watch now

Author Topic: Bf and His Friends...  (Read 2618 times)

kim_trasher07

  • Guest
Bf and His Friends...
« on: August 26, 2013, 11:39:47 pm »
Hello mga sis,
gusto ko lang ishare.. Bf and I are 4 years na. We been together everyday. As in walang palya ang araw   na makasama kami. Nung naging kami bihira siya sumama sa mga friends niya kasi gusto nya ako lagi kasama niya. then lately biglang nagbago ihip ng hangin lagi na siyang sumama sa mga tropa niya at ako naman naiiwan lang alone. Nawalan na rin ako ng mga friends kasi hindi niya ko pinapayagan sumama before, Or kung may lakad kami ng friends ko sinusundo na ko kagad.

Now i feel really sad and a little worried kung bored na ba siyang kasama ako  :(

ohcmon

  • Guest
Re: Bf and His Friends...
« Reply #1 on: August 27, 2013, 11:55:33 am »
Worried ka kung bored na siyang kasama ka, probably. Hindi naman magbabago ang routine ninyong dalawa kung hindi.

1460 days na araw-araw kayong magkasama, sino ba naman ang hindi mauumay sa ganyan? Buti nga inabot ng apat na taon bago siya nagsawa (baka sakali lang naman), kung ibang lalaki 'yan, split agad.

Let him go out with his friends, then you go out with your own. 'Pag pinigilan mo lumabas 'yan, diyan magsisimula ang conflict ninyo.

Ngayon if you really are bothered that his getting bored with you might be your downfall, talk to him. Tell him your concern. 'Yun nga lang, ready ka dapat sa isasagot niya.

chicafabulosa

  • Guest
Re: Bf and His Friends...
« Reply #2 on: August 27, 2013, 12:18:10 pm »
Sis your bf needs space too. Di naman kayo mabubuhay na kayomlang 2 no. Ako nga asawa ko i allow him to go with his friends ako rin he allows me to go with my friends. Aba kung kame lang 2, magkakasawaan na kame no. Baka mawalan na rin kame ng ikukwento kung kame na lang 2 ang magkasama. For you to have a healthy relationship, you both need to maintain yung "I", di pwde na puro kayo "we".

Seriously, he also misses his friends no. And if youre bothered like sis ochmon said, ask him and tell him you feel. Yun nga lang baka mahurt ka sa truth... Be ready.

aquacharly

  • Guest
Re: Bf and His Friends...
« Reply #3 on: August 27, 2013, 01:01:29 pm »
People change, Times change.

Well, keeping your social circle limited to just the 2 of you IS unhealthy.
What can you do? Awayin sya, be needy, insist on tagging along?  That won't work --  you will just grow tired, and he will see you negatively.

Go with the flow, you can't stop Change.  Get your own social circle going.  Don't be afraid of losing whatever it is you have.  Think positively:  The Best is yet to come. 


popi

  • Guest
Re: Bf and His Friends...
« Reply #4 on: August 28, 2013, 11:27:36 am »
Why would you want to spend every single day with your partner?

Boring nga yun!

You need to be with other people in order to grow.  Expand your world and try to explore on your own din.  You'll be happier than you are now  ;)

jaemi33

  • Guest
Re: Bf and His Friends...
« Reply #5 on: August 29, 2013, 08:59:10 am »
I agree with all of our sisters are saying here.

Go have your own fun! You're saying nawalan ka ng friends to hang out with, but don't you think this is also your chance to catch up with those people?  Get in touch with them and if they don't respond, then just find something else na you can enjoy it by yourself. Malay mo may maging new connections ka pa by moving forward. Beautify yourself! Baka naman kasi sis naging super comfortable ka na sa bf mo na hindi mo na naasikaso ang sarili mo. Talk to him if it still bothers you pero try not be too clingy.

px17

  • Guest
Re: Bf and His Friends...
« Reply #6 on: August 29, 2013, 12:19:16 pm »
Give time sa sarili sis. Ang panget nung relationship na umiikot nalang mundo niyo sa isa't isa. And for sure naman you have friends to tag along diba? spend time with them, wag ka msyado maging needy sa attention ng partner mo.

kim_trasher07

  • Guest
Re: Bf and His Friends...
« Reply #7 on: August 30, 2013, 02:06:13 am »
Thanks mga sis sa advice niyo! this means a lot to me. And very helpful.. Sometimes
kelangan lang talaga malabas yung nararamdaman mo and nakakagaan na ng pakiramdam.
Anyway I try not to be clingy and pag umaalis siya, hinahayaan ko na lang din siya. Wala lang din kasi
ako makausap kaya dito ko nalalabas yung mga daing sa buhay.hehe. Pero thanks mga sis.

