungkot ako sobra, naiisip ko hinde ko na control yung pera ko at the same time parang naaawa ko sa sarili ko na kailangan kong pagtiisan kung may gusto kong kainin at hinde kaya ng budget ko for the day.

makatarungan ba yun mga sis? kumuha kase kami ng lot, nagbabayad kami ngayon ng 18k every month, 7k ako nagsho-shoulder. so sabi nya dapat ako ang maghulog naman sa pang-kasal namin kase may balak syang kumuha ng sasakyan na huhulugan. sa totoo lang parang hinde na ko looking forward sa kasal...ang hirap eh...kailangan kong paghirapan para makasal kami...

quinone

  • Guest
Re: Kailangan ba talagang i-account pera ko para maka-ipon kami pang-kasal..
« Reply #1 on: September 26, 2013, 01:10:30 am »
mabuti pa pag-usapan ng maaga yan habang hindi pa kasal. dapat bago magpakasal comportable kayo mag-usap about sa pera, lalu na nagi-invest kayo together. paano kung hindi pala kayo compatible pagdating sa pera diba? alamin mo na hanggang maaga. ako kasi, hindi ako papakasal sa tao na hindi kami pareho ng prinsipyo pagdating diyan.

reasonable na amount ba ang binibigay mo sa family mo? o baka feeling ng partner mo sobra-sobra?

paano ba yung budgeting sa excel na pina-fillout niya sayo? daily, weekly, monthly? masasabi mo bang marunong ka humawak ng pera? kasi kung halimbawa may expense ka na yearly, hindi naman problem yan. kasi dapat nasa budget mo yan. yung sa akin monthly ang budget ko with percentage, nasa excel rin. halimbawa yearly nagbabayad ka ng 120php sa insurance, edi every month may 10php ka i-alot para sa yearly insurance.

may bibilhin na wala sa budget? dapat may budget ka for 'fun' siguro or baka hindi lang detailed ang budget specs mo. halimbawa hair expenses, pagbili ng clothes & shoes, bayad pag repair kung kailangan i-alter, budget para palitan ang PC every 2 years, food expense including luho like coffee, vitamins & supplements, etc. yung mga maliliit na bagay do not forget to include.

baka it is time to reflect kung afford ninyo nga ba yung mga bagay-bagay or baka kailangan humanap ng additonal na pagkukuhanan ng income or baka wake-up call baka mali ang pag-gastos ng pera. baka ganito ang maging tono ng mood mo kapag kasal na kayo...malungkot ka kasi feeling mo deprived ka at hindi mo ma-enjoy pera mo.

simang

  • Guest
Re: Kailangan ba talagang i-account pera ko para maka-ipon kami pang-kasal..
« Reply #2 on: September 26, 2013, 02:08:34 am »
Yes tama iaccount ang expenses para makaipon for any reason. Sa ngayon sis weigh your priorities. If umoo ka na sa kasal nyo i guess your parents will/should understand kung iprioritize mo muna magipon para sa kasal. Wag magpakabayani girl. Isipin mo kung anong mas mahalaga sayo at this point. If the marriage can wait at gusto mo pa din suportahan ang parents mo, then tell him that. If gusto mong magpakasal na, you have to give up some responsibilities with your family dahil bubuo ka na ng sarili mong pamilya.

Ako i believe that though our parents need us, alam naman nila na darating yung time na magkakaron tayo ng sariling pamilya and they have to be on their own. Im not saying leave them, but at least make them appreciate that you are building your own life na din.

princessrio

  • Guest
Re: Kailangan ba talagang i-account pera ko para maka-ipon kami pang-kasal..
« Reply #3 on: September 28, 2013, 06:45:30 pm »
ngayon pa lang, alam mo na kung anong klaseng lalake ang pakakasalan mo pagdating sa pera/savings. and alam mo na kung ano ang mararamdaman mo every time na pera/budget ang pag-uusapan nyo.

