Author Topic: Marriage starting to fall apart  (Read 6997 times)

prettygurl00001

  • Guest
Marriage starting to fall apart
« on: September 13, 2013, 07:51:30 pm »
Before we got married I thought we were bestfriends. I was sooo happy coz I married my bestfriend. Nung first 4 years of marriage namin wala pa kaming baby. There were lots of ups and downs. Madami kaming pinag-aawayan but at the end of it all, hubby has always been patient with me and sya ang palaging gumagawa ng move para magkaayos kami. Then I got pregnant. During my pregnancy I became more impatient, masungit, mainisin, mainipin, name it. Then si hubby, he's starting to lose patience with me na. As in we always have arguments, in other words pinapatulan na nya ako kahit buntis ako. Then I gave birth. Now that we have a baby, we always have petty arguments. Even sa kahit walang kakwenta-kwentang bagay pinag-aawayan pa namin. Pareho kasi kaming ma-ego and ayaw magpapatalo. Tapos I noticed pa na he lost his patience with me already. Yung lalakeng pinakasalan ko, yung lalake na dati eh napakahaba ng pasensya sa akin, ngayon parang nawala na lahat yun. Minsan meron syang mga salita na nakakasakit na sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito, pero nagbago na sya. Sobrang ang bigat-bigat sa pakiramdam yung hindi na nga kami nagtatabi matulog, tapos sa buong maghapon bihora na din kami mag-usap, kasi once na nag-usap kami mauuwi lang din sa pagtatalo. Ni hindi na nga nya ko niyayakap or nilalambing man lang. One time Sabi ko sa kanya nanaginip ako na may other woman sya and parang totoo yung dream ko. Instead na i-comfort ako and i-assure na hindi mangyayari yun, parang wala lang tapos akala ko yayakapin ako yun pala hindi. Haaay... Ngayon ag nag-uusap kami puro tungkol na lang kay baby....

prettygurl00001

  • Guest
Re: Marriage starting to fall apart
« Reply #1 on: September 13, 2013, 08:00:14 pm »
Sobra kong nalulungkot kasi ang liit pa ng baby namin tapos ganito na agad kami. Samantalang nung wala pa kaming baby super sweet kami and happy ang marriage namin. Ang sakit isipin na simula nung magkababy na kami saka pa sya nagbago. Diba mas dapat na mas maging supportive at mas mahaba ang patience nya sa akin ngayon kasi mas kaylangan ko ng masasandalan lalo na now na kakapanganak ko lang and nakaka-stress mag-alaga kay baby. Diba mas dapat na unawain nya na lang ako pag masungit ako, pero instead pinapatulan nya pa ako. Ang hirap... Kasi yung reason kung bakit sya ang taong pinakasalan ko is becoz yung mahaba ang patience nya sa akin, tapos ngayon unti-unting nawawala yung reason na yun kung bakit ko sya pinili. Haaaay... Help me sisses!

chicafabulosa

  • Guest
Re: Marriage starting to fall apart
« Reply #2 on: September 13, 2013, 08:05:58 pm »
Sis everybody has its own boundaries. Baka nasagad na. And like what you said both of you maego, if that's the case expect na di magiging okay ang relationship. Dapat may magbibigay sa inyo na isa. Di pwede magsabay kayo ng galit or inis. Communication sis. Dapat open kayo. I guess with what happened medyo malalim na ang problem nyo. But what I can suggest sayo sis is try to ask him to go out of town yung kayong  2. Try to rekindle your love for each other. Minsan pag puro away nakakalimutan na natin na mahal natin ang tao. And for you to let him remember na mahal ka nya, maybe you both need a vacation. Then talk sis. Let him know how you feel without you blaming him why you are sad now. Remember, in every arguments may mali kayong 2. Di lang isa ang may fault. Accept also yung flaws mo. Tell him ano ang mga shirtcomings mo. Being humble is the best way sis.

I used to be proud. Di mo ako masasabihan but when I got married I then realized being humble is the best way to keep our relationship happy and stress free. Di pwede na parehas kame mainitin ang ulo.

Dont let your respect for each other be gone just because of your pride. If you both really want to save your relationship, you both need to talk HEART TO HEART.

