Author Topic: My Boyfriend's Lover  (Read 13707 times)

Ireneeeeee

  • Guest
Re: My Boyfriend's Lover
« Reply #20 on: August 27, 2013, 04:33:01 pm »
^yes i'm praying for you rin sis. And yes tama ka, hanggat maaari huwag na sana umabot sa point na magkaanak kayo kung ganun pa rin kagulo yun situation. Oh well, life is short sis so I hope marealize mo kung kelan na nasasayang yun oras mo kakahintay. ;) I have gay friends din na 'bi' nung una. They had girlfriends, but eventually, hinahanap hanap pa rin nila yun makipagrelasyon sa guys. Sabi nga nila.. "Bi now..gay later".

AnJelatine

  • Guest
Re: My Boyfriend's Lover
« Reply #21 on: August 27, 2013, 05:05:06 pm »
Sis, sabe ng gay friend ko, "A bading will always be a bading." Yung friend namen na gay din, yung boyfriend nun ilang beses nag girlfriend, pero sakaniya pa din bumabalik-balik. Yung mga ganun daw kase, parang trying to convince themselves na "Lalake na ako." Pero hindi daw magiging 100% na lalake ulit yung mga ganoon, lalo na kung may nangyare na sakanila sexually nung guy. Yan ang sagot ng gay friend ko sa'yo Sis.

karmark16

  • Guest
Re: My Boyfriend's Lover
« Reply #22 on: August 27, 2013, 06:47:45 pm »
Hi Ireneeee and AnJelatine, salamat sa reply ninyo. I guess you're right na pag bakla ang isang tao, ganun na talaga habangbuhay. Latest update ko is I took pregnancy test yesterday, and positive ang result. Lalo nang gumulo ang sitwasyon ko. Hindi ko na talaga alam. I told my bf and he said na kung buntis talaga ako, paninindigan daw niya at wag daw ako magalala. Mga sis, how do you think I should deal with this?  :'(

Ireneeeeee

  • Guest
Re: My Boyfriend's Lover
« Reply #23 on: August 28, 2013, 10:05:15 am »
OMG! kinilabutan ako sa news na yan sis! in fairness sinusubaybayan ko ang story mo.. kasi Im hoping for a positive result. At positive nga. Joke lang. Pasensya just trying to lighten you up sis. Parang kakasabi lang natin kahapon mahirap kapag mapreggy ka then ito na. Oh well, wala naman na tayo magagawa but to accept the situation and just take it from there. Huwag na huwag ka malungkot for your baby. Think of him/her as a blessing sis. Pero bawal ka mastress sana lagi mo isipin yun so hangga't maaari, iwas ka nalang muna sa complications ng issues ni boyfie. Go on with your life, keep yourself busy while ensuring na healthy ka lagi for the baby. Let prayers and time do their magic kahit mahirap try to focus on yourself muna lalo na ngayon. Although si bf walang kasiguraduhan, iisa lang dapat mong siguraduhin sis.. na ikaw ay maging okey. Dahil wala kang choice. At andyan na si baby.. magprepare ka na for the both of you. And regarding sa fact na papanindigan ni bf si baby, yes dapat lang (lalo na financially). Although I do hope, if you're thinking na dapat ka nyang pakasalan, sana maging wise ka sis and think in the long term. Kasi para sakin you should marry for the right reasons and hindi lang dahil napreggy ka nya. Sorry talaga ha kasi itong pinaghihintay ka nya questionable na pagmamahal nya sayo. E ngayon pa lang ganun na, paano pa kapag matagal na kayo or mag- asawa na hindi ba? Mahirap na papakasal kayo and eventually maghihiwalay din. But looking on the bright side, pwede rin instrument na ni God si baby para magpakatino na si bf. Kaya lang tagilid talaga kasi sa fact na bi/gay nga sya. So ayun, be ready na lang for the consequences if ever. Panindigan mo to the nth level if ever you decide to get married.. goodluck ha, *huuuug*
« Last Edit: August 28, 2013, 10:08:25 am by Ireneeeeee »

AnJelatine

  • Guest
Re: My Boyfriend's Lover
« Reply #24 on: August 28, 2013, 10:41:27 am »
Be grateful, Mommy :D Dahil madame dyan lalakeng-lalake nga, pero wala namang paninindigan. Nakakabuntis, pero hindi responsible at nang-iiwan lang. Ikaw, binigyan ka ng assurance. Sakaniya mismo nanggaling na "paninindigan ka niya at wag kang mag-alala" :)

*He told me na dream niya na magka family with me and he says na pag nangyari yun, wala na ang confusion niya.
*He wanted to get me pregnant.
*He really wanted to marry me.
*He said na if we get through this, he would rely on my help and understanding, he wants a clean life.