nahihigpitan ako sa bf mo. ok lang naman na i-account ang expenses but you should have room for enjoyment as well. all work and no fun is very tiring. sometimes, kailangan din nating bigyan ng reward ang sarili natin once in a while. plus, if you want to continue giving something for your parents, dapat kasama yun sa budgeting kasi kung hindi, magiging masakit para sa yo yun e at magiging isang reason yan ng pag-aaway nyo. hindi mo naman sinasabi na lahat eh ibibigay mo sa parents mo.

feeling ko kaya ka nahihirapan at nalulungkot kasi kulang ang panggastos mo. lahat nasa savings. i don't think that that's the proper way para magbudget.

kausapin mo ang bf mo. sabihin mo yung gusto mong sabihin at yung nararamdaman mo.

aquacharly

  • Guest
Re: Kailangan ba talagang i-account pera ko para maka-ipon kami pang-kasal..
« Reply #4 on: September 29, 2013, 05:28:15 pm »
Ang dami nyo 2 kasi gusto paggastusan  na big-ticket items: lot ( of course, a house later); car, wedding.
Eh mukhang wala kayong savings na malaki, kaya puro installment (no offense meant, this is just an observation). 

You have to be realistic & moderate your big-ticket wants.
If magka emergency kayo (medical, loss of a job) - pano na yan -- kung sabay sabay installment nyo --  baka mawala lahat.  Better if you can postpone the next installment purchase until ilang months na lang yung naunang installment purchase. Just saying.

You ask if MAKATARUNGAN ba? 
FAIR you mean?  Or TAMA BA, you mean?

1st I gotta ask you:  Sino ba mas interesado sa inyong 2 magka lot? Magka wedding??  You?
If it's you na purseguido magka lot,  & he went along (Sige buy a lot) --  tapos ikaw din  ang purseguido have a not-very-simple wedding --  fair lang na he gets what he wants -- a car. 
Hindi fair na yung gusto mo lang ang paggastusan nyo 2 di ba.
Como sya lang pay the car installment, well it seems fair na you pay for the wedding.  (Ang bride naman usually ang may power to minimize wedding expenses, or magpa laki nito. )

ANGELOFTHEMORNING, iba na ang takbo  ng relationships ngayon.  Talagang partnership na nowadays.
More often than not, 2-income families na.  BOTH must work.
Atchaka, hindi na ok sa mga most guys nowadays to provide, provide, provide & provide.  They also want their gadgets, hobbies, etc etc. 

IMO, after your preliminary budgeting -- tignan nyo ganitong approach, discuss it with him.
     after providing for your individual shares of the lot amortization --       
     Split nyo gastos nyo for living together (live in na ba kayo?),
     Kung ano natira sa respective income nyo --  eh diskarte nyo na.  Like, if he buys a car -- he pays 100% of amortization.   If you want a wedding -- ikaw gumawa ng paraan. Tama ba? Oo, realistic & being practical is tama. 
     Sa pera mong natira after the lot payment share --  bahala ka kung gastosin mo sa family mo or what.
Fair or tama lang yan, para sa bawa't  gastos mo or gustong pasukan, consider lang ang kaya mo mismo spend on.  That goes for him too.   Hindi yung decision mo eh compute in/diskartehan mo din yung pera nung isa.  Hindi fair or tama yung ganon.

Yang sinasabi nya sa yo na PAGKASYAHIN MO -- eh reality check na gusto nya gawin mo.  Kahit ba TAMA ang expense IF NOT ENOUGH MONEY eh available --  wala, di  wala.  Out of your budget na, or kumita ka more para masama mo sa budget mo.

