Seriously mga sis, nahati na naman ako sa issue na to.
1. Naaawa ako kay Greta at Marj sa ginawa ng parents nila sa kanila. Tinakwil, pinahiya in public, all for another daughter... Ganyan kasi ginawa ng Lola ko
sa daddy ko dati, para makampihan ang ibang anak, tinakwil ang daddy ko (nasa tama naman ang dad ko, yun lang favorite niya yung iba).
Na sana hindi sila ganun, dapat kung may nagaaway sa mga anak, ikaw mismo ang taling magpapanatiling nakabuklod ang mga anak mo. Kung may isang naliligaw, iwanan mo muna yung iba, hanapin mo yung
naliligaw.. diba dapat ganun? Hindi yung para makampihan mo ang isang anak mo, itatakwil mo yung iba..
Anak din ako, and hindi ko maimagine na gagawin sa akin ng parents ko yan, I am so thankful for my parents..
Nanay din ako, and hindi ko din maimagine na gagawin ko sa mga anak ko yan..
afterall, ang kasiraan ng anak mo, kasiraan mo din hindi ba?
Mr. Barretto, gusto ko lang sana sabihin sayo, nagtanong ka kasi sa Pep, kung masama ka bang magulang, o masama lang talaga mga anak mo. Sasagot ako
sa tanong mo Mr. Barretto: Masama kang magulang, kayo ng misis mo. Meron kang tinitignan na anak, meron kang tinititigan.
2. Kay Claudine naman, ayan tinanggap na ni Raymart ang hamon mo, ang gusto niya sabay kayo magpa drug test at NBI ang gagawa, pumayag ka na dapat kung malinis ka talaga.
Habang binabasa ko ang mga chismis sa mga buhay nila, chismis lang pero madami akong na realized. Di bale pa lang hindi kami mayaman, masaya at tahimik naman ang
buhay namin, walang away away, walang bastusan in public, pamilya ay pamilya.