Just had my, I don't know, I think it's my 6th or 7th or 8th session last Thursday evening at SS MOA branch. Pinilit ko talagang magawa yung UA ko bago magVD! Hehe! Anyway, I think binago nila yung receptionist because on Wednesday night, when I tried to have it done, ang sungit nung nasa frontdesk, dalawa sila dun, and they're like "Fullybooked na po gang Valentine's day". I had them scan through the bookings and found out they have vacant time at 9pm on Thursday, which was okay with me. So I had it that Thursday. And before kahit nakalimutan ko yung card ko, okay lang, kasi nasa system naman ako. Next time daw dalhin ko na. Ang sungit talaga nung mga bruha sa frontdesk! Mabait naman yung nag-attend sa kin sa UALH ko. Hiningi ko pangalan niya kaso nakalimutan ko na din. Haha. Next time na lang pag na-update na yung card ko.
Hmmm, anyway, since nung last treatment ko before nung treatment ko nung Thursday, incredibly, halos wala ng tumubo. Kaso syempre, I was still hoping for a hair-free UA so medyo disappointed pa din ako. Matatapos na yung package ko by August eh, tapos may tumutubo pa din. Hmp. Pero pumuti na yung UA ko, dahil siguro less friction na kasi konti na lang yung hair na tumutubo and manipis na din yung tubo nila. One or 1 1/2 shade darker na lang siya sa skin tone ko. Hihi. Pero I want hair-free pa din! >.<
So ayun na nga, nung Thursday night, mabait si ate. Nagulat ako, hindi eyemask pinasuot nya sa kin kundi shades which was cool! Mas gusto ko yun kasi hindi nasisira eyeshadow ko sa mata

Kayang-kaya ko na yung hapdi ng laser kahit pinakamataas na yung settings na ginagamit sa kin which is 10. Yung mga unang beses kasi, sobrang sakit, hapdi kahit mababa pa lang kasi makapal pa daw yung hair non. Sayang, hindi ako nakapag-take ng before and after picture ng underarm ko. Sana nashare ko. Oh well. Haha. Pero ayun, kung susumahin ko, may effect naman sa UA yung LH ng SS. Hindi nga lang ganun kabilis mo makikita after ng 2-3 sessions. Kelangan pala talaga ng tyaga, tsaka tiis-ganda talaga. Haha. For LHR, SS is a good starting point but the job won't be finished there. That's the sad truth.
Yun nga lang, yung continuous treatment ng LH ko after matapos ng package ko sa August eh hindi ko alam kung saan. Since hindi kaya ng SS na pawalain totally yung hair ko, I might find another one. Pero kung ibabalik ng SS yung promo nila, baka magdalawang-isip pa ko bumalik. Ewan ko, bahala na.
Baka may marerecommend kayo sakin? PM nyo po pls. Thank you. Labyu.