Author Topic: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?  (Read 92484 times)

crzysxycl

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #320 on: November 07, 2014, 11:03:05 am »
^^selos at inggit, tsk. ang taong naiinggit, walang ilalabas na maganda yan sa bibig. naku, katakot naman yung kwento mo sis. at kawawa naman yung guy, nabaliw dahil sa kagagawan ng magulang nya. sana ma counter mo yung ginagawang pang bbrain wash ng MIL mo sa hubby mo. sabi sa isang study, one of the reasons daw kung bakit naghihiwalay ang mag-asawa is because of in-laws. wag nating hayaan mga in-laws na yan sirain ang marriage natin.

princessyuri

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #321 on: November 11, 2014, 02:58:07 pm »
^tama sis, ang daming ganyang cases.. am trying na kahit paano sabihin kay hubby na sana naman hindi puro mom niya pinakikinggan at pinaniniwalaan niya, pero ayaw niya ng ganoon eh.. nakikita ko sa expression ng face niya hindi siya natutuwa kapag ganoon na ang topic ko so hindi ko na tinutuloy.


j.adore

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #323 on: November 11, 2014, 10:48:27 pm »
Such a good read! I can definitely attest to it.

crzysxycl

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #324 on: November 12, 2014, 12:12:45 am »
^^^i see. sana marealize din ni hubby mo na di lang si MIL ang dapat nga pakinggan at intindihin.

simplengbitchy

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #325 on: November 13, 2014, 05:13:24 pm »
oh, definitely not.. no, no, no, a million times no..

she is kind, yes.. but she annoys me too much, and i don't know why.. plus, she's not maayos sa bahay.. super opposite.. so, no, no, no...

prettyysa

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #326 on: November 14, 2014, 04:08:42 pm »
It's a big NO.. No matter how close you are to them, it's different when you are trying to build your own family. Maraming bagay na hindi issue sa inyo when bf/gf pa lang kayo ng anak/kapatid nila but when you live with each other, dun niyo na malalaman yung mga bagay na posibleng hindi niyo mapagkasunduan.

It's a great feeling for a woman when you can decide what curtains you will use or what decors you will put in your house. If you're gonna live with them, you wont be able to decide freely (not just about the decorations ha :) ), you always have to consider what they have to say.

meledeey

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #327 on: November 22, 2014, 04:52:44 am »
Big NO for me! It is one of our major decision to move in together without any in-laws para fair for both of us and para we can move freely. :)

BDJ

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #328 on: November 23, 2014, 05:11:51 am »
It's a great feeling for a woman when you can decide what curtains you will use or what decors you will put in your house. If you're gonna live with them, you wont be able to decide freely (not just about the decorations ha :) ), you always have to consider what they have to say.

Very exactly the point tapos ang lalabas pa ikaw mismo nakikitira ka lang. I've seen so many horrible things na I can't even imagine ang tolerate it lalo na sa proper hygiene ng mga gamit. Tapos damay pa gamit mo. Minsan nga pinaghahalo niya yung flavors ng mga powders eh! tapos kapag sinita mo ang laki agad ng galit. There are too many things to consider.

Nung minsan nagreklamo ang in law ko that I lack courtesy. Ang lakas ng loob niyang bastusin ako sa harap ng ibang tao tapos ngayon nagrereklamo siya na hindi ko man lang kinakausap ang ibang tao. Kasi ako ang conviction ko is kapag kinausap ko yung taong kakilala niya at pinahiya niya ako then I will not talk to them anymore kasi andun na yung instinct mo na she will do it again.

Angelite

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #329 on: November 23, 2014, 09:39:48 am »
To avoid issues, nope. They are very nice pero ayokong isugal yung good relationship with them. Buti na yung padalaw dalaw lang.

X_03

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #330 on: November 23, 2014, 07:26:17 pm »
no...and happy that my parents helped and supported us to have our own place before our wedding. so from the very beginning palang bahay bahayan na kami ni hubby.

princessyuri

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #331 on: November 24, 2014, 03:54:50 pm »
Very exactly the point tapos ang lalabas pa ikaw mismo nakikitira ka lang. I've seen so many horrible things na I can't even imagine ang tolerate it lalo na sa proper hygiene ng mga gamit. Tapos damay pa gamit mo. Minsan nga pinaghahalo niya yung flavors ng mga powders eh! tapos kapag sinita mo ang laki agad ng galit. There are too many things to consider.