But also you also have to accept yung mga pagkakamali mo. In that way you will also have an understanding where is he coming from. And pray hard sis. Hope what I told you helps. God bless

prettygurl00001

  • Guest
Re: Marriage starting to fall apart
« Reply #3 on: September 13, 2013, 08:21:23 pm »
Yun na nga isa pang problem sis. Maliit pa baby namin wala ako mapag-iiwanan. Malayo mga relatives namin so kami lang talaga ni hubby nag-aalaga kay baby, kaya wala kaming chance to go out na kaming dalawa lang. Pero yung parents nya dadating from abroad this October. Kaso lang ang hirap na magtry na magreach out ulit kay hubby kasi I tried it several times already pero lagi ako nasosopla. Like yung sa pagdating nga inlaws ko... Sabi ko kay hubby, tamang-tama pagdating ng parents nya may mag-aalaga kay baby so puede kami mag-Boracay ng kami 2 lang.  Ang sabi ba naman ni hubby, ayaw nya iwanan si baby gusto nya palagi kasama kahit saan kami magpunta. Hindi naman sa pinagseselosan ko si baby, pero I just feel na all his love for me eh nabaling na kay baby and he did not leave anything for me at all. Its just too sad coz we are just starting a family of our own. Pero parang he's already leaving me behind.    :'(

glamorosa_09

  • Guest
Re: Marriage starting to fall apart
« Reply #4 on: September 13, 2013, 08:29:23 pm »
Quote from: prettygurl
Madami kaming pinag-aawayan but at the end of it all, hubby has always been patient with me and sya ang palaging gumagawa ng move para magkaayos kami.

Were there times ba sis na when you realize na ikaw yung mali, nag-iinitiate ka ring makipagbati sa kanya or say sorry? When he has done something wrong or fell short from your expectations, were there times ba na you try to understand him and his weaknesses?

Quote from: prettygurl
Even sa kahit walang kakwenta-kwentang bagay pinag-aawayan pa namin. Pareho kasi kaming ma-ego and ayaw magpapatalo.

Sino sis ang madalas magsimula ng away sa mga walang kakwenta-kwentang bagay?

Quote from: prettygurl
yung reason kung bakit sya ang taong pinakasalan ko is becoz yung mahaba ang patience nya sa akin, tapos ngayon unti-unting nawawala yung reason na yun kung bakit ko sya pinili. Haaaay...

Baka naman naabuso mo na yung patience nya sis. Baka kasi, gusto mo ikaw lang yung parating intindihin at pagbigyan, marriage doesn't work that way. Try to meet him in the middle too. Ikaw rin yung maging mapagpasensya sa kanya. Ikaw rin yung magbigay at gumawa ng loving actions toward him.

princessrio

  • Guest
Re: Marriage starting to fall apart
« Reply #5 on: September 13, 2013, 08:59:30 pm »
for me sis, nasagad mo na si mister. why? you said na hubby has been patient with you and sya ang gumagawa ng paraan na magkaayos kayo. ngayon, biglang pareho na kayong ma-ego.

 marriage is not about "ME". it's about "US". all i saw in your post was about you..nabuntis ka and you justified your pagiging masungit because of pregnancy..dapat ikaw inunawa nya, kapapanganak mo pa lang, etc. etc.. it's all about you. have you asked yourself kung bakit sya nagkaganon? na nauunawaan mo sya? or baka may problema sya? tapos ikaw ang iniisip mo sarili mo?

marriage is not a bed of roses. changes happen everyday. there will always be ups and downs. there will always be misunderstandings. hindi na sarili mo lang ang iisipin mo. let go of pride. it will just break your marriage. i suggest magreflect ka ng mga bagay bagay. then talk to him. show him that you respect him. show him that you love him.

AnJelatine

  • Guest
Re: Marriage starting to fall apart
« Reply #6 on: September 13, 2013, 10:46:47 pm »
I can relate :)

Ako: Madalas ako naka-simangot. Syempre nakakapagod din yung trabaho dito sa bahay, pag-alaga and asikaso sakanila ni Baby. Simangot here, simangot there! >:( :-\

Ang reaction ni Partner: Nung mga unang araw/weeks, nilalambing pa niya ako. Like, "Oh, baket naka-mangot? Tignan mo si Baby, naka-mangot din. Dapat naka-smile palagi, para smile din si Baby." ;D Yayakapin niya ako, group hug kame ni Baby.

PERO habang tumatagal, dumadating yung time na sumisimangot na lang din siya. Hindi na niya ako nilalambing. Wala na din siya sa mood. ??? :o

Imagine, 1 year and 4 months pa lang kame as a couple, 3-4 months pa lang kame magkasama sa iisang bubong. Tapos nagkakawalaan na agad sa mood? :(

MY SOLUTION: Binasa ko yung Fascinating Womanhood by Helen Andelin. Dito ko din nalaman sa GT yung tungkol sa book. Doon ko nalaman ang mga maling ginawa-ginagawa ko at yung mga dapat kong gawin. Hindi ko pa tapos yung book, pero I can say na nakatulong yun ng malaki sa relationship namen :D

Ngayon, bago na ang lahat sa amin. Oo nagkakatampuhan, nag-aaway, at nagkaka-inisan pa din pero hindi araw-araw at hindi tumatagal. Masasabi ko na mas masaya kame ngayon :D

Kaya I recommend Sis na basahin mo yung book ;) I can Promise na kapag sinunod/ginawa mo yung mga nasa book, magiging okay din ulit ang lahat.

aspen11

  • Guest
Re: Marriage starting to fall apart
« Reply #7 on: September 13, 2013, 11:05:48 pm »
Sis prettygurl00001, agree ako sa mga ka-sis natin dito.

