Author Topic: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?  (Read 11218 times)

miiilovestravis

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #40 on: February 13, 2015, 06:06:13 am »
Hi sissy!

Sa akin [textspeak!] medyo half swerte na half medyo malas. LOL. Si hubby kc once in a blue moon lang magsipag sa bahay. Wala syang work ako lang nagwowork. Ok lang din naman kasi sya ngaalaga sa baby (medyo nakakatakot na din kasi kumuha ng yaya sa panahon ngaun).

Kaso minsan pag nayaya ng mga kapitbahay na maginuman ayun gogora na uuwi lasing na lasing (or mabilis lang talaga sya malasing?) Un nga lang umuuwi ng nasa oras.

Sobrang tamad nya promise. galing ako sa work (call center agent) Usually 8am ako nakakauwi sa bahay, ako pa lahat. Hugas ng plato, laba, linis, aiskaso kay baby. As in. Pero after go sa gawain ayun sya naman ngaasikaso kay baby kaya nakakatulog ako ng ayos.

Ganun siguro talaga.  :-\

cutemama

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #41 on: March 10, 2015, 09:00:36 am »
Si hubby naman super adik sa video games.. COC ng COC nakakainis na..pagdating sa bahay from work naglalaro, bago matulog, pagkagising..kaya laging puyat eh..naiinis na talaga ko parang isip bata, to think na he's already 31 y/o.. parang walang pangarap sa buhay..hindi man lang kumilos about sa future namin.. binibiro ko nga na ano ba yan parang wala naman akong asawa, kasi lagi cellphone niya hawak niya..

Hindi ko alam kung swerte ba ko sa kanya or malas eh..although he is super mabait, actually takot siya sakin..pag pinapagalitan ko hindi titigil, maya maya na naman ayan maglalaro na naman.

Hay naku. Minsan nga gusto kong ihagis phone niya,kung hindi lang mahal ang iphone 6 ginawa ko na..xempre pag nasira malamang bibili na naman..

Iniisip ko na lang na kahit papaano eh swerte pa rin ako sa kanya kasi he's super mabait and faithful sakin.. sabi niya mas ok naman daw yung games libangan niya, kesa daw sa iba na babae ang libangan.

lalawhoopsy

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #42 on: March 15, 2015, 03:42:15 pm »
Tama ba na mainis siya sa akin na pinagsabhan ko siya dahil kahapon nasa mall kami, naghahanap kami ng resto para mag lunch tapos nadaan kami sa isang resto parang di trip ni hubby yung pangalan nagsalita ba naman ng "ay bisaya"  sa harapan tapat ng taga abot ng menu.

Syempre kahit di ako bisaya offensive at napaka racist ng ginawa ng asawa ko kaya nung nakauwi na kami pinagsabhan ko siya. Di naman ako nagagalit pero napikon siya sa sinabi ko na di niya dapat ginawa dahil baka narinig o ma offend yung makakarinig lalo na nasa public place kami. Sabi niya gawain nila ng officemates niya yon,,,,kahit ba. Tapos nainis siya sa akin nakakabwiset daw ako.

Siya pa yung napikon to think na ako pa nga dapat mabwiset sa kanya dahil napahiya pa ako na pinagsabhan ko siya nung nakauwi na kami kaya nagalit pa tuloy. Sabi ko sa kanya pikon siya kasi kaya nagalit siya. Ang asawa ko nakakainis dahil di pwede pinagtataasan ng boses, parang kala mo laging baby na dapat susuyuin mo pag mali. Ayun itong umaga umalis, 4 hours na dumaan wala pa. Nag msg [textspeak!] sa fb na nabwiset daw siya. Ang taas ng pride sobra. Kagabi pa siya pikon na pinagsabhan ko siya, ayaw kasi masita yung kayabangan niya akala mo kung sinong "perfect".


momxfive

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #43 on: March 15, 2015, 03:45:50 pm »
My husband is back to his usual self — masakit magsalita, bossy, and defensive. And I found out that he's having a long time affair with that woman. But of course, denial pa rin.

Obachan

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #44 on: March 26, 2015, 01:16:33 pm »
Nakakatampo ang hubby ko.
Buti pa ang friend/s ko nasasabihan ko ng problema ko about sa family ko.
Sya (hubby) you can sense and see that he is not interested to listen to your dilemma.
Nakakasakit ng dibdib. Sarili kong asawa hindi interesado sa kwento ko. :(

erza0916

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #45 on: April 03, 2015, 08:24:30 am »
Meron nanaman syang kinakagalit sakin..ayaw naman sabihin kung ano gagawin pa akong manghuhula... grrrr parang sya yung babae sa relationship namin. Ako gusto ko straight forward makipagusap.. sya, dami pang kuskos balungos hindi na lang sabihin eh... haaaay busy ako sa newborn baby namin.. wag nya ako stressin!!

