Author Topic: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?  (Read 92295 times)

crzysxycl

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #220 on: May 23, 2014, 12:10:41 pm »
^bilib ako sayo sis. :) mabuti ka pa kasi pag uwi mo tulog na in-laws mo, eh ako late na matulog MIL ko, kaya ako ang napupuyat, lol! minsan talaga sobrang hirap lalo pag tinatrato ako ng hindi maganda, hirap na hirap ako makipagplastikan. ilang weeks ko rin hindi kinibo biyenan ko kasi hindi ko kayang kausapin sya at magpakita ng maganda. wala rin naman akong sasabihin sa kanya kaya might as well wag nalang ako umimik, dedma lang. pero recently parang nag reach out na sila, no choice sila kasi may kailangan sila sa akin eh. ako naman pag nauna sila, hindi ko naman sila babastusin, kakausapin ko naman ng maayos kaya medyo ok na rin. hindi lang talaga maiiwasan minsan yung pagiging kontrabida nya at ng mga SILs ko. basta ang iniisip ko nalang, hindi naman siguro ako forever dito.. sana. ;D

margeL

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #221 on: May 27, 2014, 03:21:12 pm »
Naalala ko ang thread na to after pumutok ng issue kay Maegan Aguilar.

Ganitong ganito na scenario ang mangyayari sa mga anak na may pamilya na pero nakatira parin sa bahay ng magulang nila. Hindi na natuto tumayo sa sariling paa. etong kay Maegan tatay na niya to ah. kapag in-laws asahan mo mas malupit pa diyan ang problem. mga anak na nagsipag asawa pero gusto buhay kumportable parin sa piling ng magulang.

i agree with you sis. it's ideal to move out lalo na kung may sarili nang pamilya. unfortunately for many, either by choice or by chance, hindi makaalis ng bahay ng magulang. at yun ang madalas na pinagsisimulan ng problema.

BDJ

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #222 on: May 27, 2014, 03:33:45 pm »
I think naging effective ang reklamo ko sa hubby ko. Or baka naramdaman nitong in law ko na nag-aaway kami minsan because of her. Tumahimik na rin ang in law ko. Sinasabihan ko kasi hubby ko na uuwi talaga ako kapag nagbunganga sa akin ang in law. Matindi yata kasi naging pakiusap ng hubby ko. Nagbago na rin kasi sistema, like kung mainit ang ulo niya ang napagbabalingan naman niya hubby ko. O narealize rin ng in law ang laki rin ng share ko sa bahay. Actually kalahati ng sweldo ko napupunta lang rito sa bahay dahil sa bills and food. Hindi na siya naging manipulative unlike before. Although I still have to admit na hindi pa rin ako ganun ka comfortable living with in law.

gwyne21

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #223 on: May 28, 2014, 01:52:14 pm »
Isa ito sa advise sa akin ng mama ko, upon marriage, kahit maliit na apartment, better pa rin na magsolo kayo kesa makitira with in-laws. So sa case namin, ginawa namin ito ni hubby.. so far, okay naman kami pero syempre nung umpisa malaki ang gastos dahil sa pagbili ng furniture, appliances, gamit sa apartment...etc

sazleang

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #224 on: May 31, 2014, 11:34:30 am »
For me, it will not be a good idea. To maintain good relationship with your in laws, mas maganda na you will not stay in one house. May mahahanap at mahahanap na flaws sa atin dahil iba syempre nagpalaki satin. So don't expect na they can accept everything about you. Another thing is... Walang privacy. My father in law keeps on asking my hubby to look for a bigger house para sama sama na kami.. My answer will always be a "No!" - just stating my opinion po :)

diann28

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #225 on: May 31, 2014, 12:06:28 pm »
Mas maganda bumukod nalang. Kaya nga nag asawa para bumuo ng pamilya. Mahirap makisama. Kasi kahit gano kabait ang isa tao may masasabi at may makikita pa din pangit sakanya. Kung kayo nga mag asawa nag kakaron ng topak paminsan minsan. Pano pa kaya pag inlaws na. Sabi nga ng fren ko. Di pwede mag sama ang dalawa reyna/hari sa iisa palasyo.

simang

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #226 on: May 31, 2014, 02:46:47 pm »
Sabi nga nila, familiarity breeds contempt.

nicoletta

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #227 on: June 02, 2014, 01:43:15 am »
I would rather not, I'm not good with sip sip.  They won't like me lang talaga :D

bonita111809

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #228 on: June 02, 2014, 02:34:13 am »
it depends. para saken okay lang naman. my mom-in-law is super cool. she stays with us every once in a while but ang kasama nya talaga sa bahay is yung isang anak nya. may mga nasasabi sya sa isang daughter-in-law nya pero hindi naman siya yung tipong ipapahiya or iinsultuhin yung manugang nya. she's a compassionate woman. I wouldn't mind living with her and taking care of her when she gets old.  :)

pero pag ang mom-in-law mo ayaw sayo simula't sapul, naku wag na wag kang titira dun. every day of your life will be a living hell, like what some of my girlfriends would say. kahit pakitaan mo ng maganda, masama ka parin.  :o

