Author Topic: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?  (Read 11207 times)

fairywinkle79122

  • Guest
bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« on: September 18, 2013, 06:45:42 pm »
share ko lang mga sis! nakakapikon na kasi hubby ko,pag nandito siya sa bahay halos ayaw na niya gumawa ng chores,kahit weekends lang naman or pag pagod ako..gagawa man siya pero ang clumsy niya kasi >:( nakaka asar ngayon may trangkaso ako,3 days na pero ako pa rin ang gumagawa dito sa bahay.alam ko naman may work siya pero ganun ba yun pag nasa bahay ka,hindi ka na kikilos?puro facebook ang inaatupag saka games.

tapos naghanap ng helper na part time,sa sulit daw magpo-post siya.ayoko nga nun,delikado yon saka hindi mo alam kahit ba may guards dito sa condo baka salisi gang yun..tapos nagagalit siya na kontra ako sa plano niya.ang problema kasi,pag siya na ang gagawa sa bahay,yan ang solusyon,hahanap ng helper.pero pag ako ang napapagod,wala siya pakialam,concern minsan pero parang nanloloko lang. >:( pag nagligpit di maayos,tapos ayaw maglinis ng c.r..basta nakakapikon na talaga,mahilig magkalat hindi marunong magligpit,sa isip ko nga minsan tinatawag ko siyang “baby damulag” pag naiinis ako..sa facebook may oras,yung tulungan ako,wala..ngayon may sakit ako,ako pa nag mop dito sa bahay,siya nakahiga lang sa kwarto,sarap talaga ng buhay,masyadong baby  >:(

donzski_doinks

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #1 on: September 19, 2013, 09:33:18 pm »
^napaka-batugan naman nyan sis. isoli mo na kaya sa nanay? lolz! seriously, sobra naman sya. ganun b sya sa katamad sa bahay nila nung binata pa sya?

fairywinkle79122

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #2 on: September 19, 2013, 10:35:23 pm »
ewan ko ba dito,yayabangan pa ko na mas maigi raw siya maglinis ng banyo kaysa sa akin.puring puri sarili eh sa 7 taon namin,once lang siya naglinis ng banyo >:( ngayon hindi bumaba yung lagnat ko,nabibinat ako paano ako rin ang nagliligpit.kaya ko nga siya hindi pinapasokbpara siya mag alaga ng anak namin at gumawa ng gawain dito.kaso paano naman sa office nila pinag work-from-home siya,ang dami pa. :(

sabi ko nga sa kanya kaya siya nasa bahay para mag asikaso samin,tapos ganun rin nag work rin pala siya,di naman ayos yun ilang niligpit.hindi alam san nakalagay yung ibang bagay dito.siya daw magbanlaw ng damit,asa pa,ako na gumawa. >:( tapos sabhin pa na dapat nga nasa office siya ngayon,kaya inis na inis ako,kung di lang maysakit ako eh.yun naman officemate niya hindi man lang maisip na kaya absent yung asawa ko dahil may sakit yung asawa,sabagay ano naman sa kanila yun?kaya nakakasama ng loob,.

donzski_doinks

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #3 on: September 21, 2013, 10:27:34 pm »
^ibig sabihin sa loob ng 7 years e ganyan na talaga sya ka-tamad? grabe naman sya. baka naman nasanay sya na pinagsisilbihan mo lagi?

goddessjem

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #4 on: September 22, 2013, 12:03:59 am »
parang ganyan din ang kinagalit/inis ko kanina. laging parang siya lang ang may karapatang mapagod. yung mga bagay na pwede naman nyang gawin ng kusa, sasabihin ko para lang gumawa siya..

ikaela

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #5 on: September 22, 2013, 12:17:03 am »
Haha, laging sama ng loob mo 'to, fairywinkle79122. May pagkaganyan din my husband, especially the part about kapag siya na ang kikilos, maghahanap na ng helper. Eh ang konti-konti lang naman ng household chores namin, 'di worth it ang sakit ng ulo ng may kasambahay.

I don't know if you have answered this before, but is your husband at least a good provider? Sa akin kasi basta he brings in the dough, okay lang he doesn't do housework at all (but, unfortunately, this is not my life's setup.) I remember someone saying here na mas-gusto niya ng husband na magaling sa business or work niya rather than magaling sa gawaing bahay.

