Author Topic: HELP! Married for 15yrs..pero naiisip pa rin ang EX  (Read 15050 times)

kathleen17

  • Guest
HELP! Married for 15yrs..pero naiisip pa rin ang EX
« on: August 15, 2013, 10:19:38 pm »
Hello mga sis. I dont know where to post this kaya dito ko na lang nilagay. Medyo naguguluhan na kase ako hope you can give your inputs sa gumugulo sa akin.
I'm married with 2 kids na. Ok naman kami ng husband ko  we fight sometimes pero na-settle naman namin agad. For some reason mga 3 yrs ago na bigla ko na lang naalala yung ex-bf ko. Hindi ko alam kung bakit nandun yung na-miss ko sya. Tinanong ko sarili ko bakit kaya eh ok naman kami ng hubby ko. Until hinanap ko sya sa FB. First in-add ko yung sister nya at inaccept naman yung request ko. Afterwards, nakita ko na meron syang FB account. Naghesitate ako na i-message sya pero at the back of my mind na pag nakita nya ako na friend kami ng Ate nya eh magsesend sya ng message. Pero hindi. After 2 weeks nalaman ko na wala na syang account. Sa pagkakaalam ko sobrang selosa kase ng wife nya. Baka pina-deactivate na since alam mo yun meron nga naman kaming magiging communication kung sakali. One time kinumusta ko sya sa Ate. Ok naman daw. Nung second time naglakas loob na ako na hingin yung contact number nya pero sabi ni Ate paiba-iba daw ng number kaya si ex na lang ang natawag sa kanila. So ako na lang ang nagbigay ng email add ko hoping na mag-send ng message. Nung inask ko na si Ate kung nabigay nya yung email add ko hindi na sya nag reply hindi ko alam kung dahil ba wrong timing yung pagtanong ko kase halos kakamatay lang ng father nila. As Ive said 3 yrs na na hindi nawawala sa isip ko. Kung ako lang ang tatanungin ayoko ng ganitong feeling kase married na ako. I even ask God na pls alisin nyo na sya sa isip ko kase hindi ako natutuwa dahil alam nyo yun part na sya ng past ko. Gusto ko kase malaman from you sisters kung normal ba to o hindi. Tatanggapin ko lahat ng payo nyo. Para sa akin kase hindi na yata normal na maisip ko sya for 3 consecutive years. Please help naman. Salamat.   :)

Ok lang ba na sabihin ko sa Ate nya na tawagan ako? :)
-----------------------------------------------------------------------------------
Hello again mga sis! Dito na lang ako magrereply dahil I'm not allowed daw to post sa sarili kong thread. Hindi naman sa naghahabol ako...alam ko where I stand. Wala rin akong planong manira or manggulo kase alam kong hindi tama yun. Ang akin lang sana makausap ko or magkamustahan lang. At pagkatapos nun eh move on na ulit kami. Pero tama kayo mukhang gusto nya na rin nga siguro ng tahimik na buhay. Salamat sa advice nyo..see naliwanagan na ako this time. Hirap kase ng wala kang mapagsabihan kaya napilitan na ako mag post dito. Sis amethyst028 interested ako sa personal counselling. Can you give me some info about that? It would be a great help, I think something is wrong talaga. I'm also thinking of deleting na lang sa friends ko si Ate kaso nahihiya lang ako pero will do that. Mga sis salamat talaga ha...na-enlighten ako sa lahat ng nabasa ko dito. God bless you :)

Ang saya ko para akong nabunutan ng tinik :))
« Last Edit: August 16, 2013, 12:07:48 pm by kathleen17 »

princeza08

  • Guest
Re: HELP! Married for 15yrs..pero naiisip pa rin ang EX
« Reply #1 on: August 15, 2013, 10:46:18 pm »
sis, pwede malaman bakit kayo nagkahiwalay nitong x bf mo?

well i guess, normal lang minsan maalala mo yun mga x bf dahil naging bahagi sila ng buhay mo...pero yun ikaw pa ang hahanap ng way para magkaroon kayo ng communication knowing na may family na kayo pareho, i think mukhang naghahabol ka pa sa kanya sa mga actions mo, kasi concern ka pa sa kanya. or ano ba ang meron etong x bf mo na wala ang husband mo kaya ganoon ka ka eager na magkaroon pa ng contact sa kanya? do you think pag nalaman ng hubby mo ang ginagawa mo, matutuwa sya or makaktulong sa relationship nyo? or just imaginge husband mo ganon gawin sa x gf nya matutuwa ka ba? how would you feel? at pag nalaman ng wife ng x bf mo na gusto mo pa din makipag communicate sa x bf mo anong mararamdaman nya. be sensitive with the feelings of others kung makakasakit ka sis, esp. kung involve eh yun mga taong importante sa'yo esp. your husband, sya dapat ang priority mo and not your x kaya nga x kasi erase na.

