Author Topic: Nasasaktan ba kayo pag si hubby lang kinukumusta ni MIL?  (Read 6645 times)

graZiousa

  • Guest
Nasasaktan ba kayo pag si hubby lang kinukumusta ni MIL?
« on: August 23, 2013, 01:45:28 pm »
Hi mga sis.. Tanong ko lang kung ano masasabi nyo kung sakaling kumokontak si MIL kay hubby at si hubby alone lang ang kinukumusta. Kaka 1 year anniversary lang namin ni Hubby nung 18 ds month. Napansin ko lang na nagtetext si MIL kay hubby, nangongomusta. Nabangit ko minsan kay hubby bakit ganyan ang message ni mama "KUMUSTA KA (name ni hubby). Ewan ko ba pero bakit parang nasaktan ako...Dapat ba? or nag eemo lang din puso ko  :D

gharz412

  • Guest
Re: Nasasaktan ba kayo pag si hubby lang kinukumusta ni MIL?
« Reply #1 on: August 23, 2013, 03:20:08 pm »
Hi sis: well for me it's not really a big deal if si hubby ko lang kinakamusta niya. Ewan peru it's not a pain in the ass as long as yung mom ko kinakamusta hehe

babytintin

  • Guest
Re: Nasasaktan ba kayo pag si hubby lang kinukumusta ni MIL?
« Reply #2 on: August 23, 2013, 03:52:20 pm »
Kung ako makabasa ng text na yun, keri lang! Kesa naman may karugtong na "kumusta naman ang asawa mo? Maayos ba sa gawaing bahay? Marunong bang mag-budget? Etc..." LOL

Nanay nya yun e. Natural anak nyang kukumustahin. Perhaps kailangan nyo pang magbonding bonding ni MIL para maging close kayo para pati ikaw, kukumustahin na rin. It wouldn't hurt na ang daughter in law ang maunang manuyo kay MIL kung gusto mo maging close kayo. Otherwise, you'll remain to be just the girl her son happened to marry.

graZiousa

  • Guest
Re: Nasasaktan ba kayo pag si hubby lang kinukumusta ni MIL?
« Reply #3 on: August 23, 2013, 04:17:38 pm »
Napaisip lang ako kasi mga sis, 8 years kami bf/gf ni hubby bago nagpakasal.. Pumupunta na ako sa kanila pag umuuwi si hubby during those times. Naitanong ko lang kasi pag mga kapatid ko o si father ko (by the way wala na si mom 2005 pa) komokontak samin laging for hubby and I ang message.. Iba lang talaga ang pakiramdam ko kasi pag may mga demands sya (MIL) sakin sinasabi.. Sinasabi ko kay hubby pag komontak si mama and may kailangan nga na ganito or ganyan, nagagalit si hubby bakit daw sakin komokontak sa ganyang bagay. Marami pang bagay2x na hindi ko nabangit dito sis, gusto ko kasing maniwala na ok si mama sakin or mas tama sigurong maniwala ako na "im just happened to be  his sons wife"...

donzski_doinks

  • Guest
Re: Nasasaktan ba kayo pag si hubby lang kinukumusta ni MIL?
« Reply #4 on: August 23, 2013, 09:13:39 pm »
hindi ako maka-relate kasi si MIL ko pag tinatawagan ni hubby, naririnig ko naman na kinakamusta din ako.


anyway, bout your problem sis, don't make a big fuss out of it nalang. natural naman yun kasi anak nya yun. but it doesn't necessarily mean that she cares for you less, db?

imbisibol_

  • Guest
Re: Nasasaktan ba kayo pag si hubby lang kinukumusta ni MIL?
« Reply #5 on: August 24, 2013, 02:55:21 am »
TS, you're looking too much into it.  let harmless things like that go. 

Anne0828

  • Guest
Re: Nasasaktan ba kayo pag si hubby lang kinukumusta ni MIL?
« Reply #6 on: August 24, 2013, 05:23:05 am »
Di rin ako makarelate kasi si baby lang namin lagi nya kinukumusta but dont take it seriously kung ganyan sya sayo. Advice lang sis mas okay na ikaw gumawa ng first move para mapalapit sa kanya. Ikaw unang mangumusta sa kanya

graZiousa

  • Guest
Re: Nasasaktan ba kayo pag si hubby lang kinukumusta ni MIL?
« Reply #7 on: August 24, 2013, 10:59:22 pm »
Salamat mga sis..

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Nasasaktan ba kayo pag si hubby lang kinukumusta ni MIL?
« Reply #8 on: August 25, 2013, 01:45:39 pm »
okay lang naman kamustahin kasi anak niya yon.pero mas maganda kung pati ikaw kamustahin niya diba? :) may di ka ba gusto sa ugali ng MIL o inlaws mo kaya masakit sayo? ako kasi minsan naiinis ako sa MIL ko pag ganyan kasi ang haba ng usap nila,ang kinumusta yung anak at apo niya,akong asawa ng anak niya minsan hindi naitanong..pero minsan naman naalala rin ako..

buti nga sa hubby mo kamusta lang ang text,sa hubby ko kaya super OA ng mommy niya..papatawagin hubby ko sa kanila tapos ang tagal mag usap,si hubby pa lalabas sa terrace para di ko marinig yung usapan minsan,tapos puro drama na masakit raw katawan niya ganyan..ewan ko iniintindi ko na lang matanda na kasi sila..

gracita13

  • Guest
Re: Nasasaktan ba kayo pag si hubby lang kinukumusta ni MIL?
« Reply #9 on: August 25, 2013, 03:12:07 pm »
sis nasasaktan ka kasi kinukumpara mu ang fam mu sa MIL mo, tama? sis magkaiba silang mga tao tandaan mu yan.maaaring mas vocal ang fam mu sa pagkamusta sa inyo malay mu naman tinatanong ka din ng MIL mo.
nabanggit mu sayo nagsasabe ng demands si MIL napagbibigyan ba sya kahit papaano? tska bakit naman nagagalit si hubby kung sayo sinasabe?