Quote
Yung lalakeng pinakasalan ko, yung lalake na dati eh napakahaba ng pasensya sa akin, ngayon parang nawala na lahat yun.

Baka ganito rin ang nasa isip niya sis. Nasaan na ang babaeng pinakasalan niya, yung babaeng mahaba ang pasensya at hindi masungit?

You both need to re-evaluate kung ano ang importante sa inyo. Mas higit bang importante ang ego ninyo kesa sa pagmamahal ninyo? Talk with each other, try to remember kung bakit ninyo minahal ang isa't-isa and try to keep an open mind. It takes two to tango, pareho kayong may pagkakamali. Gather enough strength to work things out dahil hindi na lang naman kayong dalawa, may baby na kayo. Siya ang pinaka-maaapektuhan.

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: Marriage starting to fall apart
« Reply #8 on: September 14, 2013, 12:00:40 am »
sis TS, if you really want your marriage to work, you have to lower your pride. Ikaw na maunang gumawa ng move to patch things up. Pag pinatagal mo pa, baka mas mahirap na ayusin..

when you talk to him, be mindful of your approach, lest he'll just be defensive and walang mapuntahan pag-uusap nyo. try your best to keep calm (not confrontational) and if you feel na naiinis ka na at so tempted to answer back ng pasigaw, pause for a while (a few seconds) so you can "adjust" your tone. This worked for me. Dati kasi di rin ako marunong magpigil e. Pero now, medyo natututo na din..

baby steps, minsan din I-hug mo sya ng wala lang. Maglambing ka. maybe it's your turn to be patient now..

Mama G

  • Guest
Re: Marriage starting to fall apart
« Reply #9 on: September 14, 2013, 11:09:22 am »


baby steps, minsan din I-hug mo sya ng wala lang. Maglambing ka. maybe it's your turn to be patient now..
[/quote]

Tama its your turn to be patient now.. Malamang napagod na siyang maging pasensyoso sayo at nawalan na ng gana. Hinahanap mo yung lalaking pinili mong pakasalan, pakita mo muna yung babaeng minsang naging rason niya para manatiling pasensyoso nang matagal na panahon baka sakaling bumalik yung dati.

Girltalker2

  • Guest
Re: Marriage starting to fall apart
« Reply #10 on: September 14, 2013, 05:41:14 pm »

Just to share my experience, heto na naman ako... TS, sana lang hindi pareho ang mangyari sayo. Sakin kasi, alaga ako ng husto ng BF ko then. For over 10 years, BF/GF kami. Lagi sya andyan sa tabi ko. Yes, mahaba pasensya nya sakin. Sabi ng friends ko, I am lucky to be with him kasi he treats me like a queen.  Pero noon yun. Nung kinasal kami, nagbago sya ng unti unti.  Nanaginip din ako. He has another woman. Which eventually I found out is true. Pero too late na for me, kasi kahit anong gawin ko, hindi ko na sya mabawi.  I guess, once your hubbies love you and patient, you have to learn and appreciate him din. I thought I did. Ang mali lang nya, hindi nya sakin sinasabi ang needs nya, instead, naghanap sya ng iba. That is where everything became complicated. Then when I asked him naman why sya nangaliwa, sabi nya nangyari lang. I asked him anong kulang sakin, wala naman daw but he saw how I became more loving, and became a better person. Kaso hindi nya talaga ma give up ang kalaguyo nya so we had to separate ways.

 

Ajanne23

  • Guest
Re: Marriage starting to fall apart
« Reply #11 on: September 14, 2013, 06:00:54 pm »
hi sis, sad to hear na may kapareho din pala ako ng situation, same with you, as bf/gf i felt like i am the luckiest girl ever, then we got married, may baby na kmi now, 3 years of marriage, same with you, i was treated as a queen, but now, wer totally over, 6 months na din, and nasa akin baby ko, kung gano nia ako iniingatan noon, sya namang pagpapabaya nia sa akin ngayon, worst is, pati baby nmin, pinbayaan nia na, its been 6 months since we parted ways, and im starting to move forward with my son alone, and him living with his new one, they're living together. mas msakit yung sakin, but i have my son. i have to be strong. :) Kaya natin to sis! Pray lang tayo. :)
« Last Edit: September 15, 2013, 11:16:14 pm by mama squeak! »

m_lim

  • Guest
Re: Marriage starting to fall apart
« Reply #12 on: September 15, 2013, 08:30:16 pm »
based sa kwento mo, alam mo na dati pa na nagpapasensiya sayo ang hubby mo sayo. palagi.

palagi rin siya nagsusuyo sayo, nag sosorry.

ask yourself, hindi kaya panahon na para tigilan ko ang pagiging spoiled brat, na ako palaging sinusuyo, ako palagi tama.

huwag ka magalit sa akin sis, ang dating kasi ng kwento mo, parang inuunder mo hubby mo. now na pumalag na, hindi mo matanggap.



aquacharly

  • Guest
Re: Marriage starting to fall apart
« Reply #13 on: September 15, 2013, 11:35:11 pm »
^right on.