Anyway will it bother ba you mga sissies, if your boyfriend's friends are not good company?
say like yung isa adik..


quinone

  • Guest
Re: Bf and His Friends...
« Reply #8 on: August 30, 2013, 03:50:17 am »
Anyway will it bother ba you mga sissies, if your boyfriend's friends are not good company?
say like yung isa adik..

it doesn't bother me kung 'not in good company' ang hubby ko kasi alam ko disciplinado siya. chaka alam ko kung sino yung real friends niya, those he can count on kapag nagkagipitan at sino yung hanging-out-kind-of-friends lang. si hubby may mga nakilala nang ganyan...mga adik; he stays away from them.

isang example why you should not hang out with addicts...yung news na yung isang guy dinampot ng pulis kasi andoon siya sa bahay ng friend niyang addict nung time ng raid, tapos nakalimutan siya ng mga pulis sa jail, 5 days no food or water. kaya dapat umiiwas madamay sa mga friends with bad habits, kahit mabait yung friend na yun.

as for your initial problem...make new friends. kung babalik sa dating ugali yung bf mo na ayaw ka niya sumasama sa friends mo or lagi ka minamadali or gusto niya kayo lang laging dalawa...alalahanin mo na lang it is a 'controlling' behavior, very unhealthy para sa mag bf/gf kahit sa mag-asawa.


airish_2

  • Guest
Re: Bf and His Friends...
« Reply #9 on: August 30, 2013, 08:04:16 am »
ganito rin naramdaman ko before nakakasawa talaga yung lagi kayong dalawa. buti na lang nakakapagmingle pa kami sa ibang tao.

kim_trasher07

  • Guest
Re: Bf and His Friends...
« Reply #10 on: August 30, 2013, 11:52:02 pm »
Mga sis, eto na naman tong bf ko...

yesterday lumuwas siya ng manila. namili ng paninda. Then nagtext siya na kumain na ako
at gagabihin daw siya kasi magdedeliver pa daw siya. So ako ginawa ko yung sinabi niya. I thought
yung sinabi niyang gagabihin siya is dahil sa magdedeliver siya but iba pala...

Than mga 4am nagtext siya na uwi daw siya maaga. Then around 6am nabasa ko yung text niya na yun
and nagtext ako na padala ng mga goods na inutos ko sa kanya. Then pag dating niya.
I ask kung san siya galing, then nalaman ko nag bar pala sila ng friends nila dahil despedida ng
kababata nilang girl(ex niya nung high school).

i felt hurt kasi di man lang niya nagawang itext ako kung asan siya. nagalala lang din naman ako kasi
nakamotor siya. Tapos yun pala nagkakasiyahan lang pala sila. I don't mind kung magparty sila
magdamad. ang akin lang have the respect na itext ako tutal sa akin naman siya umuuwi.

Sa inis ko. umalis muna ko ng bahay and dito muna ko sa tita ko. I told him na mag lay low muna kami
at gawin niya muna kung ano gusto niyang gawin.

nakakasama lang ng loob :(





sixteen16

  • Guest
Re: Bf and His Friends...
« Reply #11 on: August 31, 2013, 02:13:32 am »
hi siser kim_trash07, gusto ko share yung story ko para makatulong din kahit papano.. 9 yrs and 3 months na kami ng bf ko at until now wala pa rin kaming palya, same story ng sayo.. i feel alone kasi hindi ko na nakakasama mga kabarkada ko pero choice ko yon. pero sya anytime lagi nyang kasama mga kabarkada nya.. madalas issue sa akin yan pero nalagpasan namin. hatid sundo ako lagi kapag aalis ako dahil gusto nya safe ako.. pero hindi naman sya yung type na guy na maraming bawal.. choice ko na lang yon... everyday kami magkasama since day 1 ng relationship namin.. we decided maglive-in day 10 ng relationship namin..

hayaan mo sya sis.. trust him.. yun ang lagi nyang sinasabi sa akin. ramdam mo naman kung may iba o wala.. siguro kaya nagsisinungaling si bf kasi alam nyang hindi mo sya papayagan kapag nagpaalam sya.. yan kasi madalas nya sabihin sa akin.. ano daw ba ang gusto ko magsinungaling sya o magpapaalam sya.. syempre don sa magpapaalam.. magtiwala lang daw ako.. nakakasawa din daw yung lagi ako ang nakikita nya 24/7. kung hindi ka itext intindihin mo na lang.. tiisin mo kasi magsisimula lang ng away.. TRUST him (big word) hehe.. nung naachieve ko na yung gusto nya ang sinasabi nya sa akin "oh diba ang sarap ng walang away.. mas sweet ako".. yun naging matiwasay ang pagsasama nmen..

quinone

  • Guest
Re: Bf and His Friends...
« Reply #12 on: August 31, 2013, 05:27:41 am »
hindi naman ata siya nagsinungaling sayo sis, kasi nung nagtanung ka sinabi naman niya. yun lang baka kasi sa setup ninyo before baka mas hindi ka nag-alala kung nasabi man lang niya na may iba siyang dadaanan. baka growing pains lang? kasi dati lagi mong alam kung nasaan siya so naninibago ka ngayon. minsan talaga mahirap na kapag out with friends ka ite-text mo lagi sa partner mo kung nasaan ka, medyo hassle yun e.

si hubby minsan lalabas, sasabihin naman niya kung saan siya pupunta pero may mga maiisip rin siyang ibang puntahan pa, paguwi ikukwento naman niya kahit hindi ko tinatanung. halimbawa umalis siya nakipaglaro ng sports, minsan after nun may kasamang inom minsan lilipat pa ng sila ng lugar, chaka ko na lang malalaman yan paguwi. most of the time sinasagot naman niya yung text or tawag ko kahit out with friends siya, minsan hindi lol. yung lang kasi kahit noon pa, hindi ako talaga pala tanung ng detalye, minsan if i ask general lang na "saan ka/kayo nagpunta?" tapos magkukwento na siya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close