Nung minsan nagreklamo ang in law ko that I lack courtesy. Ang lakas ng loob niyang bastusin ako sa harap ng ibang tao tapos ngayon nagrereklamo siya na hindi ko man lang kinakausap ang ibang tao. Kasi ako ang conviction ko is kapag kinausap ko yung taong kakilala niya at pinahiya niya ako then I will not talk to them anymore kasi andun na yung instinct mo na she will do it again.

Same experience sis. Ako naman, napuna ko lang iyong cover ng sofa nila, kay hubby ko sinabi tapos sinabi yata sa mom niya tapos nakarating sa dad niya. Kumakain kami that time sa labas, tapos [textspeak!] asked me, ilang cross daw bang alam ko tapos iniisa isa niya sa akin lahat. Nagulat lang ako kasi sobrang sarcastic ng pagkakasabi niya tapos sabi sa akin, marami pa daw akong hindi alam. Tapos pilit ako tinatanong if alam ko daw ba iyong ganito at ganon. Alam mo sis, ayoko talaga sa lahat iyong ginaganon ako. Hindi ako nag angat ng tingin ko, sabi ko na lang BAKIT HO BA? Ang gusto ko sana diretsahin niya ako na ang ikinagagalit niya ay iyong pagpuna ko sa cover ng sofa hindi iyong kung ano anong sinasabi niya.

BDJ

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #332 on: November 27, 2014, 08:54:26 pm »
Kahit nakikitira ka o maid pa ang pinasok sa isang bahay meron at merong pa rin mapupuna na hindi mo magugustuhan. Kahit nga parents ko napansin nila yung kanin matigas. Granny in law ko malakas mag project na perfectionist siya in terms of cleanliness tapos lakas pang mandikta na dapat ganito o ganun ang paglinis. Tapos binara pa hubby ko na nakakatakot pa kayong baboy whereas hindi ko masabi na mas di hamak na nakakatakot mga kababuyan niya. Like yung basong iniihian niya nilalagay niya sa mesa minsan sa tabi pa ng pagkain. Hindi ko malaman kung bakit ang hilig niyang maglagay ng toiletries sa mismong dining table whereas kung perfectionist ka isa yun sa dapat kinoconsider kung ano ang proper na dapat nakalagay lang sa mesa. Yung basahan na pang apakan sinasampay sa door knob. Yung lababo ang panghe na. Yung mga holder na binili ko hindi ko malaman kung bakit parating basa tapos madidiscover ko na lang nasa sahig na. Yung baby ko kapag pinapainom ng vitamins parati na lang nagkakaroon ng mantsa yung damit niya eh kakaligo lang niya. Yung isang piece ng mittens nakita ko na lang sa sahig sa tabi pa ng baygon.  >:( Hay nako talagang binabad ko yung in 3 days by sterilizing it sa alcohol tapos nung sumunod detergent. Yung walis ting ting ginagawang pampatay ng langaw tapos ginagawa pa sa mesa then minsan nilalapag pa sa sofa. Tapos dahil nag alaga siya ng pusa yung mga tirang pagkain kung saan saan na lang niya nilalagay. Dahil rin naman sa kanya kung bakit madumi ang bahay eh!

friendlyneighbor

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #333 on: November 28, 2014, 09:35:00 pm »
Nag attend kami ni hubby ng seminar ng ccf yung before and after I do.. isa sa mga topic is yung leave and cleave. MATTHEW 19:5 Man should leave his mother and father, and cleave to his wife.

Kami ni hubby, we live in their old house dito manila kasi nasa baguio na parents nya. Kaming 2 lang nakatira pero we bought our own house kasi we want to achieve din yung na achieve ng parents nya na makapondar ng sarili namin properties. Namoblema tuloy mga inlaws ko kung sino titira kung aalis na kami.. hahaha

erza0916

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #334 on: November 30, 2014, 03:14:30 am »
Yes. Ok lang sakin na kasama si MIL. Dalawa lang hubby ko and brother nya. Si BIL eh busy sa work and sa malayo nakatira. I don't think I'd have a problem if ever we'd live together. Si MIL ay super nice and hindi pakielamera. Sanay sya magisa kaya may sarili syang pagkakaabalahan. Minsan nga over na sa pgiging passive. Plus bossing si hubby sa bahay nila noon pa. MIL ko pa takot sa kanya. Hilig kasi ni MIL gumimik at magparty eh. Bagets. Haha nagagalit tuloy sa kanya anak nya. I guess yun lang ayaw ko sa kanya. Mahilig sya magparty and uminom. I told her na sana pagdating ng apo nya istop na nya yung ganung habit. Umoo naman sya. Pero kung may chance syempre gusto ko magsarili parin kami

barbillie

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #335 on: December 10, 2014, 04:08:42 pm »
Wala naman akong negative comment re ILs. Duringthe first year of our marriage, we lived in my IL's house since we were saving up for our church wedding. Wala naman akong narinig na negative or anything pero nahirapan ako lalo na nung first few months.

