watch now

Author Topic: Aircon - Thead 2  (Read 157214 times)

lakwatsa

  • Guest
Aircon - Thead 2
« on: September 25, 2013, 11:44:20 am »
link to previous thread - http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,213981.0.html

yun inverter window type carrier na 40k+, kamusta naman ang konsumo nya sa kuryente kaya?

next project ko yang pagbili ng bagong aircon, ref at washing machine e. natataasan kasi ako sa meralco bill namin ngayon. 1 aircon, 1 ref at LED tv lang yun major pero 4k+ ang bill. hopefully mapababa pag nag inverter aircon at ref kami. hay :(

m_lim

  • Guest
Re: Aircon - Thead 2
« Reply #1 on: October 03, 2013, 11:57:13 pm »
mga sis, may ma refer ba kayo na tiga install ng inverter split type?

nasa 11t kasi charge saken ng Ramecon (recommended ng isang sis dito).

Heatherette

  • Guest
Re: Aircon - Thead 2
« Reply #2 on: October 04, 2013, 01:40:11 pm »
^Check mo yung nag-install sa akin sis.

Fix & Care 332-7707

Newlife

  • Guest
Re: Aircon - Thead 2
« Reply #3 on: February 24, 2014, 01:59:11 pm »
hi sis,
someone knows the tel no. of seasonaire, please help, thanks !

Heatherette

  • Guest
Re: Aircon - Thead 2
« Reply #4 on: February 24, 2014, 02:30:19 pm »
^Google mo sis Seasonaire, sa top search may cellphone number there.

hun_nie08

  • Guest
Re: Aircon - Thead 2
« Reply #5 on: February 25, 2014, 11:41:54 pm »
Mga sis ano ba talaga top 3 na magandang brand ng window type aircon? Suggest naman kayo please. Will buy this weekend and until now naguguluhan pa rin ako hehhe

Jaguar.Paw

  • Guest
Re: Aircon - Thead 2
« Reply #6 on: March 04, 2014, 08:24:15 am »
according sa mga nababasa ko, hindi ramdam ang kabawasan ng konsumo ng inverter type unless you are using it 8hrs/day. bagay ito sa mga computer shops.

kung personal use lang naman lalo na sa room lang, wag na kumuha ng inverter.

sa mga tops brands naman:

carrier
kelvinator
condura
kolin

hun_nie08

  • Guest
Re: Aircon - Thead 2
« Reply #7 on: March 04, 2014, 10:57:59 pm »
Thanks sis...

ajtee

  • Guest
Re: Aircon - Thead 2
« Reply #8 on: March 09, 2014, 03:34:40 am »
Hi! Anyone here knows how much for a split type air conditioner? Kasama na sana installation and yung units. Thanks!  :)

evilwoman

  • Guest
Re: Aircon - Thead 2
« Reply #9 on: March 16, 2014, 08:25:50 pm »
^meron sa carrier sis. 0.75 yung nakita ko.

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: Aircon - Thead 2
« Reply #10 on: March 17, 2014, 12:34:16 pm »
Mga sis... anybody knows san makakabili ng aircon frame? Wooden or plastic is fine. Basta yung I-install na lang. Wala kasing kasamang frames yung ACs dito sa bedrooms. Kelangan ko sana ng 3pcs.. TIA!

nigella

  • Guest
Re: Aircon - Thead 2
« Reply #11 on: April 03, 2014, 10:59:43 am »
kasama na ba sa installation fee nung split type aircon yung frame para sa outdoor unit?  nakikita ko kase sa ibang establishment tsaka sa residential houses yung outdoor unit naka mount sa wall tapos may bracket.  ganun kc yung balak ko pag nagpainstall ako sa 2/F ng house namin... para hindi naman sya magconsume ng space sa may terace namin.

Heatherette

  • Guest
Re: Aircon - Thead 2
« Reply #12 on: April 03, 2014, 04:16:06 pm »
^Sa akin yes pero di naka-mount sa akin eh. Nasa floor yung akin pero may bracket na naka-taas yung compressor ko.

