Author Topic: Dear "Janet Napoles"  (Read 4649 times)

kutingpie

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1872
Dear "Janet Napoles"
« on: August 23, 2013, 06:46:38 pm »
Inspired by Prof. Joselito D. Delos Reyes, what do you want to tell "Janet Napoles" (can be her, or the likes of her in our government)

Here's Mr Joselito D. Delos Reyes FB Post - https://www.facebook.com/joselito.d.reyes/posts/10202453917488302
*sorry, i've edited the h*** k**! word here*

"Dear Janet,

Hindi ko alam kung makakarating sa iyo itong sulat na ito. Idinaaan ko sa Facebook kasi bente otso ang bahay mo, trenta kung ibibilang pati lower house at senado. Kaya hindi ko alam kung saan ia-address, mahal ang selyo, lalong mahal kung ipapa-LBC ko sa lahat ng bahay mo. Hindi ko rin alam kung mababasa mo ito talaga kasi ako man ang lumagay sa pwesto mo, tiyak hindi ako magbubukas ng FB. Babalik ako sa Friendster.

Kahit nasaan ka man ngayon, kung nasa isang yate sa Celebes Sea palabas ng Pinas o nagpaparetoke ng mukha at katawan sa Bangkok o nagpapatanim ng balbas at bigote sa Tayuman, susulat pa rin ako. Dahil isa ito sa kaya kong gawin habang ngumangata ng sinangag at Reno Liver Spread.

Simple lang naman, sumusulat ako sa iyo kasi, kasi paano ko ba ito papadaliin, kasi h**** k*. Ikaw ngayon ang napagbubuntunan ko kasi habang isinusulat ko ito, naaanggihan ako ng ulan. Hindi ko maipagawa ang bubong ng kapiraso kong barong-barong dito sa Coloong. Kailangan kong lumayo sa mag-iina ko dahil kailangan kong magtrabaho dito at kaltasan ng buwis, mga otso mil kada buwan. h**** k*. Andaming diaper na mabibili sa otso mil. Andaming gatas. O paracetamol h**** k*.

Gusto kitang makulong sa Manila City Jail. Gusto kitang palusungin sa bahang may ihi ng daga. O sige, tutal sulat ko naman ito kaya masasabi ko ang gusto ko: gusto kitang maghirap nang husto. Gusto kong mabungi ang lahat ang ngipin mo maliban sa isang ngiping bawal bunutin, yung ngipin sa harap. At iyang ngipin mo sa harap, habampanahon sanang kumirot h**** k*.

Hindi mo ito magagawa nang mag-isa. Marami kang kasabwat sa kabuhayan slash kababuyan mo. Bukod sa Kongreso, kasabwat mo ang nagpapalabas ng pera namin sa DBM. Siguradong mayroon sa COA. Tapos iyong mga NGO na nakakapit sa kung saan-saang sangay at Department ng Malakanyang. Kaso, at ito ang maganda sa bayan mo, makakakuha ka ng tala-talaksang magagaling na abogado. Dahil bilyonarya ka, sasaksakan mo ng bayong-bayong na pera namin ang kahit sinong kokontra sa iyo. Lahat. Dahil dito kayo nabuhay ng pamilya mo. Ang manuhol ng pera namin. Ano nga uli ang ibig sabihin ng iginisa sa sariling mantika?

Yung nangupit nang barya-barya ang napaparusahan dito sa bayan mo. Alam mo iyan, kaya bilyon-bilyon ang ninakaw mo. Kaya isang batalyon ang nagtatanggol sa iyo: pulitiko, abogado, huwes, si Korina, mediang nabubuhay sa kalabit-penge, Kongreso. At kami, alam mong darating ang oras na magugutom, uulanin, babahain, at aasa kang makakalimot kami.

Hindi ko naman talaga kayang ipangako na hindi ako makakalimot sa kahayupan mo, ninyo. Mamaya, magba-brownout dahil sa baha. Baka nga hindi ko na rin ito maging istatus sa FB dahil baka ubos na ang load ng internet ko. Poproblemahin ko ang tanghalian at hapunan at makakalimutan kita dahil kailangan kong isalba mula sa baha ang kaunting anik-anik na naipundar ko sa pagtuturo at pagpapatawa o pagtuturo nang nagpapatawa. Samantalang ikaw? h**** k*.

