Author Topic: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?  (Read 92424 times)

damsel.in.distress

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #200 on: May 03, 2014, 12:03:44 pm »
Background lang: we already have a daughter(5years old) pero hindi pa kami nagsasama. Inantay pa kasi namin na makagraduate ako. I graduated last april 2014, so sa november na ang kasal namin.

our original plan is bumukod talaga. since ayoko talaga na tumira sa kanila kasi masungit/mailap yung mom nya. and ayoko din tumira kami sa amin.

but now, nagbago. we will be living here sa bahay namin. i'm living with our daughter, my younger brother who is 11 years old then my stepdad. ayaw kasi ng stepdad ko na lumipat kami kasi una, ayaw nya malayo sa apo nya, only girl kasi sa part nila. pangalawa, may sakit sya(nalaki yung puso nya) and pangatlo, dun din naman sya sa bahay(katabi lang namin) ng nanay nya(na may sakit din) nagsstay.

magka-vibes naman si h2b and stepdad. so ok na din sa kanya. so sana magtuloy-tuloy lang para worry and stress free. :)

simang

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #201 on: May 03, 2014, 12:12:52 pm »

I think close kayo ng Ate mo.

Sobrang close ko sa Ate ko, as in. Kaya partly masaya kase nasa bahay pa din sila so i get to see her and my pamangkin everytime, pero partly medyo awkward kase hindi ako sanay na married ang ate ako, i have to adjust a little kase andun BIL ko sa bahay. Minsan if may girl issues ako I can't talk to my ate kase her husband is there, parang ganun. Minor lang naman though and kaya ko naman magadjust. Pero i still think it's best na bumukod sila. Tsaka ang dating kase is parang wala naman balls tong BIL ko para ibahay yung mag-ina nya. But I don't know, maybe he has plans, maybe wala. So hinahayaan ko na lang.

Minsan lang talaga sinusumpong ako ng pagkaselosa ko sa mga kapatid ko, haha bunso kase ako.

uglygirl

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #202 on: May 03, 2014, 05:01:25 pm »
N-E-V-E-R

chirochan

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #203 on: May 03, 2014, 05:31:42 pm »
yes =) mabait ang mom ni hubby. so by the time na di na nya kaya magwork plan namin na dito sya tumira

super bratinella

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #204 on: May 03, 2014, 07:53:43 pm »
no for now..

frappysabz

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #205 on: May 04, 2014, 03:32:23 am »
i have tried this and my answer is no.

geekchiq

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #206 on: May 06, 2014, 03:46:16 pm »
When you and your hubby have a child na, better na nakahiwalay na. Hindi maiiwasan na makielam si MIL sa mga decisions when it comes to raising your child. And this is my no. 1 problem nowadays. She meddles on the dos and donts for my child and even up to my decision not to let my yaya wear a uniform kasi ayoko talaga. Hay! Hopefully in a year and a half, our townhouse unit would be ready for occupancy and ma-turn over na sa amin. Ako na ang Reyna!

lisse

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #207 on: May 06, 2014, 11:40:18 pm »
I asked my mom this question, since my bro is getting serious with this girl na talaga and he's of a marrying age na din (although may naipundar ng sariling house si bro etong binata pa siya). Sabi ko, mommy, will you consider living in with your DIL?

sabi ni mother: "no way! this is my house, my rules. kasehodang nasa edad na sila, nasa pamamahay ko sila, pwes, ako masusunod. if she wants nobody to encroach on her authorities as the wife of my son, then she also must not encroach upon my territory."

follow up ko, what if wala pang bahay si bro? wala silang titirhan kaya pipisan sayo?
sagot niya: "problema na nila yon, sila etong taeng-taeng mag asawa na hindi pa handa eh.

LOL, tough love si mommy ko talaga ever since!

simang

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #208 on: May 06, 2014, 11:44:45 pm »
^exactly, kaya din di mo masisi yung inlaws when they meddle sa buhay ng mag asawa pag magkakasama pa sila sa bahay eh.