When you want Change, start with yourself.
Be honest with yourself. 

You cannot be the same person you were with him the past X number of years. 
People change, MUST  change -- for the better.
Remember:  It is never too late to re-invent yourself into a woman your husband will fall for. 

prettygurl00001

  • Guest
Re: Marriage starting to fall apart
« Reply #14 on: September 16, 2013, 09:45:42 am »
Thanks for the advice sisses! I realized a lot of things bcoz of your advices. Hubby and I had a talk. I told him that I want my old husband back, my husband whose been so loving and patient to me. Then he said, sana naman daw minsan naiisip ko rin na hindi na lang puro ako ang dapat intindihin at suyuin. Meron din daw syang needs and minsan gusto nya rin na ako ang mag-initiate ng sweetness lalo pag pagod sya from work.
Tapos sinabi nya rin na meron syang matagal nang tampo sa akin. Gustong-gusto nya kasing bumili ng bike. Kaso pinipigilan ko sya kasi dami namin gastos lately and besides may car naman kami. Sabi nya gusto nya daw magkaron ng bike para may exercise sya pagbiking. Eh si hubby kasi kilala ko na yan, dami na nyan nabiling fitness equipment sa bahay, sa una gagamitin, pero after awhile nakatambak na lang sa house inaalikabok. Kaya ayaw ko sya bumili ng bike kasi feeling ko matatambak lang din sa garage. So yun, nagtatampo daw sya kasi pag ako may gusto akong bilhin for myself, minsan kahit ayaw nya ko payagan basta nakita nya na gustong gusto ko eh pinagbibigyan na nya ko kasi gusto nya daw lagi akong mapasaya. Tapos pag sya daw, sana naman daw pag nakita kong gustong-gusto nya eh pagbigyan ko na daw sya. Super naguilty naman ako sisses, kasi narealize ko parang pinagdadamutan ko nga naman si hubby.
Tapos nag-usap din kami na magsisimula ulit kami ng panibago. Narealize ko kasi eversince I gave birth parang palagi akong stressed sa firstborn ko and lagi ko nasusungitan si hubby. Naisip ko na hindi lang pala ako dapat maging super mommy, dapat maging super wife din pala ako kasi need ko din alagaan si hubby. Siguro yung dream ko about hubby having a mistress  is parang way ni God para i-warn ako na possible na ganun mangyari if I will not change for the better.
So now okay na ulit kami, sweet na ulit ako sa kanya and sya din sa akin. I've learned my lesson na, from now on hindi na puro sarili ko iisipin ko kundi si hubby and baby din. Nahihiya nga ako sa sarili ko kasi parang naghahanap pa ako ng kakampi dito sa GT eh ako naman pala ang may shortcomings. Thanks talaga sisses!

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: Marriage starting to fall apart
« Reply #15 on: September 16, 2013, 09:59:35 am »
^ good to know na ok na ulit kayo.. ganun talaga sa marriage, always a work in progress and we learn to compromise.. Madami din ako natututunan dito sa GT e. :)

AnJelatine

  • Guest
Re: Marriage starting to fall apart
« Reply #16 on: September 16, 2013, 11:22:06 am »
^^ Happy for you! ;D

Mama G

  • Guest
Re: Marriage starting to fall apart
« Reply #17 on: September 16, 2013, 01:21:52 pm »
Wow sis i'm happy for you.. Lahat talaga nadadaan sa usapan:)
« Last Edit: September 16, 2013, 08:33:11 pm by Mama G »

gharz412

  • Guest
Re: Marriage starting to fall apart
« Reply #18 on: September 16, 2013, 02:30:09 pm »
No need to give comment on that all i can say is goodluck and good to know that you realize things earlier...:) Happy for you sis!

aspen11

  • Guest
Re: Marriage starting to fall apart
« Reply #19 on: September 16, 2013, 11:07:57 pm »
Good for you sis! Lahat naman tayo dito, mahal ang ating mga better half pero may mga times na gusto lang talaga natin sila sapukin hehe! Compromise sis, that's the key! More power to the both of you.   ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close