But anyway, napaka-insensitive pa rin on your husband's part to let you do housework when you're sick. Hindi na katamaran yun eh -- that's downright being unkind to another human being. Kung strangers nga, naaawa tayo kapag nagtratrabaho ng may sakit. Eh paano pa ikaw na asawa?

reb_woods072683

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #6 on: September 23, 2013, 04:39:25 pm »
Kaninang 9:30 am tumawag, pauwi na daw siya dadaan lang sa agency nila para kunin yung loan niya. Anong oras na wala pa, ni text wala or tawag eh may pasok siya ng 7pm. Anong petsa na? Hay!!!

redgirln

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #7 on: October 01, 2013, 04:58:32 am »
hay ang asawa ko tinotoyo na naman.pInagpatayan ako ng skype. nagsimula sa biruan, aba sya na nga ang kung ano-anong sinasabi na may favoritism daw ako sa mga kapatid ko, syempre hurt naman ako na parang hindi ako fair. quiet nalang nga ko para hindi lumaki ang issue. My golay, sya pa ang nagalit! kakagigil. bahala sya hindi ko sya itetexxt bukas ng umaga,  sa hapon nalang hahahaha.

kakainis kasi ang toyo nya, dark soysauce yata..
« Last Edit: October 01, 2013, 05:02:01 am by redgirln »

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #8 on: October 03, 2013, 09:48:54 pm »
sinabi ni hubby na me ulam daw kaya di na ko bumili only to find out na lutong ulam lang pala yun na good for his family in which hindi kami kasali ng anak ko! the thought of my baby not eating yet hurts a lot!

fairywinkle79122

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #9 on: October 07, 2013, 05:28:44 pm »
sorry mga sis ngayon lang ako nakasagot,may sakit pa rin kasi..

sis ikaela- ok naman si hubby,good provider pero sana naman kahit konti,may kusa sa bahay..bakit pag ikaw na nagtrabaho senyorito ka ba dapat sa bahay?sabi nga niya perfectionist daw ako..hindi naman,gusto ko lang kung gagawa rin siya sa bahay,dun sa paraan na tama,hindi yung mali-mali rin..


ito pa nga ang bagong issue:

since hindi nga kami gumagaling at pasa-pasa ng lagnat at dry cough,papunta na dapat akong medical city kanina,nagbibihis na ako,biglang tumwag yung mommy niya.meron siyang inuutos pala,yung utang namin na 13k pinababayaran na,ang gusto naman pag tumawag ka eh agad gawin yung gusto niya >:( sinabi na nga ng asawa ko napaalis kami at magpapa check up(pero ako lang ang aalis),nagpa utos pa rin sa bangko,,kasi gagamitin na raw,wala na raw laman yung bangko niya..hindi naman ako naniwala,yang si MIL akala mo laging tatakbohan,akala mo laging naiisahan ang problema naman sa asawa ko kanina,alam naman niya na paalis na ko hindi man lang sinabi sa nanay niya na baka pwede bukas ng umaga na magbayad kasi mahaba pila sa bangko at pupunta pa ako doktor..isang utos ng nanay niya umalis agad,ngayon inabot ng 1 oras ako naghintay dito sa bahay,alas 3 na ng hapon nakabalik asawa ko.tinamad na ko umalis,kasi alam naman na mas importante yung sa check up,hindi man lang makapag dahilan sa nanay niya  :-X


ako pa ang inaway,bwisit raw ako..nag absent pa raw siya di naman ako tutuloy..sabi ko nga sa kanya paalis na kasi ako nakikisabay pa silang mag ina..akala naman laging iisahan sa pera,delay lang ng 2 araw yung utang,akala mo tatakasan..sabi ko sa kanya bakit hindi niya ba masabi sa nanay niya nung tumawag na bukas ng umaga na ihulog yung pera sa bangko niya dahil nilagnat uli ako,paalis na ako papuntang doktor nung tumawag siya..ako na nga maysakit ako pa iintindi na dapat unahin yung pera na yon.ako pa yung nasisi..ganyan kasi yan,sila magkakapatid,tiklop sa nanay nila,yun naman si MIL napaka ganda ng ugali,bawal tanggihan..