And totoo naman, when you get married you're building your own family. Yung parents mo are just extension na lang. So dapat mapanindigan mo yun.

BDJ

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #209 on: May 06, 2014, 11:52:50 pm »
When you and your hubby have a child na, better na nakahiwalay na. Hindi maiiwasan na makielam si MIL sa mga decisions when it comes to raising your child. And this is my no. 1 problem nowadays. She meddles on the dos and donts for my child and even up to my decision not to let my yaya wear a uniform kasi ayoko talaga. Hay! Hopefully in a year and a half, our townhouse unit would be ready for occupancy and ma-turn over na sa amin. Ako na ang Reyna!


That is actually my worry too. Sige fine my hubby told me may mga bagay akong matututunan and we need help kasi we are first time parents. Ang akin naman kung iinsultuhin niya pagiging Nanay ko at pupunahin lang niya pagkatao ko like wala akong alam at all, how can I enjoy my motherhood? Natural mangangapa rin talaga ako as first time Mom. Mas gugustuhin ko nang Nanay ko na lang nakikialam kesa in law kung ganyan rin lang. I told my hubby talaga na kung gusto tumulong ng Lola niya tumulong na lang rather than mang insulto. Alam mo yun tipong kunwari yung anak mo papasok pa lang sa school na hindi pa marunong bumasa at sumulat iinsultuhin ba dapat agad na wala siyang alam? Natural kaya nga siya pumasok ng school para magkaroon ng kaalaman, kaya nga andyan yung teacher para gabayan yung bata. Same thing with being a parent.

Naku naman itong ngang pagiging wife pa lang meron na siyang nagawa at nasabi na wala sa hulog hindi na ako papayag pa sa pagiging magulang ko. Kapag nangyari ito talagang hindi na ako magdadalawang isip na umuwi na lang sa amin. Minsan nga eh! pinagsabihan pa ako na kapag hindi sumunod o matigas ang ulo ng bata dapat raw tirisin ko?  ??? Naku noh! I have other ways on how I am going to discipline my own child, saka tirisin? Not for me ayokong saktan basta ang anak ko tulad ng ginagawa ng iba na nagiging routine na. Marami namang paraan ng disiplina saka case to case basis naman kung kailan kailangan paluin sa kamay yung bata. Hindi ko lang pinag-iintindi pero hindi ako papayag na titirisin nitong Lola ang anak ko or else makikipag away na talaga ako at yun nga uuwi na lang rin ako.

Kanina lang ano! pati ba naman pagsampay ng panty tinuturo niya though hindi ko na lang inintindi. Naalala ko yung isang sis rito sa post niya na kahit yung pagsampay ng bra tinuturo pa.

Alam naman natin kung kailan nagiging TULONG at kung kailan nagiging PAKIALAMERA na. Dalawang magkaibang bagay yan.

I would really want to seek advise from pedia na lang on how to discipline a child in proper way yung hangga't maaari hindi mo sasaktan especially when it comes to tantrums.

sabi ni mother: "no way! this is my house, my rules. kasehodang nasa edad na sila, nasa pamamahay ko sila, pwes, ako masusunod. if she wants nobody to encroach on her authorities as the wife of my son, then she also must not encroach upon my territory."

Yan exactly ang sinabi ko sa hubby ko lately na nga lang. Although kung teritory lang pag uusapan, tama sa kanila pa rin naman yun pero nakapangalan yun sa Tatay ng hubby ko na hinahanap pa rin sa ibang bansa until now. Pwedeng ilipat sa titulo ng hubby ko yun lang pakiusap niya.