Alam niya kung ano ang gusto niya sa buhay: MagkaPamilya KAYO, magkaBaby KAYO, magPakasal KAYO. Lahat ng plano niya Sis, KAYONG DALAWA :)

Sabe ng gay friend ko dati, "Bi, may katapusan din 'tong pagkaBakla ko Promise. Siguro 'gang mga 40 years old. Dahil gusto ko din naman magkaPamilya." :)

lovely_carrot

  • Guest
Re: My Boyfriend's Lover
« Reply #25 on: August 28, 2013, 12:02:15 pm »
I'm kind of torn sa story mo. Kasi there's "almost" cheating involved which I experienced before and I have Bi friends similar sa BF mo.

These two Bi friends of mine are both family man. Sabi nila, mula pinanganak sila, alam na nilang Bi sila but decided to have family pa din. And over the years na magkakasama kami sa work, lagi silang may boylet na crush or "inaalagaan" sa resto. Pero pagdating sa bahay, their wives have no inkling what they are like outside the house. It saddens me as a woman kasi, the wife is always the last to know. Kami ang nakakakita ng gay antics nila and its funny, but if you're the wife/GF, parang hindi yata masaya yun na niloloko ka.. And in my opinion, pag bisexual ang isang tao, there is always a tendency for him to be swayed. Kita mo nga, nagkaron lang sya ng balita sa ex boyfriend nya nalito na.

Hanggang sa yung isang Bi friend ko, nag bf na talaga sya, nag out na sya sa asawa nya, the naughty daughter one time called him "bakla". Last I heard praning yung asawa kasi magkasama si Bi and Bf sa isang resto, so umuwi lang ng late si Bi, away na yun. If you think about it, ganun ba yung gusto mo maging scenario nyo? It could happen. You love him but he can make you miserable also. Cheating is always going to be a possibility whether straight or hindi yung partner mo.

Oo tanggap mo sya, pero do you think you're family will still approve pag nalaman nila na Bi sya and kaya kayo may problema ngayon eh dahil doon? kung anak kita, hindi ako papayag na pumasok ka sa ganung relasyon, baka magkasakit ka pa, i'm sorry to be blunt but its a reality.. Walang masama sa pagiging Bi or bakla, don't get me wrong please pero may nakikita akong hindi tama pag pinilit ng isang Bi ang sarili nya sa isang straight na relasyon knowing in his heart na hindi talaga yun ang gusto nya. Kawawa din naman sila kung iisipin, gusto lang din naman nila ng family. Gaya na lang ng case ni Tom Rodriguez sa My Husband's Lover. Hindi sya kathang isip lang gurl, it happens in real life. Heed the warning.

If we were in the same dilemma, given the no. of years we were together, I'd still let him go. Cheating, whether nangyari na, nangyayari or mangyayari pa lang, ayoko nyan, it is a deal breaker for me.

Sa hinaba haba ng advise ko sayo, in the end, ikaw lang ang makakapagdecide kung ano ang tama at makakapagpasaya sayo. You know the risks, if you will still go for him after he's finished with his mission, I'll advise you to prepare yourself mentally and emotionally. You're going to be in a long haul. Don't rush your decision, dapat alam mo in your gut feel na tama iyon.



« Last Edit: August 28, 2013, 01:02:12 pm by lovely_carrot »

aquacharly

  • Guest
Re: My Boyfriend's Lover
« Reply #26 on: August 28, 2013, 12:53:28 pm »
IMO:   He will always be bi-sexual, predominantly gay/bading;
          He will always be conflicted until all of you accept he is bi-sexual.

Why do you insist he loves you?
IMO, you were just the very convenient alternative --  sorry.

See, he never chose you in the presence of the ex-bf. 
you had sex, you both kept quiet about your "true love".  You went away, sila pa rin, tapos --  he followed you.  You let him live a normal life with you --  until he could  not ignore his need -- and there, went on bakasyon alone to scratch that itch. 
I have a sneaking suspicion --  if you and the ex are there together -- he will choose the ex. 