chinkywinky

  • Guest
Re: HELP! Married for 15yrs..pero naiisip pa rin ang EX
« Reply #2 on: August 16, 2013, 01:22:05 am »
Reading through the lines, ayaw na makipag-communicate sayo ng ex mo. If I were you, don't push it baka pagsimulan ng problem.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: HELP! Married for 15yrs..pero naiisip pa rin ang EX
« Reply #3 on: August 16, 2013, 03:55:46 am »
Yes sis, medyo harsh pero stop it. Kasi mismong sister ni Ex BF mo eh ayaw ng gumawa ng way para magcommunicate kayo ni Ex BF. Ngayon sis, the right thing to do, focus ka sa family mo kay Hubby and Kids. Be busy, if you have work work harder. Spend more time sa family mo. Yung tipong wala ka ng time para mag isip ng ganyan.

BicuriousGm

  • Guest
Re: HELP! Married for 15yrs..pero naiisip pa rin ang EX
« Reply #4 on: August 16, 2013, 10:16:06 am »
Super AGREE with amethyst! Wag mo ng guluhin ang nanahimik na buhay ng bawat isa sa nyo. Sarap ng peaceful na buhay, focus on ur family instead. :-)

graZiousa

  • Guest
Re: HELP! Married for 15yrs..pero naiisip pa rin ang EX
« Reply #5 on: August 16, 2013, 10:50:08 am »
Oo nga naman sis, bakit naghahabol kapa. Pinapahiya mo sarili mo nyan sa ginagawa mo. Pareho na kayo may asawa, kung naiisip mo man sya ikaw mismo alam mo na hindi na tama then wag mo focus self mo sa kaiisip sa kanya. Sya nga walang pakialam... Stop mo na yan sis, SUPER HINDI TAMA.

Nhetskii

  • Guest
Re: HELP! Married for 15yrs..pero naiisip pa rin ang EX
« Reply #6 on: August 16, 2013, 11:34:54 am »
hi sis! tama sila... mabuti nga at tahimik ang buhay nyo pare pareho... wag ka nang humanap pa ng ikakagulo ng pamilya mo.. Focus on your family... lalo na sa mga kids. Maghanap ka na lang ng pag-di-divert-an ng attention mo. I suggest i delete mo na rin sa FB mo yung ate nya para di ka na din matempt na makipag communicate sa kanya. Yung ex mo, bahagi nalang sya ng past mo.. hayaan mo na lang dun... wag mo nang bitbitin sa present... Iba na yung buhay nyo ngayon.

RuChe

  • Guest
Re: HELP! Married for 15yrs..pero naiisip pa rin ang EX
« Reply #7 on: August 16, 2013, 01:54:17 pm »
Ibaon mo na sha sa limot sis. Past is past. No need to be friends with him again since kahit sabihin mong para lang makapagkumustahan kayo eh dyan nagsisimula ang lahat. So better to stop anything that would possibly complicate things. Put also yourself in your ex-bf's wife's shoes. It's a bit disturbing for her on why you want to communicate with him. Same thing with your husband. Di magandang tingnan.

marose17

  • Guest
Re: HELP! Married for 15yrs..pero naiisip pa rin ang EX
« Reply #8 on: August 16, 2013, 02:55:42 pm »
Why do you want your ex to call you?  Why do you wish to open communication lines with him?  You are just courting trouble.  Forget it.  As you said, you are happily married and your ex's wife is selosa.  Why do you want to complicate your life?   

Girltalker2

  • Guest
Re: HELP! Married for 15yrs..pero naiisip pa rin ang EX
« Reply #9 on: August 16, 2013, 05:50:49 pm »

Pag di mo asawa, ang dami mong naiisip na what-ifs.

I bet kung nakatuluyan mo ang ex mo, malamang ang iniisip mo naman yung asawa mo ngayon. hay buhay.

aquacharly

  • Guest
Re: HELP! Married for 15yrs..pero naiisip pa rin ang EX
« Reply #10 on: August 16, 2013, 06:17:43 pm »
You match what 's in your thoughts with your actions.
When there are 2 contrary messages: the verbal vs the actions --  the real  message is in the actions.

IMO, you may not be that happy with your hubby, though you insist life with him is good.
Otherwise, why the heck insist on going back? You're not abnormal, as you may have implied -- you  just aren't being truthful with your  motives -- IMO, but then, what  do I know after all about you.
Otherwise, why go through all the trouble of trying to re-open communication lines with an obviously not interested ex?
The fact that the Ate has seen through  you, and has actually blown you off several times -- should be a wake-up call to you that people  can see your real motives, and would rather not help you start any trouble.