kaya yun ako pa sinabihan ng bwisit ng asawa ko,ako pa inaway dahil hindi na nga ako tumuloy magpa doktor..sabi ko mga sa kanya ako pa nasisi niya,bakit di siya makatanggi sa nanay niya,pwede naman ipagpabukas yung pera dahil aalis ako,isang utos lang nun susunod agad tapos pag ako dito wala siyang kusa,piling pili ang tulong sakin sa bahay,kung pagalitan ako parang di ako asawa,ang mga salita sakin bwisit,para daw akong t**ga,parang batang hindi nabigyan ng candy,nag iinarte raw ako,paalabasin raw niya ko ng bahay pag inulit ko pa..sobra na,nagpipigil na nga lang ako gusto ko ng patulan..

aquacharly

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #10 on: October 08, 2013, 10:52:07 pm »
Hmmm, his tolerance for dirt must be much higher than yours.
My husband does not like to do chores but he will help out, if required.
Through the years, we have established that he requires only the minimum of specs & will prioritize  household requirements. 
The solution is like your husband's: hire help.
So, I have now 7 maids,  4 drivers, and periodic garden & house maintenance services.   He pays for it all.
Ang sa kanya, don't bother me with household requirements (he deems these as menial & useless use of his time). So I just hire, and he pays.   
I don't expect him to be a mind reader, too, as  to my needs -- so, I just tell him what I want. 

What am I trying to say?
We all work to live the lifestyle we prefer.
Your husband prefers to relax after work, the way he wants to.
If you can afford it -- go ahead, pay for service so you don't get tired & he gets to relax.
Better to spend to keep a relationship positive, than to save at the expense of good interaction.
Mind you, I am not advocating financial irresponsibility. Just saying that some things are worth spending on.

As for saying his solution to everything is to spend for someone to do it --  what's wrong with that? There are many ways to skin a cat, ika nga..
Well, he has communicated to you his preferences. 
Though he loves you to the moon & back, IMO, just coz you got married -- he still has the right to his standards & preferences.
Kasi, kung ikaw yung hindi makatiis your bathroom is not sparkling clean, well - he probably sees it as ok still, eh di ikaw maglinis nito coz  ikaw ang hindi makatiis.

What am I trying to say ba talaga?
Well, hwag mo ko batuhin but.. Hindi mo sya marry to have a houseboy, nor did he marry you to be his maid.
May solution naman -- hire a maid.  Yang concerns about thievery & all -- darling, heavyweight valuables are best kept in a bank SDB; and don't leave cash & other valuables lying around.  I mean, the fear of thievery is no reason to not get house help/service.  Almost everyone has help/maids, though we all think of thievery.  Really, now.
As for you being sick and requiring care.  Well, he isn't a mind reader. Tell him what you require or that, you need more than his usual attention now that you're sick.

In short, magalit ka man or gusto mo man ako sagasaan --  if you were my sister/BFF. -- I'd say: please act like the grown & mature married woman you are. Seek solutions to problems, don't gripe.  Seeking an annulment due to household chores is as kilay-raising to me as that cousin of mine who got divorced by his wife coz: he forgets to bring out the garbage .   True, it happened; but for me:susko naman. 

Peace!



fairywinkle79122

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #11 on: October 10, 2013, 04:10:09 pm »
kung di nga lang napakaliit nitong bahay kumuha na ko matagal na,siya naman ayaw ng may ibang tao dito sa bahay..totoo lang hindi naman masyadong afford mag hire ng helper kaya dapat pareho kami nagtutulungan.kaso hindi,buti pa yung mga kapatid niya masisipag,siya yung pinaka tamad..totoo lang wala sana problema ako gagawa lahat,basta hindi rin siya magkalat na parang bata..kaso hindi,parang 2 ang bata dito sa bahay,yung anak namin at siya,burara na sa gamit,madumi pa sa paggamit ng c.r at sa kitchen..kaya minsan binibiro ko na lang siya na gwapo sana kaso.....akaain mo pati pader sa tabi ng higaan niya may talsik ng plema,ang toilet bowl kundi kinalimutan i-flush,may natira pa ;D ang charger ng phone naku maapakan mo nasa kusina..aahh di bale na nga,kasi pag inutusan mo yun ang isasagot sayo “haaay nakuuu,okaaaay”.

girl24

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #12 on: October 10, 2013, 04:45:46 pm »
ay, yay, yay!!! di pwede sa akin ang ganyan sis. strickler ako sa cleanliness, hate na hate ko ang magkaipis o kahit ano na insekto dahil sa dumi. kaya nagsasalita ako pag kumakain sa kwarto ang hubby ko and kids. tsaka i really literally follow their crumbs kasi pag left laying around matutuwa cockroaches... hay! hopefully, one day magising mga hubby natin na wag magdumi... always hope and pray!

ikaela

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #13 on: December 23, 2013, 12:23:19 am »
I have a similar problem now, the same "this wouldn't be a problem if we had a maid" kind of problem. Husband wants to invite his friends over for Christmas. I told him na gusto ko kami-kami lang this Christmas, and gusto ko din mag-relax that day. I'm not really up for entertaining people and cleaning up after everyone on Christmas; I just want to spend time with our baby.