Noylabmay

  • Guest
Re: Nasasaktan ba kayo pag si hubby lang kinukumusta ni MIL?
« Reply #10 on: August 25, 2013, 04:38:13 pm »
ako deadma sa mga ganyan mas maraming pag kakabusyhan kase....

lisse

  • Guest
Re: Nasasaktan ba kayo pag si hubby lang kinukumusta ni MIL?
« Reply #11 on: August 28, 2013, 12:40:51 am »
ako hindi din. if may problem sila sakin and hindi nila sinsabi sakin then dedma lang ako. i will not play mind-games with them. i mean, why bother with something na wala naman kasiguraduhan? ewan ko sis ha, ako kasi ok sakin pag medyo dumistansya na muna samin si MIL. smothering na kasi siya e hehe.

ForeverDreamer

  • Guest
Re: Nasasaktan ba kayo pag si hubby lang kinukumusta ni MIL?
« Reply #12 on: August 29, 2013, 12:05:28 am »

Hindi!at wala akong paki...bahala sya anak nya naman yun eh!
diko na dinadamdam yung mga ganun kilos nya.alam ko na di nya ako masyadong gusto
basta dahandahan lang sya kapag magkaharap kami,walang problema.
sobrang sanay na ako sa art of deadma rule ng buhay.hehe

graZiousa

  • Guest
Re: Nasasaktan ba kayo pag si hubby lang kinukumusta ni MIL?
« Reply #13 on: August 29, 2013, 01:25:38 pm »
@ForeverDreamer Sis, gusto ko yong sinabi mo... "Art of Deadma Rule" magawa nga rin yan..:D

Anne0828

  • Guest
Re: Nasasaktan ba kayo pag si hubby lang kinukumusta ni MIL?
« Reply #14 on: September 03, 2013, 12:31:52 pm »
Hindi!at wala akong paki...bahala sya anak nya naman yun eh!
diko na dinadamdam yung mga ganun kilos nya.alam ko na di nya ako masyadong gusto
basta dahandahan lang sya kapag magkaharap kami,walang problema.
sobrang sanay na ako sa art of deadma rule ng buhay.hehe

I agree.. sakin din basta hindi siya namemerwisyo at hindi nya pinapakelaman life namin okay lang. Wag lang ako makakarinig ng masama.

marssie

  • Guest
Re: Nasasaktan ba kayo pag si hubby lang kinukumusta ni MIL?
« Reply #15 on: September 03, 2013, 06:44:44 pm »
Doesn't matter and bother me at all, kasi nakasama ko naman si MIL ng ilang beses ng halos one month sa iisang bubong at maayos ang relationship namin, so pag kausap siya ni hubby minsan nakakamusta ako minsan hindi pero always ang mga bata.  I am so lucky to have a very kind hearted and loving MIL so kung may times man na hindi niya ako makamusta okay lang :)

m_lim

  • Guest
Re: Nasasaktan ba kayo pag si hubby lang kinukumusta ni MIL?
« Reply #16 on: September 15, 2013, 08:32:47 pm »
ako deadma sa mga ganyan mas maraming pag kakabusyhan kase....

same!

baka naman wala kang ginagawa kaya pati small stuff, nakikita mo. :) keep yourself busy and productive.

graZiousa

  • Guest
Re: Nasasaktan ba kayo pag si hubby lang kinukumusta ni MIL?
« Reply #17 on: September 17, 2013, 04:54:03 pm »
I agree.. sakin din basta hindi siya namemerwisyo at hindi nya pinapakelaman life namin okay lang. Wag lang ako makakarinig ng masama.
tama kayo mga sis.. iba-iba ang opinyon natin dito, iba-iba kasi ang kinalakihan, iba-iba ang pinagdaanan, iba-iba kung pano nabuhay at namumuhay...

graZiousa

  • Guest
Re: Nasasaktan ba kayo pag si hubby lang kinukumusta ni MIL?
« Reply #18 on: September 17, 2013, 04:56:13 pm »
same!

baka naman wala kang ginagawa kaya pati small stuff, nakikita mo. :) keep yourself busy and productive.
naks!

Msfi

  • Guest
Re: Nasasaktan ba kayo pag si hubby lang kinukumusta ni MIL?
« Reply #19 on: September 17, 2013, 05:08:50 pm »
Ganun din sa in-laws ko, si hubby lang kinukumusta pero never ako nagtampo.  Pag dalaw naman namin eh super asikaso naman ako.  Kaya naisip ko na ganun lang talaga sila. 

Sabi nga iba-iba nakasanayan, nakagawian, nakalakihan.  Di natin pwedeng hanapin sa iba yung akala nating tama at dapat gawin. Wag din magbigay ng masamang kahulugan lalo na at di naman pinaparamdam sa yo na ayaw nila sa yo.  We need to accept kung anong ugali nila para i-accept din tayo sa ugali natin.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close