In the long run, it will be less wear & tear for you to let him go.
What is 7 years if ang kapalit eh 7 years or more of heartbreak, mistrust, etc etc negative.  Kapagod yan.
The trend is there:  he needs his sex/relationship with that ex-bf.   Kita  mo nga, he will go on a break without you again.  How much can you watch him? Yan na nga eh -- hindi na magpapapigil sa yo.

I don't mean to be harsh but --  marry him? You gotta be not thinking straight.

Cut your losses & let him go. 
He already asked for it.  Don't be clinging/needy/begging/accommodating 100%. 




karmark16

  • Guest
Re: My Boyfriend's Lover
« Reply #27 on: August 28, 2013, 09:22:38 pm »

Hi guys!

sobra akong naooverwhelm sa messages ninyo at concern. salamat talaga sa inyong lahat.

Hi sis Ireneeeeee, yes, tama ka nakakagulat talaga lahat ng nangyayari sa akin ngayon. Though my bf told me na happy siya sa news, I still want to get a confirmed report from a doctor. Alam ko na hindi dapat ako magpakastress, alam mo sa totoo lang ngayon parang inis na inis na ako sa bf ko. at naisip ko din kung tama ba na magpakasal kami just because of the baby (if ever),pero mukhang persistent naman siya na gusto niya nga talaga ayusin lahat. papa check muna ako sa doctor if OK na talaga we will then proceed to talking with my parents. regardless at kung anuman ang mangyari, Uunahin ko na alagaan ang baby ko kesa sa relasyon ko sa bf ko na magulo. actually ngaun nga hindi ko na lang siya pinapansin, though he told me na tatapusin niya na daw ang space na ito kung sakaling buntis nga ako dahil ibang usapan na daw yun.



Hi sis AnJelatine, grateful naman ako, di pa ako ready pero alam ko na blessing ito from God. he works in mysterious ways at sana, sana nga kung ito man ang way niya para ayusin ang pagkatao ng bf ko, may his willl be done. naka 2 tests na ako na positive pero di ko pa din sure unless iconfirm ng doctor. feeling ko lumulutang pa din ang senses ko, pero I do feel na miracle itong nangyayari. salamat siss


Hi sis lovely_carrot, I know na magulo talaga ang story ko at salamat sa napakahaba yet informative mong advice, nanood din ako ng my husband's lover and I know na it really happens and it is possible na eventually, iiwan din ako ng bf ko for the same sex, nevertheless, di ko din naman kaya na ipagkait sa kanya ang pagiging ama sa anak namin kung sakali, we know each other well it's been 7 years na din at we started as best friends so siguro [textspeak!] pagmamahal though not romantic hindi na basta basta mawawala yun. I am also thinking that getting married just because of this pregnancy might not be a good idea, so I will make him decide, para walang sisihan sa huli, anuman ang maging desisyon niya susuportahan ko siya.


Hi sis aquacharly! this ay sound weird but I feel honored being advised by you =)  truth hurts pero after reading your advice talagang tumatak sa akin, you're right , I can never fully give his needs given na bi nga siya, pero about his ex, latest he told me is that nagsawa na daw siya, he felt na na re-ignite lang daw nung nangkita sila ulit pero ngayon nawala na daw yun. so he might not go to pinas anymore, he said he doesnt think its worth it. (he made this decision, before finidng out I was pregnant) you're right about the 7 years, I am also thinking that this pregnancy is not the right reason to get married. I will let him decide and hindi ko ipipilit sa kanya ang wedding dahil ayoko masisi sa huli. he has to make a stand para in the end he can only blame his self. if he wants me to let him go, so be it but he still needs to support our child either way. also, just last night, I felt that my feelings for him are starting to fade, siguro dahil na din sa pain at sa hirap na pinagdadaanan ko ngayon, I just felt ne hindi naman worth it to go through hell with him kung siya nga di niya kilala ang sarili niya.

jasmine3689

  • Guest
Re: My Boyfriend's Lover
« Reply #28 on: August 28, 2013, 11:06:40 pm »
Sis mahalin mo sarili mo at ibuhos mo pagmamahal mosa baby mo. Stop thinking about him. Uulit ulitin nya yan.

karmark16

  • Guest
Re: My Boyfriend's Lover
« Reply #29 on: August 29, 2013, 06:46:00 pm »
Hi sis  jasmine3689, salamat sa advice mo. OO yun na rin ginagawa ko sa ngayon di ko na lang siya pinapansin at hinhayaan ko na lang siya sa mga gusto niyang gawin sa buhay niya. Focus na lang ako sa well being ko at sa aking magiging baby. 