Kaya nga ba only mature people (mentally, emotionally, financially mature) should marry.  Talagang life-changing ang mag asawa.  Things cannot remain the same as before, lalo na if your earning capacity is still limited -- you must really tighten your belts until the day comes na both of you are earning more. 












aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: Kailangan ba talagang i-account pera ko para maka-ipon kami pang-kasal..
« Reply #5 on: October 02, 2013, 10:26:20 pm »
sis quinone - 10% of my salary napupunta sa family ko. mother at younger brother ko na lang kasama ko sa bahay. wala pa kaseng work yung younger brother ko. mama ko naman wala naman pinagkakakitaan maliban sa pension nya from my father. the rest ng gastos nila kuya ko naman kase nagbibigay. budgeting na pinagawa nya si monthly.magaling ba ko humawak ng pera? hhhmmm I think hinde ganun kagaling. I think my i-improve pa ko.

may budget naman sa for "fun" pero I think kulang sya, kase yung budget na yun is lumalabas na for misc, so lahat dun ko kukunin. kung may bibilhin akong gift for a certain event dun ko kukunin yun. if kakain kami sa labas for bday celebration dun ko ibabawas yun..at kung ano ano pa. etc

siguro maiitindihan naman nya yung mga ganun bagay kung mababawasan ko yung para sa savings, hinde ko lang siguro gusto yung papaliwanag ko lahat ng napuntahan ng pera ko.

sis aquacharly - yes wala nga kaming savings na malaki sis. kase yung nauna naming savings pinang-down namin sa lot na binili namin. exactly the way i want it to be, paisa-isa lang sana ang loan or 2 max na. nag-usap kami lately, sabi ko i-postpone na lang muna yung kasal since wala pa naman talaga kaming date eh, wala pa kaming nasisimulan sa plano. kung gusto nya talaga magka-car, unahin na lang yun. hinde naman ako nagmamadali sa kasal, ayun sumama yung loob. priority daw yung kasal eh.yung lot parehas namin gusto yun. yung kasal as simple as it can be lang gusto ko.

thank you mga sis. napag-iisip ako sa mga sinasabi nyo

lisse

  • Guest
Re: Kailangan ba talagang i-account pera ko para maka-ipon kami pang-kasal..
« Reply #6 on: October 02, 2013, 10:41:58 pm »
I agree with sis simang, need niyo maging on the same page when it comes to priorities. also, ask ko lang, nung ginawa ba niya yung budget in excel, pinag-usapan niyo ba yon? nag-agree ka ba na this much or percentage will go for this, etc? lahat kasi yan dapat agree kayo and pag uusapan niyo. lumalabas nga na makwenta si bf mo, pero that is old school thinking na eh. empowered na rin tayong mga women at this age, we can land a job, build a career and earn our own money, we demand for equality, and the same goes for financial aspects ng relationship. hindi na uso yung porque lalaki, kargo niya lahat.
big tama si sis aquacharly, kailangan ng maturity ng mga magpapakasal. let's face it, halos lahat ng marital problems eh boils down sa money. I also think you guys have a lot on your plate right now, do not get more than you can chew. kung ano lang kaya, eh di don. gaya niyan magkaiba pala kayo ng "priorities" and wants. he wants a car, pero priority niya is wedding. ikaw naman, hindi mo priority the wedding. we all want everything, that's a given, pero gaya nga ng sabi ni sis aquacharly, reality check: bakit ka kukuha ng bagay na hindi naman pala kaya i-sustain? since marunong sa excel si bf, baka pwede din niya i-forecast ang financials niyo, like for the next 2-3 years to see how long niyo ma-stretch ang current income niyo. and if ever, knock on wood, one of you lost a job, how many months will the income ng sinuman remaining with a job can pay for it all until makahanap ulit ng job yung isa? nkakarindi diba? sakit sa ulo and stressful. pero hindi naman dapat that way lagi. kaya nga may budgeting, may communication. and most of all, be sensible.
tama lang yan na this early you 2 are laying down the set up financially. more tweaking lang and practice, makukuha niyo din ang ideal scheme para sa inyo.

quinone

  • Guest
Re: Kailangan ba talagang i-account pera ko para maka-ipon kami pang-kasal..
« Reply #7 on: October 03, 2013, 12:34:56 am »
10% of my salary napupunta sa family ko.