Kailan lang naging behave ang lola ni hubby, well ewan ko if that is the sign na gugustuhin na nga niyang umuwi na lang sa kanila. Problem to my hubby is wala siyang financial freedom dahil sa bahay na binabayaran niya. So karamihan talaga ng expenses sa house sa akin pa rin galing.

lovemeagain30

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #210 on: May 07, 2014, 03:17:33 pm »
I agree kung "taeng tae ka na mag asawa" at pipisan ka sa in laws mo, wala ka talaga say sa rules nila.
it's their house rules no matter what.

ganyan din ang parents ko tough love,, nung nabuntis ako ng ex ko at tinakasan niya responsabilidad sakin my parents and siblings got me my own apartment which they shared in paying the rent for couple of months lang hanggang sa makapanganak ako at nakahanap agad ng work. mula nuon ako na umako lahat ng gastos sa bahay ko, rent sa bahay at electric bills, groceries, yaya and all. lahat ako.

akala ko nuon mas madali at makakaipon ako kung dun ako titira sa bahay ng parents ko or sa mga kapatid ko,, pero kinausap ako ni Mama ko at sabi niya mas matuto ako magtipid at mag manage ng sariling family ko (though single mom ako) kapag nakabukod ako ng anak at yaya ko kasi kakayod ako talaga at hindi mag iisip na may masasandalan na kapamilya. may tendency kasi na "aasa" ako sakanila kahit may anak nako imbis na gumawa ng sariling diskarte sa buhay.

true enough! hindi ko nga lam kung san ko nakuha yung energy sa pagwowork but I swear God has been a good provider to us. siguro naisip Niya to bless us kasi nakita niya na nagsisikap din ako nuon buhayin ang sariling pamilya ko (my son and yaya). its true na nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

kaya advise ko din sa mga friends kong mag aasawa palang, give your marriage a chance talaga. bumukod at mag sarili bilang pamilya. di bale ng mag rent ng sariling place kasi matuto ka talaga mag manage sa bahay at magbudget sa gastos. sooner or later gagawin mo din yun kapag umalis ka na sa bahay ng in laws mo pag bumukod na kayo. why not do it now di ba?  nakatipid nga kayo kasi nakapisan kayo sa pamilya niyo pero naku naman ang dami mong reklamo sa buhay pagkatapos.  ;D

kaya sa bahay namin, ako ang reyna. sarap kaya ng feeling ng ganun.  8)
« Last Edit: May 07, 2014, 03:21:35 pm by lovemeagain30 »

lisse

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #211 on: May 07, 2014, 10:33:51 pm »
kaya sa bahay namin, ako ang reyna. sarap kaya ng feeling ng ganun.  8)

This! kaya di bale ng bagsak sa pagod ang katawan, at least pag-uwi mo wala ng stress, makakakilos k na ikaw na ikaw talaga. hilata kung hilata, kalat kung kalat lol! there are times na Lucky Me pancit canton lang for dinner e talo-talo na sakin. pero syempre hindi pwede pag nasa inlaws ka, whether ikaw ang toka magluto or sila. once, I was craving for pancit canton for dinner. eh nagluto si MIL. I said I want yung noodles from the Philippines. katakot-takot na interrogation na - don't I like what she cooked daw ba? can she prepare me something else? why would I need to cook something else pa daw ba eh may food na. Which is kahit anong explain gawin ko, hindi naman nila maiintindihan. Lam niyo yon?

jan888

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #212 on: May 08, 2014, 05:32:31 am »
As much as possible No!

tischarmedlife

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #213 on: May 10, 2014, 12:34:52 pm »
hell no!  :o

crzysxycl

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #214 on: May 11, 2014, 05:41:32 pm »
Never ko pinangarap na tumira sa bahay kasama ang inlaws.. pero ganun ang nangyari.  :-\ Iba talaga kapag kasal na kayo ng asawa mo, lalabas at lalabas ang kulay ng mga yan kapag araw araw na kayong nagkikita. Pumayag ako dati kasi 1) matanda na si MIL, dalawa lang sila ni hubby sa bahay kapag gabi (take note, kapag gabi lang); 2) huling nag asawa sa magkakapatid si hubby, kaya ayaw din nyang iwan si MIL mag isa kasi kawawa "daw"; 3) mabait sila sa akin NOON, nung hindi pa kami kasal ni hubby.