candacena

  • Guest
Re: My Boyfriend's Lover
« Reply #30 on: August 30, 2013, 04:46:50 pm »
grabe sis.. eh di sobrang nakakarelate ka sa my husbands lover? :) naisip ko lang.. ang hirap nga ng ganyan sis. alam ko kasi pag bakla. bakla na forever eh. tama nga siguro tama ibang sisses natin na you better let him go.
« Last Edit: August 31, 2013, 01:54:21 pm by candacena »

Ichiro

  • Guest
Re: My Boyfriend's Lover
« Reply #31 on: August 31, 2013, 01:10:43 am »
7 years and he is still UNSURE?

i say get out...

believe me... gusto lang nya ng NORMAL life kaya he is trying to be with you... pero that doesn't mean he loved you or he is in love with you...

pag ipinilit nyo pa ito... malaki ang possibility na magmamanifest rin itong problema nyo in the future... mas malaki ang magiging problema nyo lalo na kung kasal kayo at may mga anak na... hindi kayo nagbabahay bahayan lang... na pag nagkaproblem kayo ay pwede nyong i-UNDO ang ayaw nyong mangyari sa inyo...

2 ways na pwede mangyari sa inyo kapag nagpakasal kayo...

1. magsisi ka later dahil lumabas ang totoong kulay nya at marealize nyang hindi na nya kayang magpatuloy pa...

2. maging masaya ka habang di mo iniisip na habambuhay mong pinarurusahan sya by not letting him live the life his heart wanted.

either way talo...

it's not worth it...

let him go...

at kung sakaling bumalik at magmakaawa sayo... explain everything na hindi mo sya tatanggapin not unless 100% (of his heart, body, mind and soul) ay talagang willing to share his life with you forever.

goodluck!



karmark16

  • Guest
Re: My Boyfriend's Lover
« Reply #32 on: September 01, 2013, 02:05:51 pm »
HI candancena! Thanks. yups actually I stopped watching MHL kasi masyado lang ako nakakarelate and I don't want to turn my life into a drama series masyadong complicated. The only difference between me and lally is I knew the siuation even before pero tinuloy ko pa din, hoping to change him pero hindi eh, learned my lesson now na hindi dapat pinipilit ang mga bagay na di pwede. I already prepared my Goodbye letter (which I even recorded para mas tagos sa puso). Day by day, little by little, I'm starting to let him go.

karmark16

  • Guest
Re: My Boyfriend's Lover
« Reply #33 on: September 01, 2013, 02:17:58 pm »
Hi Ichiro! wow you're the first guy talker to send me a response. Thanks. I know people advise me to just get out before it is too late but in the end we can't really avoid each other especially now that we are having a baby. Siguro I won't marry him na lang. I'll just allow him to be the father of our baby, right din naman niya yun. Mahirap na din kasi tama ka, magsa suffer lang kaming dalawa in the long run. I'm just leaving everything to God. Kung magkamilagro man na, ayun nga maging fully 100 percent decided siya na aayusin niya na ang buhay niya, then I will do my best to help him.

Mikasa

  • Guest
Re: My Boyfriend's Lover
« Reply #34 on: September 02, 2013, 08:16:55 pm »
I will let him decide and hindi ko ipipilit sa kanya ang wedding dahil ayoko masisi sa huli. he has to make a stand para in the end he can only blame his self. if he wants me to let him go, so be it but he still needs to support our child either way. also, just last night, I felt that my feelings for him are starting to fade, siguro dahil na din sa pain at sa hirap na pinagdadaanan ko ngayon, I just felt ne hindi naman worth it to go through hell with him kung siya nga di niya kilala ang sarili niya.

Sister bakit sya ang hahayaan mong magdecide? imo ikaw ang magdecide kung anong gusto mong mangyari sa relasyon nyo, after all buhay MO rin yan. What if bumalik sya sayo at magpromise na hindi nya na uulitin? Tatanggapin mo ba sya? at matatanggap mo yung posibility na baka ulitin nya yun? wala lang. sana maging maayos na ang lahat..