BDJ

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #229 on: June 02, 2014, 11:20:17 am »
^Sobrang totoo yan, kapag ayaw sayo forever na yan, I mean there is no sense na pakitaan mo ng maganda. It is also true na you are already living in hell ang magiging tingin pa sayo alila ng bahay. Meron pa ngang cases na dahil lang sa in law nakipaghiwalay pa yung asawa eh! imagine that?  :o How others can ruin your marriage life. Kasi kadalasan nito mag-aaway pa kayo ng asawa mo dahil sa in law.

Ako kamuntikan ko nang ma-feel yang living in hellish life with in law. Biruin mo kasama ko siya 24 hours a day mas nakakasama ko pa siya compare to my husband, kasi nga homebased ako. Yung tipong bawat kilos o galaw mo puputakan niya agad. Tapos ang dami dami niyang nirereklamo sa hubby ko about me nung mga unang araw na tumira ako rito, basta marami akong tiniis. Like nung minsan siempre nagising ako ng madaling araw para lang mag CR she is expecting me agad na linisin ang kalat sa bahay eh antok na antok ako nun. Ang dami niyang expectations sa lahat ng tao kasi kay sa anak niya, apo at sa mapapangasawa ng apo niya.

Buti na lang I talked to my hubby. Frustrating part pa run is malaki ang nasheshare ko na galing sa sahod ko tapos gaganyanin ka lang. Eh kung sa bahay ko na lang iniisip ko na lang yung ipon ko sa panganak.

Good thing for now kahit papaano nakakakilos na ako ng maayos saka may nagagawa na ako na gusto ko. Kinausap na siya ng hubby ko then of course it would be really easy for me to go home. Putakera pa rin siya pero hindi sa akin kundi sa hubby ko naman and other people here around lalo na sa anak niya na tito ng hubby ko. Tapos yung share ko napakiusapan ko pa na bawasan dahil sa gamit ng bata.

There are lots of conflicts too when you are living with in laws kasi kahit ikaw may mapupuna ka rin na you are not agree with it kahit sa maliit na bagay lang pero may impact na sayo. Example of course yung mga gamit sa bahay or any other situations.

bonita111809

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #230 on: June 02, 2014, 01:17:14 pm »

sis, your situation is very similar to my cousin's. kaibahan lang nun is hindi pa sila kasal. so my cousin was so brave to leave the house at dun sya tumira sa dad nya. they have a child 2 months old pa lang. ang maganda kase nanindigan sayo ang asawa mo, ganun din yung live in partner ng cousin ko. kinausap nya yung mom nya. hindi kelangan mamili ng lalake between his family and his wife. he just need to set his priorities kase may sarili na syang pamilya. ang plano ngayon ng cousin ko at ng live in partner nya is kumuha ng sariling bahay para makabukod sila. yan talaga ang maiging gawin kapag hindi ma-control ang mga in-laws na pakealamera/pakealamero. :D

twix

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #231 on: June 19, 2014, 10:42:56 am »
Mas maganda bumukod nalang. Kaya nga nag asawa para bumuo ng pamilya. Mahirap makisama. Kasi kahit gano kabait ang isa tao may masasabi at may makikita pa din pangit sakanya. Kung kayo nga mag asawa nag kakaron ng topak paminsan minsan. Pano pa kaya pag inlaws na. Sabi nga ng fren ko. Di pwede mag sama ang dalawa reyna/hari sa iisa palasyo.
korek! pero ako  kami dito pa rin, ang pagkakaiba lang natin lahat ang sitwasyon natin sa mga taong nakapaligid.

hakunamatata

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #232 on: June 19, 2014, 11:40:21 am »
i agree to that isa lang ang hari at reyna sa isang palasyo. Mahirap makisama lalo na kung magkaiba kayo ng culture. As for me gusto ko may personal space ako makakagalaw ako ng akin lang walang iniisip kung ano at sino ang masasaktan.

