hi rezzia, for me super okay ang use ng CD - less chance na mag UTI, never nagkarashes, super tipid, so yung supposed na budget for dd napunta sa ibang bahay.
i suggest na pag new born, wag muna i-cd because of meconium poop, pero pag after safe na yan. para lang iwan stain since iba ang kapit ng meconium. pero ako i started exclusive CD by 3rd month na ng baby ko. kasi inantay ko pa dumating yung orders ko. by then, na monitor ko kung ano average nappy ng baby ko, 7 nappy a day kami sa DD ng mga 1-2 months minsan aabot ng 10 pero rare. eh tag ulan kasi na nun, at ako ang maglalaba, so i preferred na mag adik, invested to 50 CDS para once a week lang ako maglalaba.
number of nappies na bibilin mo, malalaman mo kung ilan sa ilang araw ang use ni baby plus ilang beses ka maglalaba sa isang linggo. like me, once a week, so i make sure na there's at elast 7 nappies per day of the week. my ate on the other hand has less nappies, every other day sya naglalaba so she makes sure na me 2 days worth of nappies sya on laundry day. para sa gagamitin ni baby that day at kinabukasan, since some inserts ay matagal matuyo - like bamboo and hemp.
about the what to use, i decided on using pockets kasi meron na akong 1 nun prior to giving birth, me nagbigay sa akin. so im quiet familiar with it na so ayoko na guluhin ang isip ko, so when i hoarded na for our stash, puro pockets naman. brand that i chose, is alva kasi i feel na ito yung abot kaya ng aking budget para makuha ko yung number of cds na gusto ko, okay naman designs nya, okay naman din, rare ako magleak, at natataon na nakakatulugan ko si baby na naka normal insert lang for an overnight sleep. hehe. normal insert is the microfiber insert, sakto sya for day to day use, kahit umaalis kami naka ganun lang din sya. pag night time i double it with purebamboo or hemp. or use alva awesome. i also have sunbaby and babyland, pero few pieces lang not like alva na morethan half of my stash eh yun na. i didn't use new born cd kasi bigger na baby ko, plus malaki din sya pinanganak so hindi k mamamaximize ang use nito. even sa friends and family ko na naenganyo ko mag cd i dont recommend newborn. also alva 3.0 yung gamit ko not 4.0. ayoko ng 4.0. hehe. sa inserts, pwede ka mag dagdag ng ilang piraso na microfiber in case di natuyo agad, ang shell naman eh madali matuyo.
ang cons lang nito sakin, nakakapagod din, tired na ako the whole day with taking care of my son plus chores, then uhh wala ng cd! so labada, hehe kasi now na almost 2 na baby ko, nag trim down na ako ng nappies plus na DD na din ako uli, why? kasi hindi ko na kaya yung poop niya. hahahaha! so pag hindi pa sya nagpoop naka dd siya, pero once done na, cd na uli kami, at night time cd also, total of 15 months kami excluseive na cd. hindi ko na kasi talaga kaya now eh. hahahahahaha! minsan nalulusutan pa ako.
hanap ka ng me package like kay Thrifty Mama Shop - 1200 for 5 printed alva or 1k for 5 plain colors free shipping. yan ang best deal na nakita ko so far, kung hindi sa group buy na of course mas mura.
sa sabon dont use me bleach fabcon whiteners etc, use yung charlies soap or cycles, ako gamit ko for the first year is Human Heart Nature Tough Love powder, then past 12 months ng anak ko kahit sa mga damit niya, naka tide original white na lang kami.
one size lang po ang alva 3.0 sis. naaadjust sya kahit new born pwede yun na ang gamitin agad. alva 4.0 is iba lang kasi yung design niya sa loob has garters inside plus open yung tummy part (which is ayoko kasi pag nagleak napunta sa chan ng baby ko nun) also, i think alva is simple lang sis, anong specs yung need mo malaman sa alva? alva newborn, alva 3.0 (yung gamit ko for everyday use), alva 4.0, alva awesome (night diaper, similar sa alva 4 pero iba ang insert nito sewn together na pure bamboo and bamboo+MF, alva big diaper (pang toddlers na to kids), inserts are micro fiber, microfiber+bamboo, bamboo, hemp, charcoal?