I'm kind of torn sa story mo. Kasi there's "almost" cheating involved which I experienced before and I have Bi friends similar sa BF mo.
These two Bi friends of mine are both family man. Sabi nila, mula pinanganak sila, alam na nilang Bi sila but decided to have family pa din. And over the years na magkakasama kami sa work, lagi silang may boylet na crush or "inaalagaan" sa resto. Pero pagdating sa bahay, their wives have no inkling what they are like outside the house. It saddens me as a woman kasi, the wife is always the last to know. Kami ang nakakakita ng gay antics nila and its funny, but if you're the wife/GF, parang hindi yata masaya yun na niloloko ka.. And in my opinion, pag bisexual ang isang tao, there is always a tendency for him to be swayed. Kita mo nga, nagkaron lang sya ng balita sa ex boyfriend nya nalito na.
Hanggang sa yung isang Bi friend ko, nag bf na talaga sya, nag out na sya sa asawa nya, the naughty daughter one time called him "bakla". Last I heard praning yung asawa kasi magkasama si Bi and Bf sa isang resto, so umuwi lang ng late si Bi, away na yun. If you think about it, ganun ba yung gusto mo maging scenario nyo? It could happen. You love him but he can make you miserable also. Cheating is always going to be a possibility whether straight or hindi yung partner mo.
Oo tanggap mo sya, pero do you think you're family will still approve pag nalaman nila na Bi sya and kaya kayo may problema ngayon eh dahil doon? kung anak kita, hindi ako papayag na pumasok ka sa ganung relasyon, baka magkasakit ka pa, i'm sorry to be blunt but its a reality.. Walang masama sa pagiging Bi or bakla, don't get me wrong please pero may nakikita akong hindi tama pag pinilit ng isang Bi ang sarili nya sa isang straight na relasyon knowing in his heart na hindi talaga yun ang gusto nya. Kawawa din naman sila kung iisipin, gusto lang din naman nila ng family. Gaya na lang ng case ni Tom Rodriguez sa My Husband's Lover. Hindi sya kathang isip lang gurl, it happens in real life. Heed the warning.
If we were in the same dilemma, given the no. of years we were together, I'd still let him go. Cheating, whether nangyari na, nangyayari or mangyayari pa lang, ayoko nyan, it is a deal breaker for me.
Sa hinaba haba ng advise ko sayo, in the end, ikaw lang ang makakapagdecide kung ano ang tama at makakapagpasaya sayo. You know the risks, if you will still go for him after he's finished with his mission, I'll advise you to prepare yourself mentally and emotionally. You're going to be in a long haul. Don't rush your decision, dapat alam mo in your gut feel na tama iyon.