Wala akong ipapanawagan. “Tawag” ang salitang-ugat ng panawagan (nyemas, hindi ko maialis na maging titser kahit sa oras ng pagsesentimyento ko). May epekto ang tawag sa nakakarinig. Eh bingi kayo di ba? Kaya nga idinaan ko sa sulat dahil sigurado akong nakapagbabasa ka lalo na ng kulay ng pera at nakasulat sa tseke.

Hindi ako mag-aaya sa August 26 sa Luneta. Kasi baka ako mismo, hindi makarating dahil baka nagtatae ako sa kinain kong murang barbeque, baka botsa kasi. Natatakot din kasi ako na baka pakana mo rin ang mangyayari sa Luneta. At pipilitin mong magkagulo. Ano ba namang magpasabog ka ng ilang pillbox na binili ng gangsta mo sa mga lumpen na gangsta sa Baseco sa Tondo at Banaue, Quezon City. Na baka nga sinimulan mo nang magpasabog tulad nung sa Cagayan de Oro, Cotabato, at Greenhills. Tapos dahil sa takot ng mga tao, kakaunti talaga ang dadalo kaya mava-validate mo, ng abogado at kampon mong pulitiko, na wala talagang public clamor para parusahan ka.

Kaya susulat na lang muna ako. Ito ang kaya kong gawin. Kaya hindi muna ako makakalimot. Iuukilkil ko sa sinumang makakabasa at makakarinig sa akin na pwede ba, huwag muna tayong makalimot. May oras at araw kayo. Huwag munang makalimot hanggang dumating ang araw ninyo. Darating ang araw ninyo kapag sinabi at sineryoso na nung nakatira sa Malakanyang, yung tao na laging nag-i-invoke na ako ang boss niya at dapat maglakad ako sa kaniyang tuwid-na-daan, na parusahan kayong makulong sa tunay na kulungan at hindi sa resort na kung tawagin ay St. Luke's o Veterans. At sana, habang nakakulong, kumirot habampanahon ang namamagang ingrown sa hinlalaki at molar teeth mo. Hindi dapat ako nag-iisip ng masama sa kapwa. Sa kapwa. Pero ibang specie ka.

Hindi ako papayag na mag-crash ang Lear Jet mo. O lumubog ang yate mo. Masyadong madaling kamatayan. O baka nga gawin mo pa itong palabas. Tapos mabubuhay ka bilang ibang tao o ibang hayup. Tapos magiging paksa ka na ng mga conspiracy theorist na nagsasabing buhay si Marcos, Michael Jackson, Elvis, John Lennon, Michael Jordan (syet, buhay pa nga pala si MJ, bura-bura). Hayup ka. Ang swerte mo, makakasama mo sila sa alinman sa isla sa Greece o Cyprus.

Pero alam mo yun, at the end of this rainy day, lalangoy ka sa pera namin, papakainin mo ng nakaw ang pamilya mo, at ako, magtsetsek ng exam ng mga estudyante kong kabilin-bilinan kong mabuhay nang parehas, nang patas dahil ang tunay na edukasyon ay hindi lang basta makapasa sa board exam. Ang tunay na edukasyon ay mabuhay nang parehas at makatao.

Saka na muna yung ganap na world peace. Ang mahuli at maparusahan ka kasama ng iyong minions will make this world a better place.

Joselito

Pahabol: sa makakabasa at gustong i-share ito hanggang sa makarating sa Friendster account ni Janet, i-share nyo na. Baka bilhin bigla ni Janet ang Facebook. Yari tayo."

akthung

  • GUYTalker
  • Super GirlTalker
  • *
  • Posts: 1631
Re: Dear "Janet Napoles"
« Reply #1 on: August 23, 2013, 07:09:04 pm »
lahat ng tao nakafocus kay Napoles. but these things have been happening for God knows how long. When was taking my bachelor's degree, i've met a few sons and daughters of legal wives and kabits of this and that. mapupundi ka talaga. yet pinoys are so friendly with them. imho, if pinoys can be so f'd up with Napoles, they should too with the others, lalo na kung kilala nila. Me, i was never friendly with them. professional but never chummy chummy. at one point i even told one na "you know where your money comes from." hindi naman nakaimik. hindi naman nagalit. totoo eh.

I hope on the 26th of this month, ma surpass talaga ang 1M, as in lagpasan talaga. and I hope not only the middle class be there but also the lower 70%. at sana maging example ulit tayo sa mundo. i know, hope is just a word.