The Greatest Is LOVE

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #46 on: April 06, 2015, 05:03:26 pm »
naiinis ako kasi ang bilis nya makapagdecide ng hiwalayan!
3 years pa lang kami pero ready na sya ng hiwalayan!
kaya eto ako ngayon pagala-gala na lang kung san san..
bad trip!!!

gwyne21

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #47 on: April 08, 2015, 12:57:07 pm »
Si hubby naman super adik sa video games.. COC ng COC nakakainis na..pagdating sa bahay from work naglalaro, bago matulog, pagkagising..

hi sis..parehas tayo... yan din isa sa kinaiinisan ko sa hubby ko..puro tablet ang hawak, kaka-COC

cutemama

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #48 on: April 08, 2015, 01:47:36 pm »
^naku sis.. nanood ako showtime yung sa advice ganda?? Yung topic is addict yung hubby sa COC.. sinearch ko sa youtube para ipanood sa hubby ko kasi relate na relate ako heheh.. ayun he made a deal na pagmagkasama kami hindi na niya hahawakan phone niya and di na siya maglalaro ng coc para quality time na lang namin at tska ni baby lalo na pag nasa bahay kami.. pero ako rin daw wag na mag GT pag magkasama kami.. hehe pabor sakin yun kasi mas malala siya sakin.

lalawhoopsy

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #49 on: April 20, 2015, 09:37:24 pm »
gusto niyang invite sa civil wed namin yung ninong ng daughter namin. Ayoko sana kasi di naman kami naalala nun, ka-fb namin di man lang nga kamustahin inaanak niya.ilang pasko dumaan wala naman eh. Ang problema nga budget namin maliit lang kasi wala pang 20 katao yung pupunta. Pag daw pinapunta niya yon, bobonggahan daw konti ni hubby yung kasal. So ako naman naasar parang sa akin eh Sino ba yon? hindi ka nga imbitado sa kasal non kasi secret, pero yung ibang kilala nila hubby invited.Tapos ang lagay pag imbitado yon paghahandaan? wow ha buti pa yun pinaghandaan mo yung bisitang iba na nauna sa listahan di mo naisip.

kahit nga ako madalang mag like sa posts ko yon pati wife nun pero pag si hubby ang nag post like nila agad tapos iinvite niya yon, paghahandaan pa? mas okay na ko don sa pareho namin kilala na di na kelangan bigyan ng special treatment, yung mga simpleng tao lang..

hypergalactix13

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #50 on: April 20, 2015, 10:01:33 pm »
ako naman.. though mejo petty, nainis ako kasi nagrerequest sya na i-drive ko sya from our house to bus terminal. it was 3:30 in the morning and gusto nya ihatid ko raw sya since kawawa raw sya at magko-commute. hindi sa nagmamadamot ako or tinatamad pero anong oras naman yun, at least sya naman eh lalake and besides marami nang tao sa labas so hndi naman nakakatakot magcommute. nung di ko sya kinausap dahil nainis nga ako sa kanya, sabi nya naglalambing lang naman daw sya. lalo akong nainis. hehe. di ko alam kung sensitive lang ako masyado.

donzski_doinks

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #51 on: April 30, 2015, 08:49:11 pm »
actually, kagabi pa ito nangyari pero share ko na din.

i have gastroenteritis kasi. so, LBM talaga ako yung tipong every 5 mins nasa CR ako. I felt I was dehydrated already since tubig na yung inilalabas ko so I asked hubby to buy gatorade sa drugstore na malapit sa amin. that was 11pm last night. eh nanonood sya ng DVD, hindi talaga kumilos nakakaasar! hanggang sa nakatulog nalang ako. tapos nagising ako 1am kasi nasi-CR nanaman ako, ayun nanoood pa din ng DVD. so naiyak na ako sa asar. sabi ko, hindi naman mawawala yung pinapanood nya, andun lang yon. intindihin nya naman ako. ayun nakonsensya kaya tumayo na at kumuha ng pera. eh dahil medyo takot ako maiwan mag-isa sa bahay, sumama ako. naka-motor naman kami kaya mabilis lang. pag-uwi namin, di pala nya dala ang susi! ni-lock nya pinto e ala kami susi, paano kame makakapasok? di naman namin pwede gisingin yung caretaker nung apartment na may hawak ng spare key kasi hello, 1am na yun. asar talaga. so wala kaming choice kundi makitulog muna sa mama ko na hindi naman kalayuan ang bahay, mga 10mins away lang kapag naka-motor. asar na asar talaga ako ke hubby kagabe. sarap hambalusin!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close