Author Topic: How should I respond?  (Read 2674 times)

jmeangeL

  • Guest
How should I respond?
« on: August 15, 2013, 09:29:51 am »
Hindi ko maisip kung ano ang tamang Subject Title, but to sum it up, confused na talaga ako at di ko alam kung paano pa aayusin ito.

Married kami ni hubby for almost 7years at may 2 boys.  OFW sya, while I'm also working.  We're living with my mom and my brother.

Hindi simpleng byenan or kabit or masamang ugali ang problema namin.  Actually, wala kaming problema dun.  Di rin masasabi na pera ang problema namin.  Communication.  Iyan ang problem namin.  Mas mahirap bigyan ng madalian or simpleng solution.

As most families, nag-OFW sya para kumita ng malaki.  Gusto namin ng sariling bahay.  Before, gusto ko ng malaking bahay, not anymore.  Nabayaran na namin ang lupa sa isang subdivision, pero dahil sa location, hindi kami decided na tayuan ito ng bahay.  Last year, we also took a car loan dahil tapos na kaming magbayad ng lahat ng loan.

Marunong akong magbudget ng pera.  Great provider si hubby.  Bukod sa work, meron din akong maliliit na sideline para sa mga kung ano-anong gastos sa bahay at eskwela.  Wala kaming utang bukod sa car loan.  Nakakapag-out of town kami tuwing nauwi sya sa pinas.  Hindi ko kasi hilig ang magpa-party para sa ibang tao.  Mas gusto ko na gumastos para sa amin.
I'm also into investing in UITF, MF at Stocks.  Ang MF ay para sa mga kids.  Sariling pera nila iyon na nilalaan namin every month.  The UITF & Stocks are our investment for that dream house, sort of life insurance at retirement all rolled into one.

Perfect di ba?  Ang problema, wala pa kaming sariling bahay.  Mabait ang mom ko.  Walang kang maririnig or masasabi.  Hindi rin kami obligadong magbigay.  Pero syempre, nag-aabot naman ako kahit papaano.  Hindi rin pala hingi ang mga kapatid nya.  Kung humiram man, sobrang dalang at negligible na ang amount.  Perfect pa rin.

Then hubby started doing MLM.  Noong una hesitant pa sya.  Eventually nalaman nya na magaling sya sa ganoong bagay.  Saglit lang, napaka-laki na ng kinikita nya.  Gusto nya akong isali pero alam ko sa sarili ko na hindi ko forte iyon.  It became a sore spot between us.  I wanted to help in a way I can.  Kaso mali pala ang way ko.  Gusto kong ibenta ang product, dahil doon ako marunong.  Pero di pala pwedeng online.  Sabi ko di ko talaga kaya.  Sabi nya kasi di ako nakikinig.  Na ayaw ko man lamang alamin kung ano ang meron para magawa ko.  Kaso matigas ang ulo ko.  Hindi ko talaga kaya.

Tuwing napupunta dun ang usapan, nagkakaroon lang kami ng diskusyunan.  Sabi ko discussion ito kaya magsasalita rin ako.  Hindi daw ganun.  Dapat makinig lang ako.  Panay daw ang salita ko at lagi ko syang binabara.  Hindi talaga matanggap ng principle ko ang MLM nya ehh.  Tinanong ko sya kung pwede nya ba akong tanggapin na hindi ko talaga kaya? Naniniwala ako na magaling ang product nila at magaling sya sa nagawa nya.  Na merong tao na kaya talagang gawin ang MLM na iyon, pero hindi ako.  Kaya daw di kami nayaman dahil sa attitude ko. 

Complacent kasi akong tao.  Kapag may bagong bagay, alam ko na agad sa loob ko kung kaya ko yan o hindi.  Parang pag-drive lang sa EDSA.  More than 5years na akong nag-ddrive.  Manual or automatic.  Here or in the US.  Pero di mo ako mapipilit na mag-drive sa EDSA.  I would rather take the bus or the train.  Kahit pa bigyan mo ako ng pang-gas.  Kahit pa bigyan mo ako ng 1 milyon.  Tatalikod ako kasi di ko kaya.