**sana i-audit din nila syung Special Purpose Fund.
I'm a baby Arhat. An Arhat has a well developed intuition, advanced mental powers, highly refined emotions and a strong desire to contribute personally to the uplifting of humanity.

NickSparks

  • still alive
  • GUYTalker
  • Senior GirlTalker
  • *
  • Posts: 922
  • member since March 27, 2006, 05:39:44 pm
Re: Dear "Janet Napoles"
« Reply #2 on: August 23, 2013, 07:19:30 pm »
OT: can i be an Arhat too?

Napoles. If Jose Rizal where alive today , Id probably think he would spit on  you, before he died for the Filipino. Ninoy would have done the same...
Member since March 27, 2006, 05:39:44 pm

millarca

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 55
Re: Dear "Janet Napoles"
« Reply #3 on: August 26, 2013, 04:15:04 am »
@ akthung, I've never had any chance to get acquainted with people like that, therefore I've never had the chance to tell them to their face where their money comes from. What I do however is, I do not gush over politicians (or anyone in position) whenever they're within my breathing space. I cringe when people say, "Ay si gov!" All smiles and sh*t when they know this people are corrupt to the core. Last time, I almost met a former politician -still acting like the second coming of christ, with bodyguards holding his umbrella for him and all- I felt disappointed that he didn't cross my path so that at least I can give him the stink eye. He's not going to be punished for his crimes I know because once again the justice system will fail us. I can only rest easy at the fact that he's no longer in gov't position and I did my best to campaign to the people I know to not vote for him or his kins. Anyway, my point is we should stop giving special treatment to his kind of people (and to the people who knowingly benefit from their graft and corruption). Heck throw a tomato at them if possible. Mahiya man lang kahit konti. (OT but I might as well post this, to rant a little)
« Last Edit: August 26, 2013, 04:17:17 am by millarca »

juni

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 535
Re: Dear "Janet Napoles"
« Reply #4 on: August 01, 2014, 03:29:11 am »
Ngayon ko lang nabasa to, and I agree with the sentiments ni Prof. Joselito D. Delos Reyes, kudos to him for taking a stand and letting the world know about it.  Ang kapal talaga ng mukha ni Janet Napoles, ng pamilya niya, ng mga taong gobyerno and iba pang mga involved sa pagnanakaw na to and sa lahat ng katiwalian sa bansa natin.  Hindi na sila nakuntento na nakaw na nga ang ikinabubuhay nila, napakalaki pa ng ninanakaw nila and ipinangangalandakan pa nila yung pagpapakasasa nila sa ninakaw nila galing sa bayan.  Wala silang kunsensya, wala silang puso, ang daming nagugutom, walang matirhan and hindi makapag-aral or makapagpagamot, ang dami sana na pwedeng matulungan nung perang ninakaw nila pero swinapang lang nila.

Sana talaga makulong and maparusahan ng husto ang lahat ng involved sa kalokohan, and sana mangyari na ito soon.  At hindi yung kulong na house arrest lang o hospital confinement ha, yung totoong kulong talaga, sa masikip, mainit and magulong kulungan kung saan dun na sila mabubulok habambuhay.  Yung ibang criminal nga na mas konti ang ninakaw e nandun sa siksikan na selda, mas lalo na dapat magdusa tong mga bilyones ang ninakaw at pinagnakawan.

aquacharly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3568
Re: Dear "Janet Napoles"
« Reply #5 on: August 01, 2014, 04:33:42 am »
Janet, 

Who am I to judge your worth as a human being?

But I am certain of these:     
     You are blessed to have the opportunity for Remorse & Reform. 
     You have the capacity to level up your self to your Self if you will reveal The Truth that will help us prevent the repeat of the massive thievery.

Pray for Divine Guidance and Courage. 


Mr.Punch

  • GUYTalker
  • Super GirlTalker
  • *
  • Posts: 1516
Re: Dear "Janet Napoles"
« Reply #6 on: August 14, 2014, 08:10:30 am »
Can't understand why "judge" is such a taboo word nowadays.

Judging is part of daily life.  It's how one governs his/her interactions with others.  You don't want to judge, then you might as well leave everything and be a hermit.  (One more thing, nobody has ever complained about being given a job promotion because he/she was judged to be deserving of it.)

With that intro, I'd say that in my judgment, Janet Napoles and her children, family and cohorts (even that obese monsignor) deserve to be fed dirt for the rest of their lives in the toilet of a regular city jail in Metro Manila.)

 


Latest Stories

Load More Stories
Close