Una, I am a working wife, so pagdating ng bahay there are moments na I just wanted to bum, mahiga lang sa bed, magpakatamad at manood ng tv (which I can do if we will have our own house). Sa IL's house, syempre dahil nakikisama ka, kelangan magkusa na tumulong sa household chores and all.
Hindi ka pwede magreklamo sa food, lalo na kung hindi ikaw ang nagluluto.

Second, hindi ko magawang ilabas ng todo ang galit ko pag nag-aaway kami ng husband ko. Ayoko din naman ipaalam na paminsan-minsan may mga away kami. Hindi kasi ako sanay na nakikialam ang ibang tao. Mas gusto kami lang magreresolve ng issues namin ni husband.

Petty things pero for me, these things matters. Yung freedom na you have is limited.

So definitely, my husband and I will be getting our own place. If not now, soon. :)

purple.strawberry

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #336 on: December 10, 2014, 06:08:20 pm »
Not yet married pero parang ayoko. Yung mom ko nakikipagcompete sa SIL ko for influence over my SIL and brother's toddler. Considering na di naman talaga nakatira sa house namin ha, but they live next door kasi so madalas sa parents ko pinapaalaga yung bata. Naaawa ako sa SIL ko kasi ramdam ko that my mom doesn't like her.

Mas ok siguro totally hiwalay para walang problema.

mabhie_036

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #337 on: December 10, 2014, 07:24:54 pm »
No! i'm not yet married pero nO talaga!may business kami ng bf ko malapit sa house nila,and my soon to be MIL also has business katabi lang namin,my times na need ko to sleep over sa kanila kasi super late na kami nakaka pagclose and maaga kami nag o open.ngayon pa lang, nakikita ko na and nararamdaman ko na mahirap, :o kahit na sabihin mo na business namin 2 yun ng bf ko,hindi maiwasan na makarinig ka ng something from your IL,mahirap kumilos,kahit na gusto mo gawin mo yung diskarte niyo sa negosyo di niyo magawa kase nahihiya ka sa IL mo na baka sabihin di namin sila sinusunod :( :( kahit mabait namin ang IL ko,very supportive sa min,mas masarap pa din i enjoy ang married life ng kayong 2 lang tipong wala kang iniisip na may nakamata sayo sa mga ginagawa mo..mas feel mo yung pagiging husband and wife  ;D :D ay naku.. pag nangyari na matira kami sa IL ko,babalik na lang ako dito sa bahay namin! hahahah... :D :D

redsh0es

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #338 on: December 12, 2014, 03:46:20 pm »
Nope :) si in-law and parents ko nagsabi, "a castle cannot have 2 queens"

BDJ

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #339 on: December 15, 2014, 10:41:13 pm »
Una, I am a working wife, so pagdating ng bahay there are moments na I just wanted to bum, mahiga lang sa bed, magpakatamad at manood ng tv (which I can do if we will have our own house). Sa IL's house, syempre dahil nakikisama ka, kelangan magkusa na tumulong sa household chores and all.
Hindi ka pwede magreklamo sa food, lalo na kung hindi ikaw ang nagluluto.

Second, hindi ko magawang ilabas ng todo ang galit ko pag nag-aaway kami ng husband ko. Ayoko din naman ipaalam na paminsan-minsan may mga away kami. Hindi kasi ako sanay na nakikialam ang ibang tao. Mas gusto kami lang magreresolve ng issues namin ni husband.

Petty things pero for me, these things matters. Yung freedom na you have is limited.

So definitely, my husband and I will be getting our own place. If not now, soon. :)


Exactly the point may mga nakakabadtrip pa rin at hindi mo magagawa basta basta dahil nasa in law ko dahil ang second thought mo is how are they going to react. Yes maliit na bagay pero something to deal pa rin. Masaklap yung sa away na hindi naman maiiwasan ang part ng buhay yung may isa ka pang iisipin na merong makikialam.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close