watch now

Author Topic: Mag10 years ng in a relationship,walang balak magpakasal  (Read 24789 times)

iamyourangel08

  • Guest
Re: Mag10 years ng in a relationship,walang balak magpakasal
« Reply #20 on: December 07, 2013, 12:18:11 pm »
 Hi Everyone,            
 Thank God I can already reply to this thread.            
 Its been 2 months already since my last post.            
 I amt hankful to all our sissies who take their time to post a reply here.            
 thank you so muc..really...            
 well, just want you to know guys I followed your advice..hehe..            
 and guess what feeling ko nagkamali ako sa pinost ko...         
 1 1/2 months ago he already proposed to me.. It was not just the simple proposal, sobrang naiiyak talaga ko ng sobra to the fact na as in hagulgul talaga..hehe..            
 all the doubts, insecurities, unaswered question, feeling of coldness were gone and all I can say is that I am happy..            
 biglang nawala lahat ng alinlangan ko dati kung mahal ba talaga niya ako..            
 Sorry mga sis bigyan ko lang kayo ng konting kwento…            
 Oct 13 is his birthday, sabi ko maghanda kami kahit simple lang sabi niya alis na lang daw kaming dalawa para naman magkaron kami ng "us" moments            
 So labas kami after work, we watched movie and kain sa fave nameng resto and after that talagang tinaon niya na umuwi kami ng 12am sa bahay para saktong birthday niya            
 and guess what pag uwi ko ng bahay the lights were all off with all the candles,heart shaped balloons, big bouquet of roses, heart shaped sticky notes, almost 100 pcs of our pictures together..sobrang haba talaga ng hair ko ng time na yun  (kung pwede lang ako magpost ng pic dito e..hehe..kaso nahihiya ako)            
 then after the event as in hhindi kami nakatulog pareho kami maaga kami nagising then I talked to him about my plans na makipaghiwalay na sana ako sa kanya because yun nga parang nafifeel ko na wala kaming patutunguhan            
 and then he explained to me everything that almost made me cry again..(nafeel ko ang sincerity niya and nafeel ko na love niya talaga ko.)            
 He said na first time pa lang namen magkita ako na daw talaga yung gusto niyang makasama habang buhay;            
 kaso nga first five years namen e nagaaral pa kami so hindi naman pwede then after non nagwork kami ; since hindi pa naman ganun kalaki mga sahod namen so hindi pa din talaga pwede. And then oppurtunity came nga na nakapgabroad kami tapus sabi niya xmpre daw yung first year namen dito nagbabayad pa kami ng utang ..hehe..then yun nga since march pa daw niya pinlano na magpropose             
 kaso bigla naman nagkaron ng urgent matter and sobrang naging busy na din daw siya sa work,then realized siguro hindi pa time so he decided to propose na lang sa mismong birthday niya..He even informed me na march pa lang daw nakabili na siya ng ring pero pinatago lang niya sa housemate namen..            
 Sobrang saya talaga ng feeling mga sis..hehe(;kaya pala pag may nagtatanong palagi niyang sinasabing "soon".) I even pray to God na dati na kung hindi talaga siya yung para sken alam ko gagawa siya ng way para makaalis ako sa relationship na to but then I think God already answered my prayer.            
 Sana happy din kayo for me mga sis!..hehe..Now we are already looking for possible supplier for our wedding next year at etong forum pa din ang kasama ko..hehe
i am so happy nadiscover ko tong forum na to...thank you so much ulit mga sis...lipat muna ako sa kabilang thread...hehe.. ;) ;) ;) ;)

April30

  • Guest
Re: Mag10 years ng in a relationship,walang balak magpakasal
« Reply #21 on: December 07, 2013, 04:11:08 pm »
Happy for you sis! Yours is a happy ending... God Bless sa inyo 2.  :)

engr_neechee

  • Guest
Re: Mag10 years ng in a relationship,walang balak magpakasal
« Reply #22 on: December 09, 2013, 05:48:35 am »
yehey! happy ending na :) Thank God!

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Mag10 years ng in a relationship,walang balak magpakasal
« Reply #23 on: December 12, 2013, 01:58:19 pm »
congrats and good luck to you! :)

j.adore

  • Guest
Re: Mag10 years ng in a relationship,walang balak magpakasal
« Reply #24 on: January 03, 2014, 02:43:02 pm »
Yung sa pagsabi pa lang ng "soon" eh tell-tale na may balak naman ;)

For those who still have this dilemma, why not go ahead and ask your man how he sees the future and if you are in it?
Kung matagal na kayong in a relationship, siguro naman nareach niyo na yung point of being honest with each other about everything. There is nothing wrong with asking. Di mo naman siya tatanungin na magpakasal na kayo as in ikaw magpropose but more of planning for the future, which is normal.

