Author Topic: i just found out my bro is bisexual. what to do?  (Read 6344 times)

princeza08

  • Guest
i just found out my bro is bisexual. what to do?
« on: August 22, 2013, 03:17:00 pm »
i have a younger brother, bata pa lang tuksuhin na sya na bakla kasi malambot sya, hindi naman bading na bading, pero maiisip mo na para sya bading. but pagka graduate ng college, at nagka work na sya, nag gym sya. nagpalaki ng katawan at lalaking lalaki talaga ang dating at lalaki sya pumorma. but eversince wala pa sya pinapakilala at dinadala sa house na girlfriend. medyo worried ako. iniisip kong gay sya kasi halos mga kaibigan nya panay girls tapos tinitignan ko sa fb kung may guy man sya na friend parang malambot din. then 1 day naiwan nya fb nya naka open kasi nag brown out hindi nya na log out kaya pag open ko fb bukas account nya, so ako nag investigate ako, alam kong bad yun ginawa ko pero may gusto talaga ako malaman about my bro. kasi pag kasama mga pinsan, mga ibang kamag anak tahimik lang sya parang may tinatago ba, kilala ko kasi bro ko. hindi sya nakikisalamuha sa iba basta basta. pero pagdating sa mga friends nya hindi naman sya ganon i think. anyway, edi yun na nga tinignan ko messages nya. meron ako nakita don nag i love you sya tapos pagtingin ko sa account bading yun kachat nya nakikipagbalikan sya x nya ata yon. basta ganon yun nakita ko sa usapan nila. tapos may mga comments din sa pic nya na iba na yun isa don supervisor naman nya x din nya lalaki din pero mukhang beki din. so yun nag-alala talaga ako sa kanya. hindi ko alam gagawin ko. itong huli naman nakita ko may nakatag na pic sa fb nya dalawa sila guy mukhang malambot din kasama nya tapos may i love you nakalagay sa pic nila. may mga pics din sila na magkadikit ang pisngi sweet ba. obvious na mag jowa nga sila. so ako pinalipas ko lang ang araw tinext ko sya at inamin ko na yun nalaman ko. sabi nya sakin hindi naman daw sya gay, he's just a bisexual. so tingin nyo mga sis, guys & kung may bisexuals dito, may pag-asa pa ba pa ba brother ko. kasi i know bisexual is attracted to both genders pero bakit parang panay same gender nya ang nakakarelasyon nya? kinakabahan lang ako. sabi ko nga sa bro ko kahit pamangkin bigyan nya na lang ako, ikalaat naman nya lahi namin... i'm just worried baka hindi matanggap ng family namin yun situation nya. may mga relatives kami lesbian. pero yun guy na bisexual or naging gay wala pa naman akong nalaman. pa help naman po, medyo off sa topic pero i don't know what to do. dalawa lang kami magkapatid, at ang tatay namin ay maton/astig. sya pa namana ng favorite na anak. kaya i'm super worried. gusto ko sana sya magkaron ng gf, or kahit di sya magpakasal at least yun may sarili syang family, at magkaroon ako ng pamangkin sa kanya. pls help po. tia!

bladewithaheart

  • Guest
Re: i just found out my bro is bisexual. what to do?
« Reply #1 on: August 22, 2013, 03:34:01 pm »
What to do? LET HIM BE.
Kung masaya siya sa pagiging ganyan niya, gow lang.
As long as wala siyang masamang ginagawa sa kapwa niya, okay lang.
Pag lalong pinipigilan, lalong lumalala.

I've been into identity crisis years ago. I overcame it. Now I'm a proud bisexual-gay.

princeza08

  • Guest
Re: i just found out my bro is bisexual. what to do?
« Reply #2 on: August 22, 2013, 03:52:48 pm »
naguluhan ako sa sinabi nya kasi sakin, he's not gay naman daw he is just bisexual. so meaning may pag-asa pa? yeah you are right. i just love my bro so much kahit di kami lagi magkasundo. shocked lang kasi ako sa mga nalaman at nakita ko lately. i know di din madali yun sa kanya.

