Author Topic: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?  (Read 92466 times)

Purple_Power

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #580 on: July 16, 2016, 02:36:53 am »
^I think ang pagkakaintindi ko she said na hindi nanay ang dating ng MIL niya.

Basta mahirap, lalo kumilos kase yun nga, nakikitira lang ako. :P

Don't ever consider yourself as nakikitira dahil in the first place you have valid reason to be there at accountability ka pa rin ng asawa mo. You are lucky na seems ikaw pa rin ang pinapanigan ng hubby mo kahit anong mangyari unlike sa mga nangyayari sa ibang sisses here oh well kahit ako na kailangan pang makipag away ako para lang panindigan na may ginagawang kalokohan ang biyenan habang wala siya.

If you show it to the in law na nakikitira ka lang talagang lalo ka lang lalamuning buhay. Show it to them that you still have the right kahit na literally nakikitira ka sa kanila. Asawa ka not employee or kasambahay. Ginusto ng asawa mo na maging part of them ka sa kanila so it means hindi ka na dapat ibang tao kundi kapamilya nila. Hindi mo talaga dapat iconsider ang sarili mo as nakikitira lang. If that is how you consider yourself automatically means yung asawa mo ganun rin.

annasui

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #581 on: July 17, 2016, 12:03:55 am »
Sorry di ako maka-quote naka mobile lang ako mga sis.

Kase eversince wala na pakialam sa kanya mom nya, to the point na nung college nag part-time job sha para masupport lang nya self nya. Parang di sha nanay ni hubby kumbaga, naco-compare nya na nga rin nanay nya sa parents ko. Bata pa si MIL kaya nga nagwowork pa sha, kung matanda na naman malamang di na rin sha pag-work hello hehe.

Very vocal naman kase ako kay hubby before pa kame ikasal na gusto ko may sarili kameng bahay, kase kaya naman namen. Pero yun nga kelangan may kasama motherhood nya. Pang-gabi kase ang pasok ni MIL, sha na rin nagsasabi na masarap nga na kame lang sa bahay or may own, but then given the situation no choice.

BDJ

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #582 on: July 21, 2016, 09:42:54 am »
Kung meron lang sanang batas para rito sa mga biyenan na nang-aapi dapat kasama sa violence against women  ;D

genegin

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #583 on: July 21, 2016, 03:43:35 pm »
Tried living with hubby's fam for 9 months (before giving birth), sabi ko talaga after I give birth, we need to move out!!! Mabait ang family ni hubby and they as much as possible are out of our way, pero syempre, FAMILIARITY BREEDS CONTEMPT. Kahit gaanong bait, meron pa ring ugaling pakikisamahan. And I wasn't comfortable na they can come in anytime sa kwarto (kahit kakatok pa). We need our privacy din.

BDJ

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #584 on: July 22, 2016, 12:20:50 am »
^That happened to me as well and hate that too, yung kumakatok maya't maya. Minsan nga iniwan pa kasi ni hubby yung susi kay in law ang nangyari pa binubuksan pa niya basta basta yung pinto ng kwarto namin, which is minsan nakakabastos na.

saydieChix

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #585 on: August 22, 2016, 12:12:16 pm »
Ako NO. We just got married this January 2016 and after ng wedding namin sa bahay na kami ni husband tumira. Sa totoo okay naman ang mga in laws ko kaso medyo naiilang ako kumilos since nandoon din ang kapatid niyang lalake. We hardly talked, siguro nahihiya din siya sa akin. Naiilang ako ang hirap maligo kasi kailangan pagkaapos ko maligo naka bihis na agad ako hindi pwedeng nakatapis kase nakakahiya sempre lalake yun eh. Sobrang dami nila sa bahay. Pero ayaw nilang bumukod kami kesyo wala naman daw kaming ipon. Ang sabi pa ng mama nya na nasa U.S hindi daw ako marunong magtiis, na sana daw nagtiis muna ako sa bahay nila. Para sa akin yun naman ang tama ang matuto tumayo sa sariling paa at parehas naman kaming may work. Parang ayaw lang nila talagang umalis asawa ko kase madali nilang nahihiraman ng pera. Kung  may request man sila madali lang kase nandyan sya. Ngayon hindi na ako pinapansin ng mama ng asawa ko. lahat naman nag uumpisa sa wala at hindi naman required na dapat pag uupa ka may ipon kana. Mas makakapagipon ka pa nga ng mga gamit sa bahay kapag nakabukod kana diba. Eto pa gusto ng mother in law ko; Magipon daw sila ng asaw ko para daw pag uwe nya dito sa PH may bahay daw silang dalawa. Imbes na ang kinikita ng asawa ko ipon na nameng dalawa gusto nya silang dalawa ang magiipon siguro para nga namang un bahay na mabibili nila sa kanila nakapangalan at hindi sa akin.
« Last Edit: August 22, 2016, 01:17:11 pm by saydieChix »