chichi143

  • Guest
Re: Mag10 years ng in a relationship,walang balak magpakasal
« Reply #25 on: January 06, 2014, 02:44:03 pm »
kakatuwa naman ang story nyo!
 may god bless your marriage!

sixteen16

  • Guest
Re: Mag10 years ng in a relationship,walang balak magpakasal
« Reply #26 on: January 31, 2014, 09:07:00 pm »
wow! nice naman.. congrats! how i wish happy ending din kami..

lahat yata ng nasa long term relationship puro yan ang hinanaing lalo na kapag umabot na ng 10 taon.. right now yan ang gumugulo sa isipan ko.. mag-10 years na kami sa May. live-in kami since day 1 ng relationship namin with my siblings (nasa abroad parents ko).. ok naman ang lahat sa amin. happy ang samahan namin.. lagi kaming masaya.. kapag may prob kami pinag-uusapan naman namin ng maayos at nasosolve naman namin. tinanggap nya ko kung ano man ang nakaraan ko. tinanggap ko din sya.. walang issue abt don.. walang 3rd party.. basta ok kami.. naging mabuti kaming tao.. habang papalapit na ang 10 yrs hindi maiiwasan na sasagi sa isipan natin (lalo sa ating mga babae).. ano ba ang plano nya? may patutunguhan ba ito o sinasayang lang namin ang panahon namin? nanjan ako ngayon sa sitwasyon na yan.. pero hindi kasal ang hangad ko kundi bumukod lang kami ng bahay.. tinatanong ko sya kung ano plano nya? kung ano-ano ang sinasagot nya.. hindi daw madali ang bumukod.. kelangan ko gumising ng maaga para ipagluto sya etc. handa naman ako sa ganun.. yun naman talaga ang dapat gawin natin ang pagsilbihan ang partner natin. hindi sya makasagot ng diretso.. so sabi ko sa kanya.. mag-isip sya muna at tsaka na kami mag-usap kung alam na nya ang plano nya para sa aming dalawa.. hindi ko pa sya tinetext. yun ang huling salitang binitawan ko sa kanya.. 29 na ako at 33 na sya..

tama ba desisyon ko? natatakot naman ako mawala sya.. ok naman kasi kami.. yun nga lang hindi ko alam kung saan kami papunta.. walang direksyon..

engr_neechee

  • Guest
Re: Mag10 years ng in a relationship,walang balak magpakasal
« Reply #27 on: February 03, 2014, 07:50:09 am »
^ Sis try mo kaya pakitaan ng mga flyer ng mga affordable housing ngayon :) Tapos ipakita mo [textspeak!] computation mo and convince him na, "Look oh, afford natin.. :)" Angas din kasi yun kung hindi upa kundi talagang bahay na....Try lang...

angelparvian

  • Guest
Re: Mag10 years ng in a relationship,walang balak magpakasal
« Reply #28 on: February 10, 2014, 06:43:49 pm »
nakakarelate naman ako kasi lately tinanung ko si hubby about diyan. hay sabi niya papakasal lang siya pag may anak na. so i have to move out muna.

graZiousa

  • Guest
Re: Mag10 years ng in a relationship,walang balak magpakasal
« Reply #29 on: February 20, 2014, 11:20:10 am »
Sis kami ng hubby ko almost 9 years kami bf/gf bago nagpakasal pero wala kaming baby. Maraming dahilan, nagpaaral pa sya ng mga kapatid nya and sya ang bread winner, wala na ang papa nila. Ako naman very vocal ako sa feelings ko, and sinabi ko na gusto ko na to settle down na. And i asked him kung ano ang say nya dun.. Pinag usapan namin lahat ng aspect.. And we come up with a wedding plan (yahoooo!!!!!) kailangan lang talaga mapag usapan yan. Tama rin na umalis ka muna para makapag isip pero siguro bago mo gawin yan kausapin mo muna si hubby para alam nya ang dahilan mo.. 

Cessiechu

  • Guest
Re: Mag10 years ng in a relationship,walang balak magpakasal
« Reply #30 on: April 18, 2014, 04:56:32 am »
I can feel your frustration sis. Kung ako pa nga lang na 5 years kame sa relationship naiinip na ako eh pano pakaya pag 10 years? Sa part ko naman alam kong nagmamadali lang ako hehe dahil 22 palang ako si bf naman 25. Wala pa kame naiipon gaano and gusto niya stable na kame bago ikasal. Pero sa case mo sis nasa edad na nga kayo.
Try mo kaya siya kausapin ng masinsinan as in seryoso. Ilabas mo na sama ng loob mo sa kanya. Meron kaseng guys na not into marriage pero sino ba naman babae ayaw pakasalan diba? I wish naging okay na kayo. I wonder what happened.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close