Eh di nagalit, kesho we don't invite anyone over anymore daw. Sabi ko Christmas is for family, hindi naman siya parang birthday when you invite friends over to spend the night drinking. Ang mahirap pa, ako lang naman lagi naglilinis after every party -- ako ang hindi makatiis ng kalat, ako ang hindi makatulog kapag madumi ang paligid, so ako ang gumagawa lahat. And who wants to be washing greasy dishes, picking up beer bottles, and combing the lawn for cigarette butts on Christmas day? Certainly not me.

Obvious naman na solution to this is to get a maid, but even then, any maid I would hire would most likely be home with her own family on Christmas.

What do you ladies think I should do? I'm thinking of doing some kind of compromise, but god, the last thing I want to be doing during the holidays is cleaning.

abbeydasassy

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #14 on: December 23, 2013, 07:31:22 am »
mas inuuna pa kasi niya yung good time kesa sa mga important things that we need to do especially that we are running out of time e!!


@pichness@

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #15 on: March 08, 2014, 06:48:35 pm »
Ayon, lasing na naman, Bwiset lang.

toydoll

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #16 on: March 25, 2014, 05:27:21 pm »
sobrang nakakairita sya pag ramdam na ramdam kong walang wala na syang pakialam sa hurt na nararamdaman ko,,,,

ezonme

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #17 on: March 29, 2014, 02:35:18 am »
just this morning.. nairita/na offend ako kung pano niya sinabi: Hindi ba ako lugi sa pag babayad ng kuryente sayo??

3 months pa lang kami nag move in sa house niya (binili ng parents niya for him a long time ago) before moving in nakatira kami sa parents ko, usapan na namin na maghahati kami sa lahat ng utility bills. 2 weeks ago, I started baking using an electric oven. Nag aaral pa lang ako excited ako kaya mga 3 times a week ako kung magbake. Dahil dun kaya tinanong niya kung di ba daw siya lugi sa akin? Na offend ako kasi as if nag kukulang ako sa share ko which I know I'm not. There are times that I pay for the water and internet alone. Yung mga needs ng anak namin like diapers, ako madalas ang bumibili because I understand that he doesn't earn a lot and since I have extra nagkukusa na ako and not ask from him pa. Since the day pinanganak yung 1 1/2 year old  baby namin, 2-3 times pa lang niya yun naibili ng damit and ni minsan wala siyang narinig sa akin. Nakakainis lang and by the way na set ko naman na yung  budget ko na mag bigay ng mas malaki sa kuryente bago pa niya sabihin yun dahil alam kong magiging issue yun kasi nagpaparinig na siya last week.

books_mags

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #18 on: April 01, 2014, 01:04:29 pm »
i just found out that he is secretly supporting his 30 year old brother.
it irks me that he keeps telling me to save, but he can't tell his brother the same thing.
and what is more irritating is his brother keeps on posting all his luho in facebook.

tigermom

  • Guest
Re: bakit ka naiinis/nairita sa hubby/wife mo today?
« Reply #19 on: May 02, 2014, 07:47:10 pm »
I'd rather have a batugan hubby than babaero....in short you can take mine.
One factor of being batugan I guess is culture...my ex bf is so maasikaso and so sipag sa house chores, he's even better than me. Ang kagandahan pa dun he is so loyal yun nga lang obsessed and posessive to the point that he gets jealous with my brother and male cousins....so hindi ko natagalan.
Pero naman I unfortunately got married to a guy who is so batugan na nga so sinungaling pa....ok lang sana kung wala sya alam na house chores but to cheat on me pa is too much! eh groin nalang yata nya ang marunong magtrabaho at masipag...sa sobrang sipag nabuntis pa si other woman....I hope you will be thankful that batugan lang si partner. You can never have it all at kung sakali man that you found everything in one person don't let that slip away.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close