So now im stuck in this situation. Ilang beses na rin kami nag argue ng asawa ko, pero ayaw nya talagang umalis dito. Hindi lang MIL at SILs ko ang kontrabida dito, pati mga relatives nila kasi nasa isang compound lang kami, ang saya saya. Kaya sinasabi ko sa mga friends kong single, wag na wag na wag papayag tumira kasama ang inlaws. Mas mabuting nakabukod, hindi ka makikitaan at hahanapan ng butas. Dito kasi ultimo pagpunta ko sa banyo, paglalaba ng damit, pati panty ko pinapakialaman! 

mama7

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #215 on: May 14, 2014, 07:33:51 pm »
Hi! ako naman ayoko rin tumira kasama in-laws ko OR kahit baha namin malapit lang sa kanila,naku no way


here's my story:

taga Bulacan kasi sila in-laws,sa 5 magkakapatid,5 doon ang taga Bulacan rin,doon na nag asawa lahat at doon na nagka negosyo mga kapatid ni hubby..si hubby lang ang nakatira dito sa Pasi kasama kami ng anak ko ;) so ayun,nakabili ng bagong bahay sila MIL sa Bulacan,1 ride lang dun sa bahay nilang isa,ang gusto naman nila is doon na kami tumira sa Bulacan sa lumang bahay na iiwanan nila  ???

ayoko nga,at isa poa ayaw rin ni hubby..ito ang pros and cons:

PROS:

- malapit sa pamilya ni hubby,ayun everyday happy si asungot at makulit na MIL..reunion nga naman everyday

- pag emergency,madaling mapupuntahan kung sino may kailangan

- tulong-tulong pag binabaha??  ;D

- pwede iwanan anak namin kung sakaling may lakad?? naku ayoko nga iwan sa kanila,saka goodluck naman kung maka alis kami ng solo namin

CONS:

- laging naka bantay ang family ni hubby lalo na si MIL

-araw-araw bibisita,makikialam sa pagpapatakbo ng bahay ko which is bahay nga pala nila since sa kanila yon

- di mo ma-appreciate na bahay mo yun kasi yung gamit nila nandoon rin naman iniwan,4 sa 5 kwarto puro lumang gamit,wala ka rin lalagyan ng gamit mo

-di ka na makakalakad ng solo kasi lahat ng family nila magsisipag samahan

- masyadong maraming pamangkin s hubby,lahat maliliit,masyadong magulo,daming sawayin,mga spoiled pa lahat ayoko ng ganun

- problemado sila tuwing tag ulan kasi ang tubig don mataas since sea level sila..walang sariling parking ( one thing na pino problema nila ) at bago ka makarating ng bahay,dadaanan mo puro chismosa at chismoso sa maliit na eskinita

- sigurado lahat ng kilos mo,pati bibilhin mo sisilipin nila kaya isang malaking HINDI talaga ang sagot ko

ang kulit na nga nila..muntik ko na masabi sa kanila na problemado nga kayo sa baha,sa parking ng sasakyan,pag commute dito palabas jeep lang at tricycle ang meron,ang trabaho ng asawa ko sa Pasig,okay na kami don bakit isisksik niyo pa kami dito sa dulo ng Bulacan..oh diba? malapit ko ng sabihin sa kanila na try nila kaya lumipat sa amin,at pag ayaw nila saka ko sasabhin sa kanila na "oh diba hindi madali yung pinapagawa niyo samin"  :P

loveleah

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #216 on: May 16, 2014, 06:19:32 am »
I have been there Sis, and it did not work out for me. My MIL was the type na yung gawin mo 'to, gawin mo yan. As they say, no two Queens can live together. Laging may contradiction. And I can't move and live freely, hindi ako makakapag higa sa sala, or sleep whenever I want. So I decided to move out. Even now, if she comes to visit us, there's still this attitude of her na dapat sundin gusto niya, kawawa nga katulong eh, but it's much better this way than living with her. In here, I have the option to say no to what she demands me to do :)

ms.j

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #217 on: May 17, 2014, 07:58:29 pm »
Pa join ;)

lovemeagain30

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #218 on: May 22, 2014, 04:40:49 pm »
Naalala ko ang thread na to after pumutok ng issue kay Maegan Aguilar.