donzski_doinks

  • Guest
Re: i just found out my bro is bisexual. what to do?
« Reply #3 on: August 22, 2013, 05:12:41 pm »
tama po. hayaan mo kung saan sya masaya. basta wala sya tinatapakang tao, keri lang di ba? let him do what he wants, dun sya masaya e. gusto nya yung ganung sexual orientation.. as a sister, support mo sya and make sure na wala sya nasasaktang iba. sabi nga, he is the captain of his soul and the master of his own fate. that's his choice. let him be.

bladewithaheart

  • Guest
Re: i just found out my bro is bisexual. what to do?
« Reply #4 on: August 22, 2013, 06:00:06 pm »
naguluhan ako sa sinabi nya kasi sakin, he's not gay naman daw he is just bisexual. so meaning may pag-asa pa? yeah you are right. i just love my bro so much kahit di kami lagi magkasundo. shocked lang kasi ako sa mga nalaman at nakita ko lately. i know di din madali yun sa kanya.

doon sa pag-asa, di ko masasagot yan. nasa sa kanya yan (((:

AnJelatine

  • Guest
Re: i just found out my bro is bisexual. what to do?
« Reply #5 on: August 22, 2013, 06:23:38 pm »

princeza08

  • Guest
Re: i just found out my bro is bisexual. what to do?
« Reply #6 on: August 23, 2013, 09:31:43 pm »
thanks sa suggestion/opinion po niyo mga sis & bro. i'll always keep that in my mind.

BicuriousGm

  • Guest
Re: i just found out my bro is bisexual. what to do?
« Reply #7 on: August 23, 2013, 11:37:28 pm »
Nothing to worry, what important is wala sya tina tapakan iba tao or ina agrabyado. Life is too short...just let him go with the flow. Chillax lang!

tough_guy

  • Guest
Re: i just found out my bro is bisexual. what to do?
« Reply #8 on: August 24, 2013, 12:27:57 am »
stage of identity crisis? let him what to choose.

anon

  • Guest
Re: i just found out my bro is bisexual. what to do?
« Reply #9 on: August 27, 2013, 06:27:13 pm »
@princeza08 -- I agree with most of the responses here. Let him/her be...bisexual or gay. How old is s/he, by the way?
« Last Edit: August 27, 2013, 07:00:06 pm by anon »

Yula

  • Guest
Re: i just found out my bro is bisexual. what to do?
« Reply #10 on: August 27, 2013, 06:50:54 pm »
"sabi ko nga sa bro ko kahit pamangkin bigyan nya na lang ako, ikalaat naman nya lahi namin..."

"i'm just worried baka hindi matanggap ng family namin yun situation nya. may mga relatives kami lesbian. pero yun guy na bisexual or naging gay wala pa naman akong nalaman. "

" gusto ko sana sya magkaron ng gf, or kahit di sya magpakasal at least yun may sarili syang family, at magkaroon ako ng pamangkin sa kanya. pls help po. tia!"

Sis lahat ng sasabihin ko no offense ha.

1st quoted sentence: Sorry sis pero parang nagiging selfish ka sa sinabi mo na gusto mo magkapamangkin ka. Its his life. Nasa kanya kung gusto nya magkafamily or hindi. Parang sa 3rd quote din. Lumalabas parang yung kagustuhan mo para sa kanya ang masunod. Iniinsist mo yung bigyan ng pamangkin part.

2nd quoted sentence: Ok kang sister dahil nagaalala ka para sa kanya. Pag nalaman ba nila na ganyan kapatid mo. Anong masang gagawin ng sarili nyong kadugo? hindi talaga magiging madali para sa kanya yun pero whatever happens be there for him and support him. Sa pilipinas talga kasi issue parin yan. Pero sa panahon kasi ngayon lumang tugtugin na ang pagiiba ng sexual preference.

3rd quoted sentence: Ok lahat yang iniisip mo para sa brother mo. Pero kung parang lumalabas na maging obligated sya or parang inuutusan na sya na mag-gf or magpamilya ehhhh katulad nga ng sabi ko nung una. Lahat ng decision nasa sa kanya as long as wala naman syang ginagawang masama. Lastly, hindi lahat ng may family masaya. Maraming broken families pero nakayang maging ok. Maraming single mom/dad. Meron ding kuntento mag ampon. Kumbaga iba't ibang klase na ang family ngaun. Hindi yun sterotype na consists of mom,dad,brother,sister,baby.  ;D

Protect your brother from your relatives nalang sis.