ForeverDreamer

  • Guest
Re: My Boyfriend's Lover
« Reply #35 on: September 03, 2013, 04:55:52 am »
^^si madami akong BI/bading na frens kadalasan sa kanila may pamilya,yung iba sa kanila nasa grade school na mga anak,may isa sa kanila di mo talaga aakalain na BI/bading sa kilos,kung umasta lalaki sya,basketball pa nga hilig na laruin,siguro 4-5 years na din sila live-in ng gf nya!bading lang sila kapag kami mga frens kasama,pero pag-uwe nila lalaking lalaki sila.pero kung tatanungin mo sila kung mahal nila asawa nila...oo daw at mahal  nila pamilya nila,at kahit ano mangyari pipiliin daw nila pamilya,kasi ayaw naman daw nila tumanda na walang matinong buhay.kailangan naman daw nila may makakasama at totoong magmamahal lalo pagtumanda sila.pero yun nga ang kailangan mo tanggapin na may pangangailangan talaga sila na wala satin!buti nga ikaw alam mo eh,kaya may choice ka kung anong buhay pipiliin mo!yung mga wife ng frens ko ,wala silang alam!at tama ang mga sissies habambuhay mo intindihin yan sis,kasi ganun na talaga sila eh!di mo na mababago yun.kaya ikaw lang talaga magkapagdecide kung itutuloy mo o hindi.goodluck...god bless you sis  ;)
« Last Edit: September 03, 2013, 05:01:49 am by ForeverDreamer »

engr_neechee

  • Guest
Re: My Boyfriend's Lover
« Reply #36 on: September 03, 2013, 07:29:47 am »
hi sis karmark16

hmm....dasal dasal lang...pero in the end, please love yourself more...

saka isipin mo na lang, mahirap din kasi na lalaki ang gusto niya....kaya isipin mo..kung maghihiwalay kayo...isang sakitan lang yan...pagkatapos nyan magiging okay ka ulit :) kaysa buong buhay kang masaktan

"It's possible to go on, no matter how impossible it seems, and that in time, the grief...lessens.  It may not go away completely, but after a while it's not so overwhelming." (Dear John, Nicholas Sparks)
« Last Edit: September 03, 2013, 07:57:10 am by engr_neechee »

karmark16

  • Guest
Re: My Boyfriend's Lover
« Reply #37 on: September 09, 2013, 02:17:44 pm »
Hi guys! so sorry ang tagal bago ako nakapagreply sa messages ninyo. I was away for a while, trying to figure things out when suddenly nagka milagro sa buhay ko, I had my period, I am not sure how or why but I tested again for the 3rd time and it says negative na! Hindi ko talaga alam kung paano nangyari pero narealize ko lang din na baka sign na ito from God na hindi ko na nga dapat ipursue pa ang pagmamahal ko sa kanya. It's not going to be worth it na din siguro.

Pero these past few days, my bf started reaching out to me, and tuloy daw ang trip namin to Japan at hindi na daw siya dadaan sa Pilipinas. Sabi din niya di naman daw kami hiwalay he just asked for space na makagawa ng kalokohan paminsan minsan, Hindi ko alam kung paano niya nasasabi sa akin ng lantaran ang ganito sa totoo lang. So I'm giving myself a time frame na lang na if Japan doesnt work out for us, I will end it na. I don't want to prolong my agony anymore hindi ko na kaya eh.

 

karmark16

  • Guest
Re: My Boyfriend's Lover
« Reply #38 on: September 09, 2013, 02:21:45 pm »
Hi sis Mikasa! Yes tama ka, I need to decide for myself not for him which is why I am now giving myself a time frame, hindi ko na din kasi matiis ang ginagawa niya sa akin. if magbago siya at bumalik sa akin, I will make sure that things will be different, unang una hindi na kami maglilive in, if he wants to see me he has to do the effort, otherwise di pa din talaga siya nagbabago then better end it while it'e early, alam ko pinakamahirap ayusin ang trust issues pero since di na siya dadaan sa Pinas para makipagkita sa ex niya mejo nakampante na din ako na baka nga di niya gagawin dahil di niya kaya.

karmark16

  • Guest
Re: My Boyfriend's Lover
« Reply #39 on: September 09, 2013, 03:01:38 pm »
hi ForeverDreamer,

Thanks sa advice. I know na mas OK pa sitwasyon ko kasi ngayon pa lang aware na ako at wala pang kids involved, hindi ko din naman kaya na habang buhay namin lokohin ang aming mga sarili. iIf he is gay then so be it, masakit man sa akin kailangan ko siya palayain, kung yun ang buhay na gusto niya piliin, bahala siya siya din naman ang magdadala nun sa future hindi ako. Hindi ko ata kaya ang set up na hahayaan ko siya magloko pikit mata para naman akong stupid nun.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close