Somehow, he still ends up asking me why I wouldn't drive there.  Same thing that he's asking me to learn about his MLM.

Gusto ko lang mag-benta.  Kung di pwede ang paraan ko, pwede wag mo na lang ako pilitin?  Kung may tanong ako, pwedeng sagutin mo na lang?  Wag mong iduldol sa akin na wala akong alam at hindi ako yayaman dahil hindi ko inalam ang gintong daan nyo sa pagyaman.

Feeling ko wala akong karapatan na tumamasa ng ginhawa dahil iyon ay galing sa MLM nya at hindi ko sya tinulungan.

Bash me please.  I don't want sympathy.  Gusto kong makita mula sa mata ng iba kung ano ang mali ko.  Paano ko ba gagawin sa sarili ko na sumunod sa kanya?

thistimearound

  • Guest
Re: How should I respond?
« Reply #1 on: August 15, 2013, 10:46:28 am »
Sis, bakit ayaw mong I-try? Kasi hindi para sayo? Kasi hindi mo kaya? Bakit hindi mo kaya? Ano ang root ng sinasabi mong hindi mo kaya?
Okay sige, ihalintulad natin yan sa driving as what you gave as an example. Ikaw na mismo ang nagsabi na 5 years ka na nagdadrive pero kahit anong mangyari, di ka magdadrive sa EDSA. Bakit? Kasi natatakot ka dahil mabibilis, masikip, maraming bus at mga drivers na abusado? Pero diba kahit naman sa ibang daan, ganoon din naman? Hindi ko maintindihan na anong meron sa EDSA na hindi mo kaya? Parang sa buhay, irerelate natin. Think of this, ang mabibilis na mga sasakyan ihalintulad mo sa mga taong madiskarte.. yun tipong kahit hindi sila matalino academically, pero marunong sila dumiskarte kung anong approach ang nababagay sa isang situation...street smart kung tawagin nila. Then yung masikip ihalintulad natin sa mga taong makitid ang utak, yung kung kahit anong sabihin mo, laging mayroon sagot at dahilan kasi ayaw nilang magpatalo.. dapat laging sila ang nasusunod. Then lastly, ihalintulad natin ang mga abusadong bus drivers sa mga taong nakakasalamuha natin na hindi natin maatim ang kaitiman ng budhi, yun tipong alam na nga nilang mali, ipinipilit parin baka makalusot, at paulit ulit nila yan gagawin kahit alam nilang mali ang mga ways nila sa buhay, basta masaya sila kahit pa may natatapakan silang ibang tao, tapos! Sila yung mga taong walang konsensiya. Ngayon, idikit natin yan sayo... doon ka ba natatakot? Kasi alam mo sa MLM, maraming ganyang tao. Pero kahit saan naman diba merong ganyan? Kahit sa opisina, kahit sa neighborhood madaming ganyan. Alam mo sia,  Ilang beses ako sumubok Sa MLM,  hanggang sa nag aaway na kami ng asawa ko kasi ako ang pilit ng pilit pumasok sa ganyan pero lagi naman ako bigo. Dumating pa sa point na tinago ko sa asawa ko na sumali ako sa MLM, nabisto nalang niya dahil nakita niya sa likod ng kotse ko yung mga products.
Alam mo sis, IMO, wala naman masama kung susubukan mo. I-try mo lang, at kapag nagawa mo, sigurado gagaan at masarap sa pakiramdam na successful ang attempt mo. Baby steps dapat. Wag mo agad pilitin na lumaki agad ang network mo, or sa madaling salita, malaki ang kinikita mo. Syempre we have to start small. Besides, nandiyan naman ang asawa mo to support you and teach you how to do it. Why dont you compromise? Sabihin mo aa asawa mo na sige youll try but if di mo nagustuhan, huwag ka na niya pilitin pa ulit. Atleast lang nageffort ka diba? Mahirap naman kasi na NO agad agad kahit di mo pa nasusubukan. Paano kung maeenjoy mo din pala as much as naeenjoy ni hubby mo? Eh di sayang pa kasi dimo nalaman at di mo pa natulungan si hubby. Another form of bonding at communication niyo din yon lalo pa at OFW siya diba?
Yun ang payo ko sis, try mo. If di ka nagsucceed at di mo nagustuhan, then quit. He should accept that. Ako nga nakailang fall, bago ko napatunayan na hindinsa akin ang MLM. Hehe!
Konting compromise and maayos na paguusap yan, solve na ang gusot niyo!
Hope I was able to help sis, goodluck!  ;)
« Last Edit: August 15, 2013, 11:26:33 am by thistimearound »