Alorain

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #586 on: August 25, 2016, 12:41:30 pm »
I think it's not a good idea to live with in laws or parents. If you can afford a small space mas better then strive hard to afford a bigger place if with kids na.

eimerej5

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #587 on: August 27, 2016, 03:30:56 am »
Nope! I experienced  living with just my husband and kids and it is really different than having someone else at home with you. Whether it is your parents, in laws, relatives etc. I don't care i
If they say something not good about me but the thing is we can't just do anything we want around the house without thinking that we have company... Nakakastress din n may dapat laging i-consider na tao before you do something. And to think na its my house. I should be the one calling the shots...

drag0nfly

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #588 on: August 29, 2016, 10:44:53 pm »
Nakuuu hate na hate ko din yang mahilig pumasok sa kwarto kahit na kumakatok pa! My hubby's family is like that. Tumira din kami sa kanila after getting married. Now that we have our own place, di ko ma-imagine how I ever survived living there for almost 3 years. Very close ang family ko pero we respect each other's personal space. Kila hubby parang dorm na anyone can go in/out the rooms. Mabuti na lang din naintindihan ng asawa ko so sinabihan nya sila na iba ang kinalakihan kong setup so off-limits ang room namin. But still iba talaga kahit mababait pa ang in-laws. Ang ayoko yung pagkauwi galing work kelangan ko pang mag-spend time with the parents-in-law out of respect kahit na pagod na ko and would rather go straight to our room kasi baka may masabi. Eh ang daldal pa naman ng MIL ko. Di ka talaga totally makakakilos ng normal.

yn061515

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #589 on: August 30, 2016, 04:24:40 pm »
To be honest, NO. Even hubby wouldn't dare ask me to live with his parents. Or shall I say, he wouldn't want us to live with his parents. We value our privacy and I strictly implement my own rules sa family namin. My parents and my in laws know that they cannot ask me to change, or do anything kasi I answer back talaga. Pinakita ko sa kanila na ganun ako talaga early on. I am not bastos, gusto ko lang talaga makalakihan ng anak ko at magiging anak ko yung values na kami mismo mag-asawa ang nagturo, at hindi pinasa pasa lang dahil nakasanayan na.  :) But my in laws are nice, simple and are wonderful people. We are at peace. Let's not ruin that by living together hahaha

BAISANAN

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #590 on: August 30, 2016, 10:33:35 pm »
it ruin my day almost everyday...:(

luna laxa

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #591 on: August 31, 2016, 12:23:34 am »
We had to live with my MIL kasi wala na syang kasama sa house. Di naman talaga kasama sa bahay - adjacent houses lang pero minsan nakakainis pa rin. May ugali pa yung si madir na snarky minsan, nakaka HB tuloy.

Magkahiwalay Kami ng kitchen and minsan ever so shy na magtatanong si DH Kung pwede kami magbigay sa mama nya. Sa totoo lang Di ko pinapahalata pero masama sa loob ko magbigay. Di ako madamot pero kasi nung dati pag pumupunta ako sa bahay nila (nung ng/gf palang kami nung anak nya) pinaramdam nya sakin na Di ako welcome. As in Bastos level! Naaalala ko yun kadalasan pag nagPMS ako (like now haha!) nakakangitngit talaga. Pero syempre timpi Lang para kay DH. Love love love! Haha!

lovebelle

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #592 on: August 31, 2016, 08:34:23 am »
@Purple_Power salamat sa reply sis. Everytime na mag rant ako kay hubby tungkol sa mil WW3 kami! Inaaway nya talaga ako. Si mil na sobrang controlling sa lahat ng bagay ultimo pagpapakain ko sa anak ko lahat lahat ng bagay sis as in lahat. At ang asawa ko sunod sunuran kung ano ang sabihin ng nanay nya yun ang masusunod bunso kasi si hubby. Iritang irita na ako sis! Nawawalan na talaga ako ng gana ang dami kong issues na hindi ko mailabas lahat dahil hindi pa ako tapos magsalita inaaway na ako ng asawa ko. Nakakainis na yung pakikielam nya sa anak ko na akala mo siya ang nag luwal kaya kailangan siya ang masusunod. Naiiyak talaga ako sa sobrang sama ng loob ko lalo pa ngayon na nandito siya kasama namin sa bahay. Umuwi siya for vacation. 2months siya dito. Naiistress talaga ako sister! Minsan gusto ko ng iflush sa toilet ang sarili ko para lang makaiwas sa monster in law ko na to.