You cannot control how others act.
You cannot force others  (like your hubby) to love  you the way you want to be loved.
You have to widen  your understanding of love, and people -- and accept what to you may be imperfect but is worth working on and living with.
To thine own self  be true.

bub0y

  • Guest
Re: HELP! Married for 15yrs..pero naiisip pa rin ang EX
« Reply #11 on: August 17, 2013, 05:05:14 am »
pahamak talaga ang FB na yan... Family Breaker >:( maraming nang winasak na tahanan yan.

you're in your mid-late 30s, right? you should be older, wiser and stronger sa lagay na yan.
you can't stop thinking of him? then keep yourself busy! channel your energy sa two growing young adults mo. do you know who their friends are? their friends addresses? may mga nililigawan/nanliligaw na ba sa kanila? aba, ang daming dapat gawin at pagtuunan ng pansin kahit na SAHM ka.

tigilan mo na nga ang kaka-FB habang maaga pa. kung di mo kayang i-close ang account mo, refrain from using it na lang. ayaw mo mang aminin, naging stalker ka na. naging emotional cheater ka na sa hubby mo. Baaaad!  ;)



mariebiscuit

  • Guest
Re: HELP! Married for 15yrs..pero naiisip pa rin ang EX
« Reply #12 on: August 27, 2013, 09:30:00 pm »
hmmm....parang ganyan din ang tema sa husband ko,nahanap sya ng elementary classmate nya which happens to be puppy love,,she even called my husband kasi naman my tel number sa account ni hubby,,then they started chatting,,not knowing na kinukwento ni hubby lahat sa akin,the girl lives in japan,hapon ang asawa,so sa akin ok lang makipag chat si hubby and i know his password so i can even open and read messages,,pero hindi kasi ako nagbubukas ng account ni hubby,kahit pa sinasabi nya na basahin ko messages ni girl...until one time he left his phone,he called and said na i log off ko yung account nya,,thats the time na nabasa ko yung messages,,nandun sinabi nya na miss,love parin and umaasa sa asawa ko,,,,even my husband said na ako ang mahal nya,still nag memessage parin si girl,,nakakahiya sya,,,so what i did is i message her na nabasa ko messages nya ,and ako ang nahihiya sa kanya! kapal naman kasi ng face nya,,sinabi ko na lahat ay sinasabi ng asawa ko sa akin so better mahiya sya,,then she replied agad ,nagsorry sya,hindi daw nya balak sirain kaming mag asawa,but she admit na mahal nya asawa ko at hindi nawawala sa isip nya,,,so i save all the messages before i blocked her,,,para hindi na nya makita pa asawa ko sa fb,then i blocked also her number sa phone ni hubby,,,,ganyan ang manyayari sayo sis,so better tigilan mo na yan,,mabuti nga at hindi ka sinasagot ng ex mo,,mahal nya asawa nya at ayaw nya ng gulo,,ikaw ano ka? may asawa karin...mahalin at ang isipin mo nalang yang asawa mo...

lisse

  • Guest
Re: HELP! Married for 15yrs..pero naiisip pa rin ang EX
« Reply #13 on: August 27, 2013, 09:42:41 pm »
Sis TS, I think our sissies here said it all na. in the case of being FB friends with the ate and you being shy na i-delete siya, put her in your restricted list. that way, any posts/updates/activities in your and her wall will no longer appear in both your newsfeeds. pls forgive me for saying this pero it seems to me napipilitan din lang si ate niya na i-accommodate ka. unless she never received/read your message eh it is something na easily answerable by yes or no naman. either that or she just doesn't wanna be part of it. at any rate, unless you are super close with her eh you have no reason to be shy to delete her off your list or your life. she's part of your past. pero sa tingin ko wala naman tlaga kayong solid connection eh. sabi mo nga lately din lang mo siya nahanap sa FB.
just look at your family now. I don't think they are worth the thrill or kilig or whatever leftover feelings you may have to your ex.

AnJelatine

  • Guest
Re: HELP! Married for 15yrs..pero naiisip pa rin ang EX
« Reply #14 on: August 28, 2013, 11:14:01 am »
What if husband mo ang gumawa?

*Na-miss ng husband mo ang ex-girlfriend niya.
*Hinahanap ng husband mo ex-girlfriend niya sa Facebook.
*Inaalam ng husband mo contact number ng ex-girlfriend niya.
*Gusto ng husband mo magkaron ulit sila ng communication ng ex-girlfriend niya, gusto lang ng husband mo magka-usap sila at magkamustahan.
*Binigay ng husband mo yung email address niya sa kapatid ng ex-girlfriend niya and hoping na mag send sakaniya ng email.

