watch now

Author Topic: Team Kramer!  (Read 73871 times)

castledoll

  • Guest
Re: Team Kramer!
« Reply #160 on: July 17, 2014, 01:27:54 pm »
I find the kids cute. but not enough for me to follow them on their social media accounts. kaya ko lang kasi sila nakikita sa fb, lagi sila nalabas sa news feed ko dahil sa shares & likes. I don't watch their videos anymore. siguro nung una lang talaga. 3 lang ata vids nila napanood ko, yung tawa ng tawa si Gavin while pinag hehele, Kendra crying coz she wants to join her 'rents for wine, and yung tulog kunwari si Scar after paiyakin yung ate. Over exposed lang ang mga bata and I don't think may magandang dulot yan in the end.

I also find Kendra maldita. Yes, I watched their GGV episode and may mga instances lang na lumalabas labas pagka maldita nung bata.

I am not a hater din. sana bawasan lang nila pag e-expose sa kids kasi hinde din naman healthy yun. Hinde din ba sila napapagod na lagi bitbit ang phone? haha

simplykristine08

  • Guest
Re: Team Kramer!
« Reply #161 on: July 17, 2014, 02:32:07 pm »
^ same tayo, nung una na hindi pa sila sikat na sikat at wala pa halos endorsements, finafollow ko yung halos kada post, pero ngayon, hindi na.

anneG

  • Guest
Re: Team Kramer!
« Reply #162 on: July 17, 2014, 02:33:05 pm »
patok sa masa ang gimmik hehe wala daw silang generator, calling for another sponsor :P

fleur_de_liz

  • Guest
Re: Team Kramer!
« Reply #163 on: July 17, 2014, 03:25:59 pm »
actually i dont find kendra that pretty.. ang tapang ng mukha nung batang yun. mestiza lang pero hindi sya maganda. gandang pang contrabida yung mukha nung bata. napakalayo ng features nya kay cheska na sobrang amo ng face.
yung scar medyo ok pa yung face.
i think gusto nilang sundan yung steps ng family nila carmina. mina and zoren portray a good parents kasi and the twins are very good looking din naman talaga kaya nagustuhan talaga ng masa. even if they dont fish for endorsements kita nyo naman dumadagsa ang commercials ng legaspi family.

xylene

  • Guest
Re: Team Kramer!
« Reply #164 on: July 17, 2014, 10:36:09 pm »
I agree na masyado ng exposed ang mga bata and for me medyo off yung ginagamit nilang hash tag na #kendrasuperstar. It seems like at her young age pinapasok na nila sa utak nung bata yung superstar status. Kaya siguro pansin ko rin na may maldita factor si kendra habang lumalaki.

Ok pa sakin yung kay scarlett coz appropriate naman sa kanya coz she's like a doll naman talaga.




 

lytblu

  • Guest
Re: Team Kramer!
« Reply #165 on: July 18, 2014, 01:58:21 am »
mas natutuwa pa ako kay ryzza mae

TysLolakins

  • Guest
Re: Team Kramer!
« Reply #166 on: July 18, 2014, 02:25:53 am »
glad to see na hindi lang ako ang naka-notice that the parents seemed to be fishing for endorsements, esp the dad.  kasi parang staged na talaga yung pinapagawa sa mga anak.
i just hope that the kids are enjoying them as well.


i can tell between doug and cheska who's making the status post,  i can sense the insincerity pag si alam nyo na,  ::)




caprice

  • Guest
Re: Team Kramer!
« Reply #167 on: July 18, 2014, 09:44:40 am »
hehe, so hindi lang pala ako ang may ganung impression kay Doug. napaisip ako kung may kulang ba sa childhood nya noon kaya ganyan sya maka-stage dad ngayon. medyo nauumay na rin ako sa mga selfie nya with the kids e kaya nilalampasan ko na lang usually. minsan napapaisip rin ako if he's doing it for the kids or for his own self. mas natutuwa ako sa mga pics ng mga kids ng personalities na makikita mo lang pag na-feature na sila sa magazine or pag nag-attend sila ng party ng kids ng ibang personalities din.

hindi rin sincere ang dating sa akin nung pic nila while praying. kelangan talaga may picture? pati yung pagpost ng mga verses. dagdag mo pa na kay scar na mismo nanggaling na she wants the prize after Tagalog time. makes me wonder kung ganun ba sila mag-motivate sa mga bata para sa mga posts nila?

still, i'm looking forward that someday they will improve and focus more on the children's development. tama na muna sa pag-fish ng endorsements. :)

izabelle

  • Guest
Re: Team Kramer!
« Reply #168 on: July 19, 2014, 03:25:04 am »
I think anything too much is bad.. at nakakaumay.. I used to follow their page but unfollowed it after some time..

castledoll

  • Guest
Re: Team Kramer!
« Reply #169 on: July 19, 2014, 05:07:50 am »
hindi rin sincere ang dating sa akin nung pic nila while praying. kelangan talaga may picture? pati yung pagpost ng mga verses. dagdag mo pa na kay scar na mismo nanggaling na she wants the prize after Tagalog time. makes me wonder kung ganun ba sila mag-motivate sa mga bata para sa mga posts nila?

exactly my sentiments! e kasi a prayer should be done in the most solemn way. you shouldn't be thinking of taking pictures just so you have something to share.