Purple_Power

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #593 on: September 08, 2016, 02:33:26 am »
^Kabaligtaran naman yung sa akin, ako naman nakikipag-away kay hubby dahil sa Nanay niya at Lola niya. Ayaw na ni hubby pag-usapan namin kasi nga nagiging away na naman. Pumayag si hubby sa gusto ko na makalayo sa Lola niya and yet ang huwag makipagkita sa Nanay niya kapag andito na sa Manila on October. Siya lang at ang anak ko ang makikipagkita sa Nanay ni hubby but not me. Alam ni hubby na I have no space on my heart para walanghiyain rin ako ng Nanay niya bukod pa sa ginawa ng Lola niya. I also gave warning to my hubby na ayaw kong pinapakialaman ako ng Lola at Nanay niya.

Parang gusto kong itanong yang hubby mo kung bakit ka pa niya inasawa kung magiging sunud sunuran lang sa Nanay niya. Meaning to say magkasama na ba kayo personally ng MIL mo? Paano ka nga ba magpakain sa LO mo? if I were you wag ka magpaapekto ituloy mo lang saka huwag mong sundin lalo na kung sayo yung tama. Alam mo kung ano naging mentality ko after that Lola incident? Talagang sinabi ko na hindi ako nag-asawa para maging hawak sa leeg ng magulang ng asawa ko o biyenan ko, kung gusto nila akong maging sunud sunuran sa kanila then they have to pay me and I have to charge them. Ano ako empleyado nila? Hindi ako nag-asawa para maging boss ko ang magulang ng asawa ko.

Another option here that you can do, huwag mong ipakita ang facial expression na kaya nila ikaw kontrolin kasi the more they will notice it then they will eat you alive. Assert it to your hubby na hindi ka pwedeng maging sunud sunuran lang nila.

lovebelle

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #594 on: September 10, 2016, 08:42:19 pm »
^Sana ganyan din kalakas ang loob ko sis. Ako kasi iyak na lang pag di na kaya naglalabas ako ng sama ng loob ko sa relatives ko. In laws palagi nasusunod pati pag alis namin ni hubby kailangan magpaalam pa kami sa kanila kasi iiwan si baby pero pabor naman sa kanila yun dahil palagi din naman nila hinihiram si baby ayaw lang kami payagan umalis lagi. Wala na ngang date, walang cuddle walang sex sunod sunuran sa parents kawalang gana na talaga. Hay

SaffiyahEnglish

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #595 on: September 11, 2016, 04:06:32 pm »
I'm only 20 pero sa tingin ko mas maganda kung bubukod kayo. Dame ko kasing nababasa sa thread na toh na ang Monster in Law ang nagiging reyna at hindi si wifey. Yes, mas makakatipid kayo dahil hindi na siguro kayo magbabayad ng rent every month pero kapalit naman nun ay sakit sa ulo ng mga in laws na kelangang mong pakisamahan kasi pamilya ni SO. I think hindi naman talaga maiiwasan ang mga conflicts at lalabas at lalabas talaga ang mga ugali.

Purple_Power

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #596 on: September 29, 2016, 09:49:36 pm »
^Hindi naman kasi lahat regarding sa financial reasons like wala pang enough budget for the rent meron talagang iba na hindi maiwanan for some reason like may sakit yung parents at yung iba sila pa breadwinner ng family which is double responsibility or hindi lang double multiple pa. Pero best advise na magbukod talaga hangga't kaya.

By the way lipat na tayo sa panibagong thread here

http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,294695.0.html

monopoly19

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #597 on: December 13, 2016, 05:58:43 pm »
NOPE. Feeling ko mabobobo ako pag tumira sa kanila.

Purple_Power

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #598 on: December 13, 2016, 06:22:09 pm »
Hi you can post that to thread 2. Just click the link above you.

thanks

yannuh

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #599 on: December 14, 2016, 07:06:08 am »
reply ulit ako. kahit mabait ang in-laws ko, hindi pa din ako comfy living with them and i know si hubby din naman ganun sa parents ko. iba pa din kasi pag me sarili kayong bahay, nagagawa nyo kung ano gusto nyo and no need to control your emotions. syempre kapag may ibang tao sa house then uunahin mo yung makibagay and manahimik lang.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close