:) Hindi tayo nabubuhay sa mundong ito para sundin ang ibang tao sa life preference nila. Ang katawan, puso, at isip natin. Tayo ang magccontrol hindi pananaw ng ibang tao.

angeleigh

  • Guest
Re: i just found out my bro is bisexual. what to do?
« Reply #11 on: August 27, 2013, 06:58:29 pm »
Nothing.

Just be there for him. Kung mahirap sayo, MAS mahirap sa kanya yang pinagdadaanan niya. Be the supportive sister and do not judge.

chicafabulosa

  • Guest
Re: i just found out my bro is bisexual. what to do?
« Reply #12 on: August 27, 2013, 07:10:10 pm »
So what kung full blown gay sya or bi lang. Ang important di nagbibigay ng sakit ng ulo sa inyo. Di naman porke bi, gay, lesbian or whatever eh lesser person na sila. Let him be. If he is happy then just support him. As long as di naman layo binibigyan ng kahihiyan or sakit ng ulo, hayaan nyo sya san sya masaya. Sabihin nyo lang na sana di kayo bigyan ng problem and no matter what, mahal nyo sya. Kasi kung di nyo matanggap sya na ganyan sya aba di yan unconditional love sis. Ang tunay na pagmamahal sa family is kahit ano pa yan, mamahalin at tatanggapin nyo. Alam ko kapatid mo kasi kaya concern ka, pero right now ang kailangan nya is understanding, love and support from his family. Wag ka na lang mag expect na maging straight sya kasi baka madisappoint ka lang. Kung magbago sya, eh di good, kung hindi ano gagawin nyo? Itatakwil sya? Di naman nyo mababago na yung andyan. Love him more. He needs it right now

princeza08

  • Guest
Re: i just found out my bro is bisexual. what to do?
« Reply #13 on: August 27, 2013, 11:26:28 pm »
anon: my bro is turning 25 this year :-)


thanks to everyone who gave their comment. na enlighten ako kahit papaano. well, alam na naman ng bro ko na alam ko na ang totoo sa kanya. and after that wala naman nagbago eh, kung ano ako before sa kanya, ganon pa din ang treatment ko to him until now. yun nga, sa akin umamin na sya, pero sa papa namin who is working outside the country, eh hindi pa alam. alam ko may iba relatives kami nakakahalata sa kanya na medyo malambot nga sya. pero i know sa akin pa lang talaga sya umamin. aside from his friends & officemates. my bro is mabait naman. ang worry ko lang kasi, every weekend, or kapag wala sya pasok sa work hindi sya umuuwi ng bahay. at nagsabi sya sa akin before na plan nya na bumukod at mag rent na lang daw sya sa condo unit, eh hello. qc lang naman itong house namin. in 30 mins to 1 hr andun na sya, porket sinasabi nya na malapit sa work nya. wala ang husband ko, gusto nya pa ako iwan. eh qc din lang naman yun lilipatan nya. feeling ko magsasama na yata sila nun partner nya. nahihirapan talaga kalooban ko. di ko pa kayang ma accept ng 100%. sorry kung masyado na ako o.a. na elder sister para sa iba sa inyo. i know naman he is in right age na, nagwoworry lang ako sa kanya talaga...

chicafabulosa

  • Guest
Re: i just found out my bro is bisexual. what to do?
« Reply #14 on: August 28, 2013, 12:17:43 am »
Ag selfish sister... :) aminin mo man sa hindi, di mo kaya ibigay ang happiness na kaya ibigay ni bf sa bro mo. Besides ikaw na may sabi he is old enough, let him. Di naman nya honestly sis responsibility na samahan ka for the rest of his life simply because nasa ibang bansa hubby mo. Remember he has his own life.

anon

  • Guest
Re: i just found out my bro is bisexual. what to do?
« Reply #15 on: August 28, 2013, 12:29:00 am »
Akala ko naman nasa high school pa siya. At 25, let your brother live his own life already. Bahala na siya to tell your dad. Also, there are bis/gays out there who also decide to have children naman din

mooncake and leaves

  • Guest
Re: i just found out my bro is bisexual. what to do?
« Reply #16 on: August 28, 2013, 03:00:21 am »
in the grand scheme of things, what you want and what your parents want for your brother are insignificant. you can't hold your brother (or anyone for that matter) to YOUR own concept of happiness. so let him be. all you need to do is respect that it's his life and what he wants and who he is-- yun ang masusunod.