Ano mararamdaman mo?

lovely_carrot

  • Guest
Re: HELP! Married for 15yrs..pero naiisip pa rin ang EX
« Reply #15 on: August 29, 2013, 01:34:26 pm »
Utang na loob sister, try your bestest not to ruffle feathers..

Naman, married ka na, married na din sya bakit kailangan mo pang hanapin si ex?  hindi ka ba masaya sa asawa mo? hindi mo ba naiisip yung magiging repercussions ng actions mo kung pipilitin mo pa ring makipagusap sa kanya? lumayo ka na sa tukso hanggang kaya mo pa. STOP ENTERTAINING THOUGHTS about your ex!

Easier said than done? akala mo lang yun.. try mo isipin kung anong problema ang pwedeng idulot ng pagpipilit mong hanapin at kausapin pa si ex. baka sakali magbago pananaw mo. you don't want to cause your own or his family's break up.

dropdeadgorgeous

  • Guest
Re: HELP! Married for 15yrs..pero naiisip pa rin ang EX
« Reply #16 on: August 29, 2013, 01:39:32 pm »
matuto kang makuntento sa kung anong meron ka ngayon sis. never entertain those thoughts about your ex. respeto mo naman ang asawa mo at ang commitment mo sa kanya.

sarah29

  • Guest
Re: HELP! Married for 15yrs..pero naiisip pa rin ang EX
« Reply #17 on: January 11, 2014, 02:12:23 pm »
I know this is an old post.. and I don't know if you still have this problem. Either way, I will give my input.

Sa totoo lang sis di ko alam bat nasshock ka at palagi mong naiisip ex mo.. malamang maiisip mo talaga parati yun e in-add mo sa facebook sister nya e. Inentertain mo masyado yung thought. As humans it's normal for us to miss people na naging parte ng buhay naten paminsan minsan.. pero ang hinde na normal at tama e to act on these thoughts and feelings. Katulad mo nga you went as far as to ask for his number. Eh kung sakali nga na single yung ex mo at inentertain ka? Sa tingin mo ano na kaya nangyari?

Next time sis, watch your thoughts, kase dyan nagsisimula lahat yan. Kung may mga bagay na nakakataas ng temptation, like fb on your case, then by all means run away from it and run fast.

Respect

  • Guest
Re: HELP! Married for 15yrs..pero naiisip pa rin ang EX
« Reply #18 on: January 22, 2014, 12:59:35 am »
Hi, guy here. problem ko rin yan ngayon.. 2 yrs na kaming kasal until nito lang after ng fight namin inopen ko yung fb account nya and i found out na ininvite nya ex bf nya, eh alam naman nya na mag aaway kami pag ginawa nya un and worst naka hidden pa sa timeline nya nung nag check ako sa update info.

1st bf nya un, ako second and eventually naging wife ko sya. friend ko din dati yung ex nya.

ano sa tingin nyo ladies?


gandangDImoinakala

  • Guest
Re: HELP! Married for 15yrs..pero naiisip pa rin ang EX
« Reply #19 on: January 22, 2014, 02:05:55 am »
Hi, guy here. problem ko rin yan ngayon.. 2 yrs na kaming kasal until nito lang after ng fight namin inopen ko yung fb account nya and i found out na ininvite nya ex bf nya, eh alam naman nya na mag aaway kami pag ginawa nya un and worst naka hidden pa sa timeline nya nung nag check ako sa update info.

1st bf nya un, ako second and eventually naging wife ko sya. friend ko din dati yung ex nya.

ano sa tingin nyo ladies?

For her to have the guts to find him, add him & what? chat with him is really a big deal for me. Kasi if a girl loves & respect you mas pipiliin niya ayusin kung anong gulo meron kayo BUT if the girl sees you as a liability like for example hindi mo nabibigay yun tamang needs niya mapa financially or sexually eh mapapaisip yan.

So sa panahon ngayon na maraming outlet para mag loko. Eh magbantay ka kahit itrato mo siyang princesa kung hinahanap ng dugo niya ang landi wala kang laban dyan.

Para sa mga wife naman na namiss o tipong flashback si ex normal yan, yun maisip na "what if" pero kung ako syo be silent on your feelings. Wag ka na macurious kung mahal o may feelings pa siya sayo, kasi for sure gusto ka lang tikman nun. Atitru kung mkukuha ka pa niya so kung bumigay ka, talo ka! Kahihiyan lang abot mo. Pero kung mahal ka pa rin talaga ng guy gagawa ng paraan ang tadhana hindi sa pagkakataon kundi sa tamang panahon.


Yun ay naisip ko lang naman.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close