BDJ

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #233 on: June 19, 2014, 01:50:19 pm »
Another disadvantage of that hindi ka basta basta makakadesisyon sa arrangement ng house and everything kailangan may permiso parati. Sinabi ko na ito sa hubby ko na parang akong pumasok sa kumpanya na may boss na sinusunod. Saka kahit sa small details pero importante may mapupuna rin sayo at ikaw rin meron rin. It just so sad na until now I have no choice pero magtiis na lang. I am not really comfortable with in law.

mybell1735

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #234 on: June 20, 2014, 10:47:30 pm »
NO...ako kasi wala na inlaws,mga kapatid naman ni hubby me sarili naring mga buhay at bahay..Yung minsan nga na pag pasyal ng kuya ni hubby para dalawin ang pamangkin mag overnight lang sya dito sa amin na stress nako makasama ko pa kaya sa bahay lalo na kung parents nila. Mahirap makisama,mas ok me sariling bahay kahit maliit atleast wala kang kailangan pakisamahan magagawa mo gusto mo at ikaw lang ang reyna.

ankyneMD

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #235 on: June 28, 2014, 12:41:06 pm »
NO...ako kasi wala na inlaws,mga kapatid naman ni hubby me sarili naring mga buhay at bahay..Yung minsan nga na pag pasyal ng kuya ni hubby para dalawin ang pamangkin mag overnight lang sya dito sa amin na stress nako makasama ko pa kaya sa bahay lalo na kung parents nila. Mahirap makisama,mas ok me sariling bahay kahit maliit atleast wala kang kailangan pakisamahan magagawa mo gusto mo at ikaw lang ang reyna.
correct!!! mas masarap kumilos nang walang pinakikisamahan. ke gumising ng tanghali, ke hindi ka kagad magligpit, ke once a day ka lang maghugas ng pinggan, wala kang kakaasiwaan kasi ikaw ang nagpapatakbo ng bahay.

BDJ

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #236 on: June 28, 2014, 02:15:52 pm »
^Ito lang naman masasabi ko dyan. Kung sa palagay mo maayos naman kayo ng magiging future in law mo at mapapakisamahan mo ang environment niya then why not giving a chance? Lalo na kung okay naman kayo at comfortable ka sa ugali niya. Ano na ba ang condition ng future in law mo? May sakit ba siya? As in hindi na ba niya kaya na mag-isa?

Honestly tama lang naman ang maging objective mo na ayaw mong may kahati at may mga bagay na we need to be selfish. We are already in the right age and matured enough to live on our own which is dapat tanggapin rin yan ng mismong magulang na ganun talaga ang buhay. Dumaan rin sila dyan kaya dapat alam nila yan.

simang

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #237 on: June 28, 2014, 04:56:33 pm »
^^yun ang mahirap sa culture natin.. The children sort of feels obligated to take care of the parents eventually. Of course wala namang masama doon, pero if i have a choice di ko pa din bet lalo na if im building my own family already.

Napansin ko din kase to sa family namin. Lumaki ako may sarili kaming bahay, nung una malapit lang sya sa house ng lola ko (mom side), then eventually lumipat kami mas malayo ng konti. Everytime na babalik kame sa house ng lola to visit her, i was always excited na makita sya. Dadalhan namin sya ng food, or magluluto sya for us. Eventually my lola had to leave her house and live with us. Highschool na ko nun. Siguro part na din of growing up and being medyo rebellious, i started not liking my lola since nung nakatira na sya sa amin. Nakukulitan na ko sa kanya everytime kakausapin nya ko which ends up nasisigawan ko sya minsan. Tas sometimes i ignore her na lang kesa mainis pa ko pag kinausap ko sya. She's 78 and could barely walk, pero ang hilig pa din nya tumakas sa bahay para bisitahin yung old house nya. Nagkocommute sya mag isa kaya lagi namin sya napapagsabihan. Yun madalas ang pagawayan namin sa bahay. Thinking about it now, sabi ko sana hindi ko na lang sya nakasama sa bahay para i'll have that same excitement na umuwi sa house nya to see her especially now na matanda na sya. Para hindi ko sya napapagalitan. Para hindi nya mafeel na kami yung nagbabawal sa kanya sa mga gusto nyang gawin. What i'm saying is, hindi lang sa mag asawa ang repercussion ng living with the in laws, pati sa mga apo. Although of course it's my choice on how to treat my lola, minsan kase di ko mapigilan na pagsabihan sya. I might do it for her own safety, pero im sure my lola sometimes takes it personally. Minsan naiisip ko galit sya sa aming magkakapatid. And she may think that her grandkids na hindi nya nakakasama are the better grand kids. Syempre everything will be different had it been na hindi ko sya nakasama sa bahay.

My whole point is, as much as possible just live with your immediate family -- wife, husband, kids. Mahirap man iwan ang mga magulang natin.

sweet_cherry

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #238 on: June 28, 2014, 05:25:42 pm »
hindi. kahit hindi bongga ang kasal kahit walang reception as long as may uuwian kaming house na kami lang. :)

littlekinselle

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #239 on: June 28, 2014, 05:42:57 pm »
ayoko gusto ko  ako lang ang reyna sa bahay at rules ko ang masusunod. 

Ps. Im not married :)

Latest Stories

Load More Stories
Close