Nuna

  • Guest
Re: Aircon - Thead 2
« Reply #13 on: April 07, 2014, 07:12:20 am »
Hi sises! Please enlighten me. May kwarto kasi ang anak ko sa bahay ng parents ko na gusto ko sanang palagyan ng aircon. 9 square meters din lang ang sukat nya. My problem, hindi ako pwede magpabutas kase nahihiya naman ako at diko naman bahay yun. (Hindi kasi sila nagbubutas sa bahay nila, maliban dunsda mga binutas na nung ginagawa pa lang ang bahay) Yung bintana din ng anak ko ay malaking sliding window kaya hindi din ako makapaglagay ng window type doon. Ang naisip ko nalang ay yung portable aircon OR split type para maliit na butas lang para sa tubo. Ang problema ko sa portable aircon, nung tinest namin sa mall mukang maingay. Naisip ko kung sa gabi yon, parang masakit sa ulo ang ingay nya. Isa pa, wala ako gaano nakikitang reviews tungkol sa portable aircon. Ang nababasa ko lang sa mga fora, pag nasira ang portable ac, patay na. Hehe! Kung split naman, medyo mas mahal kasi lalo na inverter type (sa pagbabasa ko halos lahat inverter type talaga ang sinasuggest). Meron ba kayo masa suggest na split type aircon na ok na para sa ganitong kaliit na room naman? Practical ba mag split type since napakaliit naman na kwarto ito?

eian4fun

  • Guest
Re: Aircon - Thead 2
« Reply #14 on: April 17, 2014, 07:41:14 pm »
Just bought a Panasonic 1hp Manual Window Type last week, seems okay mabilis lumamig and Hindi sya maingay. I'll see after 2 weeks if how much inabot sa kuryente kasi 3hrs lang sya ginagamit during daytime 😄

Newlife

  • Guest
Re: Aircon - Thead 2
« Reply #15 on: May 06, 2014, 10:45:36 am »
^Check mo yung nag-install sa akin sis.

Fix & Care 332-7707
hi sis, ok ba ang fix and care? kasi i've noticed parang sobrang nagtataga ang mga installation. they always quote very high price mga 11k and up, and yesterday, yun condo kong 27 square, sabi sa akin i need 2 aircon, 1hp and 2hp, samantala friend ko 30 square same building, 1.5 hp ang sa kanya

nigella

  • Guest
Re: Aircon - Thead 2
« Reply #16 on: May 15, 2014, 11:50:57 am »
di pa rin ako maka-get over sa laki ng charge sa kin sa installation nung panasonic 2hp split type inverter aircon.  abot ng 17k+ installation palang... napasubo ako... abot ng almost 60k yung magagastos ko sa split type aircon na yan.

grace08

  • Guest
Re: Aircon - Thead 2
« Reply #17 on: May 20, 2014, 05:10:39 pm »
We bought samsung basic inverter 33500 plus 3500 installation fee. Piece of advice ipa survey nyo muna before buying . Kaya kami nag samsung masmura installation. So far sa computation ko  pag 24 hours a day running mga nasa 5k consumption, may bukod kasi meter sa 2nd floor . 32in tv  tapos heater lang shower and aircon average 14kw per day. Nasa 17sq m room. Nung una gusto ng surveyor 2hp sabi ko wala sa budget ayun pumayag 1.5. Pwede naman talaga kasi kadalasan 26 to 28 lang temp namin ok na ang lamig.

lakwatsa

  • Guest
Re: Aircon - Thead 2
« Reply #18 on: May 20, 2014, 06:01:54 pm »
^sis grace, what do you mean by "pa-survey muna"?

hindi pa rin ako nakakabili up to now. haha!  ;D
been putting this off since last year nun nistart ko itong thread 2 pero wala kelangan ko na talaga bumili kasi naghihingalo na yun carrier namin. sulit naman na kasi 11years na rin sya halos kaso di pa rin ako makadecide kung anong aircon ang bibilhin. haaay


grace08

  • Guest
Re: Aircon - Thead 2
« Reply #19 on: May 20, 2014, 06:20:00 pm »
Hi sis ako din yung old aircon namin 1998 pa although working pa parang laging may take off ng eroplano sa ingay.  Punta ka sa robinsons or wester
N ewan ko lang sa ibang appliance store tapos request ka ng survey. Free naman yun sabihin mo lang kung anong brand in my case panasonic and samsung pinapunta nila pero d dumating taga panasonic pero yung nagsurvey ng samsung sila din installerng carrier masmahal daw ang installation. Sa samsung 3500 first 10 ft tapos 350 yat succeeding. Ang carrier parang 5k minimum . Sa samsung kasama na mga bracket wala na kaming addtional na binayaran

 

Latest Stories

Load More Stories
Close