Is Doug's basketball team doing good in the PBA? hatak fans din siguro kaya ginagawa ito. baka it will motivate the team to win.  ;D


Sana nababasa nila ito baka sakaling medyo mag tame sila ng posts. And if ever their intentions are pure and innocent, then, I'm sorry for thinking this way.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Team Kramer!
« Reply #170 on: July 19, 2014, 05:27:36 am »
^yun nga lang ivideo mo the way you talk to your kids when you reprimand them parang hindi naman yatang tama na may phone camera kang hawak nun. ganun ba tayo kausapin ng parents natin?  ;D kahit ba sabihin nila na originally its for their family and friends to see, even if true na yun nga ang purpose nila, pero seriously kukunan mo ng video at pictures ang mga ganung private matter?  ::)

hindi naman yata sila nag sign up for a reality show at ayaw pa nila sa lagay na yan.  :D ay oo nga naman if they do that it will mean exclusivity of contract for them. eto freelance lang ang dating. mas madaming options. you get more freebies. i hope the parents realizes they're already overdoing it.

anneG

  • Guest
Re: Team Kramer!
« Reply #171 on: July 19, 2014, 02:35:12 pm »
yung Dalandan TVC di nga tumagal  :P

ms_minchin

  • Guest
Re: Team Kramer!
« Reply #172 on: July 23, 2014, 01:48:05 pm »
Yeah same here. Simula't simula pa in poor taste na sa akin ang sa opinion ko,  panggagatas ng Kramer couple sa mga kids nila at yung pagiging narcissistic nila when it comes to their family . (Siguro biased din ako kasi medyo madami ako narinig about ugali ni Cheska bata pa lang yan at first hand experience din mind you sa isang gathering na nasingit ako ng auntie ko ) .... Yes cute si Scarlett at si Gavin pero si Kendra walang appeal, matapang mukha sa tingin ko. To think na wala akong makitang special reasons or special talents ang tatlong bagets na ito kundi mga inapo ng mga kastila. Medyo hindi maganda ang ini-impart na message sa mga Pinoy families - na katulad ng dati, ang power nakukuha by birth dahil sa lahi... na ang mga role models ay dapat mga ganyan sila pa ring mga kastila, mga labanos ang kutis, mga mukhang manyika,  pero ang sasama ng mga ugali at matapobre sa mga pinoy? #oops... opinion lang ... pero ang mga Pinoy at kutis kayumanggi, ayun sila ang mga Inday ng mga ganitong pamilya. Kung pamilya ni Ryzza Mae Dizon ito, pwede pa! patok sa akin... Yung anak ni Jackie Forster ang fina-follow ko - si KikayCaleigh dahil sa positivity ng approach ng family nila kahit may Leukemia si Caleigh... sorry O.A. post ko.

secretlove

  • Guest
Re: Team Kramer!
« Reply #173 on: July 23, 2014, 11:11:47 pm »
Off topic, naalala ko pa nung nalaman kong may cancer si kikaycaleigh sobrang devastated ako na parang ilang araw ko rin dinamdam.

aranses

  • Guest
Re: Team Kramer!
« Reply #174 on: July 23, 2014, 11:22:19 pm »
napansin ko nga din ang tapang ng features ni kendra. naaalala ko nga kamalditahan ni Cheska kay jennylyn mercado. Si Doug naman during UAAP days niya super bait talaga after game ng ADMU lahat ng players like si JC Intal at Chris Tiu nakapasok na si dugout si Doug andun pa din sa court ini-entertain mga nagpapapicture sa kanya.

nakakatuwa lang talaga si Scarlett pero grabe kapag nanggigil siya sa mga kapatid niya lalo na kay Gavin talaga makikita mo sa pic un iyak ni Gavin sobra nasaktan.

gusto ko intayin paglaki ni Gavin kung paano siya makipagcommunicate sa family niya.

ohcmon

  • Guest
Re: Team Kramer!
« Reply #175 on: July 24, 2014, 11:42:30 am »
Follower na ako ni Doug and Cheska sa Twitter pa lang (wala pang IG nun) at si Kendra pa lang anak nila nun, even then may attitude talaga si bagets.

I remember Cheska tweeting Doug something about Kenken's teacher calling her kasi she bit the cheek of her classmate lol. The kid was only about two years old then.

Perfume_Lover

  • Guest
Re: Team Kramer!
« Reply #176 on: July 24, 2014, 01:33:17 pm »
Ako din, di ko masyadong type ang mga anak ni cheska mas gusto ko pa yung anak ni jackie rice, mas sweet at genuine talaga. . . . Pero cute nga talaga ng mga anak niya infairness pero hanggang dun lang, sana bigyan din ng moment yung anak ni jackie para matulungan din kasi may sakit

castledoll

  • Guest
Re: Team Kramer!
« Reply #177 on: July 25, 2014, 01:21:55 am »
may nakita ako na article sabi ni Chesca e hinde naman daw nila overexpose yung kids. may mga endorsements nga daw na hinde nila tinanggap e.

pero nung minsan, I stalked their fb page, yung captions ng pictures nila may kasama lagi na pasalamat sa company like yung a/c na andun sa workout room. sila ba endorser nun? o baka bigay kaya kailangan nila promote?

anneG

  • Guest
Re: Team Kramer!
« Reply #178 on: July 25, 2014, 12:25:52 pm »
nakita ko din yung post na yun pero may duda na rin ako na baka endorser sila nun hehe 2wks ago nasa ilalim ako ng skyway nakita ko ang posters ng mag-ina endorser sila ng Electrolux :P

castledoll

  • Guest
Re: Team Kramer!
« Reply #179 on: July 25, 2014, 01:05:48 pm »
^kaya pala kasama sa caption.  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close