polar_bear

  • Guest
Re: How should I respond?
« Reply #2 on: August 15, 2013, 11:03:31 am »
tingin ko ang mali mo lang is binigyan mo na agad limitation ang sarili mo and you don't want to try..

pero sa tingin ko, hinde ka dapat pinipilit ng asawa mo into doing things na ayaw mo naman talaga gawin.  saka tama ka naman, MLM is not for everybody.   Hinde ba pwedeng pagbebenta na lang ang tulong na maibibigay mo sa kanya.




chicafabulosa

  • Guest
Re: How should I respond?
« Reply #3 on: August 15, 2013, 11:56:09 am »
Both of you may mali sis:


Like sis polar bear said ang mali mo is you haven't tried it yet. Give it a shot. Wag mo agad sabihin na di mo kaya kasi yun talaga ang magiging mindset mo. Take this as a challenge. Ask hubby if ever you give it a shot for a month or two and di talaga umubra, maybe he can stop forcing you to do that and just stick to selling. MLM is mot for everybody.

Sa hubby mo naman, dapat he isnt forcing you to do things you dont like. Maybe he can learn to meet you halfway. Make a compromise. You will have to explain to him na he cant just force you to do things you dont like to do. But for the sake of keeping the peace, maybe you can give it a shot. But if it didnt work, he should stop.

Hope it helps. :)

Myealexis21

  • Guest
Re: How should I respond?
« Reply #4 on: August 15, 2013, 12:37:59 pm »
Medyo naiintindihan kita sa punto na kilala mo ang sarili mo - alam yung mga kaya mong gawin at limitations mo.  Ganyan din kase ako.

Pero minsan Sis mabibigla ka na lang na you can actually do things you thought you can't do.  Tingin ko your hubby sees a potential in you to sell that product (actually di ko alam yan MLM masyado akong huli, paki-PM na lang Sis).

Tama sabi ni Sis Chicafabulosa, compromise ... give it a shot... but when you do umeffort ka talaga ha, yung tipong makikita ng hubby mo ginawa mo yung best mo and not just for the sake na masabing ginawa mo (i hope you get what I mean).

And kapag nagusap kayo about this, try to have a glass of water beside you.  Kapag nagsasalita na sya uminom ka at keep that water inside your mouth to prevent you from cutting him from what he is saying.  (I do this) Listen to him para naman kapag time na na ikaw ang mag-explain he will also listen to you. 

angeleigh

  • Guest
Re: How should I respond?
« Reply #5 on: August 15, 2013, 01:03:52 pm »
Para sakin, hindi tama na pilitin ako ng isang tao (kahit sino man yan) sa ayaw kong gawin. But before it goes to that, I will try na muna. Then I will decide if i want it or not.
You can try naman sis (pwede rin na you try --and maybe fail because u dont like it --at least u made your point). TRY to at least appease him. Ang mali niya lang is parang kinocontrol ka niya sa gusto mo sa buhay mo.

jmeangeL

  • Guest
Re: How should I respond?
« Reply #6 on: August 16, 2013, 11:33:34 am »
hubby eased off my case and toned his voice, after nya makita na i really broke down and retreated away from him

stubborn ako... mas lalo mo akong pilitin, lalo akong hindi mapapasunod... i have little interest in his business and would like to learn and see it my way. to discover it at my leisure.  dati i told him that i'll try to be curious about it.  that he should be patient with me because i have my doubts and fears.