as for wanting to live on his own, he probably just wants to be independent and be the king of his own castle. while his having to mask his sexuality under your roof may be adding to the pressure, at his age, sooner or later, he's going to want to move.

last, i don't know your brother but if he hasn't shown interest in women and if all his relationships had all been with other men, he's gay. he probably just said he's bisexual to soften the blow.

solepurplelife

  • Guest
Re: i just found out my bro is bisexual. what to do?
« Reply #17 on: August 28, 2013, 11:07:00 am »
I so feel you sis princeza08  :) I know sa panahon ngayon hindi na dapat issue ang gender. Pero I realized madali lang sabihin na let him be, support him, and be happy for him. Maybe madali for some na nalagpasan na yung stage kung san kailangan mo tanggapin. Pero ako iniisip ko pa lang nag-aalala na ko.

In my case my bro is only 16. He's gone through depression last year so we decided to go sa psychiatrist noon. And isa sa mga alarming results is nung the psychiatrist told us na may tendecy daw na maging gay yung bro ko. Pero accdg to the doctor ee pwede pa daw maagapan, yung term pa nya dati is pwede pa "magamot". I don't have any issue sa mga gays. I actually have many gay friends. Ang iniisip ko is yung magiging buhay nya if he actually end up being one. I've seen my friends suffered from bullying ng family nila, relatives, and peers.  It's really HARD emotionally. Isa pa my history ng depression ang brother ko di ko alam kung makakaya nya.  :(

Pero my biggest concern is pano pag tanda nya. Excuse me sa mga gay sisters natin kung ma ooffend sila pero aminin natin, mahirap makakuha ng faithful partner ang mga gay sisters natin.  Syempre may mga fortunate naman na nakakatagpo ng "the one" nila pero karamihan end up as financiers of their partners. Another thing pa yung pagkakaroon ng anak. Iba rin syempre yung joy of having a child. I know pwede sya mag ampon pero ano magiging future nung bata? That child will end up being bullied dahil gay ang parents nya? It hurts me ngayon pa lang na iniisip ko. haist. :(

Again po I have nothing against sa mga gay sisters natin, I'm being realistic lang po.

princeza08

  • Guest
Re: i just found out my bro is bisexual. what to do?
« Reply #18 on: August 28, 2013, 11:13:02 am »
siguro kaya lang ako ganito kasi aside from my hubby (1 year pa lang kasi kami kasal) eh nasanay ako na bro ko na ang lagi kong kasama. 6 years ago our mom passed away, our dad lagi nasa abroad ang tagal na din di nauwi ng pinas. kaya siguro naging ganon sya, panay girls kasi kami dati sa bahay, my mom, lola, ako... wala lagi ang papa ko. kaya naging pusong babae din sya. malapit sa mga girls. nun gumraduate ng college ang bro ko, ako na lang ang kasama nya non. ako na ang naging halos guardian nya. kaya siguro maintindihan nyo din me bakit ganito ako mag react :-) alam nyo yun ganong feeling na buong buhay namin, kami na lang halos magkasama... siguro nasawa na din sya laging ako kasama nya. hehe.  hindi ko naman sya pinakitaan ng masama after nalaman ko yun tungkol sa sexual preference nya. siguro talagang nag eemote lang ako. thank you sa mga nagbigay ng advices at sa mga mag aadvice pa.

princeza08

  • Guest
Re: i just found out my bro is bisexual. what to do?
« Reply #19 on: August 28, 2013, 11:18:01 am »
solepurplelife: exactly sis! hindi tayo nagkakalayo ng situation. may mga gay/bisexuAl friends din ako. pero ewan ko ba, iba kasi talaga pag family mo yun nasasangkot. esp. brother ko pa.  alam mo yun may fear ako for him. baka mapahamak sya, masaktan sya, and yun nga, yung future din nya iniisip ko.  yun ang sobrang kinaka worry ko. mahirap pala pag nandito ka sa loob ng ganitong situation. pero pag sa ibang tao, kahit friends ko pa, may barkada akong lesbian anyway, ok lang sa akin. ang daling tanggapin. pero as of now, talagang nilalawakan ko na lang pang unawa ko and pinagppray ko lagi ang bro ko.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close