Ganitong ganito na scenario ang mangyayari sa mga anak na may pamilya na pero nakatira parin sa bahay ng magulang nila. Hindi na natuto tumayo sa sariling paa. etong kay Maegan tatay na niya to ah. kapag in-laws asahan mo mas malupit pa diyan ang problem. mga anak na nagsipag asawa pero gusto buhay kumportable parin sa piling ng magulang.

yanmae

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #219 on: May 23, 2014, 11:48:21 am »
Hello mga sisses na nakikipisan sa mga inlaws. Kagaya nyo rin ako at 2 years na po kameng nakikipisan, damang dama ko kayo pero dahil sa liit lang ng sahod namin heto nag chachaga ako pikit mata nalang although mabait naman sila sa akin pero alam nyo yung peace of mind wala ka nyan pag nakikipisan ka lang. Maipapayo ko lang sa mga matitindi na ang inlaws, tiis tiis lang mga sis, kung may nasasabing di maganda or di nyo bet pasok sa isang tenga labas sa kabila.. tapos inhale exhale, wag nyong hayaan na kayo ang ma stress sa kanila, hayaan nyong sila ang ma stress sa inyo pero dapat ilugar din ang sarili like wag din pong gagawa ng di talaga maganda or nakaka disrespect, kung may sinabi opo lang ng opo, ngiti lang ng ngiti tapos pasok sa tenga labas sa kabila wag nyo silang kontrahin kahit di nyo bet sundin payo nila. Wala kasi tayong magagawa dahil bahay nila yan, saka na tayo umapila kung tayo na mismo ang reyna ng tahanan, sa ngayon kelangan nateng magpa kumbaba. Tandaan nyo lahat ng taong may di magandang ginagawa o sinasabi sa inyo may araw din ang mga yan, lalo yung matatandang inlaws na ng aaway ng manugang or kontra bulate sa mga manugang nila, isipin nyo mauuna silang magdedetoriate ang health, jan nila marerealize yan. (sorry for the word kung mejo mean ang dating). Wag na wag lang po kayong makikipag away ng harapan or sumagot or mag disrespect sa kanila, hayaan lang naten. Pag sobra na talaga at di nyo keri, either humanap nalang tayo ng trabaho na ang pasok alis naten tulog pa sila at pag uwi eh tulog na din sila or mag alsa balutan nalang. hehe. maganda din yung may nasasabihan tayo ng inis sa kanila, yung taong pwede nateng murahin sila dahil sa sobrang pagka inis naten sa kanila haha!

Fortunately working na ako pero sila din yung employer ko (awkward lang diba hehe) yun nga lang may office talaga sila na dalawa lang kameng tumatao tapos madalas wala yung ka officemate ko or minsan may pinapalakad sa akin so parang solo ko yung office, yan jan ako nagpapakatagal tipong nag oover time ako, tapos pag uwian na text ko na si hubby na magkita kame, nag wowork din kasi sya sa business din nila pero sya sa field. pag uwi namin papahinga na rin ang mga tao, so ayun wala ng ibang iniisip pag uwi, makaka pahinga na rin ako ng payapa :P

hanggang sa ngayon hirap pa din ako, pero unti unti ko na din namang natututunan maki go with the flow, saka minsan di rin pala masamang maging plastic ng pa konti2. Try nyo mga sis baka makatulong din sa inyo. Balang araw magkakaron din tayo nga sarili naten pray lang tayo. Sensha na po ang haba. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close