i don't face my fears.  i just circumvent from it.  instead of fighting, i try to make a way that's easier and acceptable to me

sinabi nya rin na hindi naman ako kaylangan mag-recruit or mag-invite, since mataas na sya na level.  he just needs me to support and continue to be curious about the business.  gusto nya akong sumali to attend only the seminars and trainings being held by the company cause he's planning to put up a biz center in our area

nakahinga ako after nyang sabihin ang mga bagay na iyon... but goodness, did he have to alienate me first and make me feel as though i'm lacking?

@thistimearound, the driving in EDSA is a phobia for me.  i know i will die if i drive there... as with any phobia, instead of facing it, it's easier to not put myself in a situation where i have to face it

thistimearound

  • Guest
Re: How should I respond?
« Reply #7 on: August 16, 2013, 12:24:20 pm »
Lucky you sis! Atleast, okay na kayo! Ü makakahinga ka na ng maluwag ü

aquacharly

  • Guest
Re: How should I respond?
« Reply #8 on: August 16, 2013, 06:25:52 pm »
Fear of Failure.
You haven't tried, you predict you will fail -- so you just won't try.

Would you like your kids to pick that  up from you?
Therein lies your motivation to change your frame of mind. 
You have to be open-minded & try -- to be a good example to your kids.


glamorosa_09

  • Guest
Re: How should I respond?
« Reply #9 on: August 17, 2013, 11:14:27 am »
@jmeangel

Hi sis, good thing is nagkaron na kayo ng direction ng hubby mo about what kind of support he needs from you -- as what you said, gusto nyang sumali ka sa mga trainings and seminars held by the company. Maybe add to that, he wants you to have a listening ears when he's excitedly sharing you his goals and business plans. Can you do that for him?

What's good naman about you is you didn't thwart your husband from doing what he wants. And willing ka rin talaga to support him in accordance to your strengths which is magbenta. Just what you pinpointed, nasa communication yung pagkukulang niyo, which can be improved naman.

Siguro before, something in your communication has made both of you to raise your guards/defenses from each other. Ayaw nyong tumanggap ng insights from each other, ginugwardyahan nyo yung mga beliefs ninyo, hanggang sa nagkaron na ng mga personal attacks, na siguro nagkasakitan na rin kayo.

Tama ka nasa communication talaga, and of course acceptance din kung anong kaya at hindi kayang gawin ng isa, pero siguro hindi lang nai-communicate yun ng maayos. Actually, parang maganda nga kung i-memerge nyo yung strengths ninyo eh.


cloudzy_09

  • Guest
Re: How should I respond?
« Reply #10 on: August 22, 2013, 05:27:42 pm »
MLM sa pag kakaintindi ko is networking.

Yung kuya ko is in to networking din and he became one of the top earner pero alam ko malaki din tampo niya sa amin kasi ni isa wala siya na invite sa family namin. Feeling niya hindi namin siya sino supportahan at hindi kami naniniwala sa ginagawa niya siguro ganon din nararamdaman ng hubby mo siyempre bilang partner in life niya he is expecting you to be his partner sa new adventure niya. E try mo lang yan MLM na yan pag hindi mo nagustuhan think of other way na ma fe feel niya na sinusu portahan mo siya sa new business niya.

jmeangeL

  • Guest
Re: How should I respond?
« Reply #11 on: August 23, 2013, 11:59:02 am »
@cloudzy_09, you hit the nail in the head... human nature to think of the closest person to you to give you the support that you need in your new adventure...

sumama ako sa kanya during a client meet-up and presentation... pero syempre, brief nya rin muna ako before the client para mas may alam na ako ng konti

naintindihan ko na ang ins at outs ng business nya, pero may konti pa rin akong takot... baby-steps pa rin ako while hubby is saying that if i don't own it, i wouldn't succeed

take the plunge na daw and swim as though your life depends on it... kain pa ko ng maraming lakas ng loob muna  ;D ;D ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close