may budget naman sa for "fun" pero I think kulang sya, kase yung budget na yun is lumalabas na for misc, so lahat dun ko kukunin. kung may bibilhin akong gift for a certain event dun ko kukunin yun. if kakain kami sa labas for bday celebration dun ko ibabawas yun..at kung ano ano pa. etc

sa pagkaka-kwento mo nung una para kasing hindi siya agree sa pagaabot mo ng money sa parents mo. nagkaintindihan na ba kayo about dun? dapat kasi kahit pera mo yun, mas maganda kung sang ayon siya kasi kapag married na kayo pera ninyo nang dalawa yun.

yung budgeting mo i think dapat mas specific pa. halimbawa kung for 'fun' siya, edi mga on-a-whim purchases lang dapat na things for yourself only, para sayo lang yan para sumaya ka :D. yung kain ninyo & transpo dapat may separate talaga yan na funds. yung for gifting, gumawa ka ng general budget category kasama na christmas gifts, birthdays, wedding, debut, etc. minsan yang mga misc. na bagay kapag sama-sama kinompute malaki. ayun nga, ilista mo muna lahat ng expense mo and then i-eliminate/hide mo muna temporarily yung mga pwede para makatipid.

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: Kailangan ba talagang i-account pera ko para maka-ipon kami pang-kasal..
« Reply #8 on: October 03, 2013, 09:04:57 am »
I think it's just fair na you both lay down your cards on the table financially before you get married. Mabuti na ang malinaw ngayon pa lang, kesa pag mag-asawa na kayo tsaka kayo magbangayan ng dahil sa pera. Sa pagkaka-gets ko, this was triggered kasi di kayo makaipon-ipon ng enough.. at sa pagkakaintindi ko, wala naman kaso sa bf mo na nagbibigay ka sa pamilya mo..

What you can do: list down your usual daily expenses (x no of days in a month), yung monthly expenses (like bills, bigay sa magulang, travel, etc), then yung annual expenses (like insurance, etc..; divide by 12 para me monthly allocation). Then allocate din a realistic monthly amount for miscellaneous like gifts, etc. Revisit mo din, baka yung iba naman dun you can minimize (like daily Starbucks, if ever meron, baka pwedeng bawasan konti, etc). Then have an honest assessment of where you are financially, meron ka pa ba masi-save? Is your salary/income enough? San napupunta malaking part ng money mo?

Another suggestion is, mag-agree na lang kayo certain fixed amount na ibibigay nyo monthly for your joint savings and expenses. Para as long as makabigay ka nung agreed amount for your common fund e wala na kayo pakialamanan sa ibang natirang pera nyo. Just make sure you kaya mo panindigan your end of the deal. Then ang paga-agreehan nyo na lang is yung paggastosan dun sa common fund nyo (whether for wedding, for a car, lot payment, etc).


px17

  • Guest
Re: Kailangan ba talagang i-account pera ko para maka-ipon kami pang-kasal..
« Reply #9 on: October 03, 2013, 09:13:32 am »
TS you guys should be on the same page when it comes to finances. Kung nakukulangan ka then tell him kesa dumating sa point na magtataguan na kayo pera.

huggykaye

  • Guest
Re: Kailangan ba talagang i-account pera ko para maka-ipon kami pang-kasal..
« Reply #10 on: October 03, 2013, 09:43:40 am »
sa totoo lang, parang bihira yung ganyang lalaki ngayon, marunong mag budget, alam ang priorities, at nagpa plano...
yun nga lang mag bf/gf pa lang kayo, masyado na sya in control. nakakatuwa ka dahil nagbibigay ka pa din sa family mo at nakakalungkot kasi nabanggit mo hindi ganong suportado ng bf mo yung tungkol dyan.
may iba talagang couples na nagdedecide na bumili ng properties o mag joint account bago pa man sila ikasal (sigurado man o hindi na sila na nga magkakatuluyan).
pero dahan dahan lang kayo, mukha kasing nagmamadali si bf mo magpakasal, kaso hindi pa kaya...
minsan din naman, akala natin hindi natin  kayang gawin pero yun pala ayaw lang natin gawin. hindi ko naman sinasabing tanggalin mo na sa budget mong bilhin yung iba mong gustong bilhin at kainin [textspeak!] mga gusto mong kainin kasi sabi mo nga pinagtrabahuhan mo yan eh.
kung hirap ang loob mo sa paraan na gusto ng bf mo, sabihin mo lang ng derecho ano at paanong paraan naman ang gusto mo, saka kayo nag reconcile paano mas magandang approach. hindi yung sya lang masusunod.
hayaan mo syang magalit. kasi buhay mo din yan eh. kinabukasan mo. at hindi pa kayo kasal.

zelnluv

  • Guest
Re: Kailangan ba talagang i-account pera ko para maka-ipon kami pang-kasal..
« Reply #11 on: October 03, 2013, 10:17:08 am »
Ang bigat ng topic.

Sa totoo lang ate, your kinda lucky with your guy, he has dreams, he has priorities. Yun lang he wants so many things at the same time.

Dapat lang talaga pag usapan nyo ng mabute yan. Kasi kung hindi mo sasabihin sa kanya, malaking problem pag nakasal kau.

Pero normally, babae ang ganyan sa mga lalaki pag ikakasal na.

budzwhiz

  • Guest
Re: Kailangan ba talagang i-account pera ko para maka-ipon kami pang-kasal..
« Reply #12 on: October 04, 2013, 01:55:33 am »
I agree with the recent posters. Actually tama naman lahat ng mga sis dito. Be thankful nalang sis na ganyan ang bf mo. Responsable at marunong nang magpatakbo ng pera. Usually ang alam ko sa mga ganyan, lalake pa nga yung magrereklamo sa paghihigpit ni gf/misis ng pera eh. It simply means seryoso sya sa inyo and he's thinking about your future.
Saka, ganyan talaga yan. Ikakasal na kayo e. Hindi magtatagal magpapamilya na kayo. Hindi nalang pwede isipin yung 'ikaw'. Tandaan, kapag kinasal na kayo, ang parte ng pagmamay-ari mo e dapat iconsider na "inyo" na. Saka wala namang kasal na hindi pinaghihirapan e. Walang pagpapamilya ang hindi pinaghahandaan.
Naiisipan mo na ipostpone muna yung kasal? You guys should talk about this. Kasi kung kasal palang hirap na, pano pa kaya pag nagkaanak na diba?
Most important thing is, pareho dapat kayo comfortable sa magiging setup nyo. Pareho kayong mag-adjust. Goodluck. :)

gleek

  • Guest
Re: Kailangan ba talagang i-account pera ko para maka-ipon kami pang-kasal..
« Reply #13 on: October 04, 2013, 04:26:05 am »
hi TS. i agree with our sisses comment. swerte ka kasi your bf seems to be responsible.  :) mabuti na yung iniisip niya ang future kesa naman bara2 sa mga desisyon niyo di ba. i think it would be better if mag usap kayo, dun sa mga gusto niyo makuha at bakit. like sya, gusto niya magka car,maybe for you he just want it pero sya,baka may valid reason naman sya.

ganyan din kasi issue namin ni bf, we want to get married na pero c bf, gusto din magka car muna. sabi niya kasi, kung may car na,mas magiging convenient for us like pag mag aayos ng kasal,syempre ang daming kailangan lakarin puntahan etc.or if i'm pregnant na, ang hirap naman kung magbbyahe ako ng commute di ba. and ikaw, explain mo din ng mabuti yung importance sayo ng pagssupport mo sa family mo.

sample lang naman yun sis. syempre, depende yan sa priorities niyo. in the end,dapat mag agree kayo before you make big decisions kesa naman magsisihan/mag sumbatan kayo sa huli, na kesyo, sasabihin ng isa, yung isa lang may gusto ng ganitong set up. if nag ddisagree pa din, try to meet half way.

aminin natin sis, minsan may mga bagay na hindi natin kaya makuha lahat ng sabay2 so we need to adjust. kaya yan sis, have faith